Dear Diary,
It's final.
Sa araw ng graduation, aamin ako sa kanya. Advise kasi sa akin ni Lily at Anna na umamin sa graduation day, pero ang hindi nila alam, sa JS Prom namin ako aamin. I just need to find a way para hindi makita ng girlfriend ni Troy na kausap ko ang boyfriend niya.
Balita ko kasi nakaabot na sa kanya ang balitang may gusto ako sa boyfriend niya and boy she's not okay with that, I mean who wouldn't right? I mean, wala naman masamang magkagusto sa isang taong taken na basta ba kalimutan mo AGAD ang feelings mo. Ang kaso, nalaman ng girlfriend na matagal ko ng crush si Troy.
Siyempre babae ako, alam ko ang nararamdaman at iniisip niya, at ang pumapasok sa utak niya ay baka malandi akong babae at aagawin si Troy sa kanya. Like duh! Anong tingin niya sa akin isang cheap na babaeng walang pinag-aralan samantalang nag-aaral pa ako?
Duh! Alam ko kung saan ako lulugar, hindi ako katulad ng ibang babae diyan na 'di alam ang mga salitang WOMEN EMPOWERMENT. Kaya 'pag ako pinagbintangan niyang mang-aagaw at malanding babae, huh! Ihanda na niya pera niya pampa-ospital dahil wala akong pakealam sa magiging consequence ng actions ko kung sakali mang magkaroon ng away sa school at involved ako doon.
Kaya nga 'di na lang ako aamin kahit pa gustong-gusto ko na sabihin kay Troy feelings ko. Pero kung ganito lang naman ang magiging resulta, ang ikalat ng mga chismosa na malandi ako at mang-aagaw oras na makita ako ng mga 'yon na kausap si Troy, wag na lang. Hindi na ako aamin.
Isa pa, mukha namang walang pakealam si Troy kung may magka-crush sa kanya kasi sa nakikita ko ngayon, happy siya sa girlfriend niya. At mukhang wala na siyang hihilingin pang iba. I'm never a relationship-breaker, so if they start accusing me of something I didn't even do, hell will loose.
Nakakainis na araw na 'to, dapat talaga hindi na lang ako pumasok kanina kahit pa galit na galit na si mudra kakagising sa akin kasi nakikita niyang wala na naman akong balak pumasok sa school. Ilang araw na rin kasi akong absent kaya natatakot na rin si mudra baka hindi ako makasama sa graduation rites.
Sa school kasi, Freshmen to Juniors ayos lang na maka-100 days ka pang pag-absent kasi wala naman 'yan sa pagpasok mo eh. Ang tinitingnan ng school namin ay kung paano mo maipapasa ang mga exams kahit na puro ka absent. Parang, if you want to do that you're gonna have to be resourceful as a detective.
Ikaw ang gumawa ng paraan para matugunan ang mga na-miss na short-term and long-term exams, and other projects. 'Yon nga lang ay hindi pinapayagan ng school ang mga teachers na bigyan ka ng extra activities para madagdagan mga nabawas sa grades mo.
Pero kapag naabot mo na ang Senior year, bawal ng lumampas ng 10 days ang absent mo dahil kapag nangyare iyon, balik Senior ka. Mas-stuck ka sa high school hanggang sa magbago ka.
That's how our school wants to teach the students. Kaya nga wala pa rin nagbabalak na mag-absent sa Freshmen hanggang Juniors dahil alam nilang walang pandagdag sa grades nila oras na umabsent sila.
Except me. Kasi ako andami ko ng absent magmula 1st year high school up to now. Well, nakakabawi naman ako sa mga exams, sinisiguro ko lang na mas mataas ang scores ko kaysa sa mga kaklase ko. And I always succeed kaya kahit absent ako ng absent, mataas pa rin ang grades ko.
Then again, I am always absent this Senior year which means kasama na sa deduction ng grades ang attendance. Kaya kapag nakipag-away pa ako sa girlfriend ni Troy kapag nalaman kong inakusahan akong malandi at naninira ng relasyon, wala na akong pakealam kung umulit man ako ng high school.
Wala namang masama sa pag-uulit ng high school, ang masama ay 'yong mga taong tinitingnan as degradable ang taong umulit ng kahit isang taon lang.
They are the toxic people. Hypocritical human being. Mga judgemental. Akala mo mga perpektong walang nagawang mali sa katawan.