"Anyare sa 'yo kahapon, teh?" Bungad sa 'kin ng bruha pagkapasok ko ng room.
"Wala. Nahilo lang ako." Dahilan ko which is hindi naman totoo.
Humarap siya sa 'kin. "You sure na hindi dahil sa 'kin 'yon?" Aniya kaya umiling ako. "Nope. I am fine, Yumi. Thanks."
Tumango-tango nalang siya. "Grabe, kinabahan ako sa 'yo kahapon. Akala ko mahihimatay ka na."
Ngumiti nalang ako ng tipid. Actually, I was thinking what happened yesterday and the result I wasn't able to sleep but still ended up going to school.
Ugh, feeling ko makakatulog ako mamaya sa klase.
Nilabas ko ang textbooks ko at tinignan if may nakalimutan ba ako. Mukhang wala naman kaya lumingon ako kay Yumi na nakatingin pala sa 'kin.
And she's smirking! Ano na naman kayang iniisip ng bruha na 'to?!
Hindi ko siya pinansin at kunwaring may hinahanap sa mga textbooks ko but her gaze's bothering me!
Okay. I surrender. "What do you want, Yumi?" Taas kilay na tanong ko sa kanya.
Mas lumawak ang ngisi niya, halatang pinipigilan niyang tumawa. Napahawak naman ako sa mukha ko. Baka mamaya may kung ano na palang nakakatawa sa mukha ko kaya ganyan siya makatitig.
"Wala naman..." Aniya at tumalikod sa 'kin. "I am just wondering, what's your relationship with that guy."
"That Guy?"
"You know, Mr. Student Librarian?" Tuksong tanong niya kaya napairap ako.
"Swear, Vissi. It's not what you think. In fact, I hate him. I hate his attitude!" Inis na sabi ko sa kanya na mukhang mas hindi nakapang-kumbinsi sa kanya.
"Okay. Sabi mo eh." Nakangiting sabi niya. "Pero bakit tinawag ka niya na Tasha? I thought your family were the only one allowed to call you that."
Nanlaki ang mata ko. "Tasha?! Wait, I don't even know him!" Explain ko pero mukhang hindi sapat yon.
Nakagat ko ang kuko ko. "H-he called me Tasha? When?" Tanong ko na ikinagulat niya.
"Hakdog, Anastacia? Tinawag ka niyang Tasha nang bigla ka nalang napaupo sa sahig kahapon sa mall!"
Hindi ako nakasagot. Pilit na inaalala ang mga nangyari kahapon bago ako halos mawalan ng ulirat.
"Nagulat din ako dahil tinawag ka niyang Tasha. But he just called you Tasha once. Mukhang napansin niya na nagulat ako and started calling your name Anastacia."
I don't really get it. Maybe just coincidence? Baka ginawan niya ako ng nickname at hindi niya alam na tinatawag din ako ng iba ng ganon?
Mas lalong kumunot ang noo ko sa naisip ko. That's impossible. Kilala lang niya ako dah lagi akong humihiram ng libro sa school library at kilala ko lang siya dahil student librarian siya roon.
"What the heck, Vissi. You're thinking hard." Manghang sabi ni Yumi na hindi ko alam kung nang-iinis ba siya o sadyang namamangha lang talaga siya.
Inirapan ko lang siya at pilit na kinalimutan ang nabuong konklusyon sa utak ko.
"What about..."
"Hmmm?"
"What about asking him why did he called you that?"
Umiling agad ako ng mabilis. "Never, Yums. I told you, I hatr him and his attitude."
Natawa siya. "Bakit naman? He seems nice to everyone."
I almost choked. "Are you kidding me? In-attitude-dan niya ako kahapon sa Dunkin! I also thought too na he's nice but that was just my first impression to him! He's a jerk!"
Tinapik-tapik niya ang balikat ko. "Easy, beshy. Just don't you dare fall for him." Aniya na halos ikasuka ko na.
"Fall for him? What the fuck, Mary Rose?!"
"Hey! Don't call me that!"
"Bakit?! Mary Rose naman talaga pangalan mo ah?"
"Wow! How about you, Anastacia Charlotte?!"
Napangiwi ako. "Eew! I am fine with Anastacia."
"You're Charlotte." Aniya at tinawanan pa ako.
Magsasalita pa sana ako nang dumating na ang prof namin. Inirapan ko nalang siya habang siya ay mahinang tumatawa pa din habang binubulong na pikon daw ako.
♫♫♫
"What will you do, Glenn? Aalis na siya bukas." Sabi ni Yzabelle kay Glenn, parang pinipilit ito.
Umiwas ng tingin ang binata. "Hindi ko alam." Sagot lang niya na ikinainis ng dalaga.
"Wala ka man lang gagawin? I know you still love her! Kung wala kang gagawin, ano nang mangyayari sa inyong dalawa?!" Galit na sigaw ni Yza. Hindi naman agad nakasagot ang kausap kaya't napamasahe nalang sa kanyang sentido ang dalaga.
"Look..." Umiwas ng tingin si Glenn. "You two were making this situation difficult. You still love each other yet both of you were holding back your feelings, for what?!"
"Yza..."
"I am willing to help. But... just this once, Glenn. Think what's the best. Not just for her but for you as well."
"You're right." Sabi ng binata at napamulsa. Tumalikod siya kay Yza at nagsalitang muli. "But I don't think I am worth it enough for her. I hurt her at gusto kong may mapatunayan muna bago—"
"But you'll court her right?"
"What—"
"Tatagalugin ko: pero liligawan mo pa rin siya diba?"
Lumingon ang binata sa kanya. "If only we could still be together."
"Yza? Glenn?" Napalingon silang dalawa sa nagsalita.
"July." Tawag ni Yza. "Bakit?"
Umiling-iling si July. "Wala naman. Nag-uusap pala kayo. Sorry, nakaistorbo ata ako." Anito at diniinan ang salitang 'istorbo.'
Nahalata iyon ni Glenn. "Kung ano man ang iniisip mo July, don't start."
Ngumisi ito. "What? Wala naman akong iniisip. Nagsorry na nga ako diba? Kasi feeling ko nakakabastos ako bigla akong sumingit sa usapan niyo." Matigas na sabi nito at pumasok sa room nila na katabi lang ni Glenn.
"I think... that could lead into misunderstanding." Sabi ni Yza.
His jaw clenched as he thought what probaby would happen if July's thoughts might spread in their class.
♫♫♫
Kunot ang noo kong nilipat ang pahina. Chapter 11 na pala ako. Bawat kabanata ay napakahaba ngunit hindi nakaka-boring.
Napahawak ako sa dibdib ko. Ito na naman. Lagi kong nararamdaman 'to ever since I found and read this book. What the heck is really happening to me?
Excitement. Bliss. Sorrow. Guilt. I don't know if I am just overwhelmed sa feelings ng bida but my instinct telling me that I am not.
Parang may kung anong humatak sakin na basahin ang dulo ng pahina ng libro. Umiling siya at binalik ang libro sa kanyang bag. Ayaw niyang i-spoil ang sarili dahil maganda ang kwento.
Very interesting and feels nostalgic.
Napagpasyahan kong maidlip saglit sa garden ng school ngunit na-tempt akong basahin ang Nostalgia kung kaya't nagbasa ako ng isang chapter lang. Ang kaso, nakaabot na pala ako sa Chapter 11, na kung hindi pa ako nag-isip saglit ay hindi ko pa mamamalayan.
Biglang sumagi sa isip ko si Student Librarian. Napairap ako dahil naalala ko 'yung inasal niya kahapon sakin. Ugh. I thought we could get along pa naman kasi mahilig nga daw siya sa libro like me.
"Did you just called me?"
Halos mapatalon ako at magtago sa likod ng puno dahil sa nagsalita. "Papatayin mo ba ako sa gulat?!"
His forehead creased. "What? You said "Student Librarian" so I thought you saw me?" Anito habang nakaturo sa sarili.
Naitikom ko naman ang bibig ko. Stupid, self. Nasabi mo ba nang malakas 'yon?!
Tumingin ako sa ibang direksyon. "A-ah! That's right. I saw you and called because I have something to ask to you."
"Spill it."
What now, Anastacia?!
"Ah! Sabi kasi ni Yumi tinawag mo daw ako na Tasha kahapon. May I ask why you called me Tasha?"
Natahimik naman siya na ikinatakha ko. Pilit kong binabasa ang mukha niya pero parang nawala ata siya bigla dito sa mundo.
Kumaway-kaway ako sa mukha niya ngunit 'di man lang siya kumurap.
"Anyare?"
Sinubukan ko pang muli kaso mukhang hindi talaga. Ba't natulala naman 'to? Pinabayaan ko lang siya ng ilang minuto pero dahil nainip nako binatukan ko na siya.
"What the fuck!"
"Anong—! 'Wag mo'kong murahin!"
"Bakit ka nangbatok?!"
"Huh?! Student Librarian?! Nasa Earth ka na ba? Kung di pa kita binatukan eh parang di babalik kaluluwa mo eh!"
Bigla na naman siyang natahimik kaya't akma ko siyang babatukan na naman ay umilag agad ito.
"Hindi ako lutang!" Inis na sabi nito.
"I just called you Tasha... because... your name was too long." Dadgdag pa niya kaya natawa naman ako.
"Gano'n ba." nasabi ko nalang kasi wala na akong ma-topic!
Tumango naman siya ng tipid. "Are you okay now?"
Tumango din ako. "Thanks nga pala."
Hindi na siya sumagot at nanatiling nakayuko. Bukod sa jerk siya, ang weird niya pala. Baka mamaya, dinadasalan na pala ako nito para kulamin or what.
Nabibingi ako sa katahimikan.
Naalala ko 'yung Nostalgia na nakita ko sa NBS. "You were planning to buy the book yesterday?"
Lumingon siya sa 'kin saglit at muling bumalik sa pagkakayuko. "Nope. Titignan ko lang sana."
"But I have it? From library?" sabi ko.
Ginulo niya ang buhok niya na nagpa-urge sakin na titigan ang mukha niya. Whaaaat! Kahit jerk siya, ang gwapo niya nakakainis!
"I know the author." Anito na nagpalaki ng mata ko.
"Weh?! I mean, paanong kilala mo 'yung author?!"
"She's... very close to me."
"Oh! Kaibigan mo 'yung author. And wait! Babae siya?"
"Yeah. And... hindi ko siya kaibigan." Pagkasabi niya no'n ay may kung anong kumalabog sa dibdib ko kaya napahawak ako roon.
This feeling... bakit nararamdaman ko na naman 'to?
Napalunok ako at napakurap ng maraming beses. "Paanong... hindi mo siya kaibigan?" Pang-uusisa ko.
This time, he looked up in sky and fod the first time, I saw him smiled. The emotion I am feeling now and the mysterious feeling in my chest made me realize that this man is dangerous for me.
Very dangerous.
"Bilang lang ang mga taong pinapayagan akong tawaging T-Tasha kaya... it's okay na tawagin mo 'ko no'n..." Mahinang sabi ko na sa tingin ko naman ay narinig niya dahil lumingonnsiya sakin.
I saw him smirked and turned around. "Yeah... I know." Naglakad siya ng ilang hakbang ngunit hindi pa siya nakalalayo sakin ay nagsalita pa siya.
"Oh, by the way, my name is Glenn Genre Ignacio. Nice too meet you, Anastacia Charlotte Esquierra."