Dear Diary,
Intrams na namin ngayon at kakauwi ko lang galing school. Nagtaka rin nga si Anna kasi parang iba raw ang timeframe na mayroon ang eskwelahan. Pinaliwanag ko sa kanya kanina na laging una ang retreat bago ang intrams. Noong una it doesn't made sense to her pero noong pinaliwanag ko ng mas maayos sa kanya na ang vision ng school which is, "After all the dramas, students deserve all the fun and joy they need", saka niya niya naintindihan.
Tsaka sinabi ko na rin sa kanya na may last na retreat pa, 'yon nga lang ay 1 week and 5 days, at after graduation iyon magaganap. Kaya bago mo makuha ang iyong diploma, kailangan mo munang sumama sa last event ng school.
Pinaliwanag ko na rin sa kanya na ayaw ng school mangyare ang tour before graduation dahil marami raw ang namamatay. And I agree sa naging desisyon nila, gastos nga lang ulit 'yon pero at least bago kami tumapak sa College Life, ma-experience namin ang High School Life for the last time.
Anyway, hindi iyon ang main story ko today. Kanina kasi habang nagkakatuwaan ang iba na mag-volleyball, nakinood ako kasama si Anna at Lily. Wala kasi kaming magawa eh. Di rin ako sumali sa kahit na anong sports dahil wala akong gana. Masyadong boring na ang sports para sa akin ngayon.
So ayon nga, nanonood kami ng volleyball. Kalaban ng team namin ang Red Dragons, medyo natatalo kami kasi nasa bench pa rin si crush hindi pa pinapalaro ni coach. Nakakairita diba? Kasi imbes na ipasok na si crush sa court eh binebench lang, nakakainis! Kaya nga ako pumuntang court kasi para mapanood si Troy tapos biglang ganoon ang maaabutan ko?
Hays! Kung ako ang coach malamang nakikita na ng marami kung gaano kagaling maglaro ng volleyball ang baby ko. Ang mga katulad ni Troy, dapat hindi tinatago. Sayang ng talent niya. Gifted pa naman siya. Matalino na nga, magaling pa maglaro ng volleyball. Kaya nagtataka talaga ako kung bakit hindi siya sumali sa volleyball team ng school.
Hay. Kung close lang kami baka alam ko na ang dahilan kung bakit ayaw niya sumali. Kaya lang tinatamad akong kausapin siya, tsaka mahiya naman ako ano. Kalat na sa room na crush ko siya, kapag triny ko pang maging close sa kanya baka ako pa ang dahilan ng pag-aaway nilang dalawa ng girlfriend niya, maagaw ko pa sa kanya si Troy.
Pero joke lang noh. Hindi naman ako ganoon na klaseng babae, papatol sa may nagmamay-ari na. 'Di ako cheap katulad ng kabit ng magaling kong ama.
Pero totoo naman na baka ako maging simula ng away nila, ako pa masisi kung bakit maghiwalay man ang dalawa dahil lang sa kagustuhan kong maging close sa kanya. Crush ko si Troy pero kung hindi man niya ako magawang tapunan ng tingin if ever maghiwalay sila ng girlfriend niya haharang ako para makita ng mga mata niya.
Char! Pero tatanggapin ko ang katotohanang, hanggang crush lang talaga ako sa kanya. Hanggang tingin na lang ako at hanggang pangarap na lang na magkagusto rin siya sa akin. Ang hirap naman magka-crush ng matagal sa taong kahit kailan 'di ka magawang lingunin dahil hindi ka naman kaintere-interesado sa paningin at sa buhay niya.
Ang drama ko na naman. Itigil ko na nga 'to, kahit naman anong sulat ko sa diary tungkol sa kanya ay walang magbabago. Kahit mabasa pa niya ang laman ng diary ko, hinding-hindi mapipili ng puso niyang magkagusto sa isang tulad ko.