Napahikbi na ako nang tuluyan dahil hindi ko na talaga mapigilan.
Bumalik na naman sa aking alaala ang mga nangyari noon nang dumating ang demonyong 'yon sa buhay namin.
FLASHBACK
"Hello, my friend. How have you been?" Narinig kong tanong ng isang lalaking may baritonong boses na nagmumula sa baba.
Pumasok naman ako sa kwarto nila mama at papa para gisingin si mama dahil mukhang may bisita si papa.
"Mama, wake up. May tao po sa baba," sabi ko habang niyuyugyog ang katawan ni mama na na sa higaan.
Naggising naman siya at halatang pagod pa rin siya mula sa trabaho. Hindi ko alam kung anong trabaho ni mama ngunit lagi siyang umuuwing pagod. Si papa naman ay bihira lang umuwi kaya ang lagi kong kasama ay ang mga maids at si kuya.
Napakusot sa mata si mama at hinarap ako. "Why? Who's there?" tanong nito at bumangon.
Napakibit balikat ako. "I don't know po. Mukha na po siyang matanda."
Bumaba na ito kaya sinundan ko na lang siya habang tuluyan nang nakababa mula sa taas.
Nakita ko si Papa na may kausap na lalaki na kunot noong nakangiti. Ngunit halata sa mga ngiti na 'yon ay pilit. Hindi ko alam kung ano ang pinag-kw-kwentuhan nila kaya gano'n na lang ang itsura ng matanda.
Napatikhim si mama kaya napalingon ang dalawa sa amin. Tumayo naman si papa at humalik kay mama sa pisngi. Sumunod na rin ang matanda na nakangisi na nakatingin kay mama.
Pinagkunotan ko siya habang nakatingin lang ito kay mama na animong tuwang-tuwa.
"She's your wife?" tanong ng matanda kay papa habang nakatingin pa rin ito kay mama na nakangisi ngunit si mama ay walang emosyon na mababasa sa mukha.
Naglahad naman si mama ng kamay. "Zarina," anito kaya napangisi lalo ang matanda at tinanggap ang kamay ni Mama.
"Ythan," sagot nito na sa tingin ko ay pangalan niya.
Napabaling naman ang atensyon ng matanda sa akin kaya inosente ko siyang nilingon.
"And who do we have here?" tanong nito at naramdaman ko ang paghawak ni mama sa aking balikat at pinaatras.
"She's my daughter," sagot naman ni mama kaya napatango lang siya at ibinaling ulit ang atensyon kay mama.
"So, I wasn't expecting that you're here, Star." Kunot noo ko namang tiningnan si mama nang sabihin nang matanda ang salitang 'Star' na parang pangalan lang din naman.
Napangisi si mama. "Star, huh? Still haven't forgot what happened years ago?" tanong nito marahil matagal na niya itong kakilala dahil sa pananalita nito.
Nabaling naman ang atensyon ko kay papa na ngayon ay nakakunot na ang noo habang palipat-lipat ang atensyon sa kanilang dalawa.
"How can I even forgot that you're one of the strongest and bravest woman that I've met?" tanong nito habang patalim na ng patalim na ang mga titig nito kay mama at si mama naman ngayon ang nakangisi.
"Oh, now I remembered where that Star name came from. It came from my friend, Talia which is also known as Rain," sabi ni mama na hindi ko alam kung ako lang ba ang nakapansin o pinagkadiinan talaga ni mama ang salitang Talia. Ngunit natandaan ko na may Tita ako na kaibigan lang talaga ni mama na pangalan ay Talia na ngayo'y may dalawang anak na kay Tito Keiffer na nakilala niya noong kolehiyo sila.
Tiningnan ko naman ang matanda na ngayon ay seryoso na ang mukha.
"Where is she now?" tanong nito ngunit natawa lang si mama ng mapakla.
Gulong gulo ako sa mga pinaguusapan nila. Hindi ko alam kung magkakilala ba sila o sadyang nag-t-tripan lang. Ano ba 'yan. Nakakalito naman sila.
Naramdaman kong may humawak sa kamay ko kaya napalingon ako kung sino 'yon. Si papa.
Binulungan niya ako, "Go to your room first. We will just talk." Tumango na lang ako at pumunta na sa taas.
Dumeretso ako sa kwarto ko para pagiisipan ang mga sinasabi nila. Gulong gulo ako dahil hindi ko sila maintindihan.
END OF FLASHBACK
Ngayon, alam ko na kung bakit ganoon na lang ang pakikitungo ni mama kay Ythan. Alam ko na kung bakit galit na galit si mama doon kay Ythan.
Hinding hindi ko talaga siya mapapatawad dahil matapos kong magmuni-muni noon sa kwarto ay may narinig akong kalabog kaya napababa ako mula sa kwarto at kitang kita ko kung paano niya tiningnan si mama na inaatake sa puso at hindi ko rin makita kung saan si papa doon.
Ipaparanas ko rin sa 'yo kung ano ang pakiramdam noon, Ythan.
+++
I hope you enjoyed our update for today. I hope you're all safe and have a good day.
You can comment one of your feedbacks to this chapter and you can also rate it! Adios!