Pagkababa pa lang namin sa sasakyan ay umakyat na agad kami papaakyat. Medyo nagkatuwaan pa hanggang sa makaabot na kami sa simbahan. Paniguradong nandoon 'yon.
Nang pumasok na kami ay nagdasal muna kami ng sariling panalangin bago pa hanapin ang papel kung saan naroon ang next clue.
"Let's split up and find the next clue," bulong ko sa kanila kaya napatango sila atsaka kami nagkahiwalay.
Pumunta naman ako sa kada upuan ngunit wala naman maski isang papel na nakaupot doon.
Tiningnan ko naman ang mga kasama ngunit parang sila ay wala rin makalap.
"Did you found something?" tanong ko nang magkatipon-tipon uli kami. Ngunit umiling lang sila kaya napabuntong hininga kami.
Napahilot naman ako sa sentido ko. "But I'm sure that I'm right with my answer," bulong ko sa sarili ko dahil nafrustrate na rin ako nang makita ko ang mga itsura nila na parang wala sa simabahan na 'to.
"Guys..." Napalingon kami kay Noah at may hawak siyang cellphone na animong may binabasa siya doon.
Kunot noo ko siyang tiningnan at tinanong, "What is it?"
Binigay niya ang cellphone sa akin kaya nagsiksikan ang mga ka-grupo ko patungo sa akin at tiningnan din kung ano ang nabasa nila sa cellphone.
'What has roots as nobody sees? It's also taller than trees. Up up, it goes. Yet ut never grows- Mountain.'
So I was wrong?
"So wala dito dahil mali ang napuntaha natin?" takang tanong ni Payton kaya napasapo ako sa noo at napailing-iling. Gosh, I didn't know that I wasn't right!
"So... what will we do next? I mean, we went to the wrong place, the answer is mountain. Will we go to the nearest mountain?" sabi ni Noah kaya napatango ang lahat at nailabas ang hiningang kanina pang pinipigilan dahil sa katangahan ko.
"We just wasted our money. Great, now we have to go to the nearest mountain," biglang usal ni Achilles kaya napayuko ako dahil alam kong ako ang pinapatamaan niya dahil mali ang sagot na napuntahan namin ngayon at nasayang nga lang talaga ang pera nila.
Namutawi sa amin ang katahimikan kaya agad na akong nagsalita, "I'm sorry."
Napalingon naman silang lahat sa akin at nakita ko sa mga mata nila ang panghihinayang dahil wala dito ang next clue.
"I'll pay you after we go back to our camp site. But right now we need to go to Mount Mayon because it's the nearest mountain from here and we don't have much time to argue," sabi ko kaya napabuntong hininga sila at napatango.
Nagsilabasan na kami sa simbahan at ako naman ang nahuli.
"Are you okay?" Napalingon naman ako sa gilid ko nang may magsalita at napangiti na lang ako nang makita si Liam. Tumango naman ako dahil kapag umiling ako ay kukulitin ako nito at hindi na aako titigilan.
"Yes, I'm fine," nakangiting sagot ko at itinuon uli ang pansin sa pagbaba.
Narinig ko ang pagtunong ng dila niya at nagsalita, "Don't mind him. He's an a*shole."
Nilingon ko ulit siya kaya muli akong natawa ng makita ko ang itsura niyang nakasimangot.
"I should be the one who'll say that though. Don't mind him, and it's okay with me," nakangiting sabi ko. Natanaw ko na agad ang mga kaibigan namin na naghihintay sa baba at nagaabang ng masasakyan.
Nang makababa na kami ay nakisabay na rin kami sa pagaabang at ilang minuto ay nakakuha na agad kami ng masasakyan. Nang makasakay kami ay dating gawi ang pwesto namin. Na sa likod sila Millford, Khaelie, Payton, Flaire at Harris. Na sa harapan nila ang limang foreigners. At kaming apat nina Liam, Jasper, at Olivia.
Napabusangot ako dahil unang beses kong magkaroon ng mali pagdating sa mga mystery stuffs. I mean, atleast malapit na 'yong sagot na hill, right?
Napabuntong hininga ulit ako at umiling sa aking iniisip. Sinandal ko na lang ang aking ulo sa balikat ni Liam na siyang katabi ko. Naamoy ko na naman ang kaniyang pabango na napakasarap amuyin at singhutin. Inangat ko naman ang paningin ko at nakita ko si Liam na tulog na tulog kahit kakasakay pa lang namin dito.
Napangiti ako sa kawalan at napaisip: ang swerte ko sa lalaking 'to kahit nakainom lang siya ng potion na pwedeng ma-in love sa akin. Nakakalungkot lang na minahal niya lang ako dahil sa potion na 'yon. At kung babalik ang dating ugali niya ay baka magsisi ako na wala na akong planong patayin siya. Nakakatawa lang isipin na kung hindi lang siya na-potion, patay na kaya ako ngayon?
"Zahra, we're here." Nabalik na lang ang atensyon ko sa reyalidad nang magsalita si Jasper kaya napatango ako at ginising si Liam kahit na sa tabi niya lang din naman si Jasper.
"Liam, wake up. We're here," sabi ko sa kaniya at niyugyog pa siya ng bahagya kaya napamulat siya ng kaniyang mata at bahagyang nakangiti na nakatingin sa akin.
"You're so beautiful," mahinang bulong niya kaya napangiti na lang ako napailing-iling. Kahit kailan talaga, bolero.
Nauna na akong bumaba at nahuli siya. Nagkahiwalay ulit kami nang landas para hindi kami matagalan. Kahit si Liam ay hindi ko sinama. Time is precious nga naman kaya binilisan ko agad.
Pumunta naman ako sa parang AVR kung saan nag-s-screening sila tungkol sa nakaraang nangyari dito sa Bicol.
Inisa-isa ko naman ang mga upuan ngunit nabigo lang ako dahil wala kahit isang papel na nakadikit sa upuan. Pumunta na rin ako sa may maliit na stage at tiningnan kung meron doon na papel ngunit wala rin ako nakalap.
Napabuntong hiningang naglakad papunta sa pintuan ngunit gulat naman ako nang bumungad si Harvey.
"Uh, they said they're already hungry. We should eat first and continue this later," anito at napakamot pa sa batok. Tinanguan ko na lang siya at nauna nang lumabas.
Naramdaman kong papalapit na yabag niya ngunit pinabayaan ko na lang.
"About earlier..." Narinig ko pa siyang bumuntong hininga kaya nahawa tuloy ako. "I'm sorry about Achilles' attitude. He's like that... but he's kind though... once you get to know him," dagdag niya kaya napailing ako at tiningnan siya.
"Wala lang 'yon. I understand him. I mean, kahit na sa sitwasyon niya ako, ganoon rin ang sasabihin ko. Nasayang lang 'yong pera natin dahil mali 'yong sagot ko. But it's okay, I'll pay you, guys," nakangiting sabi ko at itinuon uli ang pansin sa paglalakad.
Narinig ko pa siyang bumuntong hininga kaya napailing-iling na lang ako inunahan na siya sa may mang inasal na malapit lang dito.
Pagkapasok ko pa lang ay nakita ko na silang nagkumpol-kumpulan kaya paniguradong nahanap na nila ang next clue.
"Zahra, this clue is pretty hard," ani Jasper na halata naman sa mukha ang pagkakalito.
Nakakumpulan na rin ako at binasa ang next clue.
'Many tourists go here because of its history. Once you go to this place, your eyes will be in glee.'
Uh-oh. Even me, I don't understand.
"Let's just eat first. I'm sure you're all hungry," sabi ko kaya nagsipagupuan na sila at nag-order ng pagkain.
Hinintay namin 'yon ng ilang minuto at dumating na nga ang mga order namin na sobrang dami dahil na rin sa gutom.