"Selosang Hambog"
✒Ley Azeine
"ANO BA?!" Sigaw ko sa babaeng sunod ng sunod sa akin.
"Hihi." Tanging tugon niya.
Nawi-weirduhan na talaga ako sa babaeng 'to.
"Lumayo-layo ka nga sa akin baka kung anong isipin ng mga tao sa paligid. Mapagkamalan pa tayong majowa. Naku naman." Nasapo ko ang ulo ko dahil nakangiti parin ito kahit naiinis na ako.
Tinalikuran ko it at nagpatuloy na sa paglalakad hanggang sa makarating sa classroom pero potangina! Sumunod parin siya at ang mas nakakapagtaka ay pumasok din ito at umupo sa tabi ko.
"Anong ginagawa mo dito?! Lumabas ka nga d'on." Naiinis at naiitita kong sita.
"A.YO.KO." Nakangisi niyang saad sabay kindat.
"Aba't---." Di ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang..
"Good morning, class." Pagpasok ni Mrs. Ramirez.
Di ko nalang pinansin ang babaeng nasa tabi ko at itinuon nalang ito sa aming napakagandang guro. Pakshit mga brad! Kahit may asawa na ito-- talagang napakaganda at sexy parin. Hayst. Ang swerte ni Sir. Dante.
Bblluuuggg!!
Napatingin kaming lahat sa babaeng nasa tabi ko. Bigla nalang kasi nitong hinampas ang lamesa niya at tumayo.
"What's wrong, Ms. Cardiza?" -Mrs. Ramirez
What?! She know her?!
Gulat at nagtataka akong napatingin sa kanya.
"Tsk. May asawa na po kayo pero nagagawa niyo parin mang-akit." Walang ano-ano niyang sabi dito.
Tangina! Napanganga ang lahat sa biglaang pagsabi niya n'on.
"Excuse me?" Kunot-noong wika ni Mrs. Ramirez.
"Know your place, Mrs. Ramirez." Hambog nitong wika.
"Hoy. Gago ka ba?" Pagtawag ko dito ay pilit hinihila paupo pero di manlang ako tinapunan ng tingin.
"I know my place, Ms. Cardiza and I hope that you'll know your place too. You are disturbing the class and putting some nonsense. What's wrong with you?"
"Jealous." Maiiksi niyang sagot na ipinagtaka ng lahat.
"What do you mean by that?" She asked again.
She look at me directly in my eyes. She smirked that makes me feel uneasy. Oww God. "I'm jealous because my man is fantasizing and looking at you. I'm jealous because I want him to look at me more than that. And that makes me want him to be mine starting today and the next day 'til the whole univers hear and see it." She announced. What the fudge?!
"Ayown ohh!"
"Babaeng ganyan nga!"
"Sana all!"
"Awoohhh!"
Sigawan ng mga kaklase kong mahaharot. Pakshit men!
Lumapit siya sa akin at biglang nanahimik ang lahat pati na din si Mrs. Ramirez. She held my chin that makes me look at her. Damn! Ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Starting today. I, Sandy Cardiza will get you soon Mr. Denzo Del Venzo. Itatak mo yan sa buwan."
Tangina!
********