Nakasakay ulit kami sa van at dating pwesto ulit.
May ideya na rin ako tungkol sa clue ngunit 'di ako sigurado kung doon ba talaga.
"So, what's the answer to that riddle or if it is a riddle?" Halatang may sarkasmo sa tanong ni Achilles kaya napabuga ako ng hininga.
"I'm not sure... but I have an idea about the answer of it," sabi ko at tiningnan ang itsura nila sa salamin mula sa harapan. Nakita kong nakatingin sila sa akin.
"Cagsawa Ruins is the answer in my mind. Most of tourists go there because of its history though. And because of its landmark, the church, many people are curious of what happened to that historical church," mahabang lintanya ko. Nakita ko naman na napatango-tango sila at napahalukipkip.
"I've never been there before. Now I got curious of what it looks like," sabi naman ni Hendrix.
"Don't worry. It's a beautiful place," sagot ko naman sa kaniya at napasandal sa balikat ni Liam.
Nakaidlip ako at 'di ko namalayan na nandito na pala kami.
"Welcome to Cagsawa Ruins, guys," sabi ko habang pagbaba galing sa loob ng van.
Sariwang hangin ang agad na sumalubong sa akin kaya napangiti ako.
Hinintay ko naman ang mga iba at pumunta sa may gate kung saan bibili ng ticket para makapasok sa loob.
"Let's split up, I'm not yet sure if we can find it here. We better hurry," sabi ko naman at agad na nga naghiwalay ang mga lamdas namin. Maging si Liam ay nahiwalay sa akin at pumunta malapit sa may simbahan.
Ako naman ang pumunta sa may mga kiosks kung saan maraming tao na nagpapahinga at nagpi-picture.
Tiningnan ko 'yon isa-isa ngunit wala akong ibang nakitang nakadikit sa mga pillars kung 'di ang papel na may nakaprint na Clean As You Go (CLAYGO).
Napabuga ako ng hininga at napabalik malapit sa may gate kung saan kami magkikita-kita pagkatapos naming mahanap ang clue. Ngunit heto ako, (basang basa sa ulan~ chour, okay continue) naghihintay kung nakuha ba nila ang next clue.
Isa-isa na silang nagsibalikan ngunit nakabusangot na mukha lang ang dala-dala nila.
"Wala?" tanong ko at umiling naman sila. Napabuga ulit ako ng hangin. Eh, kung hindi dito matatagpuan ang next clue, kung gano'n?
"Wala kaming nakitang riddle sa papel o kung ano man lang. Pati nga 'yong mga damit chineck na namin isa-isa puros nakalagay ay 'Congratulations, you've won!'" sabi ni Jasper na animong ginagawa ang boses ng babae kapag may mga ganyang linya.
Ngunit natigilan ako nang marinig ko ulit sa isipan ko ang huling linya niya. Now, we've got it!
Dali-dali akong pumunta sa shop ng mga souvenirs at kinuha ang isang t-shirt doon at tama nga si Jasper. May nakalagay na 'congratulations, you've won' sa may parteng dibdib niyon.
Babalik na sana ako sa pwesto ng mga ka-grupo ko nang hinarangan ako ni kuyang guard.
"Ma'am, 'di niyo pa po 'yan nababayaran," aniya kaya nanlaki ang mata ako at napayuko. Naghingi naman ako ng paumanhin at sinabing nagmamadali kasi ako. Makakalimutin na talaga ako.
Pumunta naman ako agad sa counter at tinanong ang cashier, "Uh miss, magkano po 'to?" tanong ko dito habang turo ang t-shirt.
"200 lang po, ma'am," nakangiting aniya kaya napakapkap ako sa bulsa ngunit nakalimutan kong wala pala akong dala na wallet.
"Uh, hehe, miss, balikan ko na lang po muna. Tatawagin ko lang kaibigan ko," napapahiyang sabi ko at napayuko.
Gosh, Zahra, makakalimutin ka na talaga!
"Sure po, ma'am," sabi niya naman kaya napangiti ako at dali-daling lumabas at tinawag si Harvey.
"What is it? Did you find it?" nali-naling tanong nito kaya tumango ako.
Nakita ko naman sa mga mata niya ang saya na para bang bibigyan siya ng ice cream na 'yong favorite flavor niya kaya bahagya akong natawa.
"But we need to buy it first. I don't have money so can I please borrow 200 pesos first?" tanong ko habang nakangiti.
Ngumiti naman siya at agad na tumango. "Of course."
"Thank you," nakangiting ani ko at nauna na ng pumunta sa may counter.
Binayaran na namin 'yon at lumapit na sa mga masama namin.
"We got it!" masayang ani ko kaya inagaw na nila ang t-shirt at tiningnan ang nakalagay doon.
Nakakunot noo akong tiningnan nila at tinatanong ng mga mata nila kung ano naman doon sa damit.
"It means the quest is already done. We made it. We just need to give this to our teachers," nakangiting ani ko kaya bahagya na rin silang nagkatinginan at nagkatuwaan.
Sumakay na agad kami sa van para makabalik na sa camp site at hindi na rin sila makapaghintay pa dahil sa excitement.