WebNovelBaka Pwede100.00%

Chapter Two

Pinupog ako ni mama at Auntie Wilma ng yakap pagdating namin sa Ancestral house. Iginala ko ang aking paningin sa buong bahay na itinayo pa noong panahon ng mga amerikano. May dalawang palapag ang bahay na ito at medyo may kalakihan. Dito tumira ang magkakapatid na Debolgado. Nabubuhay sila sa pamamagitan ng Atlan Spring na may lawak na pitong ektarya at mga manok na sabungin ng yumao kong lolo.

             "Ma, si Rochelle po." pakilala sa akin ni Auntie nang lapitan namin ang aking lola na halos di na makagalaw at nakaupo na lang sa kanyang rocking-chair.

Ngumiti ako ngunit agad din iyong nawala ng makita ko ang pagkunot ng kanyang noo.

             "Bakit di n'yo sinabi na burol na pala ni Antonio?!" galit nyang litanya. Napahakbang ako patalikod dahil sa gulat.

             "La, matagal na po iyon."

             "Lumalala na talaga ang alzheimer's ng lola mo." buntong hininga ni Auntie.

Di ko alam na gano'n na palang kalala ang sakit ni lola. Noong huling andito ako ay malakas pa sya, kaya nya pang magkikilos pero ngayon ay parang wala na syang buhay sa kanyang tumba-tumba.

             "Oy Joseff, iakyat mo na yung mga gamit niyo sa taas," ani mama ng makita ang kapatid kong dala-dala ang mga gamit namin, "dun ka sa katabing kwarto ni Joseff." baling naman ni mama sa akin.

             "Ma, di po ako magtatagal dito." kumunot ang noo ni mama dahil sa sinabi ko.

             "Anong ibig mong sabihin, Chelle?"

             "Babalik din po agad ako ng Maynila."

Nagkatinginan si mama at Auntie Wilma saka tumabi sa akin sa sofa. Bale ako ang nasa gitna nilang dalawa. Nasa kanan ko si mama habang naupo naman si Auntie sa kaliwa.

             "Chelle, if we don't have any choice, baka ibenta na yung bahay sa Maynila."

             "Ha? Bakit?" Gulat kong tanong. "Ano po bang problema, ma? Bakit parang isang kalabit nalang malulugmok na tayo sa kahirapan?"

             "Ayun nga, Chelle. Pinauwi ko si Simon. Yung Atlan, wala na sa atin ang titulo."

I never even imagined na hahantong kami sa ganitong desisyon. Matagal na kami sa bahay na iyon!

             "Paanong wala na? E diba sa atin iyon?"

Umiling agad si Auntie. "Sinangla ni mama yung Atlan sa mga Crisostomo about fifteen years ago."

             "HA?" nahulog ang panga ko dahil sa nalaman.

             "Oo," tumango si Auntie. "Pero hindi naman iyon legal na sangla. Matalik na magkaibigan si Don. Manuel Crisostomo at ang lolo mo. Kilala mo naman si papa, sugarol. Walang kaso noon dahil magkaibigan naman sila. Pero dahil pareho na silang patay ngayon at pina-survey namin ang lupa, hindi na namin makuha ang rights no'n dahil wala na sa atin ang titulo."

             "Ha? Nasa'n?"

             "Ano ba, Rohelle! Nakikinig ka ba? Nasa mga Crisostomo!"

I'm not good at memorizing the famous names here in our province. Hindi naman kasi ako lumaki rito. Ang alam ko lang ay kadalasan na hanap-buhay dito ay pagtatanim at pagsasaka dahil sa matabang lupa ng probinsya.

             "E kung hingiin natin —"

             "Kailangan natin bayaran ang halos isang milyong utang ni papa bago natin mabawi sa mga Crisostomo ang Atlan Spring."

Napalunok ako. Ganun kalaki? Nakita ko ang panlulumo sa mga mata ng mama at Auntie ko.

             "Ngayong nage-expand na ang sakahan ng mga Crisostomo, nabalitaan ko na nagpa-survey na rin sila ng mga lupain nila. At alam mong gilid lang ng umpisa ng kanilang lupain ang Atlan. At kasama sa mga ipina-survey nila ang buong Atlan Spring."

             "Grabe naman, Auntie. Hindi pa ba sapat na nasa kanila na ang Tinaguan Falls?" inis na singit ni Joseff na kabababa lang.

Pinukol nya ako ng masamang tingin. Gumanti rin ako at masama rin syang tinitigan.

Ngumuso ako kila mama. "Ano pong magagawa ko para sa Atlan kung nandito ako?"

Ayun ang malaking palaisipan na gumugulo sa utak ko. Ano nga bang magagawa ko? E wala naman akong alam pagdating sa pagpapatakbo ng negosyo?

Magiging pabigat lang ako rito dahil wala naman akong alam na gawaing bukid, ang alam ko lang ay ang kumain at matulog.

Pinukpok ko ang cellphone ko ng makitang isang bar lang ang signal. Pahirapan talaga ng signal dito sa probinsya! Pahirapan sa pagpasok ng mga messages at pahirapan din mag-send ng reply. Sa isang network ay medyo okay naman dahil dalawang bar ang signal. The problem is, I am running out of load.

              "Arat! Yoohoo!"

Napagpasiyahan nilang dalawa na gumala nalang dahil nanggagalaiti sa akin si mama dahil sa sinabi kong hindi ako mageenroll sa Community College. Oo, gusto kong maging praktikal. Pero ngayong malayo ako kay Patrick ay saka ko lang na-realize na tama sya. Kung sana ay hinayaan ko nalang sya na tulungan ako sa pagaaral ko ngayong nawawalan na ako ng gana dito sa probinsya!

Naiirita ako. Kasi si Joseff na allergic sa probinsya ay para nang hunyango na nagbe-blend in na dito. Naka-shorts at sleeveless top lang silang dalawa ni Simon. Naka-ball cap naman si Simon.

             "Ate, wag ka ng malungkot. Mae-enjoy mo rin naman ang probinsya!" Banayad na litanya ni Joseff na mas lalo lang nagpakulo sa galit kong sistema.

             "Oo nga, Insan." utas naman ni Simon habang minamaneho ang lumang pick-up nila. Tinuro nya ang isang malaking soccer field. "D'yan naglalaro ng soccer ang mga taga-rito."

Tumingin ako sa mga lalaking naglalaro ng soccer. Sa di kalayuan ay natanaw ko naman ang simbahan.

             "D'yan nagsisimba."

             "Obviously." umirap ako.

Wala gaanong tao sa daan ngayon. Siguro sa may soccer field lang ang maraming tao at ayun din siguro ang sentro ng probinsyang ito dahil may malapit na public market sa simbahan.

             "Mamimili kami ni Simon ngayon. Ikaw? Di ka ba mamimili?"

             "Bakit ako mamimili e di naman ako dito magaaral!"

             "Aarte ka pa? We have no choice. Wala na tayong pera para sa Maynila!" inismiran ko sya.

Lumabas kami ng sasakyan.

             "Dito nalang ako maghihintay." Sabi ko saka sumandal sa pinto ng sasakyan.

Tumango silang dalawa saka naglakad palayo. Pinanood ko naman ang mga taong nagkakagulo sa pagpili ng mga jologs na gamit. Yes. Kitang-kita ko mula sa aking kinatatayuan ang pagaagawan ng mga babaeng kaedaran ko lang sa isang damit na halos di ko maintindihan ang disenyo. Kahit sa malayo ay halatang-halata ko kung gaano ka-cheap ang materyales na ginamit doon.

Natawa ako ng mahina habang iniisip ko na mamamatay muna ako bago manatili sa remote area na ito. Napaayos ako ng tayo ng maramdaman ko ang pagkapunit ng crop top ko.

             "Shit! Kinakalawang na pala 'tong pick-up ni Simon!" utas ko ng makitang may butas nga ang aking damit sa may badang kili-kili.

I bite my lower lip ng makita kung gaano kalaki ang butas.

             "Punyeta! Yung pinaka-mahal pa! Argh! Badtrip!" inis kong bulong sabay tingin pa rin do'n sa butas.

             "Oops, sorry." sabi ng isang lalaki na nakasuot ng jersey.

Di ko alam kung sinadya nya ba na banggain ako o talagang nakaharang lang ako sa dinaraanan nya. Pero base sa nakapintang ekspresyon sa mukha ng mokong ay alam kong sinadya nya. Nakangiti sya ng pagkalaki-laki at nakuha pang kumindat sa akin.

             "Hi, ako nga pala si Koko." aniya saka nilahad ang napaka-dungis nyang kamay.

Palihim akong natawa. Hindi dahil sa tuwa kundi dahil sa panunuya sa pangalan nya. Coco . . Coco Martin? Coco Crunch? Coconut? Halos sumabog ako sa pagpipigil ng tawa kaya mas lalo ko pang kinagat ang aking labi.

Tumango lang ako at tinanggap ang kanyang kamay.

             "Chelle." sabi ko sabay ngiti.

             "Koko, tara na!" lumapit sa amin ang isa pang lalaki na nakasuot rin ng jersey. Paglapit nya ay tumingin sya sa akin.

             "See ya later, muah muah, chup chup."

Napailing na lang ako. Jusmio! The hell with you? Napakabaduy talaga! Kinindatan nya pa ako bago sya pumihit. Dahan-dahan nalang nalaglag ang panga ko ng makita ang nakalagay sa likuran ng kanyang jersey.

             "Crisostomo." bulong ko sa sarili.

Hindi ko na sya natanggal sa aking isipan hanggang sa dumating sila Joseff na nagsasabi nito . . .

             "I buy you some school stuff just in case na magbago ang isip mo. Di ko alam kung ano ang gusto mo kung yung halaman ba o yung aso-"

             "Punyeta!" nagalab ang galit ko. "Sabing ayoko!"

             "Oh e, wala na tayong magagawa. Nakabili na ako." Aniya sabay lapag ng mga pinamili nya sa loob ng kotse.

Panay ang pagalit ko habang patuloy kaming nililibot ni Simon sa buong probinsya. Wala akong ibang ginawa kundi ang magmura at pansinin ang kapangitan dito sa probinsya.

             "Ano ba 'to, lubak-lubak! Hindi ba ito sinisemento? Hindi ba abot ang semento rito?"

Habang tumatagal ay mas lalo kong inaayawan ang lugar na ito. it was not so bad at first, pero ngayong sinabayan pa ng pangungilila ko kay Patrick, ang aircon at ang amoy ng kanyang sasakyan, ay wala na akong ibang magawa kundi ang ilingan ang alok na dito ako mag-aral.

Nagpunta kami sa Atlan nang medyo bumuti-buti na ang timpla ko. Basta ba wag akong kakausapin ng impakto kong kapatid ay magiging maayos lagi ang mood ko.

             "Nagtanggal ng ilang tauhan si papa kaya hindi na gaanong nami-maintain ang kalinisan." sambit ni Simon sabay pulot ng plastic na tinapon ng kung sino.

Marami pa rin namang nagpupunta at naliligo rito. Yun nga lang sabi ni Simon ay baka manghingi na ng hating kita ang mga Crisostomo pag natapos na nila ang pagsu-survey.

             "Bakit ba nila pinapa-survey ang lupa?" tanong ko habang pinapanood ko ang pagwa-water fight ng ilang mga kabataan sa may isang lagoon. "Ay nga pala . . . may nakita akong isang Crisostomo kanina sa may market."

Ngumuso si Simon sa akin. "Pinapasurvey nila yung mga lupa kasi itatransfer na nila ang mga lupain sa kanilang tagapagmana."

Tumango ako. "Sino ang tagapagmana?"

             "Hmm, siguro yung nakita mong Crisostomo kanina. Sya lang naman ang huling Crisostomo."

Hinawi ko ang ilang takas na buhok sa aking mukha saka ko ito inipit sa likod ng aking tenga.

             "Ang yabang nya, ha?"

             "Ewan ko. Siguro. Hindi ko pa naman nakakasalamuha yung Crisostomo na iyon." humalakhak si Simon.

             "If only I was a woman," boses palang ni Joseff ay agad na naglagablab ang nananahimik na galit sa kaibuturan ko. "Paiibigin ko yung Crisostomo na iyon. At paiikutin ko. I will make him fall inlove with me so hard nang sa gano'n ay sundin nya lahat ng gusto ko. Sasabihin ko na ibigay nya sa akin ang lupa. Hmmm. Or. pwede rin naman na pumunta ako sa bahay nila at kunin yung kasulatan kasama yung titulo saka ko iuuwi sa atin."

Nag-evil smile sa akin si Simon at Joseff. I shrugged my head and I rolled my eyes.

             "Wag niyo akong isali sa kagaguhan nyo!" mataray kong utas.