Chapter Two

Anastacia.

"Did you get it, class?! I know all of you, maybe, prioritizing the thesis but my subject is also important! Don't you dare take my subject for granted! Dismiss!"

Napailing nalang ako at kinuha ang libro ko at nilagay sa bag. Nakasimangot namang pumunta sa pwesto ko si Yumi.

"Ana..." Umikot ang mga mata ko. "What? Huwag kang umasa lagi sa 'kin, Yumi." Sabi ko habang inaayos ang bag ko.

Nagpa-cute pa ito at kung ano-ano ang ginawa ngunit hindi ako nagpadala. Hinarap ko siya at tinaasan ng kilay. "Look, I know that I am good in English just because I've been reading English books ever sinceI learned how to read but Vissi, hindi naman ata pwedeng Tagalog ang gagawin mo at ipapa-translate mo nalang sa 'kin sa English." Mahabang sabi ko.

Ngunit sadyang makulit talaga siya.

"E-eh... Ana naman eh..." Anito habang nakanguso. "Sige na, please? Chapter Three lang?"

"Nope. Ako na nga nagtranslate ng Chapter One mo, ako na naman ulit? Then you call yourself a researcher?" Taas kilay na sabi ko.

Napakamot nalang siya sa ulo niya at mukhang sumuko na. Napailing nalang ako. She's good in everything but her lack of confidence holding her back to unleash her hidden skills and talent.

Niyaya ko siyang pumunta ng mall para bumili ng libro sa National Book Store. Pumayag naman siya dahil may bibilhin daw din siyang wattpad book na kare-release lang.

I told her to try international books but she refused. English was too hard for her but I knew from the start that she was really good on it.

Sabi niya'y, mas malawak daw ang imahinasyon niya kapag wattpad stories ang binabasa niya.

And she prefers cliché stories.

Pagkapasok namin ng mall ay nagmamadaling tumakbo si Yumi papuntang NBS. Hinayaan ko lang siya at binilisan ang lakad to catch up.

Pagkapasok ko ay pumunta agad ako sa non fiction section. I want to try something new. Nakangiting naghanap ako ng magandang libro. Ang iba naman ay gusto ko ngunit hindi pasok sa budget ko. Ang iba naman ay pamilyar ang title ngunit sa tingin ko'y alam ko na ang kwento.

I don't really know myself when it comes to books. I have this skill, wait, I don't even know if this was a skill but I can tell what was the story is all about as I read its title.

But, yung hiniram kong libro kahapon ay 'yon lang ang hindi ko maintindihan. Pakiramdam ko ay alam ko na ito ngunit hindi ko maalala.

I shooked my head at lumipat sa kabilang shelf na puro non fics din ang nakalagay. Habang tumitingin ako ng mga ilang hardbounds ay napanganga ako sa gulat sa nakita ko.

"Nostalgia!" Sambit ko ng makita ko sa dulo ng shelf ang katulad ng librong hiniram ko. Kukunin ko sana ito nang may kamay na na namang lumitaw sa harap ko.

It was him again.

The student librarian.

"Oh..." naisambit niya. "What a coincidence." Aniya at tumalikod sa 'kin at naglakad papalayo.

Napaawang ang bibig ko. The heck?!

Napahawak naman ako sa dibdib ko dahil muli kong naramdaman na naman iyon. Nostalgia... The Student Librarian... what the hell is happening to me?

"Uhm, wait!" Tawag ko dito kaya huminto ito sa paglalakad at nilingon ako.

"Do you... do you want to drink coffee?"

♫♫♫

"Vissi." Tawag sakin ni Yumi na may mapang-asar na tingin. Umiling lang ako dahil alam ko ang iniisip niya.

"It's not like that." Bulong ko. "Can you order coffee for us? Please?" Pabor ko.

Ngumisi ito at mas lalong nang-aasar ang mga mata nito. "At bakit?"

"Because I want to talk to him."

"Oh? Anastacia's interested to a guy. What a miracle."

"Anong miracle ka dyan?!" Medyo napalakas kong sabi kaya tumingin siya samin habang may kinakalikot ito sa kanyang phone.

Tinulaktulak ko siya at binigay ang wallet ko. Napangisi naman siya at kinuha 'yon.

Nakahinga naman ako ng maluwag... as of now. Dahil paniguradong pagkatapos nito ay kukulitin ako ni Yumi about dito.

Wait... ano nga ba ang itatanong ko sa kanya?!

Bakit ko nga ba siya niyayang magkape?!

"Why Dunkin' Donuts?" Tanong nito habang may pinipindot pa din sa phone niya.

Natigil naman ako sa pagpapanic. "What?" Medyo naguguluhang sagot ko.

"Bakit sa Dunkin' Donut mo gustong magkape?"

Napangiti ako. "Ah, I like the ambience here kumpara sa Starbucks. It's not that ayaw ko sa ibang coffee shop but, I don't really know but I love Dunkin' Donuts' coffee." Explain ko na mukhang kumbinsido naman siya.

"Aroma." Anito kaya tumango-tango ako.

"Oh, yes! Ang bango ng kape nila. Freshly brewed!" sabi ko at mukhang bigla akong natakam dahil naamoy ko na yung kape mula sa counter.

"Guys?! Anong donuts niyo?!" Rinig kong tawag ni Yumi.

"Usual sa'kin! Ikaw, ano sa'yo Student Librarian?"

Tumingin siya sa 'kin. "Student Librarian?"

Napalunok naman ako. "Ah, yeah? 'Yon ang tawag ko sa 'yo because... I don't know your name?"

Ofcourse that was half lie. Hindi ko naman talaga alam ang pangalan niya nung una pero sinabi sa 'kin ni Yumi na Genre Ignacio daw ang pangalan niya.

"You don't even know my name yet you invited me for a coffee?" Napaayos ako ng upo dahil sa pagkapahiya.

Napanguso ako. "Ikaw na nga ang ililibre. It's my thanks for getting the book for me."

"That was part of my job."

Kumunot ang noo ko. What the heck? May tinatagong kasungitan 'tong lalaki na 'to ah?!

Nilingon ko si Yumi na halatang naiinip na dahil hindi ko pa sinasabi kung anong gusto ng kupal na 'to.

"Yung usual din sa kanya." Sabi ko at inirapan niya ako. Mukhang atat na atat na siyang kumain ng donut.

Tumingin ako sa lalaking nasa harap ko. "Then, what's your name?" I asked but he just smirked and ignored me.

That's some kind of attitude of him. It's my most hated attitude!

Hindi ko na siya tinignan pa at binaling ang tingin ko kay Yumi na dala-dala ang tray. Nakangisi ito at laking gulat ko dahil ang dami niyang biniling donut!

Sinamaan ko siya ng tingin. "Don't blame me." Aniya at kumanta-kanta pa na halata namang inaaar ako.

Umirap lang ako at binigay ang kape ng lalaking nasa harap ko at ang usual donut ko na black forest and choco butternut.

He uttered thanks at unang nilamon 'yung black forest donut. Napataas naman ang kilay ko doon pero di ko na siya pinansin dahil may nakakainis na babaeng sinusundot sundot ang tagiliran ko.

"Thank you sa donut." Nakangising sabi niya habang kumakain. Inirapan ko lang siya at nilagyan ng creamer at isang stick ng asukal ang kape ko.

Napatingin naman ako kay Student Librarian na naglagay din ng creamer at asukal sa kape niya. Just like me.

"Oh, you don't like sugar on your coffee?" Tanong ni Yumi.

Tinignan naman siya nito. "Ah, no. It's not good for me. Besides, mas gusto ko ang ganitong timpla."

"Eh..." Tumango-tango si Yumi. "So parang kay Vissi lang. One stick of creamer and one stick ng asukal! Oh, perfect match."

Bigla kong naihampas si Yumi sa balikat niya na ikinasamid niya. "That was your fault."

Napangisi naman ito, tila pinipigilan na tumawa. Umiwas nalang ako ng tingin at humigop sa kape ko.

"AH, ang sarap ng donuts. Thanks, Vissi." Sabi ng kaibigan kong katatapos lang sumabak sa giyera. Hinimas himas niya pa ang t'yan niya kaya umismid nalang ako.

Mas mahal pa yung nakupit niya kaysa sa kinain ko.

"Then, thank you." Sabi ng lalaking kasama namin at nagsalpak ng headset sa tenga niya at nakatalikod na kumaway samin.

Bigla naman akong nainis. Now that I know his attitude, I think I hate him.

"Oh? What is this?" Mapanuksong tanong ni Yumi. "Anastacia..."

Inirapan ko siya. "Hindi moko madadaan sa ganyan. Nakupitan mo na'ko kanina."

Tumawa lang siya at hinatak ako. "C'mon, ako naman manglilibre sa 'yo. Tara sa Quantum!"

Bago pako naka-angal ay nahatak na niya ako. Pinabayaan ko lang siya not until nakasalubong namin si Student Librarian at hinatak din ni Yumi.

"Wait-"

"Sumama ka din, famous! Gamitin mo 'yang mukha mo para makalibre kami ng token sa Quantum!"

"Yumi?!"

Tinawanan lang ako nito ngunit ang ikinabahala ko ay si Student Librarian. Baka na-offend siya sa ginawa ni Yumi at-

Natulala ako dahil nakangiti siya. Ngiting hindi malawak, but sincere. My chest began feeling it again and I was catching my own breathe as I stared to him.

This feeling...

"I can't say no to you, and you know that."

"Hahahaha! I know! Tara bilis! Doon tayo sa mga japanese frog!"

"What the heck? Don't give it a weird name."

"Glenn..." Naibulong ko na ikinawala ng kanyang mga ngiti. Hindi ko mabasa ang mukha niya. Akala ko masaya siya ngunit biglang naglaho na naman ang Student Librarian na nakita ko kanina.

Wait... anong sinabi ko?

Natawa ako. "What am I saying..." Bulong ko na siguradong narinig niya. Napayuko ako dahil bigla akong naluha sa hindi malamang dahilan.

I don't know.

What is this? I don't know.

I don't want to know.

♫♫♫