Dear Diary,
Malapit na daw matapos ang school pero sabi ni mama babalik ulit ako sa kinder. Bat di ko napansin ang oras? Eh lagi naman akong tumitingin sa relo na nakasabit sa school. Pero ang saya kanina! Kasi naglaro kami, nakalimutan ko nga lang kung ano 'yon pero di na ako nakipaglaro nung ako na ang taya.
Tatayo kasi ako sa gitna habang pinapalibutan nila, eh ayaw ko non kaya tumakbo ako dun sa may paso para makatago kasi hinahabol nila ako. Eh sabi ko ayaw ko kaya tumakbo ako kanina sa loob ng room. Akala ko susundan nila ako pero di pala, kaya umistambay na lang ako sa school.
Aalis na nga pala si Troy, hay. Magg-grade 1 na kasi siya tas ako maiiwan dito. Gusto ko na rin mag-grade 1! Pero sabi ni teacher tas ni mama wala pa raw ako sa tamang edad. Eh bat ako pinagschool kung wala pa ako sa edad?
Hay nakakainis naman sila. Pero gabing-gabi na ngayon tas ngayon lang ako nagsusulat eh kasi nag-away sina mama tas papa kanina. Di ko maintindihan ang pinagaawayan nila, 'yong kapatid ko naman iyak ng iyak tas ako nakatayo lang dun kanina nakatingin sa kanila.
Babyena diary, yan lang muna ikuwento ko sayo kasi baka mahuli ako nina mama na gising pa.