"Untitled Story Part 2"
(Clea Emilia Guzman)
✒Ley Azeine Darkeil
"It's been a while, Clea." Nakangiti nitong saad.
"Achoo!" Napalipat ang tingin ko sa anak ko. He was looking at me and "Ma na hulog po ang tinudor ko." Sabi nito.
I heavily sighed at lumapit sa pwesto ng anak ko at pinulot ang tinidor niyang nahulog.
Di ko pinansin ang lalaking nakatayo parin at nanunuod sa amin.
"Ma, sino po siya?" Biglang tanong sa akin ng anak ko. Tinignan ko ulit ito at na'kay Deyl na ang tingin niya.
"Hi, kiddo. I'm Deyl Cezar. Your mother's friend." Biglang lapit at lahad ng kamay nito sa anak ko.
Agad akong tumayo at hinila papunta sa likod ko si Leon.
"Sorry, Deyl pero kailangan mo nang umalis. This is a VIP room at baka dumating na din ang CEO ng Blue Five Star Hotel." Seryoso kong sabi dito.
"Gan'on ba?" Ani niya at inayos ang sarili tiyaka naglahad ng kamay sa akin. "Hi, Ms. Guzman. My name is Deyl Cezar, the CEO of Blue Five Star Hotel who wanted to invest in your company. May we talk now?" He genuinely and gently introduced his self that make me shocked.
"E-Excuse me?" Naguguluhan kong wika.
"Can we discuss of investment meeting now?" He asked again.
"Why are you doing this, Deyl?" Seryoso kong tanong.
"Clea, please don't make me wrong. Gusto ko lang talagang mag-invest sa kompanya niyo.
"And don't make me wrong either, Mr. Cezar but I think, having a business meeting with you is a wrong choice. I'm sorry but I can't accept you as our share holder." I bravely explained.
"Pero base sa estado ng kompanya niyo ngayon, Ms. Guzman ay kailangan niyo talaga ng tulong." Nakangiting pagpipilit nito.
Napabuntong hininga ako at tinitigan siya ng mabuti. At base naman sa sinabi niya ay mukhang wala na siyang ibang balak na gawin.
Pinaupo ko muli ang anak ko sa upuan niya at tumabi na din ako rito. Lumapit ang isang waitress at waiter tiyaka nilinis ang aming mesa.
Sinimulan naming pag-usapan kung ano ang pupwendeng maitulong nito sa kompanya at di nagtagal ay pinermahan na din niya ang kontratang ibinigay ko.
Binabalak ko na sanang tapusin agad ang meeting na ito nang bigla na naman siyang magsalita.
"It's been 8 years, Clea. Di ko akalain na may anak ka na." Nakangiting wika nito habang nakatingin sa anak kong si Leon. Di maipagkakailang kamukhang-kamukha ito ni Leon.
"Oo." Tanging usal ko lamang.
"Ilang taong gulang na siya?" Tanong nito habang inuubserbahan ang pagkain ng anak ko.
"Pito. Pitong taong gulang." Sagot ko rito tiyaka binalingan ng tingin ang anak ko. "Are you done eating, anak?" I asked habang nagpupunas nito ang labi niya.
"Opo, Ma. Uuwi na po ba tayo? Baka kasi nagugutom na din si Pappy." Agad na tanong nito.
"Oo anak. Tapos na din naman kaming mag-usap e."
"Okay po, Ma. CR lang po ako." paalam nito tiyaka tumayo at nagtungo sa banyo. Sinamahan naman ito ng isang waitress kaya kampante akong di ito maliligaw.
"Who's his father?" Kapagkuwan ay biglang tanong ni Deyl.
"It's none of your business, Mr. Cezar. Please stop asking about our personal life. We were just here to discuss some business matter." Mahinahon kong saad rito.
"Look, Clea. I really want to say sorry to you and I hope you'll forgive me too. Di kita niloko noon. Tinakot ako ni Sylie na sasaktan ka daw niya sa oras na pinagpatuloy ko pa ang relasyon ko sayo. Her family is backing her up because she was sick and it was a stage 4 cancer. I'm afraid that they'll do something that---. " I stopped him up.
"Stop explaining anymore, Deyl. Tapos na tayo, walong taon na ang nakakalipas. Kaya wala nang dahilan para magpaliwanag ka pa."
"Alam kong ako ang ama ng anak mo, Clea. Kaya hayaan mo sana akong bumawi sa inyo. Magsimula ulit tayo. Pangako, aalagaan at puprotektahan ko na kayo. Just give me a chance to prove it to you." Nabigla ako sa sinabing iyon ni Deyl.
'Papaano niya nalaman?'
"H-How did you know?" Natatakot at naguguluhan kong tanong.
"Your brother told me the day after we broke up. He actually go to my place and punched me on my face. He even cursed and warned me to stay away from you that time and never showed up again." Napakunot-noo ako sa sinabi niyang yun. Naku! Mababatukan ko talaga yung kapatid kong yun!
"Alam mo naman palang ikaw ang ama, nagtanong ka pa." I whispered. Tsk.
"Alam kong malaki ang kasalanan ko sa inyo. Pero maaari mo ba akong bigyan nang isa pang pagkakataon?"
*************