CONFUSED

MIGO's POV

Bagong umaga nanaman sisimulan kona sana magluto nang makita ko si bryce na nakatitig sa bintana malapit sa kama niya.

"Bro! Aga mo nagising ah ano sinisilip silip mo diyan sa bintana?"tanong ko sakanya.

"Ahh wala may iniisip lang ako wag mona ako alalahanin,Iluto mo nalang yung uNuggets sa ref ayun yung gusto ni mikki" Sagot niya.

"Baka naman nag away kayo ng girlfriend mo? Oh siya magluluto nako maligo kana muna para di tayo magkasabaysabay mamaya" ani ko.

Pagkaraan ng ilang minuto ay nagising naden si mikki alam kong may pagbabago sa kilos niya dahil tumititig lang ito saakin.

"Hoy! Ganyan naba ako kagwapo para titigan mo ng sobra"pabiro kong sabi.

"Gago! Luto naba yung pagkain?"tanong niya.

"Hyst pagkain nanaman?morning kiss ko wala?" Pabiro kong sabi sakanya.

"Gago ka talaga nagugutom na ako saka maaga pa pasok naten no"sagot niya

"Osige sige niluto ko nga pala yung Nuggets na gusto mo buti nalang pinaalala ni bryce"banggit ko habang nagluluto.

Naghahain na kami ng lumabas si bryce sa banyo nakakapagtaka at dumiretso lanmang ito sa kanyang cabinet at di man lang kami binati.

Tahimik ang pag kainan namen pansin kong may kakaiba sa kinikilos ng dalawa.

"Sabihin niyo nga saken magkaaway ba kayo?"tanong ko sakanila

Sabay silang sumagot na "hinde" Tinapos na agad ni mikki ang pagkain niya at dumiretso na siya sa banyo.

"Migo paabot nga ako ng towel ko nasa may likod ng door"Banggit ni mikki habang nasa banyo siya.

Biglang tumayo si bryce at kinuha ang towel ni migo at kumatok ito sa banyo

"Ahh sala~"ani ni mikki

Narinig ko ang paguusap nila at nagtatangkang isarado na ni mikki ang pinto ngunit hinarang ito ni bryce

"Ano bang problema mo"pagalit na sabi ni mikki.

"Ikaw!ikaw ang May problema bat dimoko kinakausap?"Ani naman ni bryce.

"Ayoko ng gulo bryce kaya please umalis ka,Bitaw!"Sagot naman ni mikki.

Pagkatapos noon ay sinarado na ni mikki ang pinto at nagbihis naden si bryce pero biglang tumawag ang girlfriend nito.

Bryce's POV

Nakakapagtaka ng hindi ako pinapansin ni mikki hindi ko naman siya matanong ng maayos dahil iniiwasan niya ako kaya nagtungo ako ulit sa cabinet para ipagpatuloy ang pagbibihis nang biglang tumawag si Trisha.

"Babyyy sunduin moko dito ha mamaya bago tayo pumasok" Ani nito.

"Ahhh sige baby ingat ka" sagot ko.

Habang nagaayos ako ng sapatos ay lumabas na si mikki sa kwarto laking gulat namen na nakabihis na ito at kinuha niya na yung bag niya at nauna ng umalis sa dorm.

"Ano bang problema nun? Pagtataka ni migo.

"Hayaan nalang naten muna siya baka kailangan niya ng space"sagot ko.

"Hoy migo alam kong may gf kang kasabay pero wag moko iiwan mag isa dito,Sandali lang 'to magbibihis lang ako"pagmamadaling sabi ni migo.

Papasok na kami papuntang parking ni migo dahil nandon si trisha sabay sabay kaming pumasok ngunit papasok palang kami bigla namen nakita si mikki na may kasamang lalaki naka higa siya sa braso nito.

"Naks naman pala mikki kaya di namamansin may lovelife na"pabirong sabi ni migo

Hindi sumagot si mikki ngunit ngumiti lamang ito kaya dumiretso na kami sa room dahil baka mahuli pa kami.

MIKKI's POV

Nauna na akong pumasok dahil ayoko na sabayan si bryce na kasama ang girlfriend niya dahil alam kong masasaktan lang ako bago pa ako pumasok sa school ay dumiretso muna ako sa 7'11 para bumili ng mogu mogu.

"Mikki ikaw naba yan?"Biglang sabi ng nasa likuran ko.

"Ay hello Am I know you?"sagot ko.

"Wao paenglish English kapa ako 'to si adrian"sagot naman niya

Laking gulat ko na yung kalaro ko noon dati ay nakita ko ulit nagulat ako ng bigla niya akong yakapin pero nagulat den ako ng pinasama niya ako sa parking lot dahil may nakalimutan daw siya

"Nakauwi kana pala galing ibang bansa" Ani ni adrian.

"Pano ko sasabihin sayo e dimo naman ako finofollow sa ig"sagot ko.

"Wao naman nagpromote pa"pabiro niyang sabi.

Bigla kaming napahinto ng makita namin sina migo at bryce kasama ang palakang si trisha Kaya agad kong hinatak si adrian at pinaupo malapit sa harapan nila.

"Oyy sandali ano ba ginagawa mo"tanong niya.

"Basta makinig ka saken lahat ng gagawin ko sumakay ka lang"pabulong kong sabi.

Kita ko na papalapit na sina bryce saamin kaya pinatong kona ang ulo ko sa braso ni adrian.

"Naks naman pala mikki kaya di namamansin may lovelife na"pabirong sabi migo

Nginitian ko nalamang ito dahil hindi ko alam ang sasabihin ko kase bumibilis ang tibok ng puso ko at nakita ko na nginitian ni trisha si adrian pero diko pinansin kaya dumiretso na sila sa room nila.

"Sino bayon saka anong ginagawa mo?"pagtataka ni adrian

"Ahh mga karoom mate ko 'yon"sagot ko.

"Ahh pinagseselos mo?"tanong niya.

"Ha?hinde no NEVER"sagot ko naman.

inaya kona si adrian pumasok dahil parehas lang den pala kami ng course kaya sabay na kami.

Natapos na ang klase pauwi nako ng makita ko sina bryce at trisha sa harapan ko sa isip ko ay ihahatid na ni bryce si trisha sa dorm dahil parehas lang naman kami ng building. Pumasok na sila sa elevator hindi nako sumabay dahil alam kong awkward lang kaya pinauna kona sila.

Pumasok na ako sa elevator at sinubukan kong sundan sila bryce kaya pumunta muna ako sa 3rd flooor laking gulat ko ng pagbukas ng elevator ay bumungad saken ang naghahalikan na sina bryce at trisha bigla nalang tumulo ang luha sa aking mga mata

"M-Mikki?!?"Pagkagulat na sabi ni bryce.

"Sinong mikki"pagtataka naman ni trisha.

Agad kong pinindot ang 5th floor para pumasok sa room namen magtatangka pa sana si bryce na pigilan ako ngunit pinigilan na siya ni trisha, Pag pasok ko ng dorm ay nandoon na si migo.

"Ohh ba't ka umiiyak? May nangaaway ba sayo?sasapakin ko."Ani ni migo.

Pinagpatuloy ko lang ang pagiyak at hindi ako sumagot sa tanong niya.

"Dahil kay bryce no?"pagtatanong niya saken.

"Ha?Alam mo?"Tanong ko naman sakanya.

"Oo,gising ako ng ginawa niyo yon akala ko nga wala lang sainyo yon kase lasing kayo pareho pero nagulat ako ng may girlfriend pala si bryce"sagot niya.

Niyakap ko siya ng mahigpit at pinagpatuloy ang pagiyak.

"Alam koden na kaya mo siya iniiwasan dahil kay trisha dahil ayaw mo ng gulo"Dagdag pa ni migo.

Nagulat nalamang ako ng biglang hawakan ni migo ang kamay ko at bigla kaming nagkatitigan ni migo hanggang sa dinampi niya ang labi niya sa labi ko.