Laurie Creis
Sumapit na ang ikalawang linggo ng Hunyo.
Sa mga nagdaang araw, hindi nagkaroon ng mga bagong pangyayari. Pwedeng new sets of events nga pero hindi masasabing bago dahil mula umpisa ay pang-aapi na ang sentro ng kanilang mga ginagawa.
Ngayon ay araw ng Lunes. Umaasa akong magkakaroon ng bago sa kung anuman ang mangyayari ngayon.
Tahimik akong naglakad papunta sa room namin. Hindi ko na lang pinapansin ang mga estudyanteng nakatingin sa akin. Nakasanayan ko na ang ganito.
Habang nasa fourth floor na ako, naglalakd paountang room namin, nakasalubong ko si Kendie. Ngumiti siya sa akin nang makita ako. Palagi kasi siyang nakayukong maglakad. Pagkatapos niyon, bigla akong napaisip. Kung magkasabay kaming papasok sa room, bakit hindi ko siya nakita sa gate pa lang? Inisip ko na lang na baka may pinuntahan pa siyang iba at kanina pa talaga nakarating. Tama. Hindi ko na lang inisip na may nangyaring masama ulit sa kanya. Nginitian nga niya ako, e.
Nauna siyang pumasok sa room na sinundan ko naman.
Tahimik lang kaming dalawa habang nakaupo. Hanggang sa nagdaan na ang flag ceremony ay wala pa ring nagsasalita sa amin.
Sa wakas ay may nagsalita na rin sa pagitan namin. "Kumusta ang weekend mo, Laurie?" tanong niya.
Sandali akong napaisip. "Ayos lang naman." Naalala ko, hindi tumawag sa akin si Lola noong weekend. Ang sabi niya sa akin, tuwing weekend siya tatawag. Imbes na mag-alala ako, inisip ko na lang na baka na-delay lang kaya naghintay ako. Kaso nga lang, hindi ko namalayang nakatulog na ako sa kahihintay. Wala namang dumating na tawag kinabukasan.
Natahimik na naman kaming dalawa. Kung nandito si Crizelle, paniguradong napakaingay naming tatlo ngayon.
Mag-eeight na, pero wala pa ring pumapasok na teacher sa room namin. Maya-maya pa, umalingawngaw ang isang boses sa buong campus. "Magandang araw! Inaanyayahan ang lahat na magtungo sa gymnasium. Maraming salamat!"
Lalabas na naman kami? Hindi na lang isinabay sa flag ceremony. Tss.
Nagsimula nang magkagulo sa loob.
"Halika na, Laurie," anyaya ni Kendie sa akin.
Kinuha ko muna ang cellphone ko. "Tara," tugon ko bago tumayo.
Mahinahon kaming naglakad palabas ng room.
"Pst!" Si Crizelle pala ang nagsitsit. Nakaabang siya sa may pintuan.
Sabay-sabay kaming nagpunta sa gym.
Nakapuwesto kami sa kanan ng gym. Naubusan kami ng mauupuang bench kaya sa sahig kami nakaupo. Bakit ba kasi hindi pa ayos ang auditorium? Hays.
Si Ma'am Hale ang naabutan naming nasa stage na nakatingin sa kapirasong papel na nakapatong sa podium na nakalagay sa kaliwang bahagi ng stage.
Makikita rin ang lahat ng mga guro na nakaupo sa mga upuang pansamantalang inilabas, na matatagpuan sa magkabilang gilid ng stage. May mga bakanteng upuan pa sa likuran.
Mukhang naghahanda pa lang sila.
Maya-maya pa, dumating na ang mga SSG officers at pumuwesto sa likuran ng mga guro sa kanan at saka naupo.
Lumipas ang ilang minuto.
Ang mga nag-iingay na estudyanteng nasa gym ay tumahimik nang magsalita na si Ma'am Hale.
"A blessed day to all of you!" bati niya. "Ipinatawag kayong lahat para sa ilang anunsiyo na ipaliliwanag ng ating butihing principal na si Dr. Luzviminda Augustus, at ni SSG President Sky Russell," pagpapatuloy niya. "Sandali lamang ito kaya't hindi nangangahulugang wala na kayong klase. Maraming Salamat!" dagdag pa niya bago tuluyang iniwan ang mic sa ibabaw ng podium at bumaba ng stage.
Matapos ang isang minutong paghihintay, dumating na si Dr. Augustus. Unakyat siya sa stage at agad na kinuha ang mic.
"Good day, MU students and teachers!" bati niya sa lahat. "Kumusta ang unang linggo ng inyong pamamalagi rito sa ating unibersidad? Masaya naman ba kayo? Balita ko ay hindi raw, hindi ba Sky?" natatawang pahayag niya sabay sulyap kay Sky.
Sinabi n'yo pa po.
"Hahaha! Ganoon talaga. Hindi palaging masaya ang umpisa." Biglang naging seryoso ang lagay ng kanyang mukha. "Nandito ako upang ipaalam sa inyo na ang ating lockers ay maaari na ninyong gamitin simula ngayon. Ang bawat locker ay mayroong numero na magsisilbing bilang at palatandaan kung ilan at kung kanino ang mga iyon. At ang inyong modules para sa semester na ito ay matatagpuan sa loob ng bawat locker," mahabang pahayag niya. "Ano ang masasabi ninyo? Mainam, hindi ba?" Ngumiti siya. Parang wala siyang problemang iniintindi sa buhay. "O, siya, hindi ko na ito patatagalin pa. Halika na rito, Sky." Hinintay niya si Sky na umakyat sa stage. Si Sky naman ay dali-daling tumayo at naglakad paakyat sa stage. Nang magtagpo ang dalawa, iniabot ni Dr. Augustus ang mic sa kanya sabay ngiti.
"Maraming salamat po, Dr. Augustus," aniya. "Isang mapagpalang araw sa inyong lahat! Hindi ko na ito patatagalin pa o pahahabain. Ang atin pong Supreme Student Government ay may binuong polisiya na patungkol sa bullying na ipatutupad simula ngayong araw. Ito po ay sinang-ayunan na ng ating butihing principal. Ang polisiyang ito ay ang "Bully Now, Suspend Later Policy".
Nagtawanan ang karamihan sa huling binanggit ni Sky. Maging ako ay natawa rin. Tss. Napakaimpormal ng pangalan.
"Tumawa na kayo ngayon habang nandito pa kayo, dahil sigurado akong mawawala ang inyong mga ngiti sa oras na kayo ay nasa loob na ng Guidance Office," pambabara niya. Natahimik lang ang buong gym. Muli siyang nagpatuloy sa pagpapaliwanag matapos iyon. "Una sa lahat, paano gagana ang BNSL Policy na ito? Madali lamang. Once you have been bullied or you have witnessed any acts of bullying, our office would like to welcome you anytime. You just have to present us any kinds of proof against the bullies or who you are reporting to us. Make sure that your claims are not mere allegations because we will, and not would, definitely ignore you," seryosong paliwanag niya. "Ang tagal ng suspension na magsisilbing penalty ay nakadepende sa bigat ng kasalanan. We're the ones to decide about it, but we depend on the evidences you give," pagpapatuloy niya.
Marami pa siyang sinabi tungkol sa "Bully Now, Suspend Later Policy" na talagang tinotoo niya.
"Mabuti naman at may ganyang policy na," rinig kong bulong ni Crizelle. "Kaso lang, wala pa tayong maihahaing evidence ngayon."
"Sa tingin ba ninyo ay magiging epektibo iyan?" tanong ni Kendie.
"Tss, mukhang hindi sigurado," sagot ko.
"Hindi pwede. Pipilitin ko talaga sila kapag medyo tagilid na," mariing sambit ni Crizelle.
Matapos ang anunsiyo ay dumiretso na kami sa locker area.
"
I really don't understand our SSG Pres. Aware naman siguro siya na hindi maiiwasan ang bullying ritonsa MU," rinig kong sambit ni Aurie habang naglalakad papuntang locker area.
Bigla namang nagsalita si Paula. Aniya, "That's true, Aurie." Magkaibigan pala ang dalawang ito.
Nang makarating na kami, agad kong pinili ang 717 locker number. Kanya-kanya kasing pilinng puwesto. Sina Crizelle at Kendie naman ay 718 at 719. Pinili namin ang nasa gilid para hindi haggard kapag may gagawin kami. Sisiksikin lang kami kapag sa gitna, e.
Sinimulan na naming buksan ang aming lockers para i-check kubg kumpleto ang mga libro.
"709," narinig kong sambit ng isang babaeng estudyante sa naglilista. Tiningnan ko kung saan nakapuwesto ang locker na may number na 709. Halos katabi lang pala ng locker ko.
"709?" tanong ng naglilista. "Reserved na 'yan. Pili ka na lang ng iba."
"Puwede palang magpa-reserve. Sana naman ay sinabihan n'yo kami," angal ng babae sabay talikod kasunod ang isa pang babae na kaibigan niya yata.
Reserved? Wala namang sinabing ganoon, 'di ba? Daya!
"Uy, Laurie! 'Nong problema mo? Natigil ka riyan," usisa ni Crizelle.
Bigla akong napalingon sa kanya. "Ah, wala." Nagpatuloy na ako ulit sa pagche-check ng mga libro ko.
- - - - -
It was already our recess. Nagpasama si Kendie sa akin papunta sa Journ Room dahil ipinatawag siya ng kanilang SPA o School Paper Adviser na si Ma'am Zierah. Siya kasi ang EIC o Editor-in-chief ng The Sorcerers, ang official school publication ng MU in English.
"Halika sa loob," anyaya sa akin ni Kendie nang mapansin niyang tumigil ako sa may pintuan.
"E, hindi naman ako kailangan diyan," tugon ko.
Ngumiti siya. "Huwag kang mag-alala. Hindi lamang ito ang unang beses na papasok ka rito."
Wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanya.
Ipinaalam lang daw ni Ma'am Zierah sa kanya na nalalapit na ang conference kaya kailangan na nilang maghanap ng mga estudyanteng willing magsulat o maging student-journalist.
Bago iyon, nakita ko kung ano ang capacity ng MU pagdating sa pamamahayag. Kumpleto sila sa mga gamit-may printers, xerox machines, microphones, piles of papers, folders, books, at marami pang iba. Malawak sa loob. Kasyang pareho ang staff ng Ang Mahika at The Sorcerers. Mayroon ding long tables at chairs for writing. May particular area rin for broadcasting. Nakahanda rin maging ang TV screens for conferences or meetings.
I could also see the division. Ang The Sorcerers ang nasa kanan at ang Ang Mahika ang nasa kaliwa. I could say everything's well-organized.
Pagkatapos siyang kausapin ng SPA nila, naglakad na rin kami kaagad palabas. Nang makalabas na kami, nakasalubong namin si Sky. At sa mga sandaling iyon, ay nagtama ang aming mga mata. Tss.
I looked at Kendie. Parang walang nagbago sa itsura niya. Poker face pa rin. Hindi ba siya kinilig? O ganyan lang talaga siya kung kiligin?
I was thinking whether I'll ask her about it or not. Pero sa huli, tinanong ko pa rin siya.
"Hindi ka kinilig?" Ginulat ko siya sa tanong ko. Bigla siyang napalingon sa akin pero agad din niyang iniwas ang mga tingin niya sa akin.
"Bakit naman ako kikiligin?" mahinahong tanong niya.
"E, 'di ba crush mo 'yon?"
Ngumiti lang siya. Palagi soyang ngumingiti bago magsalita. Kung lalaki ako, baka nahulog na ang loob ko sa kanya.
"Hindi dahilan iyon para kiligin ako. Mali pala. Hindi ako kikiligin sa ganoong dahilan." Ano raw?
"Ha?"
"Hindi requirement ang kiligin para masabing may pagtingin ka sa isang tao; at hindi assurance ang kiligin para masabing may pagtingin ang isang tao sa iyo," paliwanag niyang parang hindi naman paliwanag dahil hindi naman ako naliwanagan.
Napaisip lang ako sa sinabi niya at hindi na muling nagsalita pa.
- - - - -
Maaga akong nagising ngayong araw, pero hindi dahil umaasa akong magbabago ang takbo ng mga pangyayari kundi dahil may pinaplano akong gawin ngayon.
6:10 A.M. pa lang. Nandito na ako agad sa MU. Katulad ng dati, walang sumalubong sa akin ni isang estudyante. Sa aga kong ito.
Hinanap ko kung nasaan ang main garden. Nag-search na ako tungkol dito pero halos wala akong nakuhang detalye.
Mahilig talaga akong gumawa ng invention or mag-imbento. Pangarap kong maging isang inventor or scientist kaya ako nag-STEM. I actually love Science. I believe things when they are based on facts. I don't believe in superstitious, myths, and the like. Maybe when I was just a kid, I could believe in fairytales, fantasies, and others, but not today.
After a few minutes of searching, I finally reached the main garden. It was divided into two. Mga halamang gamot ang nasa kanan, samantalang mga bulaklak ang nasa kaliwa. They are not ordinary plants. Halatang matagal na silang naitanim. Kaunti na lang ay matatangkaran na nila ako.
I suddenly thought of something. Why aren't these guarded? Walang permit-permit. Ganoon ba sila kasigurado na walang mangangahas na sirain ang mga ito? Pero naisip ko rin naman na napakasuwerte ko ngayon kaya dire-diretso na lang akong pumasok sa loob.
I started examining the plants. I started with the flowers. Nasa labas pa lang ako ng gate ay naaamoy ko na sila. Yumuko ako nang kaunti para madali kong masuri ang mga halaman.
"Uhm... Wala talagang kupas ang bango ng rosas..."
Ano kaya ang puwede kong makuha sa amoy nito? Perfume? Common. Pero kung stem ang gagamitin ko or I'll make some combinations, medyo unique.
Hmm... Maybe I'll try another.
Uhm... Mabango rin...
Ito naman...
"Aray ko! Fudge naman!" biglang sigaw ko.
Tiningnan ko ang aking dumudugo g daliri. "Napakamalas ko-"
"Tumabi ka riyan."
Hindi ko alam kung sino ang nagsalita. Lumingon ako sa kanan at kaliwa. Nasa harapan ko lang pala. Napakunot ang aking noo at tila namanhid ang aking sugatang daliri nang makita ko kung sino ang aking nasa harapan ngayon. Hawak-hawak niya ang kanyang camera na ngayon ay nakatapat sa akin.
"Bakit mo ako pini-picture-an?!" Inunat ko ang aking katawan.
"Hindi ikaw ang kinukuhanan ko. Tumabi ka riyan. Nakaharang ka," giit niya.
Wow.
"Bakit ako tatabi? Karapatan ko 'to, e."
"Trespassing ka, hindi mo ba alam?"
Ay, oo nga pala.
"Ano naman sa'yo ngayon?" Hindi ba ako narinig nito? Tinalikuran niya ako bigla. "Hoy! Kinakausap pa kita!" sigaw ko. Kahit saan ako magpunta, nandoon ka. Si Sky ka nga talaga.
Umalis na ako. Nawalan na ako ng gana. Sa susunod na lang siguro.
Dumiretso na ako sa room. Maya-maya pa ay dumating na rin si Kendie. May dala-dala siyang mga papel.
Para saan kaya iyon?
Bago pa lang uupo si Kendie ay tinanong ko na siya. "Para saan iyan?"
"Para sa journ ang mga ito," sagot niya sabay lapag ng mga papel sa desk niya. Kinuha ko naman iyon para usisain.
"Ah, application forms. Ipamimigay mo?"
"Oo, kapag may libreng oras. Ikaw, kung gusto mong sumali sa Ang Mahika, puwede kang humingi ng ganito sa kanila-sa SPA o sa EIC."
"Wala bang mag-iikot? Hindi, biro lang."
"Masuwerte ka kung mayroon."
"Masasabi ko palang mas masipag kayo kaysa sa kanila kung ganyan ang sistema nila."
"Shh! Baka marinig ka ni Aurie..." saway sa akin ni Kendie.
"Bakit naman?" bulong ko.
"Siya ang Associate Editor ng Ang Mahika,' tugon niya sa mabanag tono.
"Ah... Makakasama ko pala 'yan."
"Ano pala ang pipiliin mong category?" Nagbalik ang kanyang tono sa dati.
"Gusto kong i-try ang photojourn."
"Sa field ka."
"Ganoon na nga."
Recess na namin. Pagkatapos naming magpunta sa cafeteria ay sinamahan namin si Kendie na mag-distribute ng forms. Nagpasama na rin akong humingi ng form sa Journ Room.
"Bakit si Aurie ang nandito?" tanong ko nang masulyapan ko si Aurie mula sa labas.
"Hindi ko alam. Maaaring siya muna ang pinagbantay ni Sir Efren," sagot ni Kendie.
"Ah, si Sir Efren, iyong teacher natin sa Reading and Writing Skills and SPA nila?"
"Oo."
Pumasok na kami sa loob. Dumiretso kami kay Aurie. Nang mapansin niya ang aming presensya ay agad niyang ibinaba ang kanyang cellphone bago kami tiningnan.
"What's the matter?" tanong niya.
"Hihingi sana ako ng form para mag-apply," paliwanag ko.
"Bakit hindi ka na lang sa The Sorcerers mag-apply? Mas masupag sila kaysa sa amin kaya I'm sure na mabibigyan ka nila kaagad ng form."
"Ha? E, sa-"
"Just kidding, girl," nakangising sambit niya. "Just wait, ah." Tumalikod siya sa amin para kumuha ng form na nakatabi sa cabinet na nasa likuran niya. "Here," aniya sabay abot ng form sa akin. "Puwedeng bukas mo na lang 'yan ipasa. You may go," nakangiting sabi niya na halata namang kaplastikan lang.
"Ah, sige. Sala-"
"You're welcome!" Nakangiti pa rin siya.
Hinayaan ko na lang iyon at lumabas na kami. Nang makalayo na kami, biglang nagsalita si Crizelle. Aniya, "Basta gan'ong mukha, ma-attitude."
Haha.