Kabanata 29

Dear Diary,

Wala na talaga siguro akong magagawa para patigilin ang pagpupunta ng demonyo kong ama sa bahay. Kahit na tinatago ko lahat ng mga pagkain na niluluto ni mudra ay hindi umaalis. Tambay ng tambay dito. Nakakainis.

Kung war sila ng kabit niya wag siya dito, maghanap siya ng ibang matatambayan.

Pero minsan naaawa ako lalo na kapag walang pumapansin sa kanya dito. May mga araw kasi na umuuwi ang kambal galing trabaho, malamang pati 'yon na dalawa galit sa kanya kaya wala talaga pumapansin sa kanya. Kapag gusto naman ni mama pansinin 'yang demonyo niyang asawa pinipigilan ko, baka may nakatago pala na patalim sa likod niyan tapos gilyitan siya sa leeg.

Kaya mahirap na. Kahit na nakakaawa siya ay hindi mo na pwedeng pagkatiwalaan ang taong katulad niya. Tsaka kapag pinapansin 'yan ni mama laging sinisigaw niya sa bahay na masyadong papansinin si mama sa kanya, like girl gwapo ka?

Kung hindi dahil sa pera mo 'di ka naman magkakaroon ng kabit. Sino ba naman kasi ang magkakagusto sa isang mataba, maputi naman, at mababang lalake na katulad niya? Pasalamat siya nag-tiyaga mama ko sa kanya dahil kung hindi, 'di siya makakatamasa ng ganyan kalaking pera.

Bakit ba kasi ganyan ang mga lalake? Kinakalimutan agad ang mga taong nakatulong sa kanila kapag nakahawak ng malaking pera? Masyado kasing hambog eh. Kaya dapat hindi ako maging hambog.

Pero hindi na naman ako nakakapagtrabaho ngayon, kasi nga nandito lagi ang asawa ni mama. Paano ako magiging kampanteng iwan si mudra kung isang demonyo ang makakasama niya? Baka mapatay pa siya ng demonyo niyang asawa once na hingiin nito ang titulo ng bahay at lupa.

Siguro kaya hindi kami inaatake ng demonyo niyang asawa ay dahil sa alam niyang marunong akong mag-taekwondo, judo, at sa larangan ng martial arts. Malamang babalian ko talaga siya ng buto oras na saktan niya mama ko.

Tsaka naka-istambay lang ako dito sa bahay dahil binabantayan ko si mama. Hindi siya pwedeng mawala. Hindi pa ako handa. Bakit kasi hindi kang ang demonyo niyang asawa ang mawala sa mundo? Hindi ko naman na kailangan 'yang lalakeng 'yan.

Kailangan pa naming magkakapatid si mama. Kaya Lord, please wag Niyo po muna kunin si mama. Hindi pa po kami handa. Ayaw ko pa. Saka na po kapag nabigyan ko na siya ng maayos at maginhawang buhay. Alam kong mas giginhawa ang buhay ni mama diyan sa langit, pero mas gusto kong makasama niya muna kami bago Niyo po siya kunin.

Hindi ko pa kaya. Please po, naririnig Niyo naman po ang dalangin ko eh, gabi-gabi ko naman po itong ipinagdadasal Sayo. Pakinggan Niyo po ako Lord, wag niyo po muna siya samin kunin. Hindi ko pa talaga kaya.