"Libro"
(Venon Dy)
✒Ley Azeine Darkeil
"Wag na kaya tayo tumuloy?" Kinikilabutang pagpigil sa akin ni Jey- girlfriend ko sa pagpasok namin sa isang kilalang hunted library dito sa lugar namin.
Balak kasi naming hanapin ang librong sinabi nila na may kakambal na sumpa at swerte kung sino man ang makakakuha at makakalabas ng buhay. Ang sabi nila, hindi daw namin makikita yun hanggat di pa pumapatak ang hating gabi.
"Ano ka ba Jey, nandito na kaya tayo." Biglang sagot naman ni Elton, pinsan ni Jey at bestfriend ko.
"Titignan lang naman natin kung totoo yun e. At isa pa, wala namang mawawala kung multo lang ang nagbabantay doon. Di tayo masasaktan ng mga yun." Paliwanag ko. Dahil totoo naman e. Mga patay na ito at di ako naniniwalang kaya kaming saktan ng mga ito dahil sa talambuhay ko, di pa ako nasasaktan ng mga multo.
"E-e k-kasi.. May namatay na daw kasi talaga dito dati. Doon sa mga naunang magtangkang kunin ang libro. Wala daw ni isang nakaligtas."Kwento pa nito.
"Edi okay! May aksyon na magaganap ngayong gabi." Nakangising biro pang wika ni Elton.
"Hindi ako nagbibiro. Dahil isa daw ang pinsan ng kaibigan ko ang kasamang namatay diyan." Dagdag pa nito.
"Tsk. E nandito na tayo e. Kaya ituloy na natin." Medyo naiinip ko nang saad rito at iniabot ang tig-iisang flashlight sa kanila.
"Handa na ba kayo? Wala nang atrasan ha. Doon daw sa dulo makikita ang libro kaya pag nakuha na natin ay aalis na agad tayo. Okay ba sayo yun, Jey?" Paliwanag ko sa mga ito lalo na sa girlfriend ko.
"Osige. Basta wag kang lalayo sakin ha." Natatakot na ani nito.
"Oo. Kumapit ka lang sa manggas ng damit ko." Wika ko rito.
At saka binuksan na ang gate ng library. Di naman nakalock e.
Naunang pumasok si Elton at bubuksan na sana ang pinto pero nakalock.
"Ano nang gagawin natin?" Biglang wika naman ni Jey.
"Jey, akin na muna yung hairpin mo." Sabi nito at inabot naman agad iyon ng girlfriend ko.
Hindi din nagtagal ay nabuksan na din ni Elton ang pintuan. Kaya naman di na kami pa nagsayang ng oras at pumasok agad.
Nagtungo kami sa dulo ng library nang walang kahit anong nangyayari.
"Sabi sa inyo. Baka haka-haka lang yun." Bilang salita ko. Nang bilang may nahulog mula sa isang book shelf sa gilid namin. Medyo napasigaw at napatalon naman kami sa gulat dahil doon.
"Ano yun?" Nakakapit na tanong ni Jey sa amin.
"Baka daga lang o kung ano na may nasagi." Sagot naman ni Elton rito.
Tinignan namin ang lugar kung saan nanggaling ang kalabog at nakita namin ang isang libro na mukhang nahulog nga sa itaas ng shelf.
Nilapitan ito ni Elton tiyaka pinulot. Nang bigla nalang itong bumukas kaya agad din niya itong nabitawan.
Dahan-dahan niya muli itong tinignan nang bilang may kamay na lumabas rito at hinawakan ang braso niya.
Napasigaw siya pati na rin si Jey sa gulat. Samantalang ako naman ay biglang natulala. Pilit hinihila at inaalis ni Elton ang dalawang kamay na humihila din sa braso niya.
"Pre! Tulong! Ahh!" Hiyaw nito nang bilang bumaon ang mga kuko nito sa balat niya.
Natauhan ako at humanap ng bagay na pwedeng ipamalo sa brasong iyon at sa mabuting palad ay nakita ko ang isang tubo.
Agad kong lumapit rito at pinagpapalo ang braso na nakalabas sa libro pero potangina. Parang walang nangyayari dito. Umangat ang brasong ito mula sa libro at iniluwa ang kalahating katawan ng isang nilalang na hindi namin alam kung ano. Mahaba ang buhok nito at puros itim ang katawan. Mahahaba ang mga pangil at braso, pati na rin ang mga kuko. May nanlilisik na mga mata na animoy isang demonyo.
Napaatras ako habang natatakot namang hinihila ni Elton ang braso niya. "Potangina, pre. Tulungan mo ako!" Sigaw nito nang bigla nalang binali at putulin nang halimaw ang braso niya.
Napahiyaw sa sakit si Elton.
"Elton! Venon, tulungan mo ang pinsan ko! Pakiusap." Nagmamakaawa at natatakot na sigaw ni Jey sa likod ko.
Kaya agad-agad akong lumapit rito at hinila papalayo si Elton sa harap ng halimaw.
"Takbo Jey!" Sigaw ko sa syota ko habang akay-akay ko naman si Elton.
Patuloy na tumatagas ang dugo mula sa kaliwang braso niya dahilan nang panghihina niya at pagbagal ng takbo namin.
Napahinto kami nang bilang gumalaw ang mga mesa at upuan sa loob. Nahulog na din ang mga libro sa mga shelves.
Humarang ang iilang mesa at upuan sa daanan namin. At laking gulat ko nalang nang tinamaan nito si Jey dahilan nang pagkatumba nito at pamimilipit sa sakit.
"F*ck! Jey!" Sigaw ko at dali-daling lumapit rito pero nakakatatlong hakbang palang kami nang may isang malaking halimaw na nasa likod ng syota ko. "Jey! Sa likod mo!" Sigaw ko. Nang bigla nalang nitong hawakan ang buhok ni Jey at kaladkarin.
"AHH! VENON! TULUNGAN MO 'KO! AHH!"
Dali-dali kong ibinaba si Elton at kumuha ng isang upuan. Tumakbo ako papalapit rito at hinampas ang likod nito.
"Potangina! Bitawan mo si Jey!" Sigaw ko rito at hinampas muli nang napakalakas. At sa pagkakataong iyon ay tumigil ito at hinawakan ang leeg ng syota ko at saka iniaangat.
Nagpupumiglas si Jey dahil alam kong hindi na ito makahinga.
Pinaghahampas ko muli ang halimaw nang bigla nalang nitong hinampas ang syota ko na kaagad nabawian ng buhay. Nagkalat ang mga dugo at nagkalasog-lasog ang nga boto nito na tila'y pinasang hayop.
"JEY! JEY! JEY!" Sigaw ni Elton sa likuran ko.
Tinignan ko ito nang nakatulala at pilit nitong lumapit sa pwesto namin habang hawak-hawas ng kanang kamay niya ang isang paa ng mesa.
"VENON! TAKBO!" Sigaw pa nito kaya naman nang mapaharap ako ay kulang nalang malaglag ang mata ko sa subrang lapit nang mukha ng halimaw sa mukha ko.
Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa gulat at takot na nararamdaman ko. Natauhan lang ako nang hampasin ito ni Elton.
Napaatras at agad akong lumayo sa pwestong iyon.
"TAKBO, VENON! TUMAKAS KA NA! F*CK!" Sigaw nito sa akin.
Napatingin ako sa pwesto ni Jey at namuo ang galit sa puso ko. Kumuha ako ng bangko na malapit sa akin.
"POTANGINA! PAPATAYIN KITA!" Sigaw ko at agad sumugod.
Pero hindi pa man ako nakakalapit nang bigla nitong tusukin ang dibdib ni Elton.
Bumaon ang mahahaba at matatalim na kuko nito dibdib ni Elton. Kaya dali-dali akong lumapit at pinaghahampas ang mukha at braso nito.
Napasuka ng dugo si Elton habang nakatingin sa akin. "Potangina!" Mura ako nang mura habang pinaghahampas siya nang bigla akong hinawakan nang isa pa nitong kamay sa mukha ko.
Malakas ang halimaw na ito na akala mo'y di tinatablan.
Binitawan niya si Elton na animo'y malalagutan na ng hininga.
Tumingin ito sa akin habang padiin ng padiin ang pagkakahawak niya sa ulo ko.
Iniangat niya ako sa lupa dahilan nang panghihina ko. Subrang sakit ng ulo ko. Hindi ako makahinga.
Walang humpay ang pagpupumiglas ko habang pahigpit nang pahigpit ang pagkakahawak niya sa ulo ko.
Ramdam ko ang pagtulo ng dugo sa ilong ko habang unti-unting nandilim ang paningin ko.
******************
06/29/2020