YSA

Laurie Creis

Grabe! Napakalawak pala talaga ng MU. Libraries at laboratories pa lang ang napupuntahan ko, mag-iisang oras na agad. Napagpasyahan kong bumalik na lang at magpunta na sa room.

Nang malapit na ako sa quadrangle ay napnsin kong maraming estudyante ang nagsisiksikan sa isang sulok. Pinuntahan ko iyon at nang makasingit sa nagkukumpulang mga estudyante ay nalaman kong may freedom wall pala roon, at iyon ang kanilang pinagkakaguluhan.

Binasa ko ang mga nakasulat sa bawat papel na nakapaskil sa wall. Ang ilan ay printed. Mayroon ding handwritten.

Mundane University

FREEDOM WALL

HOW DARE YOU YSA?!

YSA face us!

Who are you, YSA?

Does YSA mean Your Secret Admirer?

Maybe YSA doesn't know him well!

You're right, YSA! Sky has powers. So you better stop!

YSA versus who? Sky? Hahaha!

YSA? Your Secret Admirer? Then what's this?

Serve that YSA right!

YSA, YOU ARE DAMN WRONG!

YSA ka lang, marami kami!

So fearless of you, YSA!

YSA? Your secret admirer?

Dawit si Sky?

Alam ko na kung ano ang puno't dulo nito. At kung nasaan? Nasa page.

Bago ako nag-online ay umalis na ako roon at naglakad na papuntang room dahil baka mahuli ako. Maaga pa naman akong dumating.

9 hours ago.

SKY, NAGSUICIDE

I know this headline will be catchy so I used it. But, this article isn't about him doing such thing. For your information, your hearthrob crush isn't an ordinary human. He has POWERS. And, he CAN KILL anyone of us.

#unknown

#YSA

Grabe pala itong mga fan ni Sky. Online or offline, talagang war kung war.

This article is exaggerated, I thought. This YSA is risking his or her own life. Sa ganitong klase ng fans, hindi mo masisiguro kung ano ang pwedeng mangyari sa iyo. They are literally dangerous. I tell.

"Laurie!" I looked round to see who's behind. Si Crizelle pala.

"Oh, bakit?"

"Nakita kita. Galing kang quadrangle? Nakita mo na iyong mga nakapost sa freedom wall?" sunud-sunod na tanong niya.

"Oo." Nag-log out na ako at saka itinago ang cellphone ko sa bulsa ng aking palda.

Sabay na kaming naglakad.

"Alam mo, bago ka pa lang sa mga ganitong bagay kasi nga transferee ka. Pero para sa kaalaman mo, first time magkaroon ng basher si Sky. Ano kayang say ni Sky about doon?"

"Bakit ba sobrang sikat siya?"

"Kasi may itsura siya; kasi matalino; kasi tahimik; kasi matangkad; kasi almost perfect; kasi kasi kasi."

"So kapag ganyan ka, famous ka na agad, ganoon?" sarkaatikong tanong ko sa kanya.

"Teka. May hindi pa pala ako nabanggit. Siya ang aming top 1 last school year."

"Hmm..." Ano naman? Hindi ko na lang siya kinulit pa.

"Super galing niya nga, e. Siguro iyong YSA na iyon ay inggit lang sa kanya. May tatlong suspects nga akong naiisip, e. Una, si Aurie Tinn. Naku, palaban kasi iyon sa academics dahil sa pressure. Pangalawa, si Leigh Simons. Siya ang naging kalaban ni Sky sa pagiging SSG President. Pangatlo, si Rhei Gionne. OMG! Huwag naman sana."

"Paano siya nasama? Mukhang babae naman iyong YSA."

"Madaling manlinlang gamit ang pen name. Kaya ko siya nasama, iyon ay dahil may gusto siya kay Kaylie at ang gusto ni Kaylie ay si Sky. Patay na patay nga iyon doon kay Sky. Grabe much!"

"E, sila na naman na, e. Wala na talagang magagawa si Rhei."

"Sila? Sila na? Naku. Never. Wala ngang pake sa kanya si Sky. Deadma siya palagi. Sino naman ang nagsabi sa iyo niyan?"

"H-Hula ko lang. Hehe." Ipapahamak mo pa ako, Kaylie.

"Kung alam mo lang, Laurie. Suntok sa buwan na may magustuhan iyon si Sky."

Nandito na kami sa room nina Crizelle kaya nagpaalam na siya sa akin. Pumasok na rin ako sa room namin.

"Laurie," bungad sa akin ni Kendie, "nakalimutan mo palang kuhanan ng litrato iyong notes ko kahapon. Kanina ko lang naalala."

"Oo nga, e. Okay lang. Pahiram na. Baka makalimutan ko pa ulit." Inilabas niya agad ang kanyang notebook at inilapag iyon sa desk ko.

"'Yong crush mo, may basher na raw?" tanong ko sa kanya habang busy sa pagkuha ng picture sa notes niya.

"Oo nga, e. Tahimik lang si Sky pero may nagagalit pa rin sa kanya. Wala talagang pinipiling personality ang mga tao."

"Hindi, ah. Tahimik siyang nanghahamak."

Iniabot ko na pabalik sa kanya iyong kanyang notebook.

"Personality na niya iyon. Para sa akin, mabait siya," tugon niya habang itinatabi ang notebook sa kanyang bag.

"E, crush mo kasi."

"Kahit hindi rin naman." Napailing na lang ako.

- - - - -

Crizelle Kymme

YSA. Your Secret Admirer? Ito ang unang maiisip ng makakabasa sa acronym na YSA. Pero para sa akin, it's possible na hindi siya babae o binabae. Hmp. Your secret admirer pero against kay Sky? Kaya nga hindi ko isinasaisip ang pen name na iyan, e.

Nang lumitaw ang post na iyon ni YSA, ay tatlong tao kaagad ang pumasok sa isip ko. Sa totoo lang, mahilig akong humanap ng mga impormasyon tungkol sa mga sikat na personalidad dito sa loob ng MU. Mas lalo akong naging interesado sa kanila nang maging crush ko si Rhei.

Una, si Aurie Tinn. STEM student. Siya ang pumapangalawa sa ranking last school year. Galing siya sa pamilya ng mga mayayaman. May sarili silang kompanya at marami silang mga naipatayong mga property. Nagkalat ang mga resorts na pagmamay-ari nila. Sikat ang pamilya nila dahil konektado sila sa mayayamang business persons sa buong bansa. Siya rin ang kaisa-isang anak ng pamilya Tinn. Kaya nga malaki ang expectation ng kaniyang mga magulang sa kanya, e. At dahil diyan, gagawin niya ang lahat para maging isang asset ng kanilang pamilya. Napakacompetitive niya sa academics. Ultimo maliit na achievement ay ipinangangalandakan niya. Kung kaya, ang lahat ng sagabal sa kanyang mga adhikain ay hangga't maaari, ay kanyang buburahin sa industriya.

Pangalawa, si Leigh Simons. HUMSS student. Siya ang natalong SSG President, bale tumakbo pala, na nakalaban ni Sky. Hindi siya gaanong sikat pero ang alam ko, mula elementary ay hakot positions na siya. SPG President noong elementary. SSG President noong Junior High. Palaging Class President. Halos lahat ng organizations at clubs, makikita ang kanyang pangalan sa listahan ng mga namumuno. Marami ang nagsasabi na nasa kanya ang aura ng pagiging isang leader. Hindi ako sigurado, pero para sa akin, ang matalo sa unang pagkakataon ay isang kahihiyan na para sa kanya dahil marami ang umaasa sa kanyang pagkapanalo. Hindi mahirap para sa kanyang humanap ng pagkukunan ng lakas ng loob na siraan si Sky. Hmp. Marami talagang ganyan.

Pangatlo, si Rhei Gionne. ABM student. Insert a heart emoticon. Hihi. Matagal na siyang may gusto kay Kaylie, na bestfriend ng kakambal niya na si Rhea, pero si Sky ang gusto niya. Usap-usapan silang dalawa palagi dahil buntot nang buntot si Rhei sa kanya kahit alam niyang wala naman siyang pag-asa. Hmp. Parang ako lang. Ako na lang kasi. Hindi ko kailanman nakitang magkausap sina Sky at Rhei. As in, never.

B

aka masama ang loob ni Rhei kay Sky dahil hindi magawa ni Kaylie na mabigyan siya ng pagtinging katulad ng inilalaan biya para kay Sky.

Umaasa ako na walang kinalaman si Rhei kay YSA. Mabait siya I promise. Mabuti siyang kuya at anak. Totoo iyan. Ibang-ibang ang ugali niya sa ugali ng kanyang demonyitang kapatid - tamad mag-aral, palainom, lakwatsera, maldita, salabahe. Ang alam ko, kaya hindi siya sa Gionne Academy nag-aral, na pagmamay-ari naman nila, ay dahil gusto niyang bantayan ang kanyang kakambal. Si Rhea lang sana ang mag-aaral dito dahil ayaw ng mga magulang nila sa maging spoiled siya. Spoiled brat.

"Humanda sa akin ang YSA na iyan. Whether he's a boy or she's a girl, I won't refuse na sampalin siya multiple times sa harap ng maraming tao," rinig kong sambit ng isang babae. Medyo familiar sa akin ang boses niya.

Nasa CR kasi ako ngayon. Isang klase na lang ay malapit na kaming mag-recess. Recess pa lang ng Grade 11 ngayon.

"First of all, who is YSA? Why is it like this na parang may nagawang kasalanan sa kanya si Sky? Pathetic," wika ng kasama niya.

"I don't know, but I'm not hoping that it's your twin, Rhea." Rhea? Sila ngang dalawa ni Kaylie ang nag-uusap.

"May iniingatan kaming pangalan. Don't worry. I'll ask him about this. Still, I assure you it is not him."

Nang wala na akong marinig na nagsasalita, nasigurado kong lumabas na sila ng CR. Lumabas na rin ako. Kung nakita nila ako, baka sabog na akong lalabas dito.

Sino ka ba kasi, YSA?

"Nandito ka pala." Pusang gala!

"Kendie, nakakagulat ka naman. Halis mapatalon na ako sa gulat dito, e." Whoo!

"Sinong kasama mo?"

"Ako lang. Magsi-CR ka ba? CR ka na. Hintayin na kita."

"Sige," tugon niya bago pumasok sa CR. Nanatili akong nakatayo sa labas.

Nakalabas na siya. Nagsimula na kaming maglakad.

"Nabigyan na ba kayo ng libro? Kami kasi ay wala pa," tanong niya sa akin.

"Wala pa rin. Baka next week kasi next week pa nila ipagagamit ang lockers, e.

"Siguro nga," aniya. "Nakalimutan ko palang gumawa ng sandwich kanina kaya bibili na lang ako sa cafeteria."

"Sige. Sunduin n'yo ko ulit, ha."

"Sige."

- - - - -

10:00 A.M. Recess na namin. Naglakad na kaming tatlo papuntang cafeteria. Narinig namin na sa mga estudyante roon ang tungkol kay YSA. Siya pa rin ang laman ng mga usap-usapan hanggang ngayon.

"Yes! Vacant! Dito ulit tayo, guys," anyaya ko sa kanilang dalawa.

"Sino'ng bibili sa ating tatlo?" tanong ni Kendie.

"Si... Si ako ba?"

"Ako, hindi ako bibili. Sumama lang ako," tugon ni Laurie.

"Haha. Sige, ako na."

"Tuna sandwich ang sa akin," sabi ni Kendie bago iniabot ang kanyang bayad sa akin.

"Ano'ng iinumin n'yo? Ayaw ninyong mag-juice?"

"May tubig ako sa bag, e," sagot ni Laurie.

"Ako rin."

"Okay, ako na lang."

Dali-dali akong pumila. Kahit malawak itong cafeteria, may pila pa rin. Marami kasing nag-aaral dito, e.

Nakabili na ako. Paalis na ako sa pila nang bigla akong may matanaw sa hindi kalayuan. Si Rhei. Si Rhei ang nakita ko. Rhei? Si Rhei nga-

"What the?!" OMG! Nakabangga na pala ako. Si Rhea pa.

"S-Sorry. Hindi ko sinasadya."

"Wala na. Basa na ang blouse ko," inis na sambit ni Rhea habang nakatingin sa kanyang basang blouse. Nakakahiya. Marami ang nanonood.

"Sorry talaga, Rhea," pag-uulit ko.

"No! Hubarin mo ang blouse mo! I want it dry. Ayaw ko nitong basang 'to!" mariing utos niya sa akin.

"H-Hindi pwede."

Bigla niyang hinablot ang kwelyo ko para hubaran ako. Natapon na pati ang mga pagkaing binili ko.

"I said, 'Hubarin mo ang blouse mo!'" Nasasaktan na ako sa ginagawa niya sa akin. Hindi man lang siya pinipigilan ni Kaylie. "Ano? Hubarin mo-"

Biglang hinablot ni Laurie ang mga braso ni Rhea palayo sa akin. Mabuti at dumating silang dalawa ni Kendie.

"Ikaw kaya ang maghubad! Ikaw ang basa ang blouse, 'di ba?" pasigaw na sabi ni Laurie kay Rhea.

"And who the hell are you? Let me go! Let me go!" Patuloy si Rhea sa pagpupumiglas, ngunit mukhang madiin ang oagkakakapit ni Laurie sa kangang mga braso.

"Let her go. Hindi mo siya kilala," malimanay na utos ni Kaylie kay Laurie. Bakit ngayon lang siya nagsalita? Biased.

"Bakit kaninang sinasaktan niya ang kaibigan ko, wala kang imik diyan? Hindi ba't walang pinapanigan ang isang lider?" mariing sambit ni Laurie kay Kaylie.

"Sino ka para pagsabihan ako? Namumuro ka na sa akin," ani Kaylie. Namumuro? May something talaga sa kanilang dalawa.

Maya-maya pa, naputol ang kanilang bangayan nang dumating si Rhei. "Ano'ng nangyayari rito?" agad na tanong niya.

Padabog namang binitawan ni Laurie si Rhea. Sunod na hinilot-hilot ni Rhea ang kanyang mga braso.

"Binuhusan niya ako ng juice sa blouse, Kuya. You see this?" wika niya sabay turo sa kanyang basang blouse.

"Hindi ko naman sinasadya iyon, e."

"Ah, are you sure-"

"Tumigil ka na Rhea. Tumigil na kayo," utos ni Rhei.

Biglang padabog na umalis si Rhea na sinundan naman ni Kaylie. Masama ang mga tingin nilang dalawa sa amin nang umalis. Kami naman ay bumalik na lang sa room. Hindi na rin kami nakakain pa.

"Sorry, guys, ha."

"Wala kang kasalanan, Crizelle," wika ni Kendie.

"Oo nga. Grabe pala ang ugali ng dalawang iyon."

"Mas matindi pa ro'n. Salamat, Laurie, ha. Salamat din, Kendie."

"Wala iyon."