Chapter Four

NAKALIPAS ang isang linggo ay halos gabi-gabi ay hindi ako makatulog. Lecheng Student Librarian na 'yon! Nilagyan niya nang eyebags ang mga mata ko!

Gulat man ay pinroseso ko pa rin sa utak ko ang sinabi niya. He knows I am not dumb and naïve to not conclude that he was the character named Glenn in the book.

And there's no way na mali ako dahil siya na din ang nagsabi na kilala niya ang author. I want to meet the author because I was wondering if the story were written in true story.

Kung gano'n nga, then the Author and Student Librarian were exes!

What the hell! Nung sinabi ko kay Yumi 'yon ay hindi din siya makapaniwala. Sinabi ko sa kanya na 'wag niyang i-chismis kahit kanino dahil ako ang malalagot kapag kumalat 'yon.

Glenn Genre Ignacio.

Why I have this feeling na, lahat sakanya ay familiar? I mean, how he stand, gestures, attitude, especially his fucking eyes!

Those black hole eyes!

"What? So inlove ka na sakanya ngayon?" Natatawang sabi ni Yumi pero agad akong umiling.

"No way, Vissi! It's just that... his black hole eyes..." Pahina ng pahina ang boses ko na ikinahagalpak na ng tawa ni Yumi.

"The heck, Ana? Your vocabulary sucks!" Sinamaan ko siya ng tingin kasi akala ko about na naman doon sa 'inlove' ako kuno sa kanya pero nang-insulto lang pala siya na wala akong alam masyado kapag vocab na pinag-uusapan.

"I know that! Besides, I am still learning!" Dahilan ko pa kaya mas natawa pa siya.

"What the fuck is black hole eyes?"

"Mary Rose!"

"What, Anastacia Charlotte?!"

Inirapan ko nalang siya dahil kapag sumabat pako ay feeling ko mas lalo lang kaming iingay.

Nasa waiting area kami ng school ngayon sa may loob. Dalawa ang waiting area dito, sa labas at sa loob. Balak ko sanang hiramin ulit yung Nostalgia na libro kasi binalik ko na kaso naalala kong may copy pala doon sa NBS kaya inaasar ako nitong si Yumi na naging interesado na daw ako sa famous eklabu daw sa school.

Huminto naman katatawa si Yumi na ikinatuwa ko. Ngunit bigla niya akong hinampas-hampas sa braso nang malakas kaya't halos ingudngud ko na siya sa lamesa dahil sa sinabi niya!

"Oh gosh! Ana! Ayun si Genre Ignacio, oh! Lapitan mo dali papunta ata dito! Oh gosh talaga— ouch! Ang sakit kaya?!"

Pinanlakihan ko siya ng mata. "Shut up, Yums!"

Nakaramdam naman ako na parang may tao sa likod ko kaya't tinignan ko ang bruha na naka-nganga na. Sheesh! Sana mapasukan ng bangaw ang bibig niya.

Lumingon ako sa likod ko at 'di nga ako nagkamali.

Ngumiti ako. "Uhm, hi?" Bati ko sa kanya.

"I need to talk to you. Arevalo, can I borrow her for a few minutes?"

Ni hindi pa nga ako nakabuka ng bibig ay hinatak nako patayo ni Yumi at pinagtutulak ako kay Genre!

"What the hell Yumi—"

"Sige! Kunin mo na 'yang beshy ko! Itanan mo na—este sige mag-usap na kayo. Bye!" Anito at kumaripas pa ng takbo palayo.

Gusto kong murahin si Yumi ng malakas pero mas nangingibabaw ang hiya ko dahil sa sinabi niya. Shit! Baka kung anong isipin nitong lalaki na 'to!

Tinignan ko ang mukha niya pero wala man lang siyang reaksyon sa sinabi ni Yumi na mas ikinakaba ko.

Kapag tahimik ang isang tao, may iniisip! Bothered sila! Good thing, I picked the course BS Psychology. I hope na hindi niya ma misinterpret 'yon.

"Pwedeng..." Napaiwas agad ako nang tingin dahil nagsalita siya. Biglang kumabog ang dibdib ko nang dahil sa isang salitang 'yon! 'Pwede' palang ang sinasabi, masyado kang kabado Anastacia!

"Pwedeng sa library tayo mag-usap? Don't worry, the librarian already left and went to faculty room." Anito at hindi ko alam kung bakit mabilis ko  siyang sinang-ayunan.

Kinuha ko ang gamit ko at sumabay maglakad sa kanya. I bit my bottom lip as I thought what would happen if students see us. Salamat dahil uwian na niyang naisipan na mag-usap kami.

Minura ko ang sarili ko dahil sa naisip ko na baka ay nahalata niyang masyado akong nagpa-apekto sa sinabi niya last week. Or... sinabi nang bruha kay SL! (short for student librarian).

Nope. Kahit malakas trip ni Yumi di naman niya siguro magagawa 'yon. Isang tingin ko palang sa jerk na 'to ay halatang-halata naman na smart-ass.

Oh, new codename. Smart-ass jerk.

Nang makarating kami sa library ay parehas kaming naupo. Katahimikan muna ang bumalot sa aming dalawa bago siya nagsalita...

Na talaga namang ikinalaglag ng panga ko.

"I want you to meet my grandfather."

"Huh?!" Biglang sigaw ko. "I mean, why?!"

He frowns at me and sighed. "Look, it's not what you think, or whatever you're thinking. I... I want you to read the story first before I want you to meet my grandfather."

Very strange but still I want to know his intention. Mukhang ang librong tinutukoy niya ay Nostalgia.

Umalis siya sa pagkakaupo at pumunta sa isang bookshelf. May kinuha siya roon, 'yung libro.

Nostalgia.

"Here." Inabot niya ito sa akin.

Kinuha ko naman 'yon. "You're weird." Bigla kong nasabi.

"Call me whatever you want. Just... cooperate to me?" Patanong pa niyang utos sa 'kin.

Humalakhak ako. "Seriously, SL? Was that the correct way to say in order to cooperate with you?"

"Please." Aniya na may sarkastikong tono.

"Pikunin ka pala, SL."

"I have a name for heaven's sake."

"But you just told me earlier that I can call you whatever I want?"

"Yeah, but not SL. Just choose Glenn or Genre or do you want Glenn Genre?"

Napangisi naman ako sa naisip ko.

"Okay. Hey, smart-ass jerk. Was that the correct way to say in order to cooperate with you?" I joke.

"What the heck?!" He shouted na ikinatawa ko.

Napangiti naman ako dahil sa libro. "Kilala mo talaga 'yung author? Ah, I want to meet her. Ang ganda ng libro niya!" Natutuwang sabi ko.

Hindi siya nagsalita at umupong muli sa harap ko.

Binuklat ko ang libro at pumunta sa Chapter 16 kung saan ako natapos. This book have forty chapters na mukhang pagpupuyatan ko mamayang gabi.

Can't wait!

~~

"Tasha, may pagkain ka pa ba d'yan?" Sabi ni Alexsandra, turo-turo ang bag ng dalaga.

Natawa naman ito. "Kaka-cup noodles mo palang, gutom ka pa rin?"

"Nakakapagod mag-ikot ikot sa E.K! Di naman ako masyadong sumakay ng rides." Anito at binuksan ang bag ni Tasha.

Pinabayaan lang siya ng dalaga at pumikit. Masyado siyang napagod dahil nagpakasaya siya kasama ang mga kaibigan niya. Iba't-ibang rides ang sinakyan niya at hindi niya alam kung saan siya nakakakuha ng lakas para sumakay sa makapigil hiningang rides.

Nang halos lamunin na siya ng pagod at kaunting antok. May kumalabit sa kanya.

"Ito, unan." Alok nito sa kanya.

Umiling ito. "Matutulog ka din ata mamaya. Sayo 'yan kaya ikaw gumamit."

Umiling din ito. "No. Baka magka-stiff neck ka pa." Pamimilit ni Glenn ngunit hindi pa rin nagpatinag ang dalaga.

"I am fine. Thanks." Pumikit nalang siya ulit at hindi na pinansin ang binata. Napadilat siya sa gulat nang may kumuha ng kamay niya at iniyakap sa kanya ang unan.

Hindi na nagsalita si Tasha dahil alam niyang talo na siya. Hinayaan niya nalang si Glenn na nakatingin sa labas ng bintana, hinihintay na umandar ang bus.

'Ah,nakakapagod talaga ang field trip.' sabi ng dalaga sa kanyang isip at mahigpit na niyakap ang unan.

Nag-vibrate ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa kung kaya't kinuha niya ito at tinignan kung sino ang tumatawag.

It's her boy bestfriend, Zach.

Napaikot ang kanyang mata. Bumaba siya sa bus bago sinagot ang tawag.

"Where are you?" Bungad ng lalaki.

"We're still here in E.K. Why did you call?"

"Stay there. I'll fetch you." Nanlaki ang mata ni Tasha dahil doon. Natahimik muna siya ng ilang segundo dahil mukhang totoong balak nga siyang sunduin ng kaibigan.

"No, Zachary. You just got home. Pauwi na kami, may hinihintay nalang na ilang classmates ko na bumibili pa ata ng souvenir." Dahilan nito.

She heard different horns and some noises. Napakagat labi siya. Mukhang malapit na ata siya.

"You know that I can do anything for you, Tasha." Emosyonal na sabi nito sa dalaga. "Please. Hintayin moko d'yan."

Umiling-iling si Tasha. "No. That's final, Zachary! Umuwi ka nalang sa condo mo sa Makati. Paalis na kami. Sumenyas na sakin 'yung adviser ko."

Pagkatapos no'n ay binaba niya ang tawag at pinatay ang kanyang cellphone. Totoo naman na sumenyas na sa kanya ang adviser niya na pumasok na sa bus dahil aalis na.

She felt guilty but she knew that her bestfriend's really persistent.

Bago siya makapasok sa bus ay nakita niya ang kaibigan niyang si July kasama si Grace na papunta din sa kanya. May nga dala itong plastic bags na mukhang souvenirs ang laman.

"Oh, sino kausap mo Tasha?" Tanong ni Grace.

Napalabi naman ito bago sumagot. "Si Zach."

Nanlaki ang mata ni July. "Omg?! 'Yung boy bestfriend mo na may gusto sa 'yo since elementary?!"

Napaiwas siya ng tingin. "Kailangan pa bang sabihin mo 'yan?"

July crossed her arms. "Duh?! Bihira nalang 'yung gano'ng lalaki ano. Almost... Six years na ba siyang naghihintay?"

Hindi niya sinagot ang kaibigan.

Marahang hinampas ni Grace si July sa balikat. "Baka di pa nakaka-move on kay Glenn kaya hindi masagot-sagot si boy bestfriend!"

Gulat siyang lumingon sa kanila. "No way. Hindi naman sa gano'n."

Humalakhak si July at umirap. "Tignan mo 'tong kaibigan natin. Walang kibo do'n sa bestfriend niya pero pagdating kay Glenn, grabe 'yung reaction ni— hey kinakausap pa kita!"

Hindi na niya pinakinggan ang kaibigan at pumasok na sa loob ng bus.

'Nakakairita talaga siya minsan.' Anito sa kanyang isip.

Nang matapat siya sa upuan niya ay nagulat siya sa set-up.

"Alex switched seats with me. Gusto daw niyang makausap si Maui." Sabi ni Glenn na katabi na niya ngayon.

Lumingon naman siya kay Alex at Maui na ka-linyahan lang nila ng upuan. Mga nakangisi ang mga ito habang kumakain ng Moby at Clover— na mukhang kinuha ni Alex sa bag niya.

Napailing nalang siya at umupo sa upuan niya.

Kahit naiilang man, pinilit niyang pumikit at matulog. Ngunit 'di niya magawa dahil sa mga classmates niyang nagwawala sa loob ng bus.

She put her earphones at binuksan ang phone. In-airplane mode niya ito para hindi siya matawagan ni Zach at nagpatugtog.

"Saan... darating... ang mga salita."

Napatingin ako kay SL na tinitignan rin pala ako habang nagbabasa. Napalunok ako ng ilang beses bago binuka ang bibig ko.

"U-uhm..." shit! Masyado ata akong na-overwhelmed sa story.

Hindi ko alam bigla akong naluha. Narinig ko naman siyang nagmura at tumayo sa upuan niya.

"Save your questions tommorrow. I'll text you where we should meet and see my grandfather." Anito at lumabas ng library habang ako, nandito pa rin sa loob habang tuluyan nang tumulo ang luha ko.

Napahawak ako sa dibdib ko. Itong pamilyar na pakiramdam na naman. Para akong tumakbo ng ilang milya dahil pilit kong hinahabol ang hininga ko habang mabilis na nagsisituluan ang mga luha ko.

"W-why... I am feeling this...?" Tanong ko sa sarili ko.

Umiling ako at pinunasan ang luha ko. I can't answer my own questions. I need to read this book and do his favor and ask why I am feeling this...

... like I am the Tasha in the story?

♫♫♫