Formerly on Zrythia Academy.
"We all know that you've been stressed for these past 2 months, so we talked about 'how about we will go out to have some fun.' And that's why, we decided to go to the real world."
"I beg to disagree, sir."
"Excuse me, Miss Zahra. Why do you disagree?"
"Nevermind. You may now continue, Sir."
×××
"Right. I forgot to tell you that Liam is getting weird."
"Oh, it's because I potion him."
×××
"Please welcome our living map for today, Zaxion Levesque."
×××
"You don't remember him, do you? He's our childhood bestfriend, you know. And his name isn't Khloe, it's Kleo."
×××
"I say to myself that even if they treat you like that, be thankful to the things they gave to you even if it's only a small piece. Be thankful that you have them because they're always by your side even though you don't feel it. Always remember that they're your family because blood is thicker than water, and that's why families exist."
×××
"Paano na lang kung bumalik ka na sa dati? Mamahalin mo pa rin ba ako gaya ng pagmamahal mo ngayon?"
"Silly. What do you mean if I will go back to the way I am? Ganito na ako, no. At kahit anong mangyari, mamahalin pa rin kita."
×××
"So you're the Zahra that I've been in love with when I was a child."
×××
Nakarating na kami dito sa Jovellar Underground River at hindi namin alam kung saan magsisimula. Sa sobrang lawak ba naman dito.
"Maybe we should start from down there. Baka nakadikit sa mga bato ang next clue," suhestyon ni Khaelie kaya tumango kami at pumunta sa baba.
Marami ngayon ang nandito kaya medyo mahihirapan kami hanapin 'yon.
Ilang minuto na rin nakalipas at hindi pa rin namin nahahanap ang clue. Grabe naman 'tong si Sir. Pinapahirapan pa kami. Ano naman kaya ang prize.
"It's not in here!" sigaw ni Jasper mula sa malayo kaya napabuntong hininga ako.
"It's not in here either!" sigaw naman ni Khaelie kaya pinatipon ko muna sila sa isang grupo.
"Guys, ilang bato na ang na-check natin pero wala pa rin. Maybe we should read the clue again," sabi naman ni Jasper kaya binigay ko naman sa kanila ang clue.
Binasa ulit namin 'yon ngunit wala talagang pumapasok sa isip namin.
"'Di ba may bunganga ang river?" tanong ni Payton kaya napatango ako. Oh, so that's why it says here that it has a mouth but it never talks.
"Baka nandoon sa bunganga? Or maybe, nandoon sa cave! May cave 'di ba dito?!" sabi niya pa na tila bang parang nakuha na niya kung saan tinutukoy ang clue.
"We will not find out unless we try it." Pumunta na kami sa taas at naglakad nanaman pababa papunta sa malapit na kweba. Sana mahanap na namin.
Habang naglalakbay kami ay parang may nararamdaman akong kakaiba. Ba't parang nararamdaman kong may mangyayaring masama?
Nagulat naman ako nang may bumulong sa akin. Ako ang na sa pinakahuli, papanong...
Nilingon ko naman 'yon at gulat naman ako nang makita ko si Liam. What is he doing here?!
"Anong ginagawa mo dito!?" pasigaw kong tanong kaya napahinto ang mga ka-grupo ko at napalingon sa amin. Bakas rin sa mukha nila ang gulat nang makita nila si Liam na nandito.
"Well, following you, of course. You might not know that something bad will happen to you," nakangiting sabi niya at inakbayan ako. Napairap naman ako at napahilot sa sentido.
Inalis ko ang pagkakaakbay niya sa akin at hinarap siya. "So iniwan mo ang mga ka-grupo mo?" tanong ko at napameywang.
Tumango naman siya. "Well, I think they don't need my help. So I just followed you, guys. Tara na, baka hindi niyo mahanap ang mga clues," sabi niya pa at inakbayan ulit ako. Napailing-iling naman ang mga ka-grupo ko at naunang maglakad.
Nilingon ko ulit si Liam at nakangiti siya. Anong balak nito?
Ilang minuto rin ang paglalakbay namin at nakarating na kami roon sa kweba. Sana mahanap na namin.
Tumalon kami mula sa bridge at naglakad papalapit sa kweba.
"Paano natin mahahanap ang clue, eh ang dilim sa loob?" nanghihinayang na sabi ni Payton.
"'Di ba may parang bangka dito? Hindi siya bangka talaga, 'yong parang sasakyan papunta sa kabilang bulsot," sabi ni Harris kaya napangiti ulit sila at dali-daling lumapit sa may kweba na may konting ilaw pa.
"Wala pa dito 'yong sasakyan natin, malamang na sa kabilang bulsutan pa 'yon kasi may sasakay pa. Hintayin na lang natin, mga ilang minuto lang- aw, 'yan na pala." Tiningnan naman namin 'yong mga flashlight na naglilitaw. Malamang, nandiyan na 'yong sasakyan.
Hinintay namin na makalapit 'yon sa amin at ang mga bumaba ay mga foreigners.
Medyo bata pa ang mga ito at paniguradong kasing edad lang namin ito.
"You're gonna ride it?" tanong ng isa sa kanila kaya nagkatinginan kami.
Tiningnan nila ako na parang ako ang kumausap sa kaniya kaya napasapo ako sa noo. "Uh, yes, Sir. We're here because we have a quest to finish. We need to find out next clue. It may be written on a paper or it's attached to a rock," nakangiting sabi ko kaya napatango sila.
"Oh, is it this one? We found this paper to that raft," sabi nitong maputing lalaki na sobrang kapal ng kilay na mas lalong nag-pa-pogi sa kaniya.
Teka, papel?
Binigay niya sa akin ang papel kaya napalapit ang mga ka-grupo ko sa akin at binasa 'yon.
'I have fresh air. And living things can live here.'
Wait, what? "I don't get it," sabi ko at nag-sang-ayon din sila. Sino ba naman ang makakaintindi niyan?
"May word na fresh air, eh. Baka sa taniman, may taniman ba dito?" sabi naman ni Payton. Well, yeah. May word na harvested, pero baka wala naman doon?
"We will not know unless we try it," sabi ni Jasper kaya tumango naman ako. Pero, saan dito ang pinakamalapit na farm?
Napalingon naman kami sa mga foreigners nang magsalita ito, "Maybe we can help you. We know which is the nearest farm here since we have a map." Pinakita niya sa amin ang mapa na hawak niya kaya napangiti kami.
"Let's go!" nakangiting sabi ni Khaelie at naunang maglakad. Sumunod naman kami ngunit medyo nahuli kami ni Liam at ang mga foreigners. Mabuti na nga lang hindi na nakaakbay sa akin si Liam.
"Uh, Miss. What's your name, by the way?" tanong nito. Ako ba? Wala naman akong ibang kasamang babae kaya ako nga.
"Uh, I'm Zahra," nakangiting sabi ko at nakipag-kamayan sa kanila.
Ngumiti naman sila at nagpakilala isa-isa, "I'm Harvey. This is Jessie. This is Achilles. This is Hendrix. And this is Noah."
Nginitian ko naman sila. "Nice to meet you. And thank you for helping us today."
Ngumiti rin si Harvey. "No problem. We want to have some fun too," sabi niya kaya tumango lang ako.
"Uh, right. Can we get your number?" sabi pa nito. Nag-a-alinlangan akong ibigay pero sa huli tumango na lang ako.
"Give me your-" Naputol ang sasabihin ko nang magsalita ang katabi ko na si Liam.
"No one can get my girlfriend's number except me," sabi niya kaya patago akong napatawa. Loko 'to. Number ko lang naman.
"Oh, you're her boyfriend. I thought she's single," nanghihinayang na sabi ni Harvey at napakamot sa kaniyang batok.
Ngumisi naman si Liam. "Well, she's not. Come on, we need to hurry because we're running out of time," sabi nito at inakbayan uli ako na kina-inis ko.
Nauna na kaming maglakad at nakasunod lang sa amin ang apat.