Narito na kami ngayon sa baba at papaakyat pa lang kami sa bundok. Kasama pa rin namin ang mga foreigners dahil babayaran ko pa sila, syempre.
Ilang minuto na kaming nag-aakyat ngunit ramdam na agad namin ang pagod. Dahil na rin ata 'to sa ilang oras na byahe at lakad-lakad patungo sa iba't-ibang lugar dito sa Bicol.
"Let's rest first. Gosh, my stomach is rumbling," ani Payton at napaupo sa malaking bato. Tiningnan ko naman ang mga ka-grupo ko at nakatingin sila sa akin kaya sinenyasan ko na magpahinga na muna.
Halatang pagod na rin sila kaya napabuntong hininga ako dahil tagatak ang pawis ko at hindi na mabilang-bilang ang mga butil nito dahil sa sobrang init.
Ilang minutong pahinga namin ay tumuloy na ulit kami sa paglalakbay. Nakita na agad namin tuktok kaya tinakbo na agad namin 'yon.
Nang makataas na kaming tuluyan ay nakita namin sila Sir Khloe at Ma'am Alma na nagkw-kwentuhan habang nagkakape.
Dahil sa nagawa naming ingay dahil sa sobrang pag-hingal ay napalingon sila sa gawi namin at agad na sumilay sa kanilang mga mukha ang ngiti.
Pumalakpak naman sila at naglakad patungo sa kinaroroonan namin. "Congratulations, group 2. You're the first one who came."
Napalingon naman ako sa mga ka-grupo ko at agad ding sumilay sa mga mukha nila ang tuwa dahil natagumpayan namin ang quest na 'to.
"So... where's the t-shirt?" takang tanong ni Sir kaya agad kong ibinigay ang t-shirt na binili namin kanina na nagpalito sa aming lahat dahil sa print nito.
"Congratulations, you've really won," nakangiting ani Sir ngunit napakunot noo siya nang makita ang mga foreigners sa gilid ko.
Napakamot ako sa batok. "Hehe, Sir. Ito po pala mga naging kaibigan namin dahil sa quest na 'to. Tinulungan po nila kami," pag-e-explain ko sa kanila kaya napatango siya.
Napalingon kami kay Millton nang magsimulang magsalita ito, "So, sir... Ano po ang prize?" takang tanong niya kaya napabaling ulit ang atensyon namin kay Sir.
"Ah, of course. 10, 000 cash and an extra day to stay here to do whatever you want," nakangiting aniya kaya napatalon-talon ang iba sa tuwa.
Binigay naman sa akin ni Sir ang sobre na may lamang 10, 000 kaya napangiti ako at nilingon sina Harvey dahil may pambayad na ako sa ginastos nila.
"Wait a minute, bakit nandito 'tong si Liam sa grupo niyo?" takang tanong ni Sir kaya napatungo ako dahil nakalimutan kong sa ibang grupo pala 'to naka-assign.
"Uh, Sir. Tumakas kasi 'yan sa grupo niya," sagot ko at napakamot sa batok.
Napatango naman siya at muling sumulyap kay Ma'am Alma at kinausap ito.
Binaling ko ulit ang paningin ko kila Harvey at ngumiti. "I'm sorry again about earlier. Here's our payment," sabi ko naman at ibinigay sa kanila ang sobre.
Nagkatinginan naman sila maliban kay Achilles na malayo ang tingin.
"We can actually divide. The five thousand is ours and the other five is to you, guys," nakangiting aniya ngunit agad na rin akong napailing.
"No, no, it's oka-" Pinutol ni Noah ang sasabihin ko kaya napatikom ang bibig ko.
"It's fine. Sayang naman 'yong hirap niyo para hanapin lang ang mga clues na 'to," sabi niya kaya agad akong napangiti.
Binigay niya sa akin ang kalahati ng pera kaya nginitian ko sila. "Thank you for helping us. We really appreciate it."
"Well, we had fun so it's worth it!" sabi naman ni Hendrix kaya nginitian ko na lang ulit siya.
"Do you still want to stay here? Or you will go to your home now?" pagiiba ko sa usapan dahil napansin kong madali na rin lamunin ng dilim ang langit.
"Uh, yeah. We will not stay anymore 'cause its getting late and Achilles is getting mad again," natatawang aniya kaya natawa rin ako.
Nilingon ko ang mga ka-grupo ko at ngayon ko lang napansin na nandito na rin pala ang ibang grupo. Naabala lang ako sa pakikipag-usap sa mga foreigners kaya 'di ko namalayan.
Napansin kong ang karamihang babae ay nakatingin sa mga foreigners kaya napailing-iling ako at natawa.
"Guys, uuwi na raw sila!" sabi ko sa mga ka-grupo ko kaya dali-dali naman silang lumapit para makapag-paalam din sa kanila.
"We had fun with you, guys. Thanks for acompannying us. Take care," sabi naman ni Olivia kaya napangiti ito at napatango.
Nagpaalam na sila na uuwi na kaya kinawayan namin ulit sila na papababa na.
"Well, that was fun!" sabi ni Liam kaya nilingon ko naman siya at nakatingin pala siya sa akin.
Naningkit naman ang mga mata ko. "What?"
"Noting. I'm just happy. Who knew that you were willing to tell them that I'm your boyfriend," nakangiting aniya. Naalala ko na sinabi niya palang boyfriend ko siya kaya napailing-iling na lang ako at bahagyang natawa.
"Zrythians, come closer, please. We have to announce something first," narinig kong sabi ni Ma'am Alma kaya naglakad na kami patungo sa gawi nila.
"We forgot to announce that there's another prize to those who won. And that's the group 2. The other prize is, you will meet Vines. We already tackle about him, right? If you forgot, Vines is known for one of the most powerful student in Zrythia Academy year 1995. No one knows nor sees him yet in this generation as Vines so group 2, you're very lucky because you will meet him tonight." Narinig ko naman ang mga singhap ng mga estudyante at nagsimulang magbulungan. Nagkatinginan naman kaming mga ka-grupo ko dahil sa anunsyo ni Ma'am Alma at batid kong masaya sila dahil sa mga itsura nila.
×××
"Gosh, excited na akong makita si Sir Vines! Like, he has the greatest history of all! Ano kaya ang itsura niya, huhu. Siguro ang gwapo ano?" natutuwang ani Khaelie at nakatingala pa sa langit na para bang iniisip kung paano makikipag-usap kay Vines.
Napaisip na rin ako kung ano ang itsura niya. Natalakay rin namin ang tungkol sa kaniya at ka-hanga hanga talaga ang kaniyang mga ginawa noong taong 1995. Gaya na lang noong naka-produce siya ng sariling tornado, at halos masira na raw ang academy dahil doon. Nakakatawa pero nakakahanga.
Hindi namin kasama ngayon si Liam dahil mapaparusahan siya dahil tumakas siya sa kaniyang ka-grupo kaya kaming siyam lang ang nandito.
"Guys, be ready, paparating na raw si Sir Vines," ani Jasper na kakarating lang.
Tumayo na kami at inaabangan ang sinuman na paparating.
Bigla na lang may lumabas na pamilyar na bulto mula sa kadiliman ngunit mas lalo akong nagulat nang maliwanagan na siya ng ilaw mula sa light bulb at ilaw mula sa buwan.
Him?!
+++
I hope you enjoyed our update for today. And maybe tomorrow, I'll update the next chapter which is the "Chapter 6: The Mad Beast", since it's been 2 weeks since I updated? Well, it's because of the typhoon, like it's one typhoon after another typhoon after another and another. I hope you're all safe and have a good night.
You can comment one of your feedbacks to this chapter and you can also rate it! Adios!