Hinatid ako Nicolai sa may kanto sa lugar namin, hindi na kasi makaka-pasok yung kotse sa kalye kung saan ang bahay ko. May mga tambay na nagiinuman pag daan ko sa maliit naming kalye, may mga bata ring nag lalaro pa sa daan kahit gabi na
Ganito yung mga tao dito maingay at magulo kung may magaaway na mag asawa o mga chismosang hindi nagkasundo sa isang bagay rinig na rinig mo talaga yung sigawan nila dahil dikit dikit yung mga bahay at maninipis na plywood lang din yung mga ginamit na digdig
I suggest na kapag bagong kasal kayo tapos dito kayo naka tira mas mabuting sa motel kayo gumawa ng unang anak dahil maririnig lahat ng taong nakatira sa lugar na ito ang mga ungol niyo and worst baka silipan pa kayo
Papasok na sana ako sa bahay ko ng biglang mag ring ang phone ko, napairap agad ako ng makita kung sino ang tumatawag. Nag dalawang isip pa akong worth it ba ang oras ko sa babaeng to pero sa huli sinagot ko parin dahil paniguradong hindi ako titigilan ng bruhang ito hanggat hindi ko sinagot ang tawag
I pressed the answer bottom [ang tagal mong sagotin ang tawag ko] hindi ko pa naayos ang pag kalagay sa tainga ang cellphone ko na rinig ko na agad ang iritang boses ni Marites "ano nanaman kailangan mo?" Iritang saad ko rin
[Wala man lang HELLO?] Napangiwi ako dahil hindi rin naman siya ng hello kanina may gana pa talaga siyang tanongin yun sarcastically [Anyway, where you at?] Tanong niya ulit, na-imagine ko tuloy yung palaging itsura niya kapag sinasabi ang linyang iyon, bored na tumingin sa kuko.
"Nasa pinas ho ako ngayun" sabi ko kasabay ng pagpasok sa loob ng bahay ko [Aishh seryoso ako Kallisten sagotin mo ng aayos] napa halakhak ako sa sinabi niya "kilan kapa maging seryoso kapag kausap mo ako aber?, neh grades mo nga hindi mo sini-seryoso"
[Ahm just now and please don't you ever mention my grades, iniisip ko pa lang nga kinikilabotan na ako parati ba namang fall yun, so ano nga asan ka?] I chuckle "nasa bahay lang, bakit ba?"
[Nice, tara gala] my face began to grimace "Ayoko" pag tanggi ko agad sa kanya [wala kang no choice, tanga] Tumawa siya ng nakakaluka ng matapos sabihin iyon [mag bihis kana, inom lang tayo sa BAR KO, masaya raw dun]
"inom nanaman?!, Mas lalong ayoko di pa ako nakaka move on nung huling yaya mong uminom"
[Geezs Kalli that was a month ago, walang kasiguradohang mauulit yun saka kunwari ka pang hindi na sarapan] Kapag na iisip ko ulit ang ng yari nun it creep me. Niyaya kasi akong uminom ni Marites nun, iwanan ba naman akong lasing ng bruha, so long story short pag gising ko sa umaga may katabi na akong naka hubad na lalaki
"Ahh basta ay–" hindi ko na tapos ang sasabihin ko dahil may kumatok sa pinto "tika lang may tao sa labas, bubuksan ko lang" paalam ko kay Marites saka tumayo sa inuu-puan ko, nasa tainga ko parin cellphone habang nag lalakad ako patungo sa pinto
"Surprise!!" Napatulala ako ng makita ko si Marites ang bumongad pag bukas ko ng pinto "ginawa mo dito?" Tanong ko at binaba ang cellphone "sino-sundo ka, ano pa nga ba?" Sabi niya
Nawala saglit ang ngisi sa labi niya ng tignan ang buong katawan ko "nye, okay na yang suot mo tara na" hinawakan niya bigla ang braso ko matapos sabihin iyon "Aray ko naman, tika nga lang" pa palag kong binawi ang braso ko sa kanya
"Anong okay na tong suot ko? Hindi to okay oy, bihis lang ako" mabilis kong sabi at saka dali daling pumasok sa kwarto ko.
Kulay blue na hapit na damit, may hati iyon bandang lower part ng dress kaya kita ang hita ko, ang disenyo naman sa itaas ng dress ay shoulder strap. Kinasosyo ko naman ito ng asul na mataas na takong, pagkatapos kong mag bihis ay humarap ako sa salamin. I tied my hair into bun, inayos ko pa ito ng may hiblang buhok sa harap ng aking tainga. Light make up lang ang ginawa ko sa mukha ko at tapos na.
"Confirm, gustong sumama si bruha" rinig ko pabulong na sabi ni Marites ng buksan ko ang pinto ng kwarto ko "sino kausap mo?" Naka kunot noo kong tanong sa kanya
Naging alerto naman siya ng marinig ang boses ko, mabilis niyang tinago ang phone niya sa likodan niya "a-ahh, wala, wow naman halatang ayaw sumama ah" napairap na lang ako sa sinabi niya dahil halata namang may kausap siya kanina sa phone niya
"Ano tara na, marami na raw tao dun" kagaya kanina ay bigla na lang niya hinawakan ang braso ko at sinama palabas ng bahay. "Sino pang kasama natin?"
"Huh?" Pag kukonwaring hindi alam ni Marites ang tinanong ko "tsk, alam kong may iba pa tayong kasama, sino?" Walang gana kong tanong habang ang tingin ay nasa labas ng binta "sila Ramy" maikling sagot niya
Hindi nag tagal at nakarating agad kami sa BAR KO, papasok palang kami sa parking lot kitang kita mo talaga na marami ngang tao dahil halos wala ng bakanti sa parking lot pa lang, may konting ingay ka ring maririnig mula sa loob ng bar
Mabuti na lang at may nakita kaming bakanti kaya naka pag park agad si Marites sa kotse niya, yun nga lang ay nasa pinaka dulo ito kaya napagod kaming nag lagad papasok sa bar
"Ahh grabe kapagod mag lakad" paupong pabagsak na usal ni Marites ng lumapit kami sa table kung saan naka upo sila Ramy, Cristine, Fhate at Sariah, mabilis namang kumuha ng isang boteng beer si Marites at tinongga ito. Angas ah ginawang tubig.
"Kalli, omg, sumama ka talaga?" Gulat na sabi ni Cristine ng makita ako "ay hindi, nag ha-hallucinate ka lang teh" I sarcastically said, nag tawanan naman sila "sasama talaga yan si Kalli, Walang magagawa yan kapag si Blyana nag yaya" usal naman ni Sariah
"Syempre ako pa ba, ako ata boss dito" pag mamayabang na sabi ni Marites "boss... bossalot sa mundo" pag babara ko sa kanya, nagtawanan ulit kami kasama ako, bakit ba natawa rin ako sa sinabi ko eh
Hahampasin sana ako ni Marites pero hindi niya natuloy dahil nasa gitna namin naka upo si Fhate, si Fhate na isang tingin niya lang sayo magagawa mong magdasal bigla dahil sa takot ng tingin, siya lang rin ang kina-katakotan ni Marites samin
binilatan ko siya at may nakakalokong ngisi sa labi, padabog niya ulit tinongga ang beer na hawak niya "madami atang tao ngayun?" Tanong ko, tuwing madadaanan ko kasi itong BAR KO mabibilang mo lang yung umiinon dito kaya katakang-taka kung bakit madami ang punta ngayun
"Di mo alam?" Nagtatakang tanong ni Marites "ay alam na alam ko sa sobrang alam ko tinanong ko kung anong meron" may pang aasar sa tuno ng boses ko.
"Ikaw ata lugi ngayun Blyana, barang-bara kana kay Kalli" pang aasar rin ni Ramy sa kanya "ahh basta ang alam ko nandito raw yung sikat na model. sino ba yun?, Maddy?" sagot ni Sariah sa tanong ko kanina
"Nadia tanga!" Nagulat ako hindi dahil sa sabay na sinabi nila Ramy, Cristine at Marites yun nguni't may alam ko kung sino ang Nadia na pinaguusapan namin "Nadia?, As in Nadia Ivy Pronegou?"
Sabay sabay naman silang tumango maliban na lang kay Fhate na umiinom at nakatingin sa kawalan "ohh my gorgeous body!" Napa tayo ako sa inoupuan dahil sa excitement "asan siya?" Napa linga linga ako sa paligid, hinahanap ang isang Nadia Ivy Pronegou
"Hoy mahiya ka nga, may tumitingin satin oh" hinila ako paupo ni Cristine habang nahihiyang ngumingiti sa mga taong naka tingin samin. Kinalma ko muna ang sarili ko, kinuha ko ang beer ko sa table at sunod sunod lumonok
Pabagsak kong binaba ang bote ng wala na itong laman, napansin kong may naka titig sakin kaya inangat ko ang tingin ko at nakitang naka tingin sakin ang apat, ay lima pala naka tingin narin sakin si Fhate
Inosente ko naman silang tinignan isa isa hanggang sa dumating kay Marites ang tingin ko. Hindi ko alam kung paano pero bigla na lang lumagpas ang tingin ko kay Marites, napa takip ako sa bibig ng makita si Nadia sa di kalayuan may kausap na lalaki
"Ay shala napatulala ka ata sa kagandahan ko" ang namamangha kong tingin kay Nadia ay napalitan ng nandidiring tingin "ang kapal" usal ko ng mabalik ang tingin ko kay Marites "pwet ko nga lang mukha mo"
Muli namang nagtawanan sila Ramy sa sinabi ko "sino bang tinignan mo?" Tanong ni Cristine "sure akong hindi si Blyana, hindi naman siya ganun kaganda para kuminang ang mata ni Kalli" Natahimik kaming lahat ng sibihin ni Fhate yun
Masamang tumingin si Marites sakin 'ano?' walang tunog kong usal, nang hahamon "HeHe, sino ba yun Kalli?, Naka target ka nanaman ng gwapo noh?" Pag sira ni Sariah sa mananahimik namin "Hindi, wala pa akong na ta-target, mamaya pa" may konting inis na sabi ko
Hindi na lang ako mag salita at tinuro na lang si Nadia na nasa likod ni Marites "ay shacks siya bayun, yung Nadia?" Hindi makakapaniwalang usal ni Sariah "so it's true andito nga siya" usal rin ni Ramy, may hawak pag beer "inferness maganda nga siya" sinabi naman ni Cristine
"Syempre namana niya kagandahan ko" pabiro kong sabi "ano kamo namana mo kagandahan ng aso niya? Anong breed mo kung ganon? Bulldog." Naka ngising sabi ni Marites
"Ako ba inaasar mo?" Inosente kunwari kong tanong "ay hindi ba obvious?" Sabi ni Marites, "ahh kala ko kasi yung sarili mo yung kinakausap mo" ako naman ngayun ang naka ngisi "yaahh kanina ka pa ahh"
Hindi na napigilan ni Marites ang inis niya sakin, tumayo siya at susugodin na sana ako ng yakapin siya ni Fhate sa bewang "ohh masamang ispireto, ikaw ang unang nang inis kaya wag mapikon" pag aasar ko pa, tinaas ko pa ang right hand ko para dama niya talaga ang pang iinis ko
"Tama na yan Kalli, baka mapatay ka pa mamaya ni Blyana mamaya pag uwi" natatawang sabi sakin ni Sariah "Kalli diba idol mo yang si Nadia, bakit hindi mo puntahan baka aalis nayan maya maya" sabi ni Ramy sakin
Sinulyapan ko ulit si Nadia. Gustong gusto ko siyang puntahan kanina pa pero nahihiya ako baka kung ano ano na ang masasabi ko sa kanya dahil sa excitement at saka nakakahiya rin istorbohin siya kanina niya pa kausap yung lalaki eh, boyfriend na ata.
"Nakakahiya Ramy" usal ko "aba mahiya ka talaga mas maganda sayo yan eh" usal ni Marites, hindi ko naman siya pinansin "wag ka ng mahiya Kalli, don't miss the chance" pang hihikayat ni Sariah sakin
Huminga ako ng malalim dahil sa bilis ng kabog ng dibdib ko, kinuha ko yung isang bote ng beer at ininom, kukuha pa sana ako ng isa pa nung maubos ko na ngunit hinawakan ni Fhate ang kamay ko
"Tama na yan, madami na yung na inom mo" sabi niya, napa tingin naman ako sa walang lamang bote, madami na nga hindi ko man lang na malayan dahil sa inisan namin ni Marites kanina pa pala ako umiinom
"Puntahan mo na" napa tingin ulit ako kay Fhate ng sabihin niya iyon, tumitig ako sa kanya sandali bago tumango at tumayo. Kinakabahan akong lumapit kay Nadia
"Ahm, excuse me" halos mautal kong sabi, hindi ko na pinansin ang lalaking kausap niya dahil hindi naman siya ang pakay ko "yes? Can't you see I'm talking to someone" nabigla ako ng tinaasan niya ako ng kilay, galit ba siya?
"I'm s-sorry to bother you but I'm really a big fun" nahihiyang sabi ko sa kanya "bakit sakin ka lang mag sorry?, hindi lang ako yung naistorbo mo" confirm, galit nga siya "Nadia it's okay" napa tingin sa ako lalaking kausap niya
"Hi Kalli" mas lalo akong nagulat ng makitang si Nicolai pala ang kausap niya "hala oh my gosh sorry hindi kita na pansin" pag hingi ko ng pasinsya kay Nicolai "mag kakilala kayo?" Tanong ni Nadia "yes po" sagot ko
"Well it's so rude for you to ignore a friend" sabi niya "argh, anyway I'll go ahead na Nico" paalam niya at humalik sa pisnge ni Nicolai. Hindi na ako naka pay salita pa dahil umalis na kaagad siya