The Choices

"Wow! You exceeded my expectations!"

Isang masigabong na palakpakan ang namutawi sa lahat when I took a bow.

Unang hinanap ng mga mata ko ang matalik kong kaibigan na ngayo'y pumapalakpak na pero halata sa mukha niyang parang nag-aalinlanlangan siya sa mga nangyayari. Maski ako, hindi sigurado kung tama ba itong ginawa ko?

Sunod kong tinanaw ang lalaking mismong naging dahilan para ma-udyok ako na gawin ito. He's confidently smiling and clapping his hands.

I smiled at him. A sincere smile.

"Ang galing!"

"Mas magaling pa siya kay Myx!"

"Kilala mo ba siya?"

"Nah uh, not even familiar. First time kong makita 'yan."

"Saw her a couple of times na kasama ni Mikan, 'yong guitarist ng band?"

Sari-saring pag-uusap ang narinig ko nang bumaba ako ng stage pero I chose to ignore those at nilapitan ang tatlong prof na siyang nangangasiwa ng musical practice na ito. Included na do'n si Sir Fidel na siyang dahilan kung bakit tuluyan akong nakasampa sa stage.

I was biting my lower lip, relaxing my self a bit, and naghahanap na rin ng buwelo para sabihin sa kanilang I'm not from Diliman.

I wasn't given a chance to explain my side. I wasn't given a chance to talk about my self. Diretsong binigyan lang ako ng script and pinag-prepare na sina Mikan for my back-up. I have no fucking choice but to execute it. It's still an opportunity and I can't imagine letting it slip away without even trying. So basically, I am torn, literally torn right now.

"Ang galing mo, hija. What's your name again?"

I bit my lower lip to relax my self a bit.

"S-Sandi-"

"Please excuse us, Sir Fidel, Sir Mark. Mag-uusap lang po kami ng kaibigan ko po."

Holy mother of monkey!

"What are you doing, Mikan? Sa'n mo ako dadalhin?"

Bigla akong hinablot ni Mikan palayo sa harapan nilang lahat. Lumabas kami ng auditorium at isang napaka-seryosong tingin ang unang bumungad sa akin nang matigil kami sa paglalakad at harapin niya ako.

"You can't do this, okay? Your parents would be so disappointed with you kapag ginawa mo ito."

I looked away and weighed things down. Mikan has a point. Mikan has a fucking point.

"Pero-"

"Sandi, pasalamat na nga lang tayo ngayon na hindi pa nalalaman ng parents mo ang ginawa mo last semester. What more kung pati ito, malaman pa nila? Can you imagine kung anong gagawin nila sa 'yo?"

I swallowed hard, hindi na rin makatingin sa mga mata ni Mikan. Tama kasi ang lahat ng lumalabas sa bibig niya.

"But, you knew naman this is what I want, 'di ba? Sinubukan ko lang naman, Mikan, wala naman sigurong mawawala? At the end of this day, pagiging doctor pa rin naman ang ipipilit ng mga magulang ko sa akin kahit anong gawin ko," pagrarason ko naman.

He sighed and that's the only time I was able to look at him in the eyes.

"Alam mo, sa sobrang galing mo, paniguradong gagawin nila ang lahat makuha ka lang. Napansin ka nila, Sandi. At mahihirapan na silang maghanap ng iba kung gayong nakita na nila ang perfect artist na gaganap sa role na iyon."

Napatitig ako sa mata ni Mikan. Pinipigilan na sumilay kahit ang maliit na ngiti man lang. Pero kahit anong gawin ko, lumalabas talaga ang ngiti ko.

"Totoo ba 'yang sinasabi mo?"

"Sandi naman, seryoso kasi."

I pouted.

"Seryoso naman ako, ah? Magaling ba talaga ako?"

Mahinang tinampal ni Mikan ang pisnge ko at natatawang umiwas ng ngiti. Mas lalo akong nag-pout dahil ang cute niyang tingnan.

"Oo sabi. Ikaw pa, ikaw yata ang pinakamagaling na singer na kilala ko. And I didn't know you're that good in acting, huh? Masiyado mo talagang nilunod ang sarili mo sa kakapanood ng mga musical and theatre play."

Pipisilin ko na sana ang pisnge ni Mikan nang biglang may lumapit sa amin. Agad na napatingin kaming dalawa sa kanila at ganoon na lang akong makatayo ng diretso ng malaman kung sinu-sino sila.

"I've heard that you're not from Diliman."

Tipid akong napangiti nang tanungin ako ni Sir Mark.

"O-Opo. Pasensiya na po kung nag-audition po ako," agad na paghingi ko ng despensa sa ginawa ko kani-kanina lang.

"Sayang, hija. Sobrang sayang. If only you're from here, I'd immediately choose you to be Ligaya's portayer."

Nakakapanghinayang naman ito.

"I guess, we'll find another one. We have one week pa naman to find Ms. Mondejar's replacement," dagdag na sabi naman ni Sir Fidel.

Mas lalo akong napalunok dahil sa napagtantong my opportunity has slipped away with just one step of trying.

"What if po, Uncle, Sir Mark, mag-transfer siya rito sa Diliman next semester? Will you still choose her? Is it possible?"

Lahat ng atensiyon ay napunta sa lalaking nasa likuran ng dalawang professor. Walang iba kundi ang lalaking kanina pang nag-uudyok sa akin na gawin ang lahat ng ito. Paatras na sana ako kanina, e, pero nang dahil sa ngiti niya, nagkaroon ako ng lakas ng loob.

Ewan ko ba, witch ba ang isang 'to? At kung may anong elementong nakabalot sa kaniya. He's not that creepy naman. He's just cool enough to cool everything around him.

"Puwede naman. Mas mabuti nga iyon pero ano nga pa lang course mo sa UP Manila, hija?"

Napatingin naman silang lahat sa akin dahil sa naging tanong ni Sir Mark.

"Nursing po, Sir."

"Nursing? Tsk, sayang at walang Nursing dito sa Diliman," nanghihinayang na sabi ni Sir Mark.

"But if you're really that determined to accept the role. Why not, 'di ba? We really want you to be part of the musical. But at the end of the day, it will always be your decision. Hindi ka namin pipiliting mag-transfer dito sa Diliman para lang maging parte ng musical. It's all up to you, hija."

Napatunganga ako ng mga ilang segundo dahil sa sinabi ni Sir Fidel.

Ayokong mag-decision ngayon. Paniguradong ang sasabihin ko lang ay ang gusto ko at baka hindi ko maisip kung ano ba dapat ang gagawin based on my parents decisions in life.

I guess I'll let it slip away, then? Sayang.

"S-Sige po-"

"Mag-shift ka na. Pabagsak ka na rin naman sa Nursing, 'di ba?"

Holy mother of monkey! Paano niya nalaman?

Gulat na gulat ako habang nakatingin kay Siggy na nakangisi lang sa akin at parang wala lang sa kaniya ang kaniyang nabitiwan na salita.

Fuck! Where did he get that?! Fuck, nakakahiya!

"Pabagsak? What do you mean?"

"Puwede naman po 'yon, Uncle Fidel, 'di ba? Magagawan naman siguro ng paraan ang pag-transfer niya rito kahit na medyo tagilid ang mga grades niya from UP Manila?"

"I can help. Kung gusto niya talagang mag-transfer here sa Diliman with a new course, I can help. I think I might."

Holy mother of monkey! Teka lang, naguguluhan pa ang utak ko, kung anu-ano na ang pinag-uusapan nila.

"Pag-isipan mong mabuti, hija. You can always tap Mikan Osmena for that."

Umalis sila sa harapan ko without waiting for me to recover to what Siggy said. Kaya nang umalis ang dalawang professor at naiwan siya, agad na tiningnan ko siya with dagger looks. Like, what the fuck he just did?

"How did you know I'm failing my majors?" Agad na tanong ko sa kaniya.

He shrugged his shoulders and smiled at me. The smile I wish I saw the first time I saw him, not in this kind of situation 'cause it's inappropriate. Swear. It looks creepy, dashingly creepy. What the fuck, Sandreanna?

"I just know it and it literally just came out of your mouth."

Aba't!

"Hindi ko naman sinabi sa 'yo, ah? Tinatanong nga kita kung paano mo nalaman na pabagsak na ako? I just recently saw you and as far as I remember, wala tayong pinag-usapan nang ganito sa huli nating pagkikita."

"Teka, nagkikita kayong dalawa? Hindi mo yata nabanggit sa 'kin, 'to, Sand?"

Napatingin ako kay Mikan nang sumingit siya sa usapan namin. Ewan ko kung usapan ba talagang matatawag 'to.

"Bakit ko naman sasabihin sa 'yo? For sure naman na hindi mo siya kilala. At saka, accidentally ko lang siyang nakita, okay? Accidentally," I said with conviction tapos ay ibinalik ko ang masama kong tingin kay Siggy na hanggang ngayon ay nakangisi pa rin sa akin. Holy mother of monkey talaga! Hindi na talaga ako natutuwa sa paraan ng kaniyang ngiti.

"You don't know him, 'no?"

I sighed and look at Mikan again nang siya na naman ang magsalita. Bakit ba nakangisi lang 'tong lalaking nasa harapan namin? Hindi man lang ba siya magsasalita? Kami 'yong nag-uusap kanina, ah?

"Of course I know him. He's Siggy."

"Siggy?"

"Siggy…" Napatingin ako kay Siggy nang naghanap ng dugtong si Mikan sa sinabi ko. Paniguradong nag-aabang siya ng apelyido nitong si Siggy, e, kaso hindi ko alam kaya I had to look at him for a back up. "Siggy… ano nga ulit ang family name mo?"

Siggy snorted a laugh at nag-iwas ng tingin sa akin. Napalunok ako dahil do'n. Hindi ko pa nga pala alam ang buong pangalan ng lalaking ito.

"You seriously didn't know him, Sandi?"

"A-Ah, e-"

"He's Siggy. Siggy Lizares of Lizares Sugar Corp."

"Wait, what? Lizares?" Gulat akong napatingin kay Mikan dahil sa huling sinabi niya. Nagpalipat-lipat tuloy ang tingin ko between my bestfriend and this Siggy guy. Siggy just shrugged his shoulder pero nakangising nagbaling na ng tingin sa akin.

I know Lizares Sugar Corp. It's the only sugarcane milling company inside our city. I know Lizares. Bestfriend ni Daddy ay isang Lizares. Krane is a Lizares. I know walang connection ang family ni Krane sa mga Lizares from Lizares Sugar Corp kaya why na nagulat ako? Nagulat lang siguro ako na makakita ng isang Lizares from the Lizares Sugar Corp clan dahil I remember Mikan once said na sinasabi raw ng mga pinsan niya na Lizares are untouchables so they're impossible to interact with. Lalo na kung ganitong normal days lang.

"Yep. And he's Krane's cousin."

"Wait, what? Krane's cousin?! Walang pinsan sina Krane, Mik. That's impossible. They aren't related to the Lizares of Lizares Sugar Corp."

Napahawak si Mikan sa kaniyang noo, animo'y hindi makapaniwala sa sinabi ko. Bumaling ang tingin ko kay Siggy na seryoso na ulit na nakatingin sa akin, hindi na makikitaan ng kahit anong multo ng ngiti mula sa kaniya.

"I must go, Mikan. Uncle Fidel might looking for me."

"Sige, Sig. Sorry for mentioning Krane's name, though." Nakipag-fist bump si Mikan sa kaniya.

"That's fine. If that's the only way she'll recognize me, that's fine. No hard feelings."

Pero bago pa man ako makapagsalita ulit, bigla na siyang nagpaalam na aalis na. Sa sobrang bilis ng pangyayari, nawala na nga siya sa kaninang kinatatayuan niya kaya naibaling ko ang tingin kay Mikan.

"You knew each other?" Agad na singhal ko kay Mikan nang makalayo na si Siggy sa aming dalawa. Pagod niya akong tiningnan kaya mas lalo akong ginanahan magpaulan ng tanong sa kaniya. "At saka why are saying na he's Krane's cousin? Wala nga sabing pinsan sina Krane."

Napabuntonghininga si Mikan at marahang tinapik ang tuktok ng ulo ko.

"You are so innocent talaga, Sand."

Imbes na kumalma mas lalo akong naguluhan sa mga nangyayari sa paligid ko. Dinagdagan pa 'yong ideyang pumasok sa akin kanina. Hindi ko na talaga alam kung anong iisipin ko. Naguguluhan na ako masiyado.

Magsasalita pa sana ako kaso naunahan ako sa ginawa ni Mikan na pagkuha sa kaniyang phone. I watched him manipulate it and also watched his index finger move in front of me, an indication na tumahimik ako.

Before he answered a call, ipinakita pa niya sa akin kung sino ang tumatawag. It's Kiara.

Tumaas ang isang kilay ko dahil sa nakita. He then answered the call.

"Yes, Ki? What's up?"

Hindi naka-loudspeaker ang phone ni Mikan pero sa sobrang lapit ko sa kaniya, narinig ko ang sinabi ni Kiara from the other line.

"Are you with Sandi? I can't contact her kasi. No one's answering from her phone. Ring lang nang ring."

That's the cue of Mikan to switch to loudspeaker and then he handed me his phone.

"Yes, Ki, I'm here," sagot ko naman.

"Mukhang nakalimutan na naman yata ang phone sa dorm," sabi ni Mikan na muntik ko pang mabatukan.

"The usual, Sandreanna Millicent," sabi rin ni Kiara from the other line. "Good thing magkasama na kayo. I have a news for you. I'll drop it nang sabay para isang sabihan na."

Panandalian kaming nagkatinginan ni Mikan dahil sa sinabi ni Kiara.

"Go on, Ki. We're listening."

"Anong klaseng news ba 'yan?" Tanong ko naman matapos makapagsalita ni Mikan.

"Oh, it's a good news, don't worry, Sand." Nagkatinginan ulit kami ni Mikan, naghihintay sa mga susunod na sasabihin niya. "Um, before I drop it, I just hope na wala kayong mga summer classes this summer and sana makauwi kayo sa atin this April," dagdag na sabi niya.

"Why? Anong meron?" Tanong ko.

"Please clear your schedule this coming April, I'm getting married and I want my best buds to be there."

"What the fuck, Kiara?! Anong kasal?!"

"What did you say, Kirsten?"

Naibigay ko ng wala sa oras ang phone ni Mikan sa kaniya dahil sa gulat ko sa narinig mula kay Kiara. Anong kasal ang sinasabi niya?

"Relax! I'm just getting married!"

Holy mother of monkey!

"Anong kasal? Paano? Kanino? Teka, ano ba? Naguguluhan ako! Bakit kasal?"

Tinapik ni Mikan ang balikat ko pero hindi pa rin ako kumakalma. I ain't calming down if my bestfriend who is nineteen years old decided to drop a bomb that she's getting married. Like, what the fucking fuck?!

"Chill, Sand. Let's listen to Kiara, first," ngayo'y kalmadong sabi ni Mikan kahit kanina ay mas nauna pa siyang naghuramentado sa narinig namin.

"Okay, I am calm. Spill it, Kiki."

Kiara sighed from the other line and we listened as she narrates everything that happened.

"I guess we're going home this summer, then," mabigat sa loob na sabi ko.

Sa dami ng problemang pumapasok sa utak ko, hindi ko na makayanan kung pati ang problemang kinakaharap ni Kiara ay iisipin ko. Fucker, mukhang hindi man lang nga niya prinoblema ang problema niya tapos poproblemahin ko? Mukhang tuwang-tuwa pa nga siya na ikakasal siya sa boyfriend niyang mas matanda kaysa sa amin.

I sighed again. Ewan ko na lang.

"Why? Wala sa plano mong umuwi ng Negros this summer?" Tanong ni Mikan.

Matapos ang lahat ay naisipan naming tumambay dito sa bahay ni Ate Teagan. Nasa porch kami habang nagpapahangin after our dinner. Wala si Ate Teagan, nasa shoot daw kaya kami lang dalawa rito with their katulongs and iilang staff ni Ate Teagan.

"Hindi sana. Gusto ko lang umiwas na tanungin ako sa mga pinaggagawa ko rito. Alam mo namang hindi ko kayang magsinungaling sa mga magulang ko. Paniguradong aaminin ko ang kasalanang ginawa ko last semester."

"You just lied to them, Sandi."

Napabuntonghininga ako sa sinabi ni Mikan, hindi malaman kung anong isasagot.

Yep, I lied to my parents. Where are my principles in life when it comes to respecting parents? Bakit hindi pumasok sa utak ko seconds before I committed that grave mistake?

"Finals na next week, paniguradong bagsak na naman ako nito."

Tinanaw ko ang malayong kalangitan at dinama ang panggabing hangin na dumadampi sa aking pisnge. Malamig na malamig ang simoy ng hangin, kasing lamig ng turing ng mga magulang ko sa akin.

"Did you consider Siggy's suggestion? Are you really going to shift course?"

Humigpit ang pagkakagat ko sa pang-ibabang labi ko nang marinig ang sinabi ni Mikan at nang maalala ang s-in-uggest ni Siggy kanina sa harap ng mga professors.

"If only I could," nawawalan ng pag-asang sabi ko sa hangin.

"Why don't you try it? Sort it out with your parents this summer and talk to them about it. Siguro naman, maiintindihan ka nila. Si Kiara nga, mahigpit na pinagbawalan dati na 'wag na 'wag magbo-boyfriend. But look at her now, ikakasal na. Suportado pa ng parents niya. Gan'yan din mangyayari sa 'yo, Sand. Just try talking to them, paniguradong hindi ka nila matitiis and you know naman na parents' wants what's good with their children, right?"

I sighed again, feeling the cold breeze.

"I'll try," bulong ko.

Even though I know shouldn't.

~