Kabanata 16

Dear Diary,

Umiyak ako sa loob ng kwarto after namin mag-celebrate sa labas. Graduation day namin ngayon, busy ako kaya hindi na talaga ako nakakapagsulat araw-araw 'di katulad noon kaya pasensya ka na diary. Nakakalungkot kasi, kasi kahit na pinagsabihan niya ako noong JS Prom namin, gusto ko pa rin umamin sa kanya.

Gusto ko pa rin malaman niya ang totoo kong nararamdaman kahit na masakit ang magiging resulta sa gagawin kong 'yon. Iba pa rin kasi sa feeling 'yong ikaw mismo ang nagsabi at hindi ang iba. Kasi naranasan ko na 'yon. Umamin ako sa isang lalake noong 2nd year ako tapos naka-move on din ako agad bago magsimula ang 3rd year journey namin.

Hindi ko na nagawang umamin pa kasi nabalitaan kong nakarating sa kanya ang news na may plano akong ganoon right after the graduation ceremony. Pero bakit hindi nakarating sa kanya ang balitang wala na talaga akong balak ipagpatuloy ang plano ko? Nakakainis kasi ng Lily, magkakalat na nga lang ng chismis kulang-kulang pa na impormasyon.

Nakapagpaalam na ako kay Anna bago pa man sila lumipad ng pamilya niya papuntang America. Magm-migrate na kasi sila doon kaya malabo ng makapag-gala pa kaming dalawa. Si Lily naman 'di ko na nahagilap. Kahit naman nagp-plastikan kaming dalawa eh feeling ko kailangan ko pa rin magpaalam sa kanya.

Kasama ko family ko habang hinahanap ko that time si Troy. Nakita ko nga siya pero sadly, papaalis na ng hotel. Sa hotel kasi ginanap ang event, maganda sana 'yong venue. Ginawa kasing romantic theme ng hotel para mas ganahan kami today. Kaya sobrang ganda sana ng mood para sa mga taong katulad kong may planong umamin.

Nandidiri ba sa akin si Troy? Am I creepy? Weird? Or plain disappointment, not just to my family but also to my gender?

Lalake kasi dapat ang umaamin at naghahabol, hindi ang babae. Pero hindi naman ito paghahabol eh. Masama na bang isiwalat ang nararamdaman sa taong tinitibok ng puso mo? Masama na bang iinform 'yong tao? Masama bang mag-share ng feelings?

Kasi kung oo, sana nilagay nila sa law ng love para naman alam naming mga beginners, diba?

Habang nagc-celebrate kami kanina sa isang restaurant sa mall ay wala talaga ako sa mood makipagusap sa mga relatives kong halos sinakop ang buong resto sa dami nila. May celebration din na nagaganap sa bahay pero 'di ako lumalabas para batiin sila.

Call me ill-mannered pero wala talaga ako sa mood. It's as if I'm falling into the deep abyss of pain and regret. Letting me feel so down to the point I want to shut the world out and just be alone forever.

Nothing will change, I'm not obliging him to return back my feelings or whatever, I just want him to listen to me. That's only my request.

Then again, he has the right to turn down my request, it's his choice after all. If he doesn't want to listen, then I should respect that.

Hay. I just hope that right after college starts, I'm over him by this summer.