Dear Diary,
2 months had passed at ngayon lang ako nakapagsulat ulat. 2 months had passed at naisipan ng demonyo kong ama magbigay ng pagkain sa amin kung kailan lang niya gusto. Ano 'to, compensation for what he'd done to us a while back?
Patawa ka gorl.
Nagkasagutan nga kami kanina. Kinabahan ako kasi baka nagtatago lang sa likod niya 'yong baril niya pero buti naman at hindi. Hindi ko raw kasi nililinisan ang bahay namin. Si mama naman tahimik lang sa tabi ko, binabantayan bawat galaw ng demonyo niyang asawa.
Kasalanan ko bang pumunta siya dito sa araw pa mismo na naging busy kami ni mama? Hello! May inaasikaso kami, nagc-canvas kami para sa lilipatan ko ulit na school na mas mura kaysa sa walking-distance na eskwelahan na puro backstabbing ang alam ng mga estudyante.
Kung anu-ano pinag-awayan namin, nakaabot na nga sa part na hindi ko pagliligo ng ilang linggo. Ano naman pake niya kung di ako naliligo? Interconnected ba katawan namin para magreklamo siya ng ganyan? Kapag ba madumi katawan ko madumi na rin sa kanya?
Kung sinasabi niya 'yan dahil concern siya, wag na lang uy! Ayusin mo muna pananalita mo pati paguugali mo para wala tayong gulo. Kung concern ka iparinig mo at ipakita mo, hindi 'yong puro ingay dito sa bahay tapos wala ka naman ginagawa para maging malinis ang bahay.
Tsaka hindi naman na siya nakatira dito ah? Kung mamimigay siya ng relief goods bigyan niya lang kami at tatanggapin namin, wala kaming sinabi na bumalik siya porke binigyan niya kami ng pagkain.
Andami pa niyan sinabi sa akin. Na dapat 'di na lang daw ako nabuhay. Dapat pinagpatuloy na lang ni mama ang pagp-pills niya kahit na alam nilang buntis si mama sa akin. Ayus-ayusin ko raw kasi siya raw ang papatay sa akin.
Na dapat 'di na lang ako pinanganak sa mundo.
Don't worry, kahit ako pinapangarap na hindi ka na lang pinanganak kung ganito lang naman aabutin ng magiging anak mo in the future. Pero who am I kidding? Sa amin lang naman siya ganito, sa ibang anak niya sa labas ay mistulang anghel 'yan.
I don't care.
Basta mas nauna ako sa kanyang humiling na 'di na lang siya pinanganak ng nanay niya. Dapat hindi na lang nag-exist buong angkan nila kasi ganyan din naman ang paguugali ng mga kapatid niya. Buti pa mga kapatid ni mudra, mabait at nakakaintindi. Asal pamilya talaga sa side ni mudra.
Pero 'yong kanya, asal gahaman at demonyo.