Dear Diary,
It's June and the school has already begun. And I'm back to being the down, depressed girl as I have been since day 180 of work. Napapansin ko rin kasi na puro na lang ako kayabangan. 'Di na rin ako nakakabayad sa tuition fee ko at mababa na rin ang sahod ko.
And then yesterday it hit me.
Nagdasal nga pala ako kay God na bawiin sa akin lahat ng mga ibinigay niyang blessings kapag nakikita niyang masyado na akong nagyayabang katulad ng ama ko. Umiyak na rin si mudra dahil siguro sa frustration na nararamdaman sa akin.
Nagkukulong na naman kasi ako sa kwarto, and dahil nga hindi na naman ako nakakabayad sa tuition fee ay tumigil na muna ako sa pag-aaral. Sayang. Dalawang taon na lang sana ang hihintayin ko pero naudlot pa. Kung hindi lang sana ako nagpadala sa mga nakakairita nilang bibig edi sana nag-aaral pa rin ako at maayos pa ang pagtatrabaho ko.
Ang hirap naman maging working student na kasama ang pamilya. Minsan nga ay napapatanong ako na what if mawala silang lahat sa buhay ko, siguro magiging masaya at maginhawa ang pagiging working student ko.
Pero each and every end of the day, I would always take that back and apologize to God for having that kind of thought. Baka totohanin ni Lord ang iniisip ko, at ayaw kong mangyare iyon. Hindi ko pa nga napapaginhawa ang buhay ni mama tapos gusto ko na siyang mawala?
Ang sama ko talagang anak noh?
Nilaglag ko ang sarili kong walang paninindigan na ama kasi tama naman iyon na huwag kong kukunsintihin ang mga mali niya, tapos gusto ko pang mawala si mudra? Ang sama-sama ko talaga.
Hoy Corvina, kahit na iritableng-iritable ka sa pagbubunganga ng mama mo, wala kang karapatang hilingin 'yan dahil 'di ka naman niya hiniling sa Diyos pero bakit nabubuhay ka at nandidito sa mundo?
Si mama lang ang may karapatang humiling na mawala ang kung sinuman at hindi ako. Ayos lang na hilingin mong mawala ka na sa mundo wag lang ang nagluwal sayo.
Pero masama itong mga pinagsusulat ko, magagalit si God kapag nabasa ng anghel niya ang mga nakasulat sa diary at ireport ito sa Kanya. Sigurado akong masasaktan iyon si God at baka maiyak kasi diba, si God ang nagbigay buhay sa akin tapos parang pinapakita ko pang hindi ko nagugustuhan at na-a-appreciate ang ginawa niya para sa akin?
Oh diba, sobrang sama ko na. Lord Jesus, please save me from this horrible sin. Feeling ko kasi hawak ng demonyo utak ko lol. Wag naman sana noh? Ayaw kong makuha ng demonyo ang kaluluwang Diyos ang nagbigay sa akin. Wala silang karapatang kunin ang soul ko kundi si God lang.
Si God ang nagbigay sa akin nito, Siya lang ang may karapatang bawiin ito kahit pa hilingin ko sa kanyang kunin na niya ako.
Ang unfair nga eh, 'yong mga taong ayaw pa magpakuha kay God kinukuha na Niya, tapos ako ayaw ni God. Malamang kasi hindi pa tapos ang purpose ko dito sa mundo, kapag natapos na, baka pwede na akong kunin ni Lord.
Tsaka kung noon na walang sense para sa akin ang reality na mas mahaba ang buhay ng masasama kaysa mababait ay dahil sa katotohanang, binibigyan ni God ng mahabang panahon ang mga masasamang tao na magbago at humingi ng kapatawaran sa mga nagawan nito ng mali including God.
Sa mababait naman, ika nga, they don't deserve this world. Well, kapag fulfilled na ang purpose nila dito sa mundo at siguro kung naipakita nila sa mga masasamang tao na being humble, kind, and understanding would never be of harm to them, saka siguro sila kukunin ni God.
Maybe that's also the reason why good and evil exists, because the world needs its deserved balance.
Good can never be fulfilled without evil. And evil can never change without good.