Chapter 6: The Mad Beast

What is he doing here?!

Don't tell me that he's Vines!? No, no, no. Never. He will never be Vines. Tell me he isn't!

Ang maskulado nitong katawan at makinis nitong balat ang mas lalong nagpa-usbong ng galit ko.

Nang makalapit na ito nang tuluyan ay nakita ko na naman ang peklat niya sa may mata na mas lalo kong natandaan ang nakaraan.

Ythan.

"Good evening, students. I'm Ythan Nimedez also known as Vines. I'm glad to meet... you all." Naging mahina ang huling salita na sinabi niya nang makita ako na nakatayo lang habang tinataliman siya ng tingin.

Nakuyom ko ang kamao ko at naguunahan na naman ang mga luha ko dahil sa galit.

Napangisi siya nang makita ang itsura ko na parang nahuhulaan na niya na susuntukin ko siya.

"I wasn't expecting that you will be here, Zahra," nakangising aniya na mas lalong nagpagalit sa akin dahil narinig ko na naman ang kaniyang boses na palaging may sarkasmo.

"Ythan." Pinipigilan ko na ang galit ko dahil anumang oras ay baka mapatay ko na 'to. Kung wala lang talaga dito ang mga kasama ko ay baka nakahilatay na 'to sa baba kanina pa.

Nakita kong mga itsura ng ka-grupo ko: puno ng pagtataka ang kanilang mukha.

Naglakad naman si Ythan papalapit sa akin kaya napatindig ako ng ayos at hinarap din siya ng walang emosyon sa mukha kahit makikita sa aking mata ang galit.

"So, what are you doing here, Zahra?" Batid kong pinagdiinan niya talaga ang pangalan ko. Napangisi ulit siya ng hindi ako sumagot sa kaniyang tanong.

Narinig ko ang buntong hininga niya at hinarap niya ako ng seryosong mukha. "Let me ask you again. What are you doing here? You should be at Bicol University, but why are you here... with the students of Zrythia Academy?"

Napaangat naman ang gilid ng labi ko. "I should be the one to ask that, Ythan. And how did you even know that I'm studying at Bicol University? I didn't told you 'cause we're not close," nakangising sabi ko kahit pinipigilan ko na lang ang galit ko.

Bumalik na naman ang itsura niyang nakakairita. "Well, I am your prize though. I'm here because I'm Vines. One of the most powerful student in Zryhtia Academy year 1995. Well, I guess you're pretty lucky 'cause you now met all the powerful student in year 1995," nakangising aniya marahil pinagkadiinan pa ang salitang 'all'.

Ngunit natigilan naman ako ng marinig ko ulit 'yon sa aking isipan. "What do you mean?" Naningkit ang mga mata ko habang pinapanood ang bawat galaw niya.

Tumawa naman siya kaya mas lalo akong nagtaka. Tiningnan ko ulit ang mga kasama ko na nagtataka na rin sa mga nangyari.

"Well, you already forgot that Xavier is my friend. And your mom is my-" 'Di ko na siya pinatapos pa nang sinapak ko na siya.

Narinig ko ang mga singhap nang aking ka-grupo dahil sa aking ginawa. Galit na galit na talaga ako lalo nang natukoy niya ang aking ina.

"Don't you ever mention that my mom is your friend because she will never be your friend, you a*shole!" galit na sigaw ko at pinipigilan na ang sarili na hindi na maulit pa ang ginawa ko.

Natawa na naman siya at bigla na lang sumeryoso. "Are you angry because of what happened to your mom? I mean, I helped-" Sinapak ko na naman siya dahil hindi na ako makapag-pigil pa at nagsisimula na naman siya mag-kwento tungkol doon kahit wala siyang karapatan na sabihin 'yon.

"Like who the hell you are to say that!? You're the reason why my mom died! You're the reason why her heart attack. If it weren't for you, my mom is still alive!" sigaw ko mula at dinuro pa siya ngunit ang loko ay nakangisi lang.

"She had a heart attack? Oh, that's sad," kunwaring nalulungkot na aniya niya kaya sasapakin ko na sana siya nang hinuli na niya ang aking kamay.

"Your slap hurts. Stop slapping me. You might not like what I'll do to you," nakangising sabi niya kahit halata naman sa mga mata niya na galit na galit na talaga siya.

Binitawan na niya ako kaya nilayasan ko na sila at pumunta pabalik sa aking tent.