LIHIM

Ang buhay ay parang paggawa ng tinapay ikaw ang gagawa ng desisyon kung anong sangkap ang uunahin mo kahit maraming suggestions galing sa ibang Baker kailangan mong gumawa ng sa tingin mo ay magiging masarap kailangan mo lang magtiwala sa instinct mo at sa magiging resulta nito.

MIKKI's POV

Maaga ako nagising at naabutan kong tulog pa si bryce kitang kita mo ang napaka ganda niyang katawan at ang muscles niya na napakaganda ng hulma,

naalala ko na may work pala si bryce kaya napagdesisyunan ko na ipagbake siya ng cookies galing sa recipe ng Lola ko.

"Ano ginagawa mo?Gising kana pala"Tanong ni bryce.

"Gising kana pala diyan!Nagbebake lang ako ng cookies papatikim ko sayo 'to tapos magbaon kanaden"Sagot ko naman

Pagkatapos magawa ng cookies ay pinatikim ko sakanya ang gawa ko.

"Hmm marunong kapala mag bake"Ani niya.

"Ahh oo natuto lang ako sa lola ko pero syempre dinagdagan ko ng ibang flavor buti nga masarap ang kinalabasan e"Sagot ko sakanya.

Tinitigan niya ako at lumapit siya sa may tenga ko at may ibinulong.

"Gusto mo ba lagyan ko ng gatas ang tuyo mong cookies?"Pabiro niyang sabi.

"Ano bayan bryce! Napakabastos mo talaga"Sagot ko.

Tumawa lamang siya at pinagpatuloy ang pagkain.

"masakit paba yung ano mo?"Pabirong tanong ni bryce.

"Wag mo na tanungin nahihiya tuloy ako"Sagot ko.

"Osige sigee diko na tatanungin basta sa susunod sabihan moko pag napapabilis ako"Sagot naman niya.

"Kung May susunod pa"Sagot ko

Pagkatapos namin kumain ay nagbaon siya ng tatlong cookies para baunin niya sa work.

"Mikki alis nako ilock mo yung pinto Baka may pumasok sayo este sa bahay"Banggit nito

"Sige na umalis kana puro ka talaga kalokohan"Sagot ko.

Habang nanonood ako sa tv ay May kumatok sa pinto at 'yon nga si adrian.

"Oh Adrian Bat napadalaw ka?"Tanong ko sakanya.

"Gusto ko lang sana ayain ka manood ng sine ngayon tutal wala naman pasok"Sagot nito.

"Ahh sige sakto palabas sa sine yung favorite kong movie"Ani ko.

"Basta gusto mo gusto ko den"Sagot niya.

Nagbihis na ako at dumiretso na kami ni adrian sa mall na malapit sa dorm namin,Habang naglalakad kami ay nag aya muna si adrian na bumili ng milktea.

"Mikki libre kita ng milktea"Banggit nito.

"Ang dami naman palang pera"Pabiro kong sabi.

Nagtungo na kami sa milkteashop at laking gulat ko na doon den pala nagtatrabaho si bryce.

"Oow bryce barista kapala dito"Tanong ni adrian.

"Baket may problema ka sa barista?"Sagot naman ni bryce.

"Chill man! Wala akong sinasabi nandito lang kami ni mikki para manood ng sine"Ani ni adrian.

"Pumayag ka mikki?"Tanong ni bryce.

"Inaya niya kase ako sakto wala naman ako ginagawa sa dorm."Sagot ko.

"Sige mamaya na tayo mag usap ako na bahala sa milktea mo"Sagot ni bryce.

"Uhmm bro sorry pero ako ang manlilibre sakanya"Sagot ni adrian.

"Gusto mo atang sapakin ko muka mo e"Sagot ni bryce.

"Wag ka masyadong highblood kung gusto mo siya ilibre edi okay"Sagot ni adrian

Umalis na kami sa shop at pumunta na sa cinema para manood ng sine pero laking gulat ko biglang sumunod samin si bryce.

"Bryce Ano ginagawa mo dito?"Tanong ko sakanya.

"Sasamahan ka manood mamaya kung ano pa gawin sayo ng tukmol nayan e"Sagot nito.

"Bat dimo sinabi na sa milktea shop kapala nagtatrabaho"Tanong ko.

"Hinde lang naman kase yun trabaho ko marami akong raket nakaka hilo naman kung banggitin ko lahat"sagot niya

"Mikki tara na pasok na tayo"Banggit ni adrian.

Magkatabi sana kami ni adrian ngunit pumagitna saamin si bryce hanggang sa matapos ang movie.

"Hatid na kita mikki"Pagaaya ni adrian.

"Ako maghahatid sakanya at ikaw umuwi ka magisa mo dahil sa motor ko siya sasakay."Sagot ni bryce.

"Sure ka ba talaga mikki? Dito kanalang sa kotse ko baka ano pa mangyare sayo"Tanong ni Adrian.

"Ahh hinde okay lang ako sa motor salamat pala sa sine ah"Sagot ko sakanya

Nakauwi na kami sa dorm at tinanong saken ni bryce kung baket kami magkasama ni adrian at sinabi ko na inaya niya lang ako

"Basta sa susunod sabihan mo'ko para naman masure ko na safe ka"Ani niya.

"Okay po,Tara na matulog na tayo may pasok pa bukas oh."Sagot ko.

Kinabukasan ay nagring ang cellphone ni bryce at tumatawag nga si Trisha dahil nagpapasundo na 'to

"Mikki Tara sabay kana samin hatid naden kita sa room mo"Ani ni bryce.

"Hinde,Okay lang naman ako kaya kona 'to sunduin mona si trisha baka nagiintay nayon.

Malapit nako pumasok pero tinawagan ako ni cherry na mag dala daw ako ng isang sako ng bote dahil gagamitin daw as pang design sa gown na panlalaban namin.

"Cherry ang bigat nito oh puntahan moko sa dorm sabay tayo magdala nito."Ani ko

"Excuse me babae ako no tas pagbubuhatin mo'ko niyan tatawagan ko nalang si adrian"Sagot nito.

Dumaan ang limang minuto ay dumating na si adrian at tinulungan niya ako sa pagdadala ng mga bote habang papunta kami sa room ay nakita ko sa may pintuan si bryce.

"Oh bryce ba't nandito ka?"Tanong ko sakanya.

"Chinecheck lang kita baka mamaya may mangyare sayo na masama"Sagot nito

"Ako na bahala kay mikki, okay?Banggit ni adrian

"Alam mo dikit ka ng dikit kay mikki May gusto kaba sakanya ha?"Tanong ni bryce.

"Pag sinabi kong Oo May magagawa ka?Diba May girlfriend kanaman"Sagot ni adrian.

"opppps kayong dalawa tumigil na kayo ikaw Bryce bumalik kana sa building mo Baka malate kapa ikaw naman adrian ipasok mona yung mga bottles"Sagot ko

Bumaba na si bryce at ang kaklase nito at pumasok naden ako para magklase.

Natapos na ang klase nang biglang nagtext si bryce na magkita daw kami sa may parking dahil doon niya daw ako susunduin, Habang naglalakad ako ay nakasulubong ko si adrian at sinamahan niya ako sa paghihintay.

BRYCE's POV

Nagtext saakin si trisha na mauuna daw siya umuwi kaya naman tinext ko si mikki na susunduin ko siya

"Bro baket ba ayaw mo sabihin kay trisha na may gusto ka kay mikki"Tanong saken ni chester.

"Alam mo bro humahanap lang ako ng tsempo then pag may chance hihiwalayan kona si trisha"Sagot ko sakanya.

"Basta Bro sundin mo yung nasa puso mo at dapat yung tama kung gusto mo man ng lalake supurtado kita"Banggit ni chester.

"Wala akong gusto sa lalake I mean kay mikki lang wala ng iba at kung di man siya wag nalang"Sagot ko.

Tumungo na kami sa parking lot para sunduin si mikki at tanaw ko na nandoon nanaman yung asungot nayon hanggang sa nakita niya ako at bigla niyang hinalikan si mikki tumakbo ako para puntahan sila ngunit nakita ko na papalapit si trisha at kita ko den na tinulak ni mikki si adrian nang makalapit ako ay sinapak ko si adrian sakto naman ay pinigilan ako ni chester.

"Bryce hindi ko gusto yun bigla niya lang ako hinalikan"Banggit ni mikki.

"Alam ko May tiwala ako sayo pero diyan sa kupal nayan duda na talaga ako diyan e"Sagot ko.

"Baket babe parang apektado ka diba karoom mate mo lang naman yan si mikki"Ani ni trisha.

"Please mikki bigyan moko ng chance mamahalin kita promise basta ako piliin mo"Pagmamakaawa niya kay mikki.

"Gago pala to e"Ani ko.

"Chill bryce hayaan muna naten Sila magusap"Sagot ni chester.

"Ano mikki?Sige na diko naman sinasadya na halikan ka e sabi kase sakin ni trisha ayun daw gawin ko para ako piliin mo"Sagot ni adrian.

Sinabi lahat ni adrian kay mikki na lahat ng ginawa niya ay pinlano nila ni trisha sinabi den nito na magkamag anak Sila napilitan lang daw siya gawin lahat ng yon dahil mahal na mahal niya si mikki

"Let me explain bryce ginawa ko lang naman yon para sa relationship naten para wala ng ibang umaahas"Ani ni trisha

"Anong umaahas ha? Ikaw sumisira ng relasyon na'to alam mo mas mabuti pa na maghiwalayna tayo"Sagot ko

"No no no bryce give me a chance please bumalik na tayo sa dati yung wala pang umeepal masaya naman tayo noon diba"Ani niya.

"Masaya tayo dahil diko pa alam tunay na ugali mo di ako makapaniwala na kaya mo 'tong gawin alam mo trisha umalis kana dahil tapos na tayo"Ani ko.

"HINDE!Hinde ako papayag tandaan mo 'yan gagawa ako ng paraan para hindi kayo maging masaya"Sagot niya

Umalis na sina trisha at adrian at kinausap ko si mikki kung pede na maging kame na at agad naman siyang pumayag.

"Sige Bro mauna nako ayoko maging thirdwheel"Ani ni chester

Umakyat na kami sa taas ni mikki at nagpahinga na dahil May pasok pa kami kinabukasan.