COMPLICATED LOVE

MIKKI's POV

Isang buwan na ang lumipas simula nang umalis si migo sa dorm at di namen alam kung kelan siya ulit uuwi dito,Sa darating na sa sabado na ang birthday ko sana kahit kaming tatlo lang mag celebrate okay lang basta masaya kami

"Ano iniisip mo diyan ha?"Tanong saken ni bryce.

"Hmm naisip ko lang na sana bago ako mag birthday e umuwi na muna si migo sa dorm para naman macelebrate nating tatlo"Sagot ko.

"Pumunta man siya o hinde sisiguraduhin ko na magiging masaya birthday mo"Ani niya

"Thankyou ah"

"Sige na wag kana malungkot mag bihis kana hahatid nakita sa building niyo,SMILE!"Ani ni bryce.

Hinatid nako ni bryce sa room at pumunta naden siya sa building niya nang biglang lumapit saken si cherry.

"Huy! Jowabels mo ba yung bryce nayon?"Tanong niya

"Hmm oo mag iisang buwan na kami,Baket?"Sagot ko.

"OMG arghhhhh! Akala ko sa mga series lang to nangyayare pero ngayon sa harapan kona at best friend kopa ang bida!"Ani niya

"Loko ka talaga! Ayan na si sir oh bumalik kana sa upuan mo"

Natapos na ang klase at gaya ng dati ay hinihintay ko si bryce sa may parking.

"Kanina ka paba dito?"Tanong ni bryce.

"Ahhh hinde kakadating ko lang den"Sagot ko

"Nagpasama kase 'tong si chester bumili ng materials kaya mejo nalate ako"Sagot niya

"Bro mauna na muna ako ayaw ko maging thirdwheel"Ani ni chester.

Bago pa man kami umakyat sa taas ni bryce ay inaya ko siya na magpunta sa river malapit sa may school dahil doon madalas nakikita ang shooting star.

"Bat tayo nandito?Ano ba wiwish mo?"Tanong niya.

"Hmm mamaya na wala pa namang shooting star e"Sagot ko.

"Sige upo na muna tayo tas hintayin naten yung shooting star"Ani niya

"May Tanong ako sayo bryce!"Ani ko

"Ano 'yon"

"Baket ayaw mo ipakita sa ibang tao na mabait ka?I mean mabait kana man talaga pero kase pag dimo kilala ang sungit mo"Tanong ko

"Kase ganto yan pag ang tao may nakitang maganda sayo ineexpext nila na maganda lahat ng gagawin mo at ayoko naman mabuhay sa expectations ng ibang tao"Sagot niya

"Nice answer Mr.Bryce Hahaha, Wait ayan na yung shooting star!"

Pinikit ko ang aking mata at nag wish na ako.

"Anong wish mo?"Tanong niya

"Hmm ang perfect lang kase ng moment na 'to winish ko na sana Wag nating sirain.

Biglang nalang tumitig saken si bryce at hinawakan ang aking kamay.

"Baka malusaw ako niyan"Pabiro kong sabi

"Ang saya ko lang na nakilala kita"Ani niya

Nag aya na ako bumalik sa dorm dahil pagabi naden bago 'yon ay umorder nalang kami sa mcdo ng hapunan at maaga na kami natulog.

MIGO's POV

Isang buwan nako naka stay sa bahay dahil ako ang nagbabantay sa Lola ko naalala ko na birthday na pala ni mikki sa sabado.

"Ma pede naba ako pumunta sa dorm?"Pagpapaalam ko.

"Anak naiintindihan mo naman kung baket dika pa pede umalis May trabaho kami ng papa mo sino mag babantay diyan sa Lola mo?"Sagot niya

"Sige ma dito nalang po muna ako"Sagot ko

"Hayaan mo anak pag nakasahod na ang papa mo kukuha na kami ng magbabantay sa Lola mo"Ani niya

Matapos nga na hindi ako pinayagan ni mama ay agad ko tinawagan si bryce at sinabi na hindi ako makakapunta at gawin niya ang lahat para maging masaya ang birthday ni mikki.

BRYCE's POV

Dahil nga sa sinabi ni migo ay nagpatulong ako kay chester na isurprise si mikki bukas pero ngayon ay hinatid ko muna siya sa building niya.

"Sige na bryce salamat!"

Papunta na sana ako ng canteen dahil meron akong free time balak ko sana na sabayan si mikki sa pagkain ngunit nakita ko na kasama niya si adrian.

"Wait lang bryce! Ano kaba mali yang iniisip mo!"Ani ni mikki.

"Uhm im talking to mikki as a friend nalang kase nanghihingi ako ng favor sakanya."Banggit ni adrian

"Oo,Tinatanong niya kase kung ano daw name ng kaibigan mo kase ayun na yung gusto niya"

"SI CHESTER!??"Pagkabigla ko

"Oo kase simula nung nasa parking lot tayo noon about sa problem dati e nakita ko na ang cute niya"Sagot ni adrian

"Ahh Oh sige sasabihin ko kay chester"Sagot ko

"Ohh sige na mauna na muna ako mag date na muna kayo diyan"pabirong sabi ni adrian.

Pagkaalis ni adrian ay sakto namang pumunta sa table namen si cherry.

"Omg this is a sign naba?Ako na ang magiging president ng #BryKki"Pabiro niyang sabi

"Huy anokaba! Nakakahiya kay bryce Oh"Sagot ni mikki.

"Anong hiya hiya tingnan mo Oh nakangiti nga siya wait picturan ko kayong dalawa!"

Pagkatapos namen kumain ay bumalik na kami sa aming building.

Bago pa man kami umuwi ay nagpasama ako kay chester bumili ng pang regalo kay mikki dahil birthday niya na bukas

"Bro ano sa tingin mo magandang ipang regalo?"Tanong ko kay chester.

"Eto condom because yourself is the best gift!"Pabiro niyang sabi.

"Gago ka talaga! Eto nalang kaya kwintas mukang maganda oh"

Pinili ko nga ang kwintas at habang nasa counter kami ay binanggit ko kay chester na may gusto si adrian sakanya.

"Alam ko Bro! Chat ng chat saken yon! Pogi naman siya kaso diko alam kung ready ba ako sa ganong relasyon"Sagot niya

"Alam mo ang pagibig ay wala yan sa gender ng tao tingnan moko di naman ako nagkakagusto sa lalake pero tinamaan ako kay mikki,Kaya ikaw kung sa tingin mo magwowork kayo ni adrian edi gawin mo kesa mawala pa yung chance"Ani ko

Papauwi na kami galing sa store pagdating ko sa dorm ay tulog na si mikki kaya tinago ko muna yung kwintas na binili ko sa bag at tinabihan na siya sa pagtulog

Kinaumagahan ay maagang nagising si mikki at nagbake ito ng cake niya.

"Grabe naman mukang masarap yang cake mo"Pabiro kong sabi.

"Syempre naman para saatin 'to e"Sagot niya

"Ahhm yung about pala kay migo"

"Sus! Sinabi niya na saakin naiintindihan ko siya kase kung nangyare din yon sa Lola ko ayun den yung gagawin ko"Ani niya

Napangiti nalamang ako at tinulungan ko siya magluto

Kinagabihan ay kumain na kami dahil kaming dalawa lang ay bumili ako ng alak at ng pizza para sa handa niya

Nakailang shot palang ay agad na nakatulog si mikki nang biglang nag ring yung phone ko.

"Hello bryce?Kamusta kayo diyan ni mikki masaya ba siya sa birthday niya?"Tanong ng mama ni mikki.

"Opo tita masaya po sayang nga po e tulog na siya"

"Ay siya wag mona gisingin may sasabihin lang sana ako sayo na mahalaga"Ani niya

"Ano po yon?"tanong ko

"About sa inyo ni mikki sinend kase saken ng kaibigan niyo na si trisha yung nagturo saken ng dorm niyo nung dumalaw ako diyan yung picture niyo ng anak ko pede ba na hiwalayan mo na siya alam mo naman na siya lang ang lalake sa amin at gusto ko sana na makakahanap siya ng babae na makakasama niya habang buhay"

"Ahm tita masaya naman po kami ni mikki e saka aalagaan ko po siya hanggang pagtanda sana po pagbigyan niyo po kami"Pag mamakaawa ko.

"Please bryce sana intindihin mo ako isa lang naman akong ina naghahangad na mapabuti ang aking anak kaya sana gawin mo'to kung talagang mahal mo si mikki."