Kabanata 1.3

Dear Diary,

Naiinis ako. Hanggang ngayon crush ko pa rin si Troy tas tawa pa siya ng tawa sa likod ko eh may ginagawa ako nun. May binigay kasi sa amin si teacher na gagawin sa papel namin, naiistorbo tuloy ako.

Tawa siya ng tawa nun tas ako lingon ng lingon sa kanya. Inaasar pa naman ako ng mga kaklase kong nasa tapat ko. Sabi nila kanina, "Si Troy oh nakatingin", tas tatawa pa sila niyan. Pag lumilingon pa naman ako ngumingiti ako sa kanya pero pinagtatawanan niya lang ako.

Tas kanina habang busy ako sa pagsusulat, lumapita yan sakin si Troy. Tinanong kung crush ko ba raw siya sabi ko oo, tas nairita ako kasi ang sabi niya sakin, "Di kita crush, si Camille crush ko", eh pake ko kung crush niya si Camille? Hindi naman ako mamamatay kung crush niya yon ano.

Tsaka pano ba niya nalaman na crush ko siya? Hindi naman siya magtatanong sa akin kung walang nagsabi sa kanya diba? Baka yung masungit kong kaklase na lagi akong inaasar kay Troy.

Ah ewan! Nakakainis masyado, nagsabi akong wag sasabihin kay Troy pero sasabihin nila? Pero at least napatawa ko si Troy dahil sa malakas ko na pag-burp. Tsaka di na rin ako umiiyak! Ayos na sa akin na iwan ni mama hihi.

Babye diary! Matutulog na ako.