I HOPE,WE HOPE

BRYCE's POV

Paglabas namin ng elevator ni trisha ay tinulak niya ako sa pader at bigla akong hinalikan nanigas nalamang ang aking katawan at hinayaan ang ginagawa ni trisha pero biglang bumukas ang elevator at kitang kita ko ang gulat na gulat na muka ni mikki pipigilan ko sana siya kaso hinatak ako ni trisha

"Ano ba ginagawa mo Bryce?"Galit na sabi ni trisha.

"kakausapin ko lang si mikki"Sagot ko.

"Baket?Ako girlfriend mo ako unahin mo!"pasigaw niyang sambit.

"Please Trisha bukas nalang tayo magusap  kailangan ko siya habulin"Pagmakakaawa ko.

"Tandaan mo Bryce wala kang matatago saken"sagot niya.

Tumakbo ako papunta sa dorm ngunit di gumana ang elevator kaya gumamit ako ng hagdan pagbukas ko ng pinto ay bumungad saken ang naghahalikan na sina migo at mikki sa galit ko ay nasapak ko si migo

"Gago ka sabi nako nanga ba May gusto kaden kay mikki"sigaw ko kay migo.

"Oo!Baket ka nagagalit?May girlfriend ka diba kaya wag ka mangngielam samin"sagot nya.

Sa galit ko ay sinapak ko ulit siya at ginantihan niya den ako ng suntok hanggang sa umawat samin si mikki.

"TAMA NA! Ba't ba kayo mag aaway ha?ikaw bryce labas kana dito doon ka sa Trisha mo!"Sigaw ni mikki.

"Pleasee mikki aksidente lang yon diko ginusto yon"sagot ko

"Ahhh talaga lang? Kitang kita ko Bryce Hindi ako tanga atsaka yung nangyari saatin dati hanggang doon nalang yon" Sagot niya saakin.

Naluha nalamang ako at umalis sa dorm dahil doon nalang muna ako makikitulog sa kaibigan ko ayaw ko muna makita silang dalawa na magkasama

"Pre pede ba ako makitulog muna diyan sa kwarto niyo"Banggit ko sa kaibigan ko.

"Sige pre akyat ka nalang dito sunduin kita 6th floor kami"sagot niya.

"Salamat talaga pre akyat nako"Sagot ko.

"Pero pre sa sofa ka dahil maliit lang kase kama namin dito sa dorm"sagot niya

Pag akyat ko ay sinalubong agad ako ni chester sa may hagdan.

"Ano ba nangyare" Tanong ni chester

"Wala, Nagkaroon lang kami ng di pagkakaintindihan ng kadorm ko"sagot ko naman.

Tumungo na kami sa kwarto nila at natulog nako sa sofa.

MIGO's POV

Umalis muna sa dorm si bryce at di namin alam kung saan siya magpapalipas ng gabi.

"Bat mo kase ako hinalikan"Tanong ni mikki.

"Akala ko kase ayun ung gusto mo mangyare"Sagot ko.

"Hanapin mo muna si bryce at baka saan yun matulog ipaliwanag mo yung totoong nangyare"Utos saakin ni mikki.

Bumaba ako para tanungin sa guard kung May lumabas ba na lalaki pero sabi niya ay di na daw Sila nagpapalabas ng gantong oras kaya pinuntahan ko siya sa ibat ibang kwarto ng kaklase namin.

"Ano?Nasaan siya"Tanong ni mikki

"Wala nilibot kona buong building wala siya"sagot ko

"Osige itext mo nalang makikita niya naman yon"Banggit ni mikki.

Hanggang sa nakatulog na kami.Kinaumagahan ay wala paden si bryce at dipa siya nagrereply sa text ko kaya nagluto nalang muna ako ng almusal,Hanggang sa may bumukas ng pinto at si bryce nga 'yon

"Sorry bro"Banggit ko sakanya.

"Hysst okay lang yon bro di lang siguro tayo nagkaintindihan kaya ganon"Sambit niya.

"Nabasa mo ba yung text ko sayo?"Tanong ko sakanya.

"Kaninang umaga ko lang nabasa kaya nga agad nako bumalik dito"Sagot niya

"Ahh sige tulungan mo nako mag hain baka magising na si mikki"

Pagkatapos namin maghain ay nagising na si mikki at kitang kita sa muka niya ang saya na maayos na ulit kami ni bryce kaya naman kumain kami ng sama sama.

"Mauna na kami mikki ah may project pa kasi kami tatapusin"Pagpapaalam ko kay mikki.

"Ahh sige sige dito muna ako hintayin niyo nalang ako mamayang uwian sa parking"sagot niya

Umalis na kami ni bryce pero pagdating namin sa may parking ay naiwan ni bryce yung mga papers na gagamitin namin kaya bumalik ulit kami.

MIKKI's POV

Umalis na sina bryce at migo pero wala pang limang minuto ay sumugod si trisha sa kwarto namin.

"Hoyyy bryce lumabas ka nga magusap tayo!"Pasigaw niyang sambit.

"Wala siya dito nakaalis na"Sagot ko sakanya.

"Sinong niloko mo? Alam kong tinatago mo siya"sagot niya.

"Di kalang pala warfreak no?Assumera kapa,Ano naman gagawin ko sa bf mo? Gusto mo isaksak mo pa siya sa baga mo"Sagot ko.

"Kala mo diko alam? May gusto ka sa bf ko aminin mona lang Kase dahil kahit kailan di magkakagusto sayo si Bryce di siya pumapatol sa mga bakla tulad mo"Sambit niya saakin.

"Buti naman pumatol siya sa cheap,walang class,uneducated at homophobic na katulad mo. Alam mo trisha hindi sapat na babae ka lang para piliin ka ni bryce"Sagot ko sakanya.

Nagtatangka niya nako sampalin pero nahawakan ko ang kamay niya.

"Alam mo di ako pumapatol sa babae pero kung pagpapatuloy mo yang bad attitude mo Baka ngayon palang"Sabi ko sakanya.

Biglang pumasok sina bryce at migo sa kwarto at inawat kaming dalawa ni trisha.

"Ano ginagawa mo dito trisha?!"Tanong ni bryce.

"Ahh so trisha nalang?Parang dimo ako girlfriend ah"Sagot naman ni trisha.

Hinatak palabas ni bryce si trisha at lumapit naman saakin si migo.

"Nasaktan kaba?"Tanong niya.

"Hindi,Okay lang ako saka bakit kayo bumalik dito?"Tanong ko.

"Ahhh kukuhanin lang namin ni bryce yung papers nakalimutan niya kase,Wait lang kunin ko lang."Sagot niya.

Habang kinukuha ni migo ang mga papers sakto naman na may tumawag saaking cellphone at ito nga ang aking mama.

"Anak kumusta ka diyan?"Tanong ni mama.

"Okay lang po ako dito ma bat kapo napatawag?"Tanong ko sakanya

"Ahh kase ganto anak May free time ako kaya nga balak ko sana next week pumunta sa Lola mo at sabay no'n ay dadalawin kanaden namin diyan sa dorm mo"Sagot ni mama.

"Haaa?!!!"Pagkagulat ko.