Kabanata 9

Dear Diary,

Ang hirap naman maging plastic na tao, di mo na kasi namamalayan na parang nagiging totoo na pakikitungo mo sa kanya. Na kapag nabalitaan mong aalis na siya at mag-aaral sa Manila ay di mo mapigilan sarili mong makaramdam ng panghihinayang.

Napapaisip ka kung bakit hindi na lang siya dito sa school mag-aral? Tutal ay malaki ang chansang hindi mo na magiging kaklase ang mga schoolmates mo sa middle school, bakit di na lang siya dito mag-college? Hindi ba enough 'yong kakornihan ko para mag-stay siya?

'Yong lagi ko kasing kausap sa classroom, di ko siya matawag-tawag na kaibigan dahil baka hindi mutual ang feelings namin. Malay ko ba kung napipilitan lang siyang makipag-usap sa akin dahil wala ako masyadong kausap sa section namin, diba?

Gusto ko kasi marinig mismo sa bibig nila 'yong totoo. Nagc-cringe rin pati ako kapag tinatanong ko sila kung kaibigan ba nila ako or hindi, tas sasagutin nila ng, "Oo, kaibigan ka namin". Pero papasok sa isip ko na, bakit nung time na tinanong ko sila saka lang nila nasabing kaibigan nila ako?

I mean, this is so dramatic pero alam mo 'yon? Maganda kasi sa feeling kapag sila mismo ang naunang nagsabi non or out of nowhere bigla nila 'yon sasabihin, mga ganoon na bagay. Ang arte man pakinggan, ang arte man sa paningin ng iba, pakiramdam ko kasi ay 'yon lang ang makakabigay ng panatag na loob sa akin.

Ayaw ko kasing maulit 'yong dati. 'Yong akala mo kaibigan mo sila pero ang totoo, ginagamit lang nila pagkakaibigan ninyo para kapag may nasabi kang mali o kaya ay i-describe mo kung ano ang pinapakita ng tao sayo, sasabihin niya sa iba. At kapag nakarating iyon sa taong pinaguusapan ninyo ng "kaibigan" mo, sasabihan ka na naman ng naninira ng tao.

Hindi ko pa pala 'yon sayo nakukwento diary. May isa kasi na nag-stay sa tabi ko, tapos tinatanong ako lagi about sa mga kaklase namin. Tapos kapag dinedescribe ko kung ano ang pinapakita ng taong topic namin, 'yon ang lumalabas sa bibig ko.

Best friend niya raw ako, pero di lang ako ang best friend niya. Nagmistulang spy siya ng totoo niyang best friend para ireport lagi ng best friend niya doon sa mga kaklase namin ang mga pinagsasabi ko. Di ko alam, dinadagdagan pa pala ng best friend niya 'yong mga detalye kaya mas lalo akong napapasama.

But anyway, ginagawa ko naman na pinaparatang nila sakin diba? Na maninira ako ng tao? Mukha namang satisfied sila. Mas magiging satisfied na lang din ako kapag nakaalis na ako dito sa school. Lilipat din ako eh. Sa iba ako magc-college. 'Di ko lang alam kung saan.

Pero nagkakatuwaan kami kanina bago matapos ang school, naguusap-usap kasi kami tungkol sa mga crushes namin. Sinabi ko na lang sa kanila 'yong totoo kong crush, malalaman din kasi nila agad kung sino ang gusto ko dahil sa di ko kayang kontrolin ang emosyon ko.

Hindi ko rin naman pwedeng sabihin na iba ang crush ko dahil minsan nahuhuli nila akong nakatingin sa totoo kong crush. Ang hirap kasi kapag chismosa masyado ang tao, nangangati ang dila pati bibig kapag nakatikom. Parang allergy, hindi mawawala ang pagaatake nito kapag hindi nakainom ng gamot.

Tsaka, hindi naman big deal ang pagkagusto ko doon sa lalake. As far as I have realized, noong first year ko pa 'yon crush. Ang nakakatawa pa ay kapangalan ng crush ko noong kinder. Ang buong pangalan ng Troy na tinutukoy ko ay Troy Montenegro.

Well, gwapo siya. Matangkad, maputi, chestnut brown ang mata, mahahaba ang pilikmata. Tapos ang nipis at pinkish ng lips niya. Kutis mayaman. Hindi naman makinis ang balat, pero flawless ang mukha. Wala kang makikitang dark circles sa mga mata niya kasi responsable siyang tao.

Ang kinahahangaan ko pa sa kanya ay matalino siya kahit na napapabarkada. Hindi ko alam kung may mga taong katulad niya na ang way ng pakikinig sa loob ng classroom ay ang pagtulog. I mean, posible kaya 'yon? Well, obvious naman na posible dahil pinatunayan niya 'yon sa mga mata ko pero nakakamangha pa rin siya.

Kaya nga wala talaga akong chance sa kanya, kasi lahat ng nagiging girlfriend niya ay maganda na, matalino pa. Samantalang ako, di na nga nakakapag-focus sa tinuturo ng teacher sa unahan, bagsak pa sa lahat ng subjects.

Tinatry ko naman eh, para maging proud siya. Pero nakakatamad. I mean, hindi ba pwedeng kapag crush mo 'yong tao ay crush mo lang dapat at hindi magiging obligasyon iyon na maging inspired ka sa pag-aaral? Ako lang ba ang ganito?

Kahit na gustong-gusto ko siya, hindi ko pa rin magawang maging inspired dahil nakakatamad. And I don't understand and see that kind of logic whereas girls getting inspired just because of a guy. Ganyan ba dapat kapag nagkaka-crush? Kasi ako tinatamad talaga akong gawin siyang inspirasyon sa buhay ko.

Crush ko siya. 'Yon lang 'yon. Wala ng iba.

Kahit nga sandamakmak pa ang crush ko, never sila nakapagpa-inspire sa akin para maging okay sa school. Eh sa nakikita ko ngayon, parang dapat sila ang gumawa ng paraan para maging inspired ang mga kagaya ko.

Pero biro lang, hindi naman sila sinuswelduhan para maging ganon. Pero sana nga may ganyan, para naman may pera ako pambayad sa tuition fee ko. Lol.

Nakakainis kasi eh. Minsan kasi napapaisip ako, ako lang ba ang ganito kapag may nagugustuhan na lalake? 'Yong tinatamad ka na magka-crush sa kanya kasi nalaman na niyang crush mo siya.

Pero may aaminin ako, natakot ako at medyo kinabahan noong nabalitaan kong mag-aaral siya sa Singapore. May mga pumunta kasi sa school para mag-conduct ng seminar sa aming incoming graduates. May mga galing America, China, Singapore, at 'yong iba ay mga taga-FEU, ADMU, La Salle at madami pa na sikat na eskwelahan sa Manila.

Eh kaunti lang natira sa classroom namin noon kasi halos lahat ay gusto pumunta sa seminar para wala kaming klase, kaya ang ending, hindi na nagturo ang teacher namin kasi karamihan sa kanila ay nag-attend ng seminar. Kaming mga walang balak umalis dito sa lugar namin, naiwan sa classroom.

Pero noong papalabas siya sa classroom, titig na titig ako kay Troy. Kasi may balak siyang umalis ng bansa, paano ako?

Char. Akala mo naman girlfriend ako noh?

Pero kinakabahan talaga ako eh, buti na lang nasa tabi ko si Anna. Sinasabi ko talaga sa kanya kung ano nararamdaman ko na hindi naman dapat kasi baka ikuwento niya sa mga ka-close niya tapos ako na naman ang mapapahiya.

Pero no choice ako, 'di ko na kasi kinaya kaya nailabas ko na totoo kong nararamdaman. Tsaka ang nakakatawa pa na sinabi niya sa akin, in love na raw ako at hindi na raw simpleng crush ito.

Ako naman napa-huh lang kasi diba, kapag in love ka parang crush lang din, dapat inspired ka sa lahat ng bagay. Eh bakit lagi akong tinatamad kapag nakikita ko siya? Bakit tinatamad na akong magka-crush sa kanya noong malaman kong alam na niya ang nararamdaman ko para sa kanya dahil sa chismosa kong kaklase?

Hay ewan! Ang gulo naman masyado. Basta, hindi ko pa rin matatanggap na aalis si Troy ng bansa at in love ako sa kanya. Hmp!