Kabanata 17.0

Dear Diary,

Because of financial issues, I decided to look for a job that suits my age, potential, and ability. It's summer already and I'm applying for a job. The school is already on its way but probably I'm gonna be late since I wasn't qualified in the university that I wanted to study. That's too bad right?

We don't have enough money to let me study in a private university so my mom pushed me to enroll in a public school. That's better though, less stress, so what I have to do is finish this job searching and focus on it first. Like I said, we don't have enough money in our pockets even if my heck-of-a-father is an engineer.

Wala siyang utang na loob kay mama. Kung hindi dahil sa pagpupush ni mama sa kanya na ipagpatuloy ang pag-aaral, sa mga pag-uutang para lang makapag-OJT siya sa ibang bansa dahil mas malaki ang chansang matanggap siya agad kapag nag-apply siya rito, hindi iyon mangyayare kung 'di dahil sa mudra ko. Tapos ganito lang gagawin niya sa amin? Gigipitin kami?

Mabuti na lang at nagta-trabaho na ang kambal. Si Cedric ay isang Supervisor sa malaking Entertainment company dito sa bansa, while Cabin Crew naman si Cynthia sa Qatar Airlines. Habang ako ay tatapusin pa ang kursong Journalism dahil hilig ko talaga ang magsulat.

Hilig ko nga pero tinatamad ako sa mga araw na ito. Nawawala na pati passion ko at 'yong magandang energy every time na nagsusulat ako. In short, nawawalan na ako ng gana. Gusto ko rin kasi talaga ang kursong Hotel, Restaurant and Management pero since pagsusulat ang kinahihiligan ko hindi ko 'yon kinuha.

Balak ko kasing magsulat while travelling the world. Maganda iyon for me so that I may be inspired. But anyway, I need to sleep now kasi gigising pa ako ng maaga para sa pag-apply.