Tagpuang Itinatanong

Laurie Creis

6:45 A.M. na nang makababa ako sa jeep. Sinigurado kong hindi naiwan ang form na hiningi ko kahapon.

Habang naglalakad ako patungo sa room ko, napansin kong pinagtitinginan ako ng mga tao.

Akala ko ba ay magbabago na ang takbo ng mga pangyayari? Ano na naman ang problema nila?

Hindi ko na lang sila pinansin.

Nang makarating na ako sa room ay dumiretso ako kaagad sa pwesto ko. Nauna na pala si Kendie.

"Nagpunta ka ba sa garden kahapon?" bungad niya. Paano niya nalaman?

"Oo. Bakit mo naitanong?"

"Hindi mo pa nga nakikita."

"Ha? Ang alin?" usisa ko.

Kinuha niya ang kanyang cellphone mula sa bulsa ng kanyang palda. Maya-maya pa ay iniharap niya iyon sa akin. Nakita ko ang isang post kung saan nandoon ang picture ko habang nasa garden. Mayroon pang nakalagay na caption na "Trespassing!" sa ibabaw ng picture.

Fudge! Sinasabi ko na nga ba.

"Kailan pa iyan?" Bigla akong nakaramdam ng panginginig ng buong katawan ko. Hindi dahil sa takot kundi sa galit.

"Kagabi lang," aniya. Patayo na sana ako pero hinawakan ni Kendie ang kanang braso ko para pigilan ako. "Saan ka pupunta? Malapit nang magsimula ang klase," paalala niya.

"Puountahan ko sana ang taong may kagagawan niyan." Sinubukan kong huminahon at kumalma.

"Sino? Kilala mo?"

"Oo," sagot ko. "Si Sky. Siya ang may gawa niyan. Sigurado ako."

"Paano naging siya?"

"Nagkita kami sa garden kahapon. Pinagsabihan kk siya kasi nakatutok sa akin ang camera niyang dala. Pinaalis lang niya ako at sinabihan na trespassing ako," naiinis na paliwanag ko.

"Pwede ngang tama ka," pagsang-ayon niya. "Pero, hindi mo dapat siya sugurin. Kapag nagkaroon na lamang ng pagkakataon na magkita kayo. Kaya kung ako sa iyo, huwag mo nang ituloy ang anumang binabalak mo."

Huminga muna ako nang malalim bago nagsalita. "Tama ka, Kendie. Tama ka."

Hindi oa man lubos na humuhuoa ang aking nararamdamang inis ay may dumating na isang babae at tinawag ako. Agad akong tumayo at lumapit sa may pintuan para harapin siya.

"I'm SSG Vice President Kira Hasmin," pakilala niya. Kararating pa lang yata niya kasi sukbit-sukbit pa niya ang kanyang bag. "Nais ko lamang na ioaalam sa iyo na kailangan mong magpunta sa SSG Office mamayang recess ninyo. Iyan lamang ang ibinilin sa akin ni Ma'am Hale na sabihin sa iyo. Pasensya na, kailangan ko nang umalis."

"S-Sige, salamat." Tinanguan niya lang ako bago nagmamadaling umalis.

- - - - -

Papunta na ako sa SSG Office. Pagdating ko, bumungad sa akin sina Ma'am Hale, Kira, Kaylie, at Sky. Naabutan ko silang nag-uusap-usap.

"Laurie, nandiyan ka na pala. Halika sa loob," anyaya ni Ma'am Hale sa akin nang makitang nakarating na ako.

Pinaupo ako ni Ma'am sa isang bakanteng upuan na napagigitnaan nina Kaylie at Kira. Nakapabilog ang ayos ng mga upuan.

"Good morning po," bati ko bago ako naupo.

"Good morning din," sagot ni Ma'am Hale. "Sisimulan ko na. Limitado lang ang oras natin," panimula niya. "Ipinabura ko na ang post kanina, Laurie. Hindi ka namin parurusahan o pagagalitan kaya ipinatawag kita. Nais lamang naming malaman kung tama ba ang ipinuounto ng post o ng nagpost. Nanggaling ka ba talaga sa garden kahapon?"

"Opo, nanggaling po ako sa garden kahapon," magalang na sagot ko.

"Anong oras ka naroon?"

"Mahigit sampung minuto po matapos ang alas-6 ng umaga."

"Ano ang naabutan mo nang makarating ka roon?"

"Bukas po ang gate. Walang ibang tao bukod sa akin."

Sandali siyang nag-isip bagonsinabing, "Kung walang nagbabantay, wala ngang pipigil sa iyo." Nagpatuloy siya sa pagtatanong. "Ano ba ang ipinunta no roon?"

"Naroon po ako para siriin ang mga halaman," sagot ko. Bigla namang natawa si Kaylie sa sinabi ko. Nagpatuloy ako at hindi na lang siya pinatulan. "Para po iyon sa isang study."

"Transferee ka nga pala kaya hindi mo alam na bawal pumasok doon nang walang pahintulot," wika ni Ma'am Hale.

"Pero nag-orientation naman siya, hindi po ba?" giit ni Kaylie.

Tss.

"Tama ka, Kaylie. Pero naisip ko rin na wala namang nagbabantay kung kaya't paano siya makahihingi ng permiso?"

"Nagtagal ka ba roon?" tanong niyang muli sa akin.

"Hindi po. Halos sampung minuto lang po akong naroon."

"Noong nasa loob ka na, may nakita ka bang ibang tao bukod sa iyo?"

"Opo, mayroon po." Kasabay niyon ay sinulyapan ko si Sky. Nakayuko siya.

"Sino? Kilala mo ba? Marami ba sila?"

"Isa lang po siya, Ma'am. Si Sky lang po," sagot ko na mukhang ikinagulat nilang lahat, lalo na ni Kaylie.

Biglang napatingin si Ma'am Hale kay Sky na hanggang ngayon ay nakayuko pa rin at nakikinig lang. "Naroon ka nga ba, Sky?" tanong ni Ma'am sa kanya.

"Opo," aminadong sagot niya.

Ibinalik ni Ma'am Hale ang kanyang mga tingin sa akin. "Bukod kay Sky, sino pa?"

"Wala na pong iba maliban sa kanya," paglilinaw ko.

"Ah, are you saying na si Sky ang may gawa ng post? At ngayon ay sinisisi mo siya sa katangahan mo?" sabad ni Kaylie.

"Sorry, pero ganoon na nga. Pero lilinawin ko lang sa iyo, hindi katangahan ang ginawa ko."

"Wow. In fairness naman sa iyo. Hindi iyon magagawa-"

"Sandali. Magtigil kayong dalawa. Si Sky ang ating tanungin," pag-awat ni Ma'am Hale sa bangayan naming dalawa ni Kaylie. "Sky, ijaw nga ba?"

"Hindi po-"

"Hindi?!" sabad ko.

"Huminahon ka, Laurie. Pagsalitain munannatin si Sky," sabi niya sa akin. "Magpatuloy ka, Sky."

"Hindi po ako ang may gawa niyon. Sa katunayan po, pinatabi ko siya dahil nahaharangan niya ang aking kinukuhanan ng litrato."

"Ibigsabihin, may dala kang camera sa mga sandaling iyon?"

"Opo, mayroon po."

Huminga nang malalim si Ma'am Hale bago muling nagsalita. "Kung hindi si Sky, ibang tao. Maaaring sa mga sndaling iton ay hindi lamang kayo ang naroroon. At kung sino, o sinu-sino, wala tayong alam."

"And in fact, wala kang ebidensya, Laurie," mataray na pahayag ni Kaylie. Aba't ako talaga ang gusto mong kausap, ano?

"I agree," sambit ni Kira. "She has no proof. There is no assurance at all."

"Nalaman kong ang account profile na ginamit ng nagpost ay wala sa opisyal na listahan ng mga nagpatalang mag-aaral dito. Maaaring fake account lang iyon. Mahihirapan tayong alamin kung sino ang tunay na may-ari ng account na iyon," lahad ni Ma'am Hale.

Tahimik lang kaming lahat.

Naisip kong posible ring mali ako. Pero kapag naaalala ko iyong nangyari, si Sky pa rin ang sinisisi ko.

Hindi. Malaki ang posibilidad na siya iyon. Palakampasin ko na lang muna sa ngayon ay kanyang ginawa.

Hindi na humaba pa ang usapan. Pinauna na nila ako. Sa ngayon ay wala pa raw kaming masisisi. Ang mahalaga raw ay burado na ang post. Hindi rin daw nila ginusto ang nangyari.

- - - - -

Sky Russell

Hindi ko maintindihan kung bakit ako ang sinisisi ni Laurie sa nangyari. Wala naman siyang maihaing pruweba sa amin. Pero ang mas ipinagtataka ko, bakit parang hindi para kay Laurie ang post? Bakit parang ang layon niyon ay ang madiin ako?

Habang naglalakad ako pabalik sa aking silid ay patuloy ako sa aking pag-iisip. Maya-maya pa ay biglang sumulpot sa aking tabi si Kaylie. Ramdam ko ang presensya niya ngunit hindi ko man lamang sinubukang tingnan siya.

"Sky, I believe na hindi ikaw ang may gawa ng post, but I just wanna know kung bakit ka nagpunta sa garden kahapon," wika niya.

Patuloy ako sa paglakad. "Hindi mo na kailangang malaman."

"But I just-"

Tumigil ako at hinarap siya. "Bakit ba kailangan mo pang itanong iyan sa akin? Nais kong ipaalala sa iyong muli na hindi mo ako responsibilidad at wala kang pananagutan sa akin. Kung kaya, hindi mo kailangang gawin ang bagay na iyan," paalala ko sa kanya na tila nakalilimot sa kanyang limitasyon.

Iniwan ko siya roon na sa aling palagay ay naguguluhan. Pero bago ko siya tuluyang tinalikuran, natanaw ko si Rhei sa hindi kalayuan, pinapanood kaming dalawa.

Habang ako ay naglalakad, nakasalubong ko si Sir Efren.

"O, Sky," masayang bati niya sa akin, "saan ka nanggaling?"

"Sa SSG Office po," sagot ko.

Tumango-tango siya bago muling nagsalita. "Nagsasanay ka na ba sa pagkuha ng litrato?"

"Nasimulan ko na po, Sir."

"Maigi," aniya. "O siya, paalam na."

"Sige po, Sir," tugon ko sabay tango.

- - - - -

Oras na para kumain ng pananghalian. Naalala ko, nasa locker pala ang aking baunan. Nagtungo akonroon nang mag-isa.

Habang binubuksan ko ang aking locker ay may biglamg nagsalita mula sa aking tabi na waring ako ang pinariringgan. Batid kong kararating pa lamang niya.

"Basta talaga may katungkulan ka, makapangyarihan ka na," aniya.

Sinulyapan ko siya. Binuksan niya ang kanyang locker at may kinuha mula roon.

Nagpatuloy ako sa aking ginagawa. Paalis na sana ako nang muli siyang nagsalita. "Ilang beses na ba tayong nagkita simula no'ng first day? Pati lockers natin, pinagtatagpo. Masama rin ba ang ugali ng locker mo?"

Nilingon ko siya. "Pasensya ka na kung sasabihin kong tama ka. Kaya sa tingin ko, kailangan mong bantayan nang maigi ang locker mo." Agad ko siyang tinalikuran ngunit muli rin akong napahinto nang muli siyang magsalita.

"Bakit ba ayaw mo pang umamin? Una pala sa lahat, bakit mo ito ginagawa sa akin?"

Muli ko siyang hinarap. "Hindi ako umaamin sa kasalanang hindi sa akin. Nais ko ring linawin na wala akong ginagawang masama sa iyo. Sa huli, sinasabi ko sa iyo, malalaman mong pareho tayong dehado rito," pahayag ko bago siya tuluyang iniwan.

Hindi ako ang dapat mong sisihin. Hindi ako ang kalaban, Laurie.