Dear Diary,
Hinatid ako ni mama sa school kanina, iyak ako ng iyak kasi iiwanan niya ako eh ang higpit pa naman ng hawak ko sa damit niyang walwal. 'Tas kinurot niya lang ako sa bewang kaya nakaalis siya. Di naman talaga dapat ako iiyak eh, naiyak lang kasi ako dahil sa mga kasama ko dun sa school.
Puro kasi sila naiyak tas sigaw ng sigaw ng, "Mama!", kaya nakisama na rin ako. Pero mas lalo lang akong naiyak dahil sa teacher ko, pinapagalitan kasi ako eh. Wag daw ako iiyak. Panong di ako iiyak eh iniwan nga ako ni mama! Nakakainis siya! Di niya ata ako maintindihan!
Ayaw kong umalis si mama! Gusto kong sumama sa kanya sa palengke! Ayaw kong maiwan don eh.
Pero ang saya pala sa school. Ayaw ko lang 'yong magpapakilala sa unahan lahat kasi sila nakatingin sa akin eh. Siguro sobra silang nagagandahan sakin tsaka may gwapo rin doon. Crush ko ata siya eh.
Teka nga... ano ang crush? Bat bigla ko 'yon naisip? Tatanungin ko na lang si mama mamaya pagkatapos niya maglaba. Aalis na muna ako diary, babye!