The Wedding

As usual, bagsak na naman ako.

"Ms. Hinolan, as much as I want to help you, I really can't if you yourself isn't exerting any effort to help your grades lift up."

Humigpit ang hawak ko sa kapirasong papel na ibinigay sa akin ng prof ko sa isang subject na bagsak na bagsak ako.

"Maraming salamat po," mahinang sabi ko habang dinadama ang panlulumo sa kabobohan ko.

"If you want, I have a suggestion. Why don't you shift course? Alam mo na, hindi lahat ng tao kayang mahalin ang kursong meron sila ngayon. Baka, Ms. Hinolan, hindi para sa 'yo ang pagna-nurse. Why don't you check other courses? Siguro naman you have something in your mind since nakausap mo na naman ang Guidance Counselor ng school?"

I bit my lower lip and pursed my jaw.

"Sige po, I'll look into that, po."

"Kilala mo ba si Sir Mark Geroso? He's a professor from UP Diliman. He's also handling the Dulaang UP. He was here last week and I remember he mentioned something about you. Nag-audition ka raw sa Dulaang UP?"

Mas humigpit ang pagkakakagat ko sa pang-ibabang labi ko nang marinig ang sinabi niya. Hindi ko na rin siya matingnan sa kaniyang mga mata dahil masiyado akong na-guilty sa ginawa ko. That was last week, though.

"N-Napagkamalan lang po akong tiga-Diliman, Ma'am, kaya ko po nagawa 'yon."

"He also said that you're good and you're perfect for the role. Though, hindi ko alam kung anong klaseng role 'yon since I'm not really fond about this theater play. But anyways, ang sabi niya magaling ka. Baka, Ms. Hinolan, sa ganiyang klaseng larangan ka magaling? Why don't you try transferring to Diliman?"

Nagkaroon ako ng maliit na pag-asa dahil sa mga salitang binitiwan niya. Alam kong imposible pero there's nothing wrong with hoping, right?

"I-Is that possible po ba? I mean po, regarding with my grades, baka po hindi ako tanggapin ng Diliman."

I was given a courage by that little hope kaya natingnan ko ang prof na kausap ko. Sumandal siya sa swivel chair niya at ngumisi sa akin.

"Fidel Lumayno said he'll willing to help you if you really want to."

Fidel Lumayno? Is that Sir Fidel?

"Ikaw nga matanong ko, Ms. Hinolan, ano ba talaga ang kursong gusto mong kunin?"

I heaved a sigh and slowly got comfortable with this conversation.

"Journalism po."

Dahil nakatingin ako sa kaniyang mukha, kitang-kita ko ang pagkamangha na rumehistro rito. Tumikhim ako't umiwas ng tingin.

"Way too far from your chosen course now. Bakit nga ba hindi 'yon ang kinuha mo? May journalism din naman sa UP."

"Family tradition lang po."

"Family tradition? Or family pressure? But anyways, hindi na ako manghihimasok d'yan. Pag-isipan mo na lang mabuti. Take some time off but not too long since marami kang kailangang i-process kung saka-sakaling maisipan mong mag-transfer. Hit me up if you've decided."

���Sige po, Ma'am, maraming salamat po."

Napabuntonghininga ako habang inaalala ang usapan naming iyon ng prof ko sa isang major subject ko. One week after that, nakapag-decide ako. It's a nerve-wracking and mind blowing decision I've ever done in my life. I considered nothing but only myself. Sarili ko lang ang inisip ko nang mga panahong nag-iisip ako sa magiging decision ko sa buhay. It's like for the first time in forever, nagpaka-selfish ako.

Naghihintay ako kung kailan matatapos ang make-up artist na ito sa mukha ko. Napatingin na rin ako sa reflection ng mirror kung saan ko nakikita ang ngayo'y nagsusukat na ng gown na bestfriend ko.

Me and Mikan went home for our bestfriend's wedding day. It's happening now. Wala na rin naman akong nagawa kahit gulat na gulat ako sa naging decision niyang ito. Looking at her now, masaya naman siya.

She made me the Made of Honor. Bestfriend daw ako, e. Nakaka-flatter, actually. Sa dami ng friends ni Kiara, ako talaga ang napili niyang maging Made of Honor. Kaya kahit ayaw ng parents ko na umuwi ako for a while sa province, talagang nagpumilit ako. They agreed eventually.

"Ki, you're so beautiful," sabi ko sa kaniya habang nakatingin sa mirror, past to her reflection.

Napatigil siya sa pagsipat ng tingin sa maganda niyang gown at malawak na napangiti sa akin.

"So are you, Sand!"

Never in my life na in-imagine ko sa sarili ko na ikakasal ako ng ganito kaaga. Pati si Kiara, hindi ko rin inisip na ganito kaaga siyang ikakasal. She's known for her happy-go-lucky kind of personality and never naging serious in any aspect of her life pero look at her now, she's getting married at the age of nineteen years old.

Hindi pa kami nakakapag-usap nang masinsinan matapos niyang i-broke sa amin ang news na ikakasal na nga siya. Naging busy ako sa school, naging busy din siya sa preparation. Gusto ko mang alamin kung anong reason behind kung bakit bigla siyang nagpakasal kahit na nag-aaral pa lang siya, mas pinili kong 'wag nang alamin. Paniguradong hindi ko rin siya mapipigilan. She's that happy. And if she's that happy, no one can stop her from being happy.

"Sobrang pretty niyo po talaga, Ms. Sandi."

Napangiti ako sa make-up artist na siyang naka-assign sa akin dahil sa compliment na sinabi niya.

"Hindi naman po. Naging maganda lang dahil ang galing n'yo pong mag-make-up."

"Tapos ang humble pa."

Tipid akong napangiti dahil sa karagdagang compliment na sinabi niya. Teka lang woy, baka naman lumaki ang ulo ko nito?

"Maiba po tayo, Ms. Sandi, hindi po ba a-attend si Doc at Doctora?"

Tiningnan ko ang make-up artist sa pamamagitan ng salaming nasa harapan namin. Ngumiti na rin ako.

"Hindi. They declined Kiara's invitation kasi to become her ninong and ninang sa kasal kaya ako lang 'yong nandito ngayon." And I don't know why did my parents declined Kiara's invitation. Hindi naman iba sa kanila si Kiara dahil alam naman nilang bestfriend ko siya. Client din naman nina Mommy at Daddy ang mga Montinola. Kaya pala-isipan sa akin kung bakit nga ba d-in-ecline nila ang invitation na iyon?

"Ah, ganoon po ba? Baka po umiiwas sa mga Lizares, Miss?"

Oh right, isang Lizares pala ang mapapangasawa ni Kiara. The Lizares from the Lizares Sugar Corp. Not the Lizares that I personally knew. Kung pagbabasehan ang sinabi at nalaman ko straight from Mikan, kapatid ni Siggy ang ikakasal kay Kiara. Basically, pinsan sila ni Krane. Pero paano? Bakit sila naging mag-pinsan? Bakit wala ngayon sina Ninong Nicholas at ang kaniyang family kung totoong related talaga sila? Why? Ang dami kong tanong, hindi ko naman mahanap ang tamang taong puwedeng pagtanungan nito. If only Krane is here, though.

"You're so beautiful, Kiki," I said while staring at her inside this bridal car. "Right, Tita?" Nilingon ko na rin ang Mommy ni Kiara na siyang kasama namin sa bridal car na ito. Magkatabi silang dalawa sa back seat habang ako naman ay nasa front seat lang.

After the make-up session and a little bit pictorial sesh, proceed kami agad sa simbahan kung saan magaganap ang pinakamagarang kasal na napuntahan ko sa buong buhay ko. Minsan lang akong um-attend ng mga weddings. Hindi naman kasi mahilig sa mga ganoon ang parents ko tapos hindi rin naman ako madalas kinukuha bilang flower girl or bridesmaid. Not even familiar with weddings, though.

But Kiara's wedding is the grandiose of them all. Halatang pinaggastusan, halatang pinag-isipan. Sabagay, anak ng mga Lizares ang mapapangasawa ni Kiara, at anak din naman siya sa isa sa mga mayaman at respetadong family ng city and probably the province kaya no wonder talaga. It's so amazing lang talaga na lahat ng sh-in-are ni Kiara sa akin tungkol sa dream wedding niya ay naisakatuparan na ito ngayon.

"Oo nga, hija, e. I'm teary-eyed tuloy."

Nagkatinginan kami ni Kiara dahil sa sinabi ni Tita Kristine. Pa-simple na lang akong natawa dahil sa tinginan naming iyon.

"Don't be, Mom. We talked about this one, right? Walang dramahan during my wedding?"

Umayos ako sa pagkakaupo at hinayaang mag-usap sa likuran ko ang mag-ina.

Tumingin ako sa labas ng car. Naka-stop na ito at nasa tapat na kami mismo ng simbahan. Hindi muna pinalabas ng organizer ang bride for the revelation daw. Kaya sinamahan namin ni Tita si Kiara dito sa loob ng bridal car niya.

I watched the other people na kasali sa entourage. I watched the media flocked in front of the parish church of our city. This is a big wedding. Medias were allowed to cover this wedding. Respected people from our city, province, and probably the whole Philippines were invited. Marami ang bisitang dumalo. It's a big wedding, indeed.

Before kaming katukin ng organizer para hudyat na kailangan ng lumabas ni Kiara, tiningnan ko muna siya sa rear view mirror. Sakto ring nakatingin siya sa akin kaya matamis akong ngumiti at lumingon sa kaniya.

"Congratulations on this new chapter of your life."

After the wedding, a beach reception was then held at Manlambus Resort owned by Kiara's father, Tito Alejandro.

Mas maraming tao sa reception. Mas marami kaysa sa mga dumalo sa simbahan. I even saw my sister, Dahlia who's just roaming around with her friends. Hindi ko na pinakialaman, kasama naman niya 'yong kaibigan niyang si Yulia Montero.

"Ang ganda mo, anak, bagay sa 'yo ang suot mo." Nailagay ko sa likuran ng aking tenga ang iilang takas na buhok ko nang marinig ang compliment ni Tita Virg, mommy ni Mikan.

Natutuwa talaga ako kapag kaharap ko ang mommy at daddy ni Mikan kasi sa tuwing kausap ko sila, nararamdaman ko na anak nila ako dahil sa palagi nila akong tinatawag na anak. Ultimo mga pamangkin lang nila, anak din ang kanilang tawag. Ang sweet lang kasi pakinggan. Feeling ko tuloy anak na rin nila ako.

"Nagmukha nga'ng tao, My, 'no?" Pang-aasar naman ni Mikan sa akin na sinimangutan ko lang.

"Ang mean mo naman kay Sandi, Mikaelo. 'Wag ganoon. Maganda naman kasi talaga ang lahi nila. And speaking of lahi, hindi pa dumalo ang parents mo, Sandi?"

Tipid akong napangiti dahil sa huling tinanong ni Tito Perl, daddy naman ni Mikan.

"Perlito…"

"Ay, oo nga pala. Bakit ko nga ba nakalimutan. Nevermind my question, Sandi. Sige na, iiwan na muna namin kayo, makikihalubilo lang kami sa mga taong nandito."

Hindi ko alam kung anong ibig sabihin no'ng pagbabantang boses ni Tita Virg kay Tito Perl pero hindi ko na masiyadong inisip. Hinayaan namin ni Mikan na umalis sila sa harapan namin at makihalubilo na sa mga taong nandito.

Sinundan ko ng tingin ang parents ni Mikan sa kung saan man sila pumunta saka ko iginala ang tingin ko sa kabuuan ng venue, naghahanap ng sign niya. Nang makita ko, tipid na lang akong napangiti at agad na ibinaling ang buong atensiyon ko kay Mikan na tahimik lang na nasa tabi ko.

"He's really a Lizares, huh," sabi ko habang nakatingin sa kawalan.

"Who? Siggy?" Tumango ako. "Ano namang nakakagulat do'n?"

"I just can't believe it. At saka paano sila naging mag-pinsan ni Krane? Magkapatid ba ang daddy nila? As far as I remember, wala namang kapatid si Ninong Nich, ah?" Lumingon ako sa kaniya to ask for an answer.

But he just animatedly zipped his mouth.

"I'm going to exclude my self with that kind of talk."

"Fine. I'll ask him na lang later, 'pag 'di na siya busy."

"Nah uh, that's a bad idea. A very bad idea. Don't do it, Sand. Just be thankful you're out of their family."

I sighed.

"Okay, I'll never meddle with other people's business na."

"Good."

I sighed again, muling naibalik ang tingin sa puwesto ni Siggy kanina kung saan sari-saring tao ang kaniyang naging kausap. Hanggang ngayon ay may kausap pa rin siya pero nang lumingon ako sa kaniya ay saktong napalingon din siya sa akin. Tumango siya sa akin kaya napatango na rin ako at kusang umiwas ng tingin.

Nagkita na kami kanina pero hindi kami nagkaroon ng chance na magpansinan dahil sa dami ng taong lumalapit sa kaniya at nakikipag-usap. Abala rin ako sa pag-alalay sa bestfriend ko at kusa rin akong lumayo muna.

Iwinaglit ko sa mga Lizares ang utak ko't itinoon ko sa ibang bagay. Kinuha ko sa clutch bag ko ang phone ko't hinanap ang kaninang gusto ko pang ipakita kay Mikan. I manipulated for seconds. When I saw it, walang imikan kong ibinigay ang phone ko sa kaniya.

"What's this?" Naguguluhang tanong niya pa.

"Just read it," hindi nakatinging sabi ko sa kaniya.

Nang kinuha niya ang phone ko, muli akong napatingin sa kaniya and waited for his reaction.

I watched how his mouth turned into an O and his eyes grew wider. With calm state, sinalubong ko ang gulat niyang expression.

"Holy shit, what is this-"

"Sshh…"

Pinigilan ko ang mga susunod niyang sasabihin by hushing him. Maraming tao, ayokong marinig ng iba kung anong pinag-uusapan namin. Delikado na, baka makarating sa parents ko.

Kinuha ko ang phone ko from his hands nang hindi pa rin siya maka-recover sa gulat na nararamdaman niya.

"Is that true? Or did you ask Nesto to tampered it again?"

"Of cours not! Try to check my student number at your portal."

"How? Why? What have you done, Sandi? Alam ba ng parents mo 'to? Did they approve it?"

"Hindi. Kaya nga 'wag kang maingay d'yan, e. I'm about to say it to them. Slowly."

"Slowly?!" Hysterical pa rin na tanong niya.

I heaved a sigh and about to say something when the guy I'm watching from afar came to us.

"Uh… hi? Pasensiya, ngayon lang ako nakalapit sa 'yo. Ang dami kasing bisita."

Napunta ang atensiyon namin kay Siggy na nakatayo mismo sa harapan namin. He looks dashing with his black suit on. Naging mas mature siya sa paningin ko. His pixie style messy hair were combed backwards. His chocolate-colored eyes that defined the softness of his face. His protruded lips is dashingly protruded as usual. He's so innocent. He's like a baby. He's like… holy mother of monkey, Sandreanna! Stop staring!

"She did it, Sig."

"She did what?"

Umiwas na ako ng tingin bago pa man niya mahalata na masiyado na akong nakatitig sa kaniya. Laking pasasalamat ko na lang na agad nagsalita si Mikan para maagaw ang atensiyon niya.

Pero biglang kinuha ni Mikan ang phone ko at agad na ibinigay kay Siggy. Hindi ako agad nakaangal dahil sa sobrang bilis ng mga pangyayari. Like, what the hell just happened?

Siggy immediately looked at the content of the phone. Kung ano 'yong nakita ni Mikan kanina, paniguradong nakita na niya ngayon.

I watched him as he silently whistled after reading what's on it.

"Journalism… Hmm, not bad, though." Ibinalik niya sa akin ang phone at walang emosyon ko itong tinanggap mula sa kaniya. "You're really doing it. Congratulations, you're finally free!"

I rolled my eyes and almost slap my own face when I heard what he said. Seryoso talaga siya? Seryoso siya sa part na c-in-ongratulate niya ako?

"Ano? Sasabihin ko na ba kay Uncle Fidel ang balitang ito?"

"No! Ako nang bahalang magsabi. Babalik din naman ako ng Manila sa makalawa for my supposed to be summer class. Just don't tell everyone about it. I'm still gathering strengths on how to say it to my parents."

"Nakapag-enroll ka na. You're a registered student of UP Diliman tapos hindi mo pa magawang sabihin sa parents mo?"

"It's… It's complicated."

"Uh, I'll leave you two behind muna. Tinatawag kasi ako ni Ate Ada. Sig, ikaw na muna bahala sa bestfriend ko."

"Sure, Mik. Take your time."

Biglang umalis si Mikan sa puwesto namin at pinuntahan kung saan si Ate Ada. Panandalian ko lang siyang sinundan ng tingin at agad ko ring ibinalik ang tingin sa kausap ko ngayong hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay ganito akong makipag-usap sa kaniya despite knowing his real stand in life. He's not an ordinary guy kaya. He's a fabulous, rich kind of guy!

"There's no wrong about choosing what you really want in life. As long as you're not stomping on anyone along the way, it's fine. And no one should be able to stop you from doing what you really like. Because you know, it's your life, you knew it better than anyone else."

I sighed and look up to the silent sky.

"Sabi ko nga, it's complicated. My family is kind of complicated. Kaya hindi madali sa aking gustuhin ang bagay na gustong-gusto ko. I can't just disobeyed them like that."

"You just did, Sandi. You just disobeyed them by enrolling yourself in UP Diliman with the course of Journalism without their knowledge. And there's nothing wrong with that. If that's what makes you happy, who are your parents to stop you from being happy?"

Tumagal ang titig ko sa kaniyang mga mata dahil sa mga salita niya. Hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit napapatitig ako sa kaniya. Dahil ba sa sinabi niya o dahil sa ganda ng kaniyang mga mata?

Parang timang, Sandreanna!

"Alam mo, hindi naman talaga tayo personally na magkakilala. I didn't even know at first na magkababayan pala tayo. Pero bakit feeling ko, ang dami-dami mo ng alam tungkol sa akin?"

He leveled my stare and the more it intensifies, the more it brings chaos inside me.

"Madali kang basahin, madali kang intindihin. Bulag lang ang mga taong nagsasabing hindi nila maintindihan ang mga ginagawa mo."

Our conversation was cut by my own sister and her friends. I got annoyed but quite thankful na hindi na lumalim ang usapan naming dalawa.

That is the start of something new… or so I thought.

I didn't know, that was the last time I'm gonna see him because everything turned into a whirlwind situation that forever will change my whole life.

~