~~~
Naalimpungatan si Tasha dahil pakiramdam niya'y ang tuyot ng lalamunan niya. Inaantok pa man ay binuksan niya ang kanyang mata at hinanap ang bottled water na binili niya sa E.K.
Iinom na sana siya nang makita niyang traffic ang kalsada. Napangiwi siya at lumagok ng tubig. Tinignan naman niya ang mga kaklaseng mga nakanganga na at 'yung iba ay tulo laway dahil mga tulog.
Kahit si Alex at Maui na nagkukwentuhan bago siya matulog ay tulog rin. Tanging gising na lamang siguro ay siya at ang driver.
Tinignan niya ang cellphone niya at nagpatugtog ulit ng paborito niyang kanta.
"Aking sinta... ikaw ang tahanan at mundo..."
She's humming the song as she watch the traffic. Hindi niya gaanong makita ang iba dahil hindi siya banda sa bintana nakaupo.
Doon lang ulit pumasok sa isip niya na katabi pala niya ang ex niya. Napatawa siya ng mahina sa isip. 'Ex, huh?'
"Sa pagbalik... mananatili na sa piling mo..."
Halos atakihin siya sa gulat nang umubo ang katabi niya. Napatingin siya kay Glenn na umayos ng upo habang naka-sandal pa rin ang ulo nito sa bintana at naka-krus pa din ang braso nito.
Napalunok siya at napatingin sa unan na nakalagay hita niya. Parang may kung anong tumutulak sa kanya na ibigay sa kanya 'yon ngunit baka bigla itong magising.
Pinigilan niya ang sarili at nilibang sa pakikinig ng musika.
Muling gumalaw ang binata na nagpakaba sa kanya lalo. Nagkunwari siyang may tinitignan sa cellphone niya dahil nakita niya sa sulok ng mata niya na nagising ito.
"M-matulog ka pa." Inaantok na sabi nito sa kanya.
Nilingon niya ito at kunwaring hindi alam na nagising ito. "Nagising na'ko eh. Hindi na ata ako makakatulog ulit."
"Halika na... sumama ka... pagmasdan ang mga tala..."
Muling napaubo si Glenn. Tumingin siya sa bottled water niya at kinuha ito.
"Gusto mo? Kanina ka pa ubo ng ubo eh." Alok ni Tasha.
Natawang umiiling naman ang binata. "No. May baon akong tubig sa bag... nasa bag ko nga lang."
Tumingin si Tasha sa compartment ng bus sa taas. "Gusto mo kunin ko?"
"Hindi. Ako nalang."
"Pero tatayo din ako?"
"Okay lang. Ako na."
Itinabi ng dalaga ang paa nito para magkasya ang binata. Nagtagumpay naman ito na makuha ang bag at bottled water nito.
Pagkainom nito ng tubig ay umubo ulit ito. "Sorry."
Umangat ng tingin si Tasha.
"For?"
"Ubo ako ng ubo. Baka mahawa ka." Anito at bumalik sa upuan.
Umusad ang bus na sinasakyan nila. Mukhang lumuwag ng kaunti ang traffic.
"Hindi na maliligaw... Hindi na maliligaw..."
Hindi na siya sumagot ay tinuon na lamang ang tingin sa kanyang cellphone. Ilang minuto na ang lumipas at wala pa ding nagsasalita ni isa sa kanila.
Kumakabog ang dibdib niya sa tuwing mararamdaman niyang gumalaw ang katabi. Air-conditioned ang bus ngunit bakit pinagpapawisan siya ng matindi?
Napatingin siya kay Glenn na tila nilalamig ata dahil kinuskos nito ang dalawang palad. Lumingon siya sa jacket na nakasabit sa bag niya.
Kinuha niya 'yon at nilahad sa kanya.
"Gusto mo?"
"A-ah... hindi."
"Nilalamig ka eh. Teka lang."
Kumuha siya ng tissue sa bulsa ng bag niya at tinakpan sa aircon.
"Salamat." Nakangiting sabi nito. Umiwas naman ng tingin si Tasha. Pakiramdam niya namumula siya dahil sa pagngiti ni Glenn.
'Marupok! Marupok na Tasha! Isa kang kahoy na marupok!'
~~
"Ate! Kakain na daw!" Pumasok ang kapatid ko sa kwarto ko. Nakita niya akong nagbabasa ng libro na ikinangiwi niya.
"Hindi ka talaga nagsasawa sa libro? Pati ba naman sa bahay?" Sabi nito at pumunta sa tabi ko.
Tinignan niya ang libro. "Eh... maganda ba, Ate? Pahiram ako."
Umiling ako. "Hiniram ko lang 'to. At oo, m-maganda." Medyo nauutal na sabi nito.
Nagulat siya nang hablutin ng kapatid niya ang libro. "Jelian! Give it back to me!"
Dinilaan lang siya nito. "Mamaya! Wait lang!" Anito at binasa ang nakita niyang linya.
"... nang hating gabi na iyon ay hindi nakatulog si Tasha dahil sa mga nangyari. Hindi niya ma-proseso sa isip nito ang lahat at gusto niyang mapaiyak..."
"Jelian! I am warning you!"
"Wait lang ate! Ano ba!"
"Jelian—"
"... laging ganoon ang pakikitungo ng binata sa dalaga na para bang walang nangyari sa kanila. Na parang wala lang kay Glenn na naghiwalay sila, dalawang taon na ang nakalilipas..."
I snatched the book to her and glared. "Jelian! Diba sabi ko sa 'yo wag kang hahawak ng kahit na ano mang gamit ko?!"
Napanguso ang kapatid ko at inirapan pa'ko! "Bakit ba?! Hmp! H-hindi ko naman sisirain eh!"
"What?! The last time you borrowed my book, some pages were missing at sinulatan mo pa!" Sigaw ko sa kanya na hindi siya nagpatinag.
"I am just eight years old back then! Malaki na 'ko!"
"Really?!" Singhal ko. "Five years palang ang nakakalipas and you're thirteen years old now!"
"Ano ba 'yan?! Nag-aaway na naman ba kayo?! Bumaba na kayo at kumain na!"
Sigaw ni mama mula sa baba. Nagdabog naman ang kapatid ko at lumabas ng kwarto ko.
Geez. I don't know what to do if this book might damage because of her!
♫♫♫
"Oh, Genre. I didn't know you're here." Sabi ng kaibigan nito na si Andrew. He just ignored him and went to his room again.
"Ah, they're planning to get wasted in my house." Pagtutukoy nito sa mga kaibigan na nag-iinuman sa sala niya. Napailing nalang siya at muling sumalampak sa kama.
'She cried.' Anito sa kanyang isip. 'She definitely criend in front of me.'
Napaupo siya bigla sa kanyang kama at napahawak sa kanyang dibdib. 'It's that feeling again. Why I am feeling this whenever I am thinking of her?'
Napatingin siya sa cabinet niya. Naalala niyang may binigay sa kanya ang isang matandang lalaki nang makita niya ito sa library ng eskuwelahan.
~~~
Nagtataka man ay pinuntahan niya ang matanda dahil tinawag siya nito. 'How did he get in?' Tanong ng binata sa kanyang sarili.
May inabot sa kanya ang matanda. "Kunin mo 'to, Glenn."
Gulat man dahil sa pagtawag nito sa kanyang pangalan ay kinuha niya pa din ang inabot ng matanda.
Isa itong libro. Dalawang libro.
"Ang... isang ito ay ilagay mo sa kahit na anong bookshelf... at ang isang libro... nais kong ito'y iyong itago." Paliwanag ng matanda.
Tinignan niya ang librong ilalagay daw sa bookshelf. Nostalgia. Iyon ang pangalan ng libro na bigla na lamang nagpatibok ng mabilis sa puso ni Glenn.
Tinignan naman niya ang isa na dapat niya daw kunin. Nostalgia. Iyon din ang pangalan ng libro.
"Why— I mean, bakit ho pareho?" Naitanong nalang ng binata dahil hindi niya alam ang sasabihin. 'Ido-donate niya ba 'to sa library kaya siya nandito?'
Ngumiti lang ang matanda.
"Hindi ko ho maintindihan."
"Maiintindihan mo rin kapag dumating na ang tamang panahon."
"Tamang panahon?"
"Sa ngayon, kailangan mong hanapin ang isang babae na siya lamang ang bukod tanging makakakita at makahahawak ng librong ilalagay mo dito sa silid aklatan."
Napatingin siya sa librong iyon. Babae? Bukod tangi? "You mean, para sa kanya lang ang librong ito? At kaming dalawa lamang ang makakakita at makahahawak nito?"
Tumango ang matanda at sumandal sa kalapit na bookshelf. "May ibang taong makakakita ngunit hindi makahahawak niyan. Dahil gaya nga ng sinabi mo, para sa inyong dalawa lamang iyan."
"Ano ho ang ibig niyong sabihin?" Naguguluhang tanong ni Glenn.
"May mga taong may ugnayan din sa librong iyan ngunit hindi maaaring hawakan. Ang dapat mong pagtuunan ng pansin ngayon ay hanapin siya."
"At 'wag mong walain at sirain iyan. Kaibigan ko ang awtor at mahalaga siya sa akin."
"Babae ho?"
"Nakuha mo."
Akmang aalis na ang matanda nang tawagin pa niya ito. "Paano ko ho malalaman na siya 'yon?"
Tumalikod ang matanda. "Connected."
Bigla na lamang nawala ang matanda na ikinagulat ni Glenn. Kinusot-kusot pa niya ang mata at napakurap ng ilang beses, baka nanaginip lamang ito o nagha-hallucinate.
Tinignan niya ang dalawang libro. Kahit napaka-weird sa kanya ang nangyari, ginawa pa rin niya ang sinabi ng matanda. Dahil pakiramdam niya'y kailangan niya itong sundin.
At wala pang isang linggo ay nahanap na niya ang babaeng tanging makakita at makahahawak nito.
~~
Pumunta si Glenn sa kanyang study table at binuksan ang drawer roon. Kinuha niya ang libro na para sa kanya lamang.
"Nostalgia..."banggit niya sa pangalan ng libro. Tinignan niya ang likod at may nakaukit doon na lengguwaheng hindi niya maintindihan.
ʇsሁuɐኗǝ
"Tsu... what?" Ang tatlong letrang tanging naintindihan niya lamang.
Ever since the old man gave this book to him, he never read it. But seeing Tasha enjoying readin this book, he might read it... now.
Napahalukipkip ito. Nagsinungaling pa naman siya sa dalaga at ipinarating na parang nabasa na niya ito kahit hindi pa naman. Nagsinungaling din siya na gusto siyang makita ng lolo niya kahit hindi naman talaga. Ang dami niyang nagawang kasalanan ngayon araw.
Napahilamos siya ng mukha. Puro kasinungalingan ang sinabi niya sa dalaga. Maging ang pagtawag niya sa dalaga ng Tasha ay kasinungalingan.
There's just a feeling that he called her Tasha before kaya nasabi niya iyon. At mas lalong hindi niya kilala ang author ng libro, ang matandang nakausap niya ang nakakakilala dito.
He opened it and curses as he didn't understand what are those symbols.
Lumabas siya at pinuntahan ang mga kaibigang nagtatawanan habang masayang umiinom. Napatigil ang mga ito nang makita ang may ari ng bahay.
"Oh, Genre!" Tawag ni France.
"Nandito pala 'yan?" Lasing na sabi ni Gea.
"Sinabi na kanina ni Andrew, Gea. Hindi ka talaga nakikinig, ang bobo mo." Sabi ni Angelo na kumakain ng potato chips.
"A-Andrew? Eh ako din 'yon?" Anito at tinuro ang sarili. Binatukan naman si Gea ni Ashley. "Andrew Alviz kasi, hindi John Andrew Gea, okay?!"
Parang na-realize naman iyon ni Gea at tumango-tango.
"Savage na naman itong si Gea kay Ash." Nakangising sabi ni Andrea.
"Hindi ka na nasanay d'yan. Kung hindi aso't pusa, mga siraulo naman kapag kalokohan pinag-uusapan." Sabi naman ni Ela na nakadantay ang ulo sa braso ng kasintahang si France.
"Sarap niyo pag-untugin. Ingay niyo." Imik ni Richard na kalalabas lang galing CR.
Wala namang imik si Nicole na katabi si Angelo. Awkward lang dahil mag-ex sila ni Angelo.
"Guys..." Tawag ni Glenn. "Alam niyo ba 'tong libro na 'to?"
Kunot noong tumingin ang lahat kay Glenn. Maya-maya pa'y tumawa sila dahil sa sinabi ng binata.
"Naka-inom din ata 'tong si Genre!"
"Baka naka-shabu! Hahahahaha!"
"Tungeks, baka ikaw 'yon Gea."
"Bully mo talaga sa 'kin bebe Angelo. Pa-kiss nga."
"Pakyu! Lumayo ka nga!"
"Hindi niyo nakikita?" Tanong ni Glenn na mas ikinatawa nila.
"'Wag mo silang pansinin, Glenn. Mga lasing na 'yan kaya ganyan. Ano ba 'yan? Libro?" Sabi ni Ashley na pumunta pa talaga sa harap niya.
Nanlaki naman ang mata ng binata. 'So she's one of those who are also connected to this book?'
"Lumang libro?" Komento ni Richard na mas ikinagulat ni Glenn. 'What the fuck?! May koneksyon sila sa librong ito?! Ang lapit lang nila, why didn't I ask them before?!'
"Genre?" Pagtatawag ni Ashley. Tila natauhan naman si Glenn at hinatak ang dalawa sa kanyang kwarto.
Nagtataka man ang dalawa ay sumama na ito sa kaibigan. Pagkapasok nila ay kinuwento ng binata ang tungkol sa libro at maging ang kay Anastacia.
Wala namang kibo ang dalawa. Nakatulala lang ang mga ito sa kawalan.
"Fuck." He curse.
"R-Richard..." Nagsalita si Ashley.
"You saw that too?" Nakatulalang sabi ni Richard.
Tumango ang dalaga. Nagtataka naman itong tinignan ni Glenn. "Guys? What happened?"
Biglang nagpanic ang binata dahil napahagulgol ng iyak si Ashley. Napamura siya dahil hindi niya alam ang gagawin. Tumingin naman siya kay Richard na halos maiyak na din ngunit pinipigilan lang. Mas lalong nagulat si Glenn sa lalaking kaibigan dahil hindi naman ito umiiyak sa harapan nila kahit may malaking problema ito.
"N-naalala ko na... what the hell." sabi ni Richard na nakayuko ang ulo nito, pinipigilang umiyak.
"Just what the fuck you guys are talking about?!" Inis na sabi ni Glenn dahil hindi niya maintindihan ang kaibigan.
'I am already confused! Bakit ganito?!'
Napatakip ng bibig si Ashley para pigilan ang malakas na iyak. "G-Glenn... you need to remember her..."
Kumunot ang noo nito.
"Remember Tasha... Remember her... Remember your nostalgic memories..."
♫♫♫