Nakipag-high five si Patrick sa mga kasamahang photographers pagkatapos ng pageant. Sinusundan ko lang sya para kumbinsihin pero hindi sya nakikinig sa akin.
"Patrick, hindi ako makakapag-college kung hindi ako uuwi doon." sabi ko.
Nakatalikod lang sya sa akin habang nililigpit ang kanyang mga equipment. Nilalagay nya sa bag yung mga lens at sa kabilang bag naman yung camera. Binitbit nya naman yung dalawang tripod na dala nya. Sunod lang ako ng sunod sa kanya.
"Sige bro!" nakangisi nyang wika sa kapwa nya photographer at nakipag-fist bump pa sya.
Bumaling sa akin yung photographer. Nginitian nya ako.
"Sige Chelle, sasama ba kayo mamaya sa after party?" nakangiti nyang tanong. Ngumuso ako.
Gusto ko sanang makipag-usap kay Patrick about dito sa problema ko. Bago pa man ako makatanggi sa photographer na iyon ay tumango na si Patrick.
"Oo bro." wika nya.
Umalis na ang photographer kaya bumaling ako sa boyfriend kong nagliligpit ulit ng mga gamit. Nakatalikod lang sya sa akin at hindi ako nililingon. Alam ko, galit sya. Ayaw nyang magkahiwalay kami ng matagal, gusto nya na dito lang ako sa tabi nya. Sweet. Pero gusto ko maging praktikal. I badly need this opportunity kaya hindi ko na ito sasayangin.
"What?" iritado nyang baling sa akin.
"We need to talk about this, Patrick. Hindi pwedeng pumunta tayo sa party na 'yon nang hindi natin ito napaguusapan ng maayos. Bukas na agad ang alis ko papuntang probinsya."
"I said no, Rochelle, ayoko!" matigas nyang sabi.
Nagtama ang aming mga mata. Ramdam ko at kitang-kita ko kung gaano sya keseryoso sa mga tingin nya sa akin.
"Ayokong umalis ka." Kinuha na nya yung mga bag nya saka ito sinukbit sa kanyang balikat. "Nakaya mo naman na pa-gig-gig lang buong summer ah? Kaya mong maging photographer at model. You can live without even going there!"
"Kaya ko! Pero paano ang pamilya ko? At Patrick, gusto ko mag-college. Kung ikaw kaya mo kasi mayaman kayo at kumikita ka na, ako hindi. Hanggang Community College lang ako doon sa probinsya namin, at hindi ko kakayanin yung malalaking Unibersidad dito lalo na sa estado namin ngayon."
"Then I'll pay for you. How's that?"
Hinapit nya ang bewang ko. Agad akong nanghina dahil sa ginawa nyang paghawak sa akin.
Nandito kami sa venue kung saan ginanap ang pageant sa isang prestihiyosong resort at isa si Patrick sa mga official photographers na kinuha nila. At syempre, dahil supportive akong girlfriend ay nandito ako at umaaligid sa kanya.
Siniil nya ako ng halik. Buti nalang at wala ng tao. Nakaalis na ang lahat at kaming dalawa nalang ang nandito.
Agad na uminit ang pisngi ko dahil sa ginawa nya.
Isang taon palang kami ni Patrick pero pakiramdam ko ay pinanganak na akong kasama sya. Gano'n talaga siguro kapag naging dependent ka na sa isang tao. Though hindi ako yung taong dumedepende sa iba pero hindi ko pwedeng itanggi na nitong nakalipas na dalawang buwan ay dumepende ako sa kanya.
Nasa probinsya sina mama at papa. Nando'n kasi yung negosyong inaalagaan nila. Yun nga lang ay pabagsak na ito. I don't know why. Pero nagpasya nalang ako na sumunod sa kanila at tumulong sa gawaing bukid. Pinangakuan naman ako ni mama na pagaaralin nya ako sa isang Community College doon na katatayo lang.
"Tara na sa Four Corners?" nakangiti nyang wika pagkatapos ng halik.
Pinagmasdan kong mabuti ang medyo magulo nyang buhok at ang dimple nyang lumilitaw tuwing sya'y ngumingiti. Napailing nalang ako at nagpatianod sa kanyang higit sa akin.
Nakarating kami sa bar gamit ang kotse ni Patrick. Nandoon na ang ibang mga kasama sa pageant. Pati yung kaibigan kong nanalo ng titulo na si Cindy ay nakita kong sumasayaw na sa stage habang pinapakita ang mahaba nyang legs.
"ROCHELLE DEBOLGADO!" sigaw nya na umalingawngaw sa buong bar kahit na napakalakas ng music.
Napalingon-lingon ako sa paligid dahil sa hiya. Nakita kong nakatingin na sa akin yung mga taong malapit sa pwesto ko.
"Cindy." tawag ko sa kaibigan ko kahit na paulit-ulit syang ngumanganga dahil hindi ako marinig. Umiling nalang ako.
Nakita ko pa ang dalawang ko pang kaibigan na sina Vina at Gabbana.
"Pagpasensyahan mo na yung kaibigan mong lumaklak ng limang baso ng Red Dynamite!" ani Gabbana sabay irap. Napatingin nalang ako ulit kay Cindy na sinasayawan yung pole. Parang adik lang.
Umupo ako sa katabing stool ni Vina. Kumakain sya ngayon ng mani habang busy naman sa kachukaran nyang lalaki si Gabbana. Bumaling ako kay Patrick na pinaglalaharan ng kamay si Cindy. Tumingin sa akin si Patrick sabay sumenyas na pinatatawag sila ng top photographer. Tumango lang ako saka ko pinanood ang kanilang pagalis.
"May offer siguro." utas ko kay Vina. "Ay speaking of offer, tinanggihan mo raw yung restaurant?" nakuha ko ang atensyon ni Gabbana dahil sa tanong ko kay Vina. Ngayon silang dalawa na ang nakatingin sa akin.
"Kailangan kong umuwi ng probinsya —"
Naputol ang pagsasalita ko ng may biglang humablot sa braso ko. Agad kong nilingon kung sino ang humigit sa akin at nakita ko ang nakabusangot kong kapatid.
Huminga ako ng malalim saka ko ito binuga sa kanya at sinigaw ang pangalan nya. "JOSEFF!"
Sya ang nakababata kong kapatid. At hindi ko alam kung bakit sya nandito!
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
Narinig ko pang nagsingahapan ang mga kaibigan ko sa table pero nahila na ako ni Joseff palayo bago pa man sila umalma.
"Obviously, lumuwas ako. Pinapasundo ka na nila mama. What makes you stay here for so long? Kailangan na raw ng transcript of records ng school na papasukan mo . . . at kailangan mo na rin kumuha ng entrance exam, sa lunes na kaya ang pasukan."
Marahan kong pinisil ang aking kamay saka ako tumingin kay Patrick na seryosong nakikinig sa sinasabi ng kaharap.
"Is it because of Patrick, Cheche?"
Kumunot ang noo ko dahil sa tawag nya sa akin. Ngumisi lang sya saka nagtaas ng kilay. Nangaasar.
"Wala ka talagang respeto—"
"Sumama ka na raw sa akin. Ngayong gabi ang alis natin."
"Huy ano ka? Kaluluwas mo lang tapos babalik ka na agad? Tsss."
Inirapan nya ako. "Kailangan. Ayun yung bilin ni mama. Siguradong palalayasin ako doon kapag umuwi ako ng hindi kita bitbit."
I shrugged my head. Hindi ko kayang umalis. Hindi ko kayang iwan si Patrick ng hindi pa kami nakakapagusap ng maayos.
"I need to talk to Patrick."
"To stop you again? Di ba hindi sya pumayag? Paano kung hindi na naman sya pumayag? Ayaw mo bang mag-college?" tumaas ang kanan nyang kilay. "Simon had just got home para tulungan sila Auntie Wilma, tapos ikaw dito kalang?" may katabangan sa boses si Joseff.
I know. Patrick hated the province. He really loved the city. Even Joseff who happened to be a party animal and have all the branded things and clothes ay di ko naimagine na magha-high school sa isang maliit na pamantasan sa probinsya. Wala naman iyong kaso sa akin, it's just that I'm not used to kind of life that the province has. It's not my first time na aapak ako sa lupa ng probinsya pero pakiramdam ko ganun. Hindi naman kasi kami madalas na magpunta roon. Bukod kasi sa malayo at mahal, e aksaya pa sa oras. Hindi rin akalain ng mga magulang namin na darating ang araw na kakailanganin naming na bumalik doon. Nang iluluwas na kasi pa-Maynila ang lola Josefina ay nagkasakit sya, noon lang nakabalik ng probinsya sila mama. Nagkataon naman na nagkaproblema sa negosyo kaya mas kakailanganin kami ngayon doon.
"Gaano ba kalala ang problema sa negosyo?" ayan yung tanong na matagal ko nang gustong itanong kay Joseff.
Nagtaas sya ng kilay habang nakapameywang. Parang hindi makapaniwala sa tanong ko.
"Chelle," ayan ang tawag nya sa akin kapag seryoso na sya. "Just for you to know, kapag nawala ang negosyo ang tanging bubuhay nalang sa atin ay yung mga talbos sa likod bahay nila Simon. Kaya mag-isip-isip ka na!"
Napalunok ako. I still don't get it, hindi ko malaman kung ano ang problema sa Atlan Spring at ganito makapag-react ang kapatid kong ito.
"Bakit? Ano? Nabasa ba yung tubig?" I even laugh because of my own question. "O lumamig yung hot spring?"
"It's for you to find out." aniya saka humalukipkip. "Come on, Ate. Why don't you just tell your gruesome boyfriend na babalik ka rin naman?"
I pouted my lips at pinagmasdan kong mabuti ang maamong mukha ni Patrick habang tumatango-tango sya ng marahan dahil sa sinasabi ng kausap. Pumikit ako at nag-desisyon. Aalis ako. Pupunta ako ng probinsya, pero bago ang lahat . . . si Patrick.
Nilapitan ko ang boyfriend ko. Kinalabit ko sya at binigyan ng ligalig na ekspresyon.
"What?"
"Patrick, andito si Joseff." kinagat ko ang pangibaba kong labi. Kumalabog naman ang aking dibdib dahil sa naging reaksyon ni Patrick. Alam ko na hindi nya nagustuhan ang sinabi ko.
"What's he's doing here? I thought he's in your province?"
"Pinapasundo ako nila mama sa kanya. I need to go with him tomorrow."
Hinapit nya ang bewang ko at dinikit nya ako sa kanya. "No." simple nyang tugon.
Nagsasalita pa rin yung top photographer and everyone seemed to listen even the models.
"Babalik din naman agad ako." dagdag ko.
Uminit ang pisngi ko dahil na-realize ko na nakatingin na pala sa amin yung mga photographers at models. Hindi kasi ako sanay na nagpapakita ng affection si Patrick publicly. Madalas pag kaming dalawa lang. Mas lalo akong nahiya nang mapansin ang tingin sa akin ng sikat na photographer na nagpatawag sa kanila.
"Okay. Just make sure you'll come back to me." aniya saka ako hinalikan.
Halos magkulay kamatis na ako dahil sa ginawa nya. Tumango nalang ako habang nakatingin sa kanya.
"Thank you." Utas ko saka ko binalikan ang kapatid ko.
"So ano, break na kayo ni Patrick?" bungad na pangaasar ni Joseff nang nasa terminal na kami ng bus.
Tatlong bus pa ang sasakyan namin bago kami makarating sa probinsya. Wala kasing direktang bus na papunta roon kaya nakakatamad na bumalik.
Joseff have even packed my things up for me nang makarating sya kanina.
"Tell me what is it your problem with Patrick?"
Nagkibit-balikat lang sya.
Pagkasakay namin ng bus ay nagtalo pa kami kung sino ang uupo sa may tabi ng bintana.
Sabi nya ay puro dilim lang daw makikita ko. Iginiit ko naman na dapat ako ang umupo roon dahil ilang beses na syang nagpabalik-balik sa probinsya. We've done the conversation with the agreement na sya naman ang uupo sa tabi ng bintana sa pangalawang bus.
Tulog ako buong byahe. Puyat na puyat ako dahil maaga akong gumising kanina para samahan si Patrick sa gig nyang iyon.
"Sa pangatlong bus ako naman ang uupo sa tabi ng bintana ah?" angil ko nang makasakay na kami ng pangalawang bus.
At dahil likas na mabait ang kapatid kong ito ay pumayag sya. Sobrang saya ko pa noon dahil nakikita ko na ang malasutlang kalangitan sa likod ng nagtatayugang bulubundukin ng probinsya. Ang mga berdeng kapatagan ay nakakahalina sa mata.
Ilang oras pa ang lumipas at bigla nalang umulan ng malakas. June na kaya madalas na ang pag-ulan.
"Oh? Basa na naman yung tubig sa spring!" inunahan na ako ni Joseff.
Hindi ko pa rin talaga makuha kung paano nagkaproblema ang spring na pagmamayari ng lolo ko na patay na.
"E mukhang . . ."
Huminto ang bus dahil may bumabang pasahero. Natigilan din ako dahil sa lawak ng bukid na natatanaw ko ngayon. At may lalaking nangangabayo sa gitna ng bukid na iyon ng naka-topless. Siraulo lang? Anlamig kaya!
"Mukhang ano, Chelle?"
"M-mukhang ngayon lang naman umulan dito." sabi ko sabay titig sa lalaking pinilig ang buhok sabay bumaba mula sa kabayo.
Hinimas nya ito. Nakatalikod sya kaya ang likod nya lang ang kita ko. Kumunot ang noo ko.
Adik! Anlamig-lamig tapos may patopless-topless pang nalalaman! Pa-hot lang? Tss, ang yabang!
Mahaba ang kanyang buhok na pa-v shape na hanggang bewang nya ang haba. Magulo iyon na aakalain mong hindi sinusuklay. Para syang taga-gubat.
"What's with the hairstyle?" Tumaas ang kilay ko at napaismid hanggang sa umandar ulit ang bus.