♫♫♫
"Anastacia? Anong ginagawa mo d'yan?" Tanong ni Aubrey nang makita niya ang kaibigan na si Anastacia na nakatulala sa kawalan sa may hallway.
Umiling ito at ngumiti sa kanya. "Okay lang ako. May naalala lang."
"Nga pala, sa 7/11 tayo mamaya! May iku-kwento ako sa 'yo." Sabi ng kaibigan at tumango naman si Anastacia.
Pumunta ang dalawa sa canteen at bumili ng pagkain nila. Sabi ni Shamille ay bibili lang daw siya ng biscuit dahil gusto nitong kumain sa klase. Napailing nalang ang dalaga at tumango.
Gusto man niyang bumili ay bigla siyang napa-ayaw dahil sa nakita niya. Umiwas siya ng tingin at ibinaling nalang ang mga mata sa mga estudyanteng nagpapapalit ng chips para makabili.
'Ang tagal namang bumili no'n!' Reklamo nito sa kanyang isip dahil nakita niyang papunta na sa gawi niya ang iniiwasan niya.
"Oh? Anastasia? 'Di ka bibili?" Tanong ni Ashley, naging kaibigan niya ito nitong nakaraang buwan lamang at masasabi niyang tunay itong kaibigan. Bakit nga ba hindi na niya ito kinaibigan gayong matagal na silang magka-klase?
Umiling lang ang dalaga at tinuro si Aubrey na bumibili pa din. "Sinamahan ko lang siya. Hindi naman ako nagugutom."
Ngunit tinitigan lang siya ng kaibigan. Nailang naman si Anastacia ng kaunti at umiwas ng tingin.
Humalakhak si Ashley. "Gets mo talaga ano? Joke lang 'yun, ano ka ba!"
Tumango nalang siya at naiilang na tumakbo palayo sa kanila. Pumunta siya kay Aubrey na tila nahihirapang pumili sa bibilhin niya.
"Hmmm... anong mas prefer mo, Ana? Potchi or Frutos?"
Pinanlakihan niya ito ng mata. "Alam ko na 'yang ganyan mo, Aubrey! Bilisan mo na't malapit na magtime!"
"Hmp! Tinatanong ka lang eh."
"Hindi mo'ko madadaan sa ganyan."
"May ginawa ba ako? May sinabi ba akong mali? Wala naman ah?"
"Aubrey!"
"Yes, yes! Pabili po nitong dalawa, tig sampo!"
Napailing nalang siya sa kalokohan ng kaibigan. Ilang na ilang talaga siya lalo na't pakiramdam niya'y may nakatingin sa kanya. Napalunok si Anastacia at lumingon sa likod.
'What the fuck!' Nandoon pa din ang grupo ni Ashley kasama siya! Nagtatawanan ang mga ito at tila may pinag-uusapan. Ayaw man niyang mag-assume pero alam niyang siya ang pinag-uusapan ng mga 'to!
Kunwaring hindi niya ito pinansin at tumingin na lamang kay Aubrey na binibilang ang binili niyang candy.
Binigyan naman siya ng kaibigan. "Go, Ana. Bigay mo sa kanya 'yan." Anito at binigyan ng tatlong Potchi at Frutos.
Pakiramdam niya ay namula siya at natarantang binalik kay Aubrey ngunit ayaw niya itong tanggapin. "B-bakit ko naman 'to ibibigay sa kanya?!"
Tumingin sa kanya lahat ng estudyante sa canteen dahil sa kanyang pag-sigaw. Napayuko siya at nahihiyang tumakbo paalis doon.
'What the heck!!! Nakakahiya! Nakakainis! Si Aubrey talaga, kahit na kailan pahamak!' Anito sa kanyang isip at tumakbo papasok sa room nila.
"Ana? Bakit hingal na hingal ka?" Bungad sa kanya ni Alex na kumakain ng lunch nito. Umiling lang siya at umupo sa tabi nito.
Nang makahinga na ng maayos ay inub-ob nito ang sarili sa desk niya at pilit na huwag alalahanin ang nangyari kanina.
'Nakakahiya talaga! Feeling ko alam niya na siya ang tinutukoy ko! Nakakabadtrip naman si Aubrey. Humanda talaga sa 'kin 'yon kapag pinost ko sa fb 'yung epic pictures niya, hay nako.'
Dumaan ang ilang period at sa wakas ay uwian na. Isang lakaran lang ang papuntang 7/11 kung kaya't nilakad lang ito nina Aubrey at Anastacia. Nag-usap din sila tungkol sa mga bagay-bagay na pareho nilang gusto.
"Uy, tignan mo, pupunta ata silang SM." Sabi ni Aubrey at may tinuro ito. Doon niya nakita ang barkada ni Glenn na naglalakad papunta sa gawi nila. Buti na lamang at nakatawid na sila ng kalsada.
Hinatak niya ang kaibigan. "H-halika na. Hindi ako pwedeng gabihin."
"Oh..." Binigyan ni Aubrey si Tasha ng makabuluhang tingin. "Akala ko ba, your Mom doesn't mind if you go home late?"
Pinandilatan niya ito ng mata na ikinatawa ng kaibigan. "Fine, fine! Halika na, nagugutom na din ako."
Lumingon siya sa likod niya saglit at hiniling na sana ay hindi niya nalamang siya tumingin dahil nakatingin rin ang binata sa kanya!
Mabilis siyang umiwas ng tingin at binilisang maglakad. Nagreklamo naman si Aubrey dahil hindi ito makasabay kay Tasha sa sobrang bilis nito maglakad.
Halos limang minuto lang nila nilakad mula school hanggang 7/11 sa halip na kinse minutos. Hingal na hingal ang dalawa na sumalampak ng upo. Nagkatinginan at nagtawanan.
"Bibili lang ako ng tubig. Ano sa 'yo?" Tanong ni Aubrey.
"'Yung usual lang akin." Anito at naglabas ng isang daan. "Libre ko na din 'yung iyo."
Nahihiya namang tumingin si Aubrey ngunit wala itong nagawa at tanggapin nalang. Hindi siya mananalo kay Tasha kapag kabaitan na nito ang pinapairal.
Kaya minsan, inaabuso siya.
Pero ayos lamang sa dalaga iyon dahil mas naniniwala siya na, mas okay na ang magbigay kay'sa tumanggap.
Tumingin siya sa bintana at pinagmasdan ang mga sasakyan na dumadaan. Napailing nalang siya dahil biglang may bumusina ng malakas kaya napatakip siya sa tenga niya.
'Mga kaskasero talaga. May traffic enforcer nang nagbabantay sa gawi na 'yan ha?'
"Hey! Nakabili nako." Bigla siyang napalingon sa nagsalita.
Bigla namang siyang naglaway sa siopao at bottled iced coffee niya. Napatingin naman siya kay Aubrey na ang binili lang ay water at ang paborito nitong Quake Overload Mocha.
Akmang iinom sana siya ng iced coffee niya ay pareho silang napalingon sa glass door ng 7/11. Nanlaki ang mata niya nang mabosesan niya ang nagbukas ng pinto at mas lumakas pa ang mga boses na ikinakaba niya.
Nagtinginan ang dalawa at ibinaling ang tingin sa bintana.
"Gago 'yung driver na 'yon! Natandaan mo ba plate number no'n, Gea?"
"Bakit ako?! Bobo ako!"
"Bobo ka ngang tunay, Gea. Kita mong tumakas 'yung kotse, hindi mo man lang tinignan 'yung plate number!"
"Gago, malay ko ba?! Basta kulay pula 'yung kotse okay na 'yon!"
"Wala pa naman atang cctv sa area na 'to. Nakaka- uy, Chichi? Ayos ka lang?"
"Glenn, bili ka nga muna ng tubig!"
"Anong ako?! Ako ba 'yung boyfriend, Angelo?!"
"Ang ingay niyo naman. Nakakaistorbo ka- uy sina Aubrey at Tasha oh."
Buti nalang at wala silang iniinom pareho dahil baka mabuga lang nila ito sa isa't-isa.
"A-ah... hi? Anong nangyari kay Nicole?" Naiilang na tanong ni Aubrey.
"Paupuin niyo dito." Alok ni Tasha at umalis sa kinauupuan.
Kaunti lang ang upuan sa 7/11 at silang dalawa lang naman ng kaibigan ang kilala nito.
Pinaupo nga nila si Nicole na hinahabol ang hininga. Lumingon si Tasha kay Angelo. "Hindi ba siya hinihika? Painumin niyo nga muna ng tubig kahit isang lagok lang."
Dumating naman si Richard na may dalang tubig. "Nakakahiya naman! Ako na bumili!" Anito sa mga kaibigan.
"Mabuti kang kaibigan, 'Chard." Komento ni Gea at tinapik-tapik pa ang balikat nito.
Inambahan naman siya ni Richard at nagwala na ang mga ito. Hindi na nakatiis si Tasha at sinigawan ang mga kaklase.
"Ano ba 'yan?! Hindi na nga makahinga kaibigan niyo, naggaga-ganyan pa kayo! Hindi na kayo nahiya, parang kayo lang ang tao dito, ah?!"
Natahimik naman sila at umayos ng tayo. Pinuntahan naman sila ng isang staff ng 7/11. Kinausap naman ito ni Aubrey at humingi ng pasensya at sinabing wala lamang iyon.
"Ano bang nangyari sa kanya?"
"Muntik na siyang masagasaan ng humaharurot na kotse. I think nagulat siya sa nangyari." Sagot ni Glenn na ikinalunok niya.
'Malamang magugulat 'yon! Ikaw ba naman, muntik ka nang mamatay?!' Gusto niyang sabihin iyon ngunit walang boses na lumabas sa bibig niya
'Ah, baka 'yon 'yung malakas at mahabang busina na narinig ko kanina.'
Tinaas niya ang ulo ni Nicole at isinandal sa kanyang bag. Iniangat nito ang ulo at ginawang unan ang jacket niya. Hinilot nito ang kamay at napangiwi dahil napakalamig no'n.
'Ano kayang feeling na muntik ka nang masagasaan?'
"Ay, Ana! May katingko pala ako dito." Sabi ni Aubrey at inabot sa kanya ang katingko. Nilagyan niya naman ang sentido ni Nicole at gilid ng ilong nito, hindi sa mismong butas na ikinataka ng nobyo nito.
"Bakit hindi mo nilagyan dito?"
"Mas hindi siya makakahinga ng maayos niyan. Oxygen ang kailangan niya hindi katingko." Dahilan nito na ikinatahimik naman ni Angelo.
'Sana ol may nag-aalala.' Sabi nito sa kanyang isip. Napailing naman siya at nilagyan ng katingko ang kamay at daliri ni Nicole. Hinilot niya itong muli.
"Expert mo talaga sa ganyan, ano? Para kang albularyo, Tasha." Biglang sambit ni Aubrey na ikinatawa niya.
"Albularyo talaga?! Hindi ba pwedeng manghihilot?"
"Magka-iba ba 'yon?"
"Ewan ko sa 'yo, Aubrey. Kung ano-ano na naman pumapasok sa utak mo."
Natawa naman ang lalaking nasa gilid niya na ikinatikom ng bibig ng dalawa. Hindi nalang sila muling nagsalita dahil pakiramdam niya'y maiilang na naman ito sa binata.
Ilang minuto ang nakalipas ay gumaan na ang pakiramdam ni Nicole ngunit nakatulala naman ito. "Nicole? Ayos ka lang? May masakit ba sa 'yo?"
Kumuha ng suklay si Tasha at sinuklay ito sa buhok ni Nicole. "Nicole? Naririnig mo ba 'ko? Sabi ko, okay ka lang ba? Masama pakiramdam mo?" Anito sa mababang tono ngunit sapat para marinig ng dalaga.
"Anong-"
"Ssh!" Saway nito kay Gea kaya tumahimik naman ito.
"Nicole?"
Bigla naman itong umiyak na ikina-panik ng lahat pwera lang kay Tasha.
"Nicole!" Hinarap niya ito. "Look. Just be thankful dahil hindi ka naaksidente. I know you're shocked because of what happened to you. Can you pray to Him and give your thanks because He guided you and didn't let you to get hurt?"
Katahimikan.
"Nicole?"
Unti-unti itong tumango at pumikit. Nakahinga naman siya ng maluwag dahil mukhang hindi naman masyadong naapektuhan ang mental nito.
"Gagi, ang galing! Kung ako 'yan baka hindi niyo na'ko makausap ng matino. That's what I expected to our future psychologist!" Sabi ni Aubrey na ikinairap niya.
"Psychologist?" Tanong ni Andrew.
"Ah... Psychology kasi kukunin na course ni Ana sa college." Sabi ng kanyang kaibigan na may yabang na tono sa boses nito.
Napailing nalang siya.
"Eh... akala ko ba I.T?" Biglang sabi ni Glenn.
"Oo nga! Magaling ka sa computer. Bakit hindi 'yon kunin mo?" Pagsisingit ni Richard.
"Eh psychology gusto niya, wala kang magagawa do'n!" Komento ni Gea at muling nagrambol na naman ang dalawa.
Napakamot siya sa sentido. "A-ah... wala lang. Naisip ko na mas makakatulong ako sa paligid ko kapag psychology kinuha ko."
"Eh makakatulong ka din naman kapag I.T kinuha mo, ah?"
"Oo. Makakatulong nga gamit ang illegal na gawain. Some people might hire me just to hack some files or accounts or whatever they want. Ayokong mangyari sa 'kin 'yung nangyari kay Tito."
Dumilat si Nicole kaya tumingin ang lahat sa kanya. Nginitian ni Tasha ito at pinisil-pisil ang kamay at mga daliri nito.
"Okay ka na?" Nginitian naman siya pabalik ni Nicole. Nilingon niya si Angelo na nakahinga ng maluwag.
"Just to make sure, ihatid mo siya sa kanila. Alam mo ba bahay niya?" Sabi niya sa nobyo ni Nicole.
Tumango ito. "Salamat, Anastacia."
"Tasha nalang."
"Yeah... Tasha." Anito at tumingin sa likod niya. Napaiwas naman siya ng tingin dahil kilala niya kung sino nasa likod nito.
Inuwi na ni Angelo si Nicole. Nakalimutan niya na dapat itong ilayo muna sa maiingay na tunog kaya't chinat niya ang binata at agad naman itong nagreply ng salamat.
"Nakakagutom naman 'yon. Penge ako, Tasha." Sabi ni Gea at tinuro ang siopao niya na hindi pa ubos.
Binatukan siya ni Richard. "Kapal talaga ng mukha nito. Bugbugin mo nga, Glenn."
Pabiro namang binugbog nila si Gea na ikinailing niya. Ilang beses na ba siyang napailing sa araw na ito? Hindi niya mabilang.
"Gusto niyo sumama sa SM? Doon sana kami papunta kun'di lang nagyaya itong si Gea sa SaveMore!" Alok ni Richard at muling inambahan si Gea.
"Hoy! Bakit parang ako pinagbibintangan mo kaya nangyari kay Chichi 'yon?!" Depensa ni Gea habang iniiwasan ang mga amba ni Richard.
"Ay sige, 'Tay! Sama kami." Pinanlakihan ni Tasha ng mata si Aubrey. Nginisihan lang siya ng kaibigan at bumuntong-hininga nalang dahil wala naman na itong magagawa.
Hindi niya alam ngunit nagawi ang mata niya kay Glenn na nakatingin din pala sa kanya. Umiwas ito ng tingin at sinubo lahat ang siopao.
"Dahan-dahan naman. Masyado kang tense." Nang-aasar na sabi ni Aubrey.
Gusto niyang gumanti ngunit dahil puno ang bibig at naisip na wala na nga naman siyang kawala ay ipinagsawalang-bahala nalang niya ito
"Tara na." Pagyaya ni Glenn sa kanilang dalawa.
Tahimik na sumunod ang dalawa sa mga kaklase. Napakagat ng labi si Tasha. Nararamdaman niyang may mangyayari na hindi niya inaasahan kapag sumama siya sa mga ito.
Kaya't pikit na tumakbo si Tasha sa kabilang kanto. Narinig niya ang mga busina ng sasakyan at ang mga sigaw ng kasama lalo na si Aubrey subalit pinagsawalang bahala niya lamang ito.
Masyadong accurate ang pakiramdan niya kaya't kailangan niyang umiwas. Lagi nalang niya itong nararamdaman.
Sa tuwing malapit siya kay Glenn, may hindi pamilyar na pakiramdam siyang nararamdaman. Napakalakas ng kabog ng puso niya at hindi niya alam kung dahil ba sa tumakbo siya o dahil sa misteryosong pakiramdam na iyon.
Mabuti na lamang ay may malapit na simbahan. Pumasok siya roon at nagdasal. Pinagdasal niya Sa Kanya na sana tulungan siya na huwag mangyari ang dapat mangyari. Na huwag sanang may mapahamak dahil sa kanya.
Nagpasalamat din siya Sa Kanya sa mga biyayang natanggap niya sa araw na iyon at hiniling na sana'y bigyan pa rin siya ng biyaya galing Sa Kanya kahit na ang ilan doon ay nasasayang lang.
Hiniling din niya ang kaligtasan ng kanyang mga mahal sa buhay. Ganyang babae si Tasha. Mas gugustuhin niyang nasa mabuting kalagayan ang iba kaysa sarili niya.
Nang matapos siya sa pagdadasal ay umupo ito at nakahinga ng maluwag.
Hanggang sa...
"Bakit ka tumakbo?" Narinig niyang bulong ni Glenn- na hindi niya inaasahang susundan siya nito.
Napapunas siya sa kanyang butil-butil na pawis. Nakangiti ito sa dalaga na talaga namang nakapagpalambot kay Tasha.
Ngumiti lang siya sa binata. 'Hala ka, Tasha! Marupok! Marupok! Isang ngiti lang niya, ngumiti ka rin!'
Sa oras na iyon ay alam niyang wasak na naman siya. Panalo na naman ang binata. Alam niya namang kahit na anong iwas niya dito ay siya namang habol nito sa kanya.
Ang hindi niya lang alam ay kung ano ang motibo nito ngayon. Nakipaghiwalay siya noong 3rd year high school sila, at ngayong 4th year na, bigla naman naging ganito ito.
Gulong-gulo na siya.
"Tasha?" Tawag sa kanya ni Glenn. Tinitigan nito ang mata na tila hinihigop siya na kapag nadala siya nito ay talagang ikamamatay niya.
Ikamamatay niya.
Kaya't tumakbo siya.
Tumakbo siyang muli papalayo sa kanya.
Kahit masakit, kailangan niyang tanggapin.
Kahit gusto na niyang umiyak, kailangan niyang bumuong muli ng bakod sa kanilanh dalawa.
Dahil hindi niya alam kung kailan siya muling makakangiti ng walang nararamdaman na sakit.
"Tasha!"
At patuloy lamang sila sa larong habulan.
Kung maisusulat niya lamang ulit ang kanyang istorya, iibahin niya ang simula at isusulat na sana ay hindi na lamang sila nagkita at nagkakilala.
Kung maiiba nga lang ang kanyang istorya.
'Please... please... it hurts. It really hurts.'
"Gusto mo talagang mabago ang iyong istorya?"
Napatigil siya sa pagtakbo nang may nagsalita sa kanyang isip. Bigla siyang kinabahan at muli niyang naramdaman ang kabog na iyon sa kanyang dibdib.
Nanlaki ang kanyang mata nang makita at marinig si Glenn na tumatakbo habang tinatawag ang kanyang pangalan. Ang huli lamang niyang narinig ay ang malakas na busina ng sasakyan at ang paglagabog niya sa kalsada.
At isa pang malakas na lagabog.
"Ay jusko po! Kawawa naman!"
"Tumawag kayo ng ambulansya!"
"'Wag niyo nang videohan! Tumulong kayo! Mga Pilipino talaga mas inuuna ang chismis kaysa ang tumulong!"
Napadaing siya nang galawin niya ang binti niya. Pilit siyang tumayo kahit na nahihilo. May ilan siyang naririnig na boses na tinatanong kung ayos lamang siya ngunit wala siyang pakialam do'n.
'Glenn... si Glenn...' Yes. Pilit niyang binuksan ang mata at kahit nanlalabo ang kanyang paningin ay hinanap nito ang binata. Nang makitang wala ito sa kanyang tabi ay ibinaling niya ang tingin sa mga nagkukumpulan na tao banda sa kanyang kaliwa.
Biglang kumabog ng malakas ang kanyang dibdib. Hindi na niya alam kung paano siya nakatayo at nakalakad papalapit doon basta ang alam niya, kailangan niyang malaman kung sino ang nandoon.
Halos tuluyan na siyang mawalan ng ulirat sa kanyang nakita. Nakahandusay si Glenn sa kalsada habang naliligo ito sa sarili niyang dugo.
Napahawak siya sa kanyang ulo. May nakapa siyang likido mula roon at napag-alamang dugo iyon.
Umiiyak na lumuhod ang dalaga at inalog-alog ang binata na tila bang natutulog lamang ito.
"Glenn... G-Glenn... b-bumangon ka d'yan. This is not some kind of joke... Fuck!"
Bigla siyang nahilo na halos ikahimatay na niya. Sinasabihan siya ng ilang tao sa paligid na umalis roon ngunit hindi niya ito pinakinggan.
Ang tanging alam niya lamang ay...
...kasalanan niya kung bakit nangyari ito sa dating kasintahan.
Muli itong napapikit dahil nakaramdamn na naman ito ng hilo. Kinurot niya ang sarili para manatiling gising.
Pagkadilat niya ay nadako ang tingin niya sa dalawang libro na nasa dibdib ng binata. 'P-paanong... wala naman iyan kanina d'yan?'
May kung anong kakaiba siyang naramdaman nang makita niya ang libro. Ilang sandali pa ay namataan na lamang niya ang sarili na hinawakan ang dalawang libro.
Nagulat siya nang may lumabas na nakakabulag na liwanag mula roon. Lingid sa kanyang kaalaman ay nawalan na siya ng malay pagkatapos no'n.
Nagtaka naman ang ilang tao sa paligid nila.
"Bakit naging gano'n 'yung pwesto nila?"
"Oo nga, 'no? Bakit magkahawak na sila ng kamay tapos magkaharap sila sa isa't-isa?"
"May nakita ba kayong liwanag kanina?"
"Huh? Anong liwanag pinagsasasabi mo d'yan?"
"Babe, tara na nga. Nagugutom na'ko."
Libro. Ang dalawang libro na nagpabago sa istorya nilang dalawa. At ang liwanag na iyon ang simbolo na nagsimula na silang ibahin ang kanilang istorya.
♫♫♫
»»» part two «««