Chapter Six

Anastacia.

From: unknown

Sm. Dunkin donut. 2:00 p.m

Napakunot ang noo ko. Sino 'to? Prank? Napakamot ako sa ulo ko ng maalala ko ang sinabi ni SL kahapon. Magkikita nga pala kami, ugh! Kung kailan nasa last chapter na'ko eh!

Nakatulugan ko pa kagabi 'yung binabasa ko kaya't ang sakit ng katawan ko dahil sa study table ako nakatulog.

At teka! Ang tipid niya magtext!

"Ana?! Gumising ka na at mag-almusal!" Narinig kong tawag ni Mama mula sa baba.

Pumasok ako sa loob ng cr at ginawa ang dapat gawin. Wth! I am still sleepy!

Nanlulumong bumaba ako papunta sa kusina. Kumakain na si Mama at bruha kong kapatid kaya't lumingon silang dalawa sa 'kin pagkababa ko.

"What's with that bed hair? Magsuklay ka nga!" nakangiwing reklamo ng kapatid ko.

Tinarayan ko lang siya. "'Wag kang epal. 'Di mo naman buhok 'to kung makapagreklamo ka d'yan." Inis na sabi ko.

Pinandilatan kami ni Mama ng mata kaya't nanahimik nalang ako. Palihim naman akong dinilaan ng kapatid ko ngunit hindi ko nalang ito pinansin.

Ugh, my mood.

Tahimik lang akong kumain hanggang sa nagsalita si mama. "Ana. Pwede mo bang kunin 'yung mga lumang damit sa tambakan?"

Napalabi ako. "Sige. Pagkatapos ko dito."

"Bakit? Anong gagawin mo do'n, Ma?" Tanong ng kapatid ko.

"Mmm... balak ko sanang mag-ukay ukay dito. Maghahanap ako ng mga damit na pwede pang masuot para maibenta."

Tumingin ako kay Jelian. "Walang magawa 'yan kaya ganyan. Dinadamay pa ako."

Sumang-ayon naman ang kapatid ko. Mukhang napikon si mama at binatukan kami. "Mga walanghiya kayo. Kung hindi kayo mautusan, lumayas kayo sa bahay na 'to! Bukas ang pinto!"

Napangiwi ako dahil halos simula nang magka-isip ako ay laging iyan ang sinasabi niya.

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso ako sa lababo at hinugasan ang pinagkainan. Napa-face palm nalang ako dahil kung hindi ko gagawin 'to, makaririnig na naman ako mula sa kanya na ang tamad tamad ko daw talaga at nakahilata lang ako buong maghapon even though I am actually helping her doing household chores.

Pumunta ako sa tambakan namin ng mga lumang gamit at nakita ko silang dalawa roon.

Maalikabok!Pumunta muna ako sa kwarto ko para kumuha ng mask, para hindi ko malanghap dahil may hika ako. Mahirap na.

At naghanap nga kami ng mga damit na maaaring ibenta. Napakadami! Palibhasa, madaming pinapadala si Papa dati na mga damit at hindi naman lahat iyon ay nagamit o nasuot kaya tinago na lang.

I wonder kung magpapadala ulit si Papa ng balikbayan box.

"Oh? May ganito pala tayo, Ma?"

"Ay, oo nga. Teka! Wala akong matandaan na may ganyan dati sa mga pinadala ng Papa mo."

"Baka nakalimutan mo lang? T'saka maaalala mo pa ba 'e ilang taon na 'yang hindi nagagalaw dito."

"Kun'sabagay." Lumingon ako sa dalawa. "Ana! Halika nga't sa tingin ko ay kasya aa 'yo 'to."

Pumunta naman ako sa tapat ni Mama at doon ko nakita ang isang gown na kulay puti. "Ball gown ba 'yan?"

Nagkibit balikat ito. "Hindi ko alam."

Tinitigan ko ito ng maigi. Napakaganda nito. Kahit nakatambak ito sa maalikabok na lugar ay ang puti pa rin nito. There's something with this gown that I need to know.

Pinasadahan ko ito ng aking kamay. Ang lambot. Ang ganda talaga. Paniguradong sikat na mananahi ang gumawa nito. Ngumiti ako at nilingon si Mama.

"Should I try it?" Tumango ito.

"Teka, Ate! Gusto kong makita! Samahan kita!"

Pumunta ako sa kwarto ko at sinukat ko ito. Tinulungan ako ni Jelian sa pagsuot dahil napakalaki nito at ang bigat! Nang masuot ko ito ng buo ay natutuwang umikot ako.

Bigla akong hinatak ng kapatid ko paupo sa aking kama at sinabing ibe-braid daw niya ang buhok ko. Pumayag naman ako at sinabing gawin niya sa akin ito mamaya dahil aalis ako.

"Yiiieee! May date ka?"

Pakiramdam ko'y namula ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. "H-hindi date 'yon! Nay pag-uusapan lang kami!" Pagdadahilan ko.

"Eeehhh..."

"Anak ng— totoo ang sinasabi ko!" Paminilit ko dito na ikinahagalpak ng tawa ng mapang-asar na kapatid ko.

"Napaka-defensive mo naman. O'sya! Tapos na. Tingin ka sa salamin, dali!" Anito at tinulak-tulak pa'ko papunta sa malaking salamin ko na kayabi ng study table ko.

Nagulat naman ako sa nakita ko. "Shit, Jelian! Bagay sa 'kin!"

"I knew it! Pero mas bagay sa 'kin 'yan paglaki ko." Sabi niya na ikinatawa ko.

Napangit akonat tinignan ko pa ang sarili ko sa salamin. Hindi ako makapaniwalang babagay sa 'kin ang gown na ito. Para bang ginawa talaga ito para sa akin.

Nawala ang ngiti ko nang may mapansin ako.

My hair!

My hair color changed!

"What the fuck...?" Bulong ko at lumingon kay Jelian. "Anong kulay ng buhok ko?!"

Nangunot naman ang noo nito. "Huh? Blonde? Nagpakulay ka last year diba?"

What the hell is this?! 'Yung totoong kulay ng buhok ko ang nakikita niya at hindi itong nakikita ko ngayon?!

I can't believe this.

My hair color changed, and it was red orange. I touched it and even slap myself, that maybe I am just still asleep and dreaming.

"Ginagawa mo? Ba't sinasampal mo 'yung sarili mo?"

Hindi ko siya pinansin. Naningkit ang mata ko dahil kung anong kulay ng buhok ko ngayon ay ganoon din ang mga mata ko!

Biglang sumakit ang ulo ko and there's something ringing inside my head. I shouted as I feel enormous pain and I can't stop myself from shouting.

Narinig kong bumukas ang pinto ko at pumasok si Mama na inaalog-alog ako. Hindi ko marinig ang sinasabi nila hanggang sa tuluyan nang dumilim ang paningin ko.

♫♫♫

"Strange. Wala talaga akong matandaan." Sabi ng Mama ni Anastacia habang naghahanap pa rin ng mga damit na maibebenta.

Iniisip niya ang gown na nakita niya kanina. Parang nakita na niya iyon dati ngunit hindi niya maalala. Ipinilig nito ang ulo at pinagpatuloy ang paghahanap.

Napatingin siya sa katabing box na puro laman ng mga libro. Mga libro ng kanyang anak na si Anastacia noong sekondarya pa lamang ito.

Itatabi niya sana ito sa itaas ng malaking shelf nang may makita siyang kumikinang sa pinakababa ng karton. Kinuha niya iyon at napagalamang isa itong...

"Singsing?" Ang disenyo ng singsing ay infinity. "Ngayon ko lang nakita 'to ah? May ganito pala si Ana?"

Kinuha niya ito at binulsa. Nang mailagay niya ang karton sa itaas ng shelf ay nadako ang tingin nito sa isang sulok na may malaking karton.

Pumunta siya roon at binuksan ito. Tumambad sa kanya ang hndi na namang pamilyar na gown ngunit iba ang kulay nito.

"Pink? Ngunit pareho ng disenyo nung puting sinukat ni Ana?"

"Ate! Anong nangyayari?! Ate?!"

Nagulat siya sa sigaw ng kanyang bunso. Agad naman itong pumunta sa itaas at nakita ang panganay na namimilipit sa sakit at nakahawak ito kanyang ulo.

"Anastacia!"

"Ate Tasha!"

♫♫♫

"A-anong ibig mong sabihin, Ashley?" Nauutal na tanong ni Glenn sa kaibigan na huminahon na sa kaiiyak. Nakatulala ito at humihikbi pa rin.

Nilingon ng binata si Richard na mukhang hindi alam kung anong gagawin kaya umiwas nalang ito ng tingin.

"Isang a-araw..." Napalingon ang dalawa sa dalaga nang magsalita ito. "May isang babae na nagsisi sa kanyang desisyon na ginawa. Kung kaya't nag-saliksik ito nang mga iba't ibang hakbang para bumalik sa nakaraan. Even though it was absurd that she was really hoping that time travel exist, there was still in her mind that she was doing something useless. Not until she met an old man at her favorite bookshop."

"The woman touched a cursed book and her story was written inside there. The old man warned her that don't ever touch it but she was a person that she didn't care unless it was already done or she regretted it. Kung hindi matatanggal ang kanyang istorya sa librong iyon ay lahat ng karakter roon ay mamamatay at ang babae lamang ang mabubuhay— patuloy itong magsisisi hanggang sa mabaliw and worse, magpakamatay."

"You mean—" naputol ang sasabihin ni Glenn nang itaas ni Ashley ang kanyang kanang kamay. "Ngunit ang hindi alam ng babae ay may kakayahan ang matandang lalaki na kunin ang kaluluwa ng isang tao. Sinabi niya sa babae na, he was once a grim reaper with special power. Upang magamit ng matanda ang dating kapangyarihan, kailangang may isakripisyo ang babae na isang katawan. Mas lumalakas ang Kamatayan kapag nakakain ito ng kaluluwa..."

Butil-butil ang pawis ni Glenn at minu-minuto itong napapalunok. Sumasakit ang ulo niya sa mga natatanggap niyang impormasyon ngunit mas malakas ang kagustuhan niyang malaman pa ang susunod sa kwento.

"... binigyan ang babae ng isang singsing, na sa tingin ng isang normal na tao ay isa lamang itong normal na singsing. Ngunit sa paningin ng babae ay isa itong itim na singsing na may simbolo ng kamatayan. Sa oras na isuot niya ito sa magsasakripisyo ay makukulong ang kaluluwa nito sa singsing at mamamatay ang katawan."

Napayuko si Ashley, muling naluha. "H-hindi ko alam kung sino ang nagsakripisyo ngunit sa tingin ko ay malapit din ito sa babae. Sa oras na makain ng Kamatayan ang kaluluwa, ay kailangan nitong gumawa ng ritwal na  matatanggal ang kaluluwa ng isang tao at malilipat sa ibang katawan..."

Nanlaki ang nata ni Glenn, mukhang napagtugma-tugma niya ang mga piyesa. "Then... you're saying both of you were not the Ashley and Richard that I knew?!"

Umiling ang dalaga. "Sabihin na lamang natin na, nagising ako sa kanyang katawan at ang kaluluwa ng kaibigan mo ang natutulog."

Hindi na muling nagsalita si Glenn dahil mas lalo lamang siyang naguluhan. He clenched his fist as he calming himself.

"...lahat ng karakter sa istorya ng babae ay nalipat ang kaluluwa nila sa ibang katawan, ngunit ang katawan nila ay natutulog. Sa oras na magising ang may ari ng nawalan ng kaluluwa ay isa lamang ang ibig sabihin nito— namatay ang may ari ng pinaglagyan ng kaluluwa nila."

"What the fuck?!" Bulalas ni Glenn. "Then, if Ashley dies, you're not going to die?!"

Umiling ni Ashley. "Ako rin si, Ashley." sabi nito.

"Huh?"

"Ako rin si Ashley."

"Ah— what do you mean by that?"

"Sabi niya ay, ang Ashley na kaharap mo at ang Ashley na kaibigan mo ay iisa."

Kumunot ang noo ni Glenn. "I thought  another per—"

"No. What do you think we're connected to the book?"

Nanahimik si Glenn.

"Dahil we're in parallel world."

Nagulat si Glenn. Parallel world?! An old man whose once a grim reaper and a cursed book were already weird and ridiculous but, a Parallel World?!

"You were familiar with parallel world, right?" Tanong ni Richard. "Kaming kausap mo ngayon ay galing sa ibang mundo at napunta kami sa mundo kung nasaan ang kapareha namin."

Glenn held his chin as he think, "you mean, you were like doppelgangers?"

"Yes. We are one with our doppelganger and once the one dies, mamamatay din ang isa." Paliwanag ni Richard ngunit hindi pa rin sapat iyon para mawala ang nalilitong mukha ni Glenn.

"Listen. Sa oras na mamatay ang katawan ko sa mundo namin, mamamatay din ang katawan ko dito— yung Richard na kilala mo. Ganoon din sa ibang supporting roles katulad namin."

"Supporting roles?"

"Yes. I know you have an idea who 's the protagonist, right?"

Natulala si Glenn. Hindi niya mabanggit ang dalaga. Natatakot siya sa hindi malamang dahilan. He saw Richard smirked.

"What? Hindi mo pa din alam?"

His forehead creased.

"You're the protagonist in this story, Glenn. And whoever you are thinking that you thought he or she may be the protagonist, then you're wrong."

Hindi makapaniwala si Glenn sa kanyang narinig. Puro paano at bakit ang tanong sa kanyang isip at alam niyang hindi nila ito masasagot sa halip ay magtataka lamang ito.

Dahil naniniwala sila na siya ang bida. And the woman that Ashley told was the antagonist.

"But..." Humuntong hininga ito. "I-I am just a  supporting role just like you?"

"What would made you conclude that?!" Biglang sigaw ni Ashley. "That old man! Patingin ng libro! Since we can't touch it, open it for us."

Binuksan niya ito at tumambad sa kanila ang mga hindi pamilyar na mga salita— "isn't this a code?" Sabi ni Glenn.

Narinig niyang napamura si Richard. "That book was not supposed to be yours. Dapat 'yang libro na 'yan ay sa doppelganger ng babae!"

Bigla siyang nanlamig at kinabahan. "W-what's the name of that woman?"

"Huh? Hindi ba sinabi sa 'yo ni Ashley? Her name was Tasha."

Nanghina siya sa kanyang narinig.

"Glenn? Glenn?! Are you listening?!"

He blinked. "N-nickname lang niya 'yon d-diba?" Nauutal na tanong niya, hoping that he's wrong.

"Oh? What was her real name again? I think..."

"Alam ko nagsisimula 'yon sa letter A eh."

Fuck. He knew it.

"Anastacia." Banggit ni Glenn.

Napapitik naman si Ashley mula sa kanyang mga daliri. "Uhuh! Bingo! Wait— how did you know... Oh fuck! You already met her?!"

Tumango ito. "Yeah... and she seems... not awaken yet, the woman from your world." Anito na ikinahinga naman ng maluwag ni Ashley at Richard.

"The book... she's been reading it since I lended it on her. I-I have no idea but I just did what the old man says." He explained and Ashley have a long thought about it.

"Maybe you made a mistake? Nailagay mo ang dapat na sa 'yo, sa halip ang kay Tasha." Umiling si Glenn. "There's no way that I made a mistake because after the old man vanished, I put the book into the shelf and never touched it."

Napahilamos si Richard. "This is just a guess... but I think there's an intruder."

Pareho silang napalingon sa kaibigan, "it's impossible na ta-traydorin ng matandang 'yon si Tasha. Maybe... someone found out Tasha's plan and probably made a move here before her."

Sinang-ayunan ito ni Ashley. "Pwede rin. Despite being a grim reaper, they have a contract that any of them would dare to betray, the contract itself will take their lifespan."

Magsasalita sana si Glenn nang may naisip siya. "Wait! You said, Tasha regretted something and want to go back the time. Her story was written in cursed book. At kung hindi ito mawawala sa loob ng isang taon, lahat ng karakter na dumaan sa buhay niya ay mamamatay. Then, that book was this, right?" Anito at dinuro ang librong binigay sa kanya ng matanda.

Tumango silang dalawa. "Then, why did you say that I am the protagonist, not her?!"

Tila natauhan naman silang dalawa. Balak pa sana nila itong hindi muna sabihin ngunit tinanong na ni Glenn, at wala silang takas rito.

"Dahil... ikaw ang dahilan kung bakit niya ginawa ang lahat ng ito. You're one of the protagonist in this story. And her... I don't know. This was no longer her story. She did all of this just to rewrite your own story."

»»» ᴘᴀʀᴛ ᴏɴᴇ «««