Laurie Creis
Sumapit na ang lunch break. 12:00 P.M.
"Gusto mo bang sumabay?" tanong sa akin ni Kendie.
"Sige lang. Saan ka ba kakain?"
"Sa cafeteria. Halika na para hindi siksikan."
Binitbit ko na ang bag ko. Lumakad na kami.
"Oh, hindi pa ito ang cafeteria, ah," sabi ko ka Kendie nang siya ay tumigil sa katabing room ng sa amin. Dito ako napahiya kanina, e.
"Sunduin ko lang si Crizelle," aniya. C-Crizelle? Si Crizelle Kymme? Naku po. Mauna na kaya ako? E, doon din naman sila pupunta. Bahala na nga.
Lumabas ng ng pintuan si Crizelle. Mayroon siyang napakaikling buhok. Maputi rin siya katulad namin ni Kendie, pero mukhang madaldal siya. Siya nga ang nakipag-usap sa akin kanina, hindi ba? Kung kanino ako napahiya nang sobra.
Nagulat siya nang makita ako. "H-Hi? Ikaw 'yong ka-"
"Ako nga. Nice to meet you again. I'm Laurie."
"Nagkita na kayo?" tanong ni Kendie.
"Oo," magkasabay naming tugon. Nagkatinginan kaming dalawa. Maya-maya pa, nagulat kami nang tumawa ito nang malakas.
"Hahaha! Hahaha! Tara na nga sa cafeteria."
Hindi pa man kami nakararating ay tanaw ko na ang cafeteria. Malawak ito at... bigatin! Pero pati yata ang mga paninda ay bigatin din. Mabigat sa bulsa.
Nang makapasok na kami, una kong nilingon ang gawing kanan. Bumungad sa akin si Kaylie. May iba pa siyang kasabay kumain. Mukha ring ma-attitude tulad niya.
"Dito na lang tayo malapit sa pinto," nakakagulat na sabi ni Crizelle. Pumuwesto na kami. Ako ang pinakamalapit sa dingding kaya kita ko ang karamihang nasa loob ngunit hindi ko tanaw ang mga taong pumapasok. Si Crizelle ang nasa kaliwa ko. Samantalang si Kendie ay kaharap ko.
Doon pa rin ako nakatingin sa pwesto nina Kaylie. Hindi niya ako makikita dahil nakatalikod siya sa amin.
Inilabas ko ang aking lunch box.
"Ang cuteeee!" bulalas ni Crizelle. Nagulat tuloy ako. "Mahilig ka rin sa pusa? Pareho tayo."
"A-Ah, oo."
"Kahit kailan, hindi ako mananawa sa mga pusa. Super cute kaya nila. Saang school ka nga pala galing?" Napaisip ako sa tanong niya.
"Sa Gion-"
"Gionne Academy?!"
"Oo. Bakit?"
"OMG!" Nagulat akong muli sa sigaw ni Crizelle.
Nilingon ko kung ano ang tinitingnan niya. Nakita ko ang isang lalaking naglalakad na mukhang papunta sa gawi nina Kaylie. May itsura siya at disenteng tingnan. Nakita ko rin na bukod kay Crizelle, maraming mga estudyante na nasa loob ng cafeteria ang napalingon din sa kanya. Hmm...
"That is Rhei Gionne," sambit ni Kendie kaya agad akong napalingon sa kanya. "Siya ang isa sa dalawang anak ng may-ari ng Gionne Academy," dagdag pa niya. Napakabigatin naman pala niyan.
"And he is my ultra... mega... crush!" wika ni Crizelle. Ah, kaya pala.
Ibinalik ko ang aking mga tingin sa kanya. Tama nga ako, roon ang punta niya.
"At ang isa pang anak ng may-ari ng Gionne Academy ay si Rhea Gionne, ang kakambal ni Rhei. Siya iyong nakaharap sa atin. Si Kaylie Israel naman iyong nakatalikod na babae. Siya ang SSG Secretary ng university. Silang tatlo ay ilan lang sa mga sikat na personalidad dito sa unibersidad," muling wika ni Kendie.
Hmmm... Bakit hindi si Sky ang kasabay kumain niyong Kaylie? Tama nga yata ako na LQ sila. Halata naman noong orientation.
"OMG! Kendie, si Sky!" muling sigaw ni Crizelle. Speaking of the devil.
Nagmistulang mga bulate na naman ang mga tao rito sa loob ng cafeteria. Nakita ko siyang papunta sa pwestong malapit sa amin, kasama ng isa pang lalaking mayroong kulay pulang buhok. Nakita ko ring nakatitig na sa kanilang dalawa, o kay Sky lang, si Kaylie at iyong dalawang magkapatid.
"Iyong nauuna sa paglalakad, igan si Sky Russel, SSG President. Crush 'yan ni Kendie." What? "'Yon namang mapula ang buhok ay si Andrew Lynn, bestfriend niya."
"Ah, oo. Naipakilala na sila sa akin ni Kendie. Pero iyong mukha ni Andrew ay ngayon ko lang nakita."
"Yay, sorry."
"Paano mo naman naging crush 'yon, Kendie? Mas okay pa 'yong kay Crizelle, e."
"Sabi ko na, e! Mas cute si Rhei ko!" bulalas na naman ni Crizelle.
Si Kendie naman ang sunod na nagsalita. "Wala lang," aniya.
- - - - -
Sumapit na ang uwian, ang pinakahihintay ko.
"Saan ka nakatira, Laurie?" tanong ni Kendie sa akin habang isinusuot ang bag niya.
"Sa apartment muna ako nakatira sa ngayon. Sa Klein's Apartment na malapit sa Dhia's Cafe."
"Doon? Doon din ako nakatira sa ngayon. Sabay na ba tayo?"
"What a coincidence? Sige. E, si Crizelle?"
"May service siya."
"Ah, mabuti pa siya."
We walked outside the school. We waited for a jeep to come. While waiting, Kendie offered something to me. "Sabay na rin kaya tayong pumasok?"
"Iyon sana ang gusto, e. Ang kaso, palaging akong late o kaya malapit na. Ayaw kitang madamay."
"Late rin ako minsan, pero minsan lang. Sige, kapag nagkataon na lang na magkasabay tayo."
Nakasakay na kami sa jeep. Nang paalis na kami ay nakita kong naglalakad si Sky pauwi, patungo sa direksyon kabaligtaran ng direksyong tinutungo namin. Saan kaya siya nakatira? Bakit naman naglalakad lang 'yon? Kawawa naman ang mga makakasalubong niya sa daan.
Nakauwi na ako sa bahay. Pagkatapos kong magpalit ng damit ay naupo ako sa sala. Kinuha ko ang aking cellphone at nag-logged in sa Facebook. Hinanap ko ulit iyong invitation ni Kendie sa akin. I accepted her invitation. I liked her page. Matapos iyon, may naisip akong gawin.
Ano pa ba ang hindi ko alam sa Mundane University?
Naghanap ako ng posts at pages na related sa MU.
Mundane University
Mundane University Student Portal
The Sorcerers
Ang Mahika
Una kong pinindot ang Mundane University na page. Puro about academics, activities, events, at iba pa ang laman. Sunod kong pinindot ang Mundane University Student Portal page. Without opening it yet, I know what I will be seeing inside. Puro posts iyon tungkol sa mga famous personalities. Hindi nga ako nagkamali.
I've opended it. Unang post pa lang, kumpirmado na.
3 hours ago.
LATE BUT NOT WORRIED
First day of school, late ako agad. But seeing him getting in touch with the late students, I thought there's nothing more exciting than being late.
#SHS
#starbelow
4 hours ago.
GIONNESS MAGKAGALIT
Nakakaloka kanina sa cafeteria. Ang Bro Gionne at Sis Gionne ninyo, magkagalit? Sa tingin ninyo?
#COLLEGE
#Vaks
4 hours ago.
RED HAIR DAY
OMG! Ang cool ng bagong hairstyle ni Papa Andrew ninyo! Hot in his red hair!
#COLLEGE
#Vaks
Ilan lang iyan sa mga posts ngayong araw. Kawawa naman ang mga famous na ito. Sikat nga, kritikal naman. That is the risk of being popular.
Maya-maya pa ay nag-log out na rin ako.
- - - - -
6:00 A.M. Ang aga ko ba? It was my intention. Nag-iisip na naman ako ng abgong experiment. At para matulad iyon, kailangan kong mag-tour dito sa MU. Nasaan kaya ang library? Garden? Laboratories? Faculty rooms? Gymna-
Sky? Si Sky ba 'yon?
Nasa loob na kasi ako. Sa kanan ako dumiretso. Akala ko ay ako pa lang ang estudyante rito. Si Sky pala ay early bird din. Tss.
Sinundan ko siya. Patago akong nagmatyag. Malapit na siyang sumuot sa isang iskinita. Paano ba ako makakasunod sa kanya nang hindi niya nakikita? Ah! Tatakbo ako. 1... 2... 3-
"Ahhhhh!" rinig kong sigaw ng isang babae na nagmumula sa isang building na nasa likuran ko. Agad ko iyong nilingon. Sino kaya iyon?
Hinayaan ko na lang iyon. Ioagpapatuloy ko na sana ang pagsunod kay Sky pero nawala na siya sa paningin ko. Fudge! Ang tanga mo naman! Ang ginawa ko, tumakbo ako nang mabilis patungo sa iskinita kung saan ko siya huling nakita. Maigi't kaunti pa lang ang dala kong gamit kaya hindi pa mabigat ang bag ko.
Malapit na ako.
What? Saan siya sumuot? Dead end, e.
Naabutan ko kasing wala namang lagusan sa iskinitang iyon. Dalawang metro lang ang haba ng daan pero hanggang doon na lang iyon. Wala namang lagusan sa iskinitang iyon. Maybe it's a prank? As in, semento lang. Wala talagang lulusutan. E, bakit naglagay sila ng ganito rito? Saka, saan na 'yon nagpunta? Paano-
"What are you doing here?" Nagulat ako nang biglang may tumapik sa akin mula sa likuran. Peste, papatayin ba ako nito?
"Papatayin mo ba ako?" agad na tanong ko sa kanya. Akala ko naman, si Sky. Sa pagkakatanda ko, siya si Andrew Lynn.
"S-Sorry, ah. Mukha ka kasing bago rito. I just want to remind you na walang daan dito," paliwanag niya.
"Pwede naman sigurong huwag akong gulatin, noh?"
"I'm sorry. Wala kasi akong maisip na ibang paraan, e. By the way, I am Andrew Lynn," pakilala niya at saka nag-offer ng handshake na hindi ko naman pinansin. "Oo nga pala. Kahit hindi ako magpakilala, makikilala mo pa rin ako. Bye!" tugon niya bago ako tinalikuran. Relaxed itong naglakad paalis habang nakapamulsa.
Magkaibigan nga talaga kayo.