Chapter Eight

"The findings were negative. Wala naman ho kaming nakitang problema sa brain ng iyong anak. Ang pinagtatakha ko lang, bakit sumasakit ang ulo niya? Did she always staying up late, Mrs?"

"I-i don't know, Dra. Pero mahilig magbasa ng libro ang anak ko. Baka nagbabasa siya tuwing gabi at hindi na niya nababantayan ang oras."

"Ah, Ma! May binabasa nga si Ate. Sa tingin ko binasa niya nang buong gabi 'yon pero hindi pa siya tapos."

"Hindi pa tapos?"

"Yes, Dra. Kasi 'yung bookmark niya, wala pa sa kalahati ng libro. It feels weird kasi parang padagdag ng padagdag 'yung pages ng libro."

"That's impossible."

"Ano bang pinagsasasabi mo, anak?"

"Hmmm... hindi ko naman mapapatunayan sa inyo kaya, nevermind."

"Mrs. We will continue to monitor your daughter and immediately inform you if we find anything."

"Thank you, Dra."

♫♫♫

Nagising sa sinag ng araw si Glenn. Bumangon siya at naupo sa kanyang kama at inisip ang mga nangyari kahapon lamang. Hindi siya gaanong nakatulog kaiisip kagabi at mukhang bangkay ang itsura niya ngayon.

Ginawa niya ang mga dapat gawin sa umaga. Naalala niyang dapat nga pala siyang makipagkita kay Anastacia para itanong ang tungkol sa libro. Kinuha niya ang kanyang cellphone at nagtipa ng mensahe.

Maya-maya pa ay may tumawag sa kanya. Si Ashley. Sinabi niya kasi sa dalaga na makikipagkita ito kay Tasha at planong sumama ng dalaga sa kanya. Si Richard naman ay sinabing may hahanapin daw siya tungkol sa libro kung kaya't hindi siya makakasama.

"Hello—"

["May hindi magandang mangyayari!"]

Nangunot ang noo ni Glenn sa bungad sa kanya ng kausap. "Ano? T-Teka, calm down Ashley! I can't  understand what you are saying—"

["Puntahan mo na si Tasha! May mangyayari sa kanya!"]

Nagulat naman siya doon ngunit mas marami siyang tanong. "What the fuck are you talking about?! Ano ang mangyayari?"

["Pakyu ka rin! Hindi ko alam! My hair color, eyes, and even my skin changed! Sa tingin ko may kinalaman dito si Tasha. How about you? May nagbago ba sa 'yo?!"]

Nagbago ang kulay ng buhok niya, mata pati na rin ang balat? "I-I don't know... wala namang kakaiba— ack!"

Nabitawan niya ang cellphone nang sumakit ang kanyang dibdib. Ang pakiradam na ito... Ito ang nararamdaman niya minsan kapag nakikita niya si Tasha. Ang pinagkaibahan nga lang, ang pagkabog ay may kasamang kirot at sakit.

Halos hindi siya makahinga. Napaupo't napahiga na sa sahig dahil sa sobrang sakit. Hindi na niya alam ang gagawin sa dibdib niya kaya hinawakan na lamang niya ito.

Ngunit mas sumakit ito at halos mawalan na siya ng ulirat. Napasigaw siya sa sobrang sakit na talaga namang lumalabas na ang mga ugat sa kanyang leeg.

'W-What is this?! Why it's fucking hurts?!' Aniya sa sarili.

Nakarinig siya ng galabog ngunit ipinagsawalang-bahala niya ito dahil sa tindi ng sakit na nararamdaman niya. Napapikit nalang siya dahil kinakapusan na siya ng hininga.

Narinig niya ang boses ni Ashley at Richard na tinatawag ang pangalan niya. Hindi niya na mabuksan ang talukap ng kanyang mata kaya't sumuko na lamang siya at nagpalamon sa dilim.

♫♫♫

"What the fuck happened, Ashley?!" Tanong ni Richard habang nakaturo sa blonde nitong buhok. Ang kayumangging kulay ng binata'y naging kulay pulbo na.

"Ako pa talaga ang tinatanong mo n'yan?! Kita mong ganyan din ang nangyari sakin!" Anito at tinuro ang brown nitong buhok at maputing kutis.

Napabuntong hininga si Richard at tinignan ang kaibigan na nakahiga sa sahig. "Seems like he calmed down."

Tumingin din si Ashley. "Yeah... I think I got a clue what just happened."

"Anastacia..."

"Yes. She was probably the cause of this." Ani ng dalaga at luminga-linga sa paligid. "Got it." Anito nang mahanap ang phone ni Glenn.

Napasimangot ito dahil may password ang phone niya. Binigay niya ito kay Richard at sinabing hulaan ang password nito. Nagtaka siya at tinawanan ang dalaga.

"'Di mo talaga kilala si Glenn, ano?" Anito at may pinindot sa cellphone nito at himalang nabuksan ito.

"Paano mo nalaman 'yung password?"

"Ah..." Napakamot sa batok si Richard. "I thought his password were same with the Glenn we knew."

Tumango nalang si Ashley at kinuha ang phone ni Glenn kay Richard. Tinignan nito ang messages at doon bumungad ang text ng binata na makikipagkita ito kay Anastacia.

Nanlaki ang mata ni Ashley at pinagsasampal-sampal nito ang pisngi ni Glenn para magising.

"Huy! Glenn Genre! Wake up!" Pagpipilit nito. "You have to meet Anastacia now so we can conclude what just happened to us!"

"But you don't have to slap him!"

"Eh anong gusto mong gawin ko para magising siya?! Suntukin?! Baka mas makatulog lang siya no'n!"

"Tignan mo! Namumula na pisngi niya!"

"And so what?! Pisngi ko ba 'yan?!" Inis na singhal ni Ashley kay Richard. Napalingon ang dalawa sa ungol ng kaibigan na halatang may iniinda ito.

"See?! Baka mas lalo mo lang pinalala ang sitwasyon!" Agad namang pinaupo ni Richard ang naalimpungatan na kaibigan. Hawak-hawak nito ang dibdib na para bang may masakit roon.

Sa paghawak niyang 'yon ay umilaw ang libro na nasa study table niya. Lumingon ang dalawa at nagtinginan. Hindi nila ito inaasahan. Kaya naman ay lumapit roon si Ashley at sinubukang hawakan ang libro ngunit para lang siyang naging multo na hindi makahawak ng bagay-bagay.

Sinubukan rin ni Richard subalit bigo rin ito.

They were startled when they saw the book opened and the book itself flipped the pages. The two shut their eyes as the light from the book were too shining that it could make their eyes blind.

Glenn sighed as he recovered from the pain on his chest. He flinched, the moment when he saw the blinding light from the book. But there's an urge inside him that he needs to touch it before the book flip the last page.

Lumapit nga siya rito at hindi pinansin ang dalawang kaibigan na nakapikit at sinusubukan dumilat para tignan ang libro ngunit masyado ngang masilaw ang buong paligid dala ng libro.

"N-Nostalgia..." Bulong ni Glenn at narinig iyon ni Ashley. Tinatawag nito ang pangalan ng binata ngunit wala siyang natanggap na sagot rito.

"Remember it..."

"The memories..."

"The feeling I'd forgotten..."

"The ring... no... the wedding ring..."

"What is this?! Why I am seeing this?!" Nagpanic ang binata nang makita niya ang mga salitang iyon na lumutang kasabay ng patuloy na pag-ilaw ng libro.

Napahawak ito sa kanyang ulo nang biglang sumakit ito. His eyes widened as the memories flashed on his mind in instant but it was too much to absorb in just a minute.

Pakiramdam niya'y may bumubulong sa kanya kaya't napatingin ito sa kaliwa't kanan niya. Ngunit ang nakita lang niya ay sina Ashley at Richard na patuloy pa ring nakapikit dahil sa liwanag.

Natawa naman siya na mas lalong ikinakaba niya. 'What... just happened? How the fuck I have forgotten memories?'

"No. They were stolen from you."

Naalerto ang binata at tinakpan ang magkabilang tenga. Pilit niyang hinanapang may ari ng boses sa apat na sulok ng kwarto na iyon ngunit hindi niya mahanap.

Hanggang sa mawala ang ilaw na nagmumula sa libro.

Nahimasmasan naman ang dalawa at agad na lumapit kay Glenn—tinanong kung anong nangyari.

Ngunit walang lumabas na boses sa lalamunan ng binata. Gusto niyang magsalita pero dahil masyado siyang nagpa-panic ay hindi nito magawa.

Nanginginig ang buong katawan niya sa hindi malamang dahilan.

"Those memories were stolen from us. Because of this book. You have to get rid of this book before they kill you."

Napatingin siya sa libro at napagtantong doon nanggaling ang boses na kanyang naririnig. Dahan-dahan siyang lumapit at kinuha ang libro.

He was in awe because the color of the book changed into color gold and silver. Nagulat din sina Ashley at Richard dahil sa nakita.

"Glenn?! Anong nangyari?!" Tanong ni Ash.

Umiling lang ang binata. Ngunit kailangan ng matinong sagot ni Ashley kaya't hinarap niya ang kaibigan sa kanya.

Sisigaw na sana ito nang magulat siya sa mukha ni Glenn. May dugong tumutulo sa kanyang ilong at ang kanyang mata ay walang buhay. Nakita rin ito ni Richard na talagang nakapag-gulat din sa kanya.

At mas lalo silang nagulat sa nakita nila.

May tattoo na crescent moon ang binata sa gilid ng mata nito. Hindi nakapagsalita ang dalawa dahil iisa lang ang ibig sabihin nito.

Na bumalik na ang ala-ala ng kanilang kaibigan.

♫♫♫

BUMALIK ang kapatid ni Anastacia na si Jelian sa kanilang bahay para kumuha ng damit nilang tatlo dahil paniguradong sa ospital sila matutulog.

Alalang-alala ang Mama nilang dalawa kay Tasha kung anong nangyari dito. Hindi rin maiwasang mag-alala ng kapatid dahil wala man lang siyang nagawa para sa Ate niya gayong siya ang kasama nito bago mawalan ng malay dahil sa sobrang sakit ng ulo nito.

Nang makakuha siya ng kanyang damit at sa kanyang Ina ay pumunta naman siya sa kwarto ng Ate niya.

Halos mawalan na siya ng malay sa gulat dahil sa biglaang pag-ilaw ng isang bagay sa bookshelf ng Ate niya. Pumikit siya at kapa-kapang pumunta roon. Nang makapunta ay sinubukan niyang dumilat ng makita ang libro at nagtagumpay siya.

Pagkakuha niya ay bigla itong bumukas ng kusa na ikinabitaw niya sa libro. Dumadagundong ang dibdib ni Jelian sa kaba dahil hindi niya alam kung anong nangyayari.

Bigla naman siyang nakaramdam ng mainit mula sa kanyang dibdib at doon napag-alamang kumikinang ang kanyang kwintas. Hinawakan niya ito at biglang naging ginto ang kulay ng pagkinang nito na mas lalong ikinatakha niya.

Hindi niya alam ang nangyayari kaya't dahan-dahan itong napaatras ng ilang hakbang bago tumakbo sa pinto nang...

"Tatakas ka na namang muli?"

Nanlamig si Jelian at napahinto sa pagpihit ng pinto.

"'Wag mag-alala... kung nahihirapan ka."

Nagbubutil na ang pawis nito at pasmado na ang mga kamay. Nanghihina na rin ang tuhod niya dahil sa biglaang pagkanta ng napakapamilyar na boses ngunit hindi niya matukoy kung sino o kilala ba niya iyon.

"Halika na... sumama ka... pagmasdan ang mga tala..."

Pagkatapos nang linya na iyon ay biglang sumakit ang ulo ni Jelian. Napasigaw siya sa sobrang sakit na talagang hindi niya nakayanan at napaupo siya.

May kung anong mahaba at nakakabingi na tunog siyang narinig na mas nagpapasakit sa kanyang ulo. May mga imahe na pumasok sa kanyang isip. Mga imaheng hindi pamilyar sa kanya ngunit alam niyang alam niya iyon.

Habol ang hiningang napatingin siya sa libro na tumigil na sa pagliwanag na kasabay no'n ay pagkawala ng sakit ng kanyang ulo.

Ngunit ang hindi niya inaasahan ay ang pagsakit ng kanyang dibdib.

Mas masakit iyon kumpara sa naramdaman niya kanina sa kanyang ulo. She almost passed out but she saw a person's shadow that she doesn't know where the hell it was from.

Sa huling pagkakataon ay nakita niyang bumukas ang pinto at doon bumungad ang dalawang lalaki at isang babae na nilapitan siya mula sa pagkakahiga sa sahig.

Nasilayan niya pa ang isang lalaki na tila umiiyak at may sinasambit na salita ngunit hindi niya marinig. Pilit na binasa iyon ni Jelian mula sa bibig ng lalaki at gustuhin man niyang magulat ay hindi na niya nagawa dahil tuluyan na itong nawalan ng ulirat.

"T-Tasha! Tasha!"