Untitled Story Part 1

"Untitled Story Part 1"

(Clea Emilia Guzman)

✒Ley Azeine Darkeil

"Magbreak na tayo." Lakas loob kong saad.

"Okay." Tanging tugon lang niya sabay alis sa harap ko.

Napakuyom ako ng kamay habang pinipigilan ang pagpatak ng aking mga luha.

"Sana maging masaya ka sa kanya." Tanging sambit ko lang kasabay nang pagpatak ng ulan sa king pisngi. Nasapo ko ang aking dibdib at napahagulhol na sa subrang sakit na nadarama.

Alam ko naman e. Alam na alam kong inaantay niya lang akong bumitaw dahil ayaw niyang pag-isipan siya ng masama ng iba.

Mahal na mahal ko siya kaya handa akong bumitaw, maging masaya lang siya. Handa akong sumuko dahil alam kong iba na. Iba na ang nilalaman ng puso niya.

Ramdam ko. Ramdam na ramdam ko ang panlalamig ng aming relasyon, ang pagbabago ng kanyang pakikitungo, at ang pagbabago ng lahat na meron kami.

Kaya nga mas pinili ko nalang bumitaw dahil pare-pareho lang kami mahihirapan at masasaktan. Hindi. Ako lang pala. Dahil alam kong masaya silang dalawa habang niloloko ako. Masaya sila ng bestfriend ko sa pangagago sakin. Ansakit lang.

****************

8 years later~

"Leon!" Tawag ko sa pangalan ng anak ko.

"Po!" Sagot naman nito habang papalapit sakin.

"Puro ka talaga gadget na bata ka. Kumain ka na kaya nang sa ganun ay maihatid na kita." Pangangaral ko pa dito. Naku.

"Hay naku, Mama. Ba't ganyan ka nalang palagi? Iniistress mo ang sarili mo e." Makulit nitong sabi tsaka yumakap sa akin.

"Kumain ka na diyan at papasok ka na. Nakung bata ka. Malilate ka na niyan e."

"Chill, Ma. Malate man ako o hindi. Ako parin naman ang pinakamataas sa klase." Pagmamayabang pa nito.

Oo at matalino ang anak ko pero langya. Nasubrahan lang sa yabang. Dapat pala di ko pinapabayaan sa kamay ng kapatid ko ang anak ko e. Nahahawa na.

"Tsk. O siya. Kumain ka na nang mahihatid na kita dahil papasok pa ng trabaho si Mama. Wag makulit okay." Pagpapaaalala ko dito.

Fastforward~

Nang matapos kumain at mailigpit ang hapagkainan ay agad kong inihatid ang anak ko bago pumasok ng trabaho.

Lumipas ang taon at ang huli kong balita sa tatay ni Leon ay umalis daw ito at pumuntang ibang bansa kasama ang bestfriend ko.

Nang makarating sa companya na pagmamay-ari ng Lola ko na siyang ipinamana sa akin agad akong sinalubong ng sekretarya ko. Binati ako nito at agad na ibinalitang gusto daw akong mameet ng CEO ng Blue Five Star Hotel. This mysterious CEO of Blue Five Star Hotel really want to invest with us. I don't know why but that is also a good opportunity for us.

"Okay." I just answered.

"Okay ma'am. Mamaya po daw sanang lunch time. He wanted to talk to you in Hariwara Restaurant at 11:30 a.m. in VIP room." Shirah explained.

"Okay."

Nang masabi na niya lahat ang dapat niyang sabihin ay umalis na din ito.

Iginugol ko ang buong atensyon ko sa trabaho nang biglang may kumatok sa pintuan ng office ko at iniluwa nito ang anak ko.

"Leon? What are you doing here?" Kunot noo kong tanong.

"Pinauwi po kami, Ma e. May emergency meeting daw ang mga teachers and Tito Lucas dropped me here because he said that he need to meet an important person. I think he'll go on a date." My son explained. Grr. That brat really need a discipline.

I sighed at tumayo para lapitan ang anak ko. I don't have a choice kaya isasama ko nalang siya sa meeting namin at malapit na din naman maglunch time. "Wanna have a lunch with me, baby? Are you hungry?" I asked and he just nodded.

Dumeritsu na kami sa Hariwara Restaurant at nag-order ng makakain. Tutal 11:25 na din naman at nagugutom na din 'tong makulit kong anak. Di nagtagal ay may pumasok na pamilyar na isang imahe nang lalaki. I was shocked for seeing him once again after so many years.

Napatayo ako sa mesa ko nang maglakad ito papalapit sa amin.

"What are you doing here?" I automatically asked when he stopped in our table.

"It's been a while, Clea."

*************