Dear Diary,
Bakit kapag nagkaka-crush ang isang tao ay lagi na nilang sinasabi na, "Magm-move on na ako"? Kasi ganyan na rin ako eh, at ganyan na rin ang sinasabi sa akin ni Anna. Nagch-chat kasi kami kanina, by the way Sabado ngayon kaya walang pasok, tapos sabi niya mag-move on na raw ako.
Eh ako napa-what kasi hindi ko naman naging boyfriend 'yong tao pero kailangan kong mag-move on? Loka-loka na ba siya? Crush lang naman kasi ang nararamdaman ko eh, hind love.
Just because I got scared, nervous, and anxious about Troy leaving the country doesn't mean I am in love with him. Ni hindi ko nga 'yon kilala ng lubusan, never kami nagkaroon ng heart-to-heart talk kasi wala siyang balak makipagusap sa akin tapos love ko na siya?
Awit.
Kasi naman, hindi ko talaga ma-take na love ko na siya. Like seriously? Ganito ba ang kalalabasan ng pagkakaroon ng long-time crush? Eh crush ko lang naman siya noong first year! Tapos tinatakot pa ako ni Anna na hindi mawawala feelings ko para kay Troy hangga't hindi ako mag-move on.
Pero mas effective raw na umamin ako, suggestion 'yan ni Lily, 'yong chismosa kong nakakausap sa school. Kaya lang kinontra 'yon ni Anna, kasi may girlfriend daw 'yong tao tapos aamin daw ako. Magmumukha raw akong hipokrita.
Tama siya, at ayaw ko ngang masampal ng girlfriend niya ano. Ayaw ko ng gulo, pero dinedemonyo talaga ako ni Lily eh. Nakukumbinsi na kasi akong umamin kay Troy. Kaya hindi ko ipapaalam kay Anna na sa 1-week Retreat namin, aaminin ko na feelings ko sa kanya.
Pero parang mas romantic kung sa JS Prom ako aamin.
Kaya lang baka masapak ako ng girlfriend niya. Isa pa, kailangan may date kapag aattend ng Prom. Malamang date niya girlfriend niya, samantalang ako hindi makakapunta kasi wala nga pala kaming budget para doon.
Kaya sa Retreat na lang namin ako aamin. At least solo ko siya.
Wait, yuck! Kadiri. Kailangan kong pagsabihan ang isipan ko, masyadong maharot.
Corvina, confessing your feelings to Troy is the key to moving on. Kaya wag kang maharot dahil ginagawa mo lang ito para makapag-move on.
Pero hindi ko pa rin talaga maintindihan kung bakit kailangang umamin at mag-move on eh crush lang naman ito.
Hay. Ang saya-saya ko na nga sa pagsusulat dito tapos mag-iingay na naman sila? Hindi na ba matatapos ang pag-aawayan nila? Ano kaya kung magsumbong na ako kay sir Raffy, para naman matapos na?
Kaya lang baka magalit si mama, ayaw kasi niya eh. At hindi ko alam kung bakit.
Pero tinatamad na akong magsulat, matutulog na lang ako.