"Babae"
(Leanna Zechy Brooks)
✒Ley Azeine Darkeil
"Oyy alam niyo ba na may babaeng nagpapakita tuwing alas syete ng gabi sa kabilang building? Doon mesmo sa room ng *****- 1A" Biglang kwento ni Andie habang nakatambay kami dito sa rooftop ng building namin.
"Weh. Di nga? Totoo?" Sagot naman ni Helena dito.
"Promise. Noong nakaraang taon nga daw ay may isang estudyanteng namatay dahil ginambala niya daw ang babaeng espirito doon. Kilalang siga daw ang estudyanteng iyon at dinare siya ng mga tropa niya na pumunta doon ng ala syete ng gabi. Kwento ng kasamahan nitong nakaligtas ay pinagsisipa daw nito ang mga upuan sa loob at nagtatawa dahil di naman daw totoo iyon." Mahabang kwento ni Andie dito. Tahimik lang akong nakikinig habang kumakain ng chichirya.
"E kasalanan naman pala ng estudyanteng yun e. Pero papaano siya namatay?" Puno ng koryusidad na tanong pa ni Helen dito.
"Noong nagpakita daw ang espiritong yun ay bigla nalang daw itong minura nung estudyanteng yun. Pinagsisipa ang mga upuan palapit dito. E seguro nagalit. Kaya ayon, hinulog sa building. Pero ang sabi sa imbistigasyon ay putol daw ang dila nito. Mukhang kinagat daw ng estudyante ang sariling dila." Seryosong dagdag pa nito.
"Sa tingin mo ba sinadya talaga ng estudyanteng yun na kagatin ang dila niya?" Seryosong usyo nito habang nakahawak pa sa damit ni Andie.
"Seguro. Pero sabi sabi ng mga taga doon ay pinutol daw ito nung babae." Pagsagot nito habang ginagalaw galaw pa ang mga daliri niya. "Pero ang ipinagtataka lang daw nila ay naiwan sa classroom ang dila nito bago kinaladkad papuntang rooftop. Kaya nga isinara na ang parte kung saan ang classroom na iyon."
"Pinutol niya." Bigla kong sapaw sa usapan nila. "May sinabing hindi kaya-aya ang estudyanteng yun sa kanya. Wala naman talagang balak manakit nung babaeng yun pero may isang salitang binigkas ang lalaking yun na hindi niya nagustuhan. That student really deserve the consequences because of what he did." I added.
Bilang nanahimik ang dalawa sa sinabi kong iyon.
"P-papaano mo naman nalaman yan, Lean?" Helena finally asked.
"Kwento lang din sa akin." I just replied.
Because that girl that they've been talking about is my precious eldest sister who committed suicide in that building. Ginahasa kasi ito doon ng teacher niya sa PE at ang huling balita ko doon sa teacher na iyon ay namatay daw at subrang brutal daw ang pagkamatay nito. Pinutol ang ari at gutay-gutay ang mga lamang loob. At alam kong si ate ang may gawa nun. And because of my third eye. I can still see her soul in that building when I'm passing by. That is why mas pinili ko paring manatili dito dahil nakikita ko siya.
My ate Leanie Zenny Brooks.
*******************
Good night guys. Enjoy 😂😆
07/26/2020