LIES

MIKKI's POV

Pagkagising ko ay napakasakit ng ulo ko dahil siguro sa sobrang lasing ko kagabi pero nagtaka ako baket wala si bryce sa kwarto pero nag iwan ito ng notes sa mesa "Wag mona ako intayin gagawa kami ng project ni chester" ayan ang nakasulat sa papel kaya naman agad kong pinapunta si Cherry sa room para kami nalang magsabay

"Oh ba't dika ata inintay ni bryce"Tanong ni Cherry.

"Di ko nga din alam e"Sagot ko

Papasok na kami sa room nang biglang naisip ni Cherry na kausapin ko si bryce at dalhan ito ng lunch pero pag punta namen ay si chester ang naabutan namin.

"Chester nasaan si bryce?May dala akong lunch niya saka kakausapin kona den"Tanong ko.

"Hmm nandon siya sa may hagdan gumagawa siya ng props"Sagot nito.

Nagtungo ako sa may hagdan at kinalabit si bryce ngunit napansin ko na parang may kakaiba sakanya.

"Bryce dinalhan kita ng foods para kaseng dikapa naglalunch"Ani ko

"Ba't ka nandito?"Tanong niya.

"Dimo kase ako hinintay kaya nagdecide ako na puntahan kita"Pangiti kong sabi.

"Umalis kana saka kumain nako mamaya na tayo mag usap ang dami naming ginagawa Oh!"Ani niya

Nabigla ako sa sinabi ni bryce dahil hindi naman siya ganon sa akin at nakita ako ni chester na pabalik na.

"Oh ayaw ba ni bryce ng ulam?"tanong niya.

"Hinde sabi niya busog daw siya e pinaalis niya nga ako kase madami daw kayo ginagawa"Sagot ko.

"Ha?Dipa nga siya kumakain mula umaga,Sige ako na bahala mag bigay sakanya niyan at kakausapin ko naden siya."Ani nito.

Pagkabigay ko ng pagkain ay agad nako bumaba at nakita ni Cherry na malungkot ang aking muka.

"Oh para ka namang namatayan ba't ang lungkot mo?"Tanong niya

"Pinaalis kase ako ni bryce naninibago lang siguro ako"sagot ko

"Omg!Hinde pede mawala ang #brykki Bilang president ng fan group niyo kailangan kitang advisan,Siguro baka busy lang talaga siya mamaya kayo magusap kapag umuwi na siya"Ani niya.

Dumiretso na kami sa building namen makalipas ang ilang oras ay pumunta kami sa cafeteria at nakita ko na magkasama si chester,trisha at bryce napatingin saken si bryce ngunit hinawakan siya ni trisha.

"Bwisit talaga yang babae nayan e"Pagkagigil ni Cherry.

"Mikki mali yung iniisip mo nagpapaturo lang saamin si trisha kase malapit na yung test namin."Pagpapaliwanag ni chester

Umupo nalamang kami ni cherry sa may tabi ng table nila bryce at rinig na rinig ko ang usapan nila.

"Omg bryce buti naman nakasama na kita ulit"Banggit ni trisha

"Mikki alam moba madami talagang tao na napaka kati kahit may jowa na yung tao inaahas paden"Pagpaparinig ni cherry

"Huy anokaba hayaan mona sila nag rereview lang yan"Ani ko.

"Nagrereview daw ba't di siya nagtanong sa Prof nila halata naman na gusto paden niya kay bryce"Sagot ni cherry

Pagkatapos namin kumain ay bumalik na kami sa aming building.

Uwian na kaya naman nagpasama ako kay Cherry na maghintay sa may parking dahil umaasa ako na sabay kami ni bryce uuwi.

"Ano bayan mikki!Halos isang oras na tayo naghihintay dito Oh ano ba ginagawa nila doon?itext mo kaya siya"Ani niya

"Hyst kanina ko pa siya tinatawagan ayaw sumagot tapos yung chat ko puro seen niya lang"Sagot ko.

Dalawang oras na kami naghihintay kaya naisipan nanamin na wag na intayin si bryce at bumalik na sa dorm.

Kinaumagahan ay wala paden si bryce pero ngayon ay wala siyang sulat na iniwan kaya naman sinubukan kong tawagan si chester

"Hello chester tanong ko lang sana kung nandiyan ba si bryce"

"Ahh oo dito siya nakitulog sabi nga niya isang linggo daw muna siya mag ststay dito"Sagot niya.

"Ha?Isang linggo?Baket sabihan mo nga siya na kausapin ako diko kase siya maintindihan"Ani ko

Isang linggo na ang nakalipas at ganon paden ang ginagawa ni bryce at di paden nito sinasabi ang dahilan.

"Huy mikki di paden kayo naguusap?"Tanong ni Cherry.

"Di paden!Maaga naman uwi naten mamaya diba?Hihintayin ko nalang siya sa parking kase doon naman siya dadaan e"Sagot ko

"Gusto moba samahan kita?"

"Wag na cherry kaya ko naman sarili ko saka baka mabored kalang."Ani ko

Natapos na ang klase namen kaya naman dumiretso nako sa parking madami akong nakikitang iba't ibang tao galing sa iba't ibang faculty pero diko paden makita si bryce

Halos tatlong oras na ako naghihintay kaya umihi muna ako,Ngunit pag balik ko ay bumungad saakin ang naghahalikan na sina bryce at trisha.

"M-Mikki bigla niya nalang ako hinalikan"Ani ni bryce.

"Ano yon kusang nag dikitan mga nguso niyo? Sinong tanga maniniwala diyan sa paliwanag mo?"Sagot ko

"OO NA! SIGE Mahal ko paden si trisha,Ano?masaya kana dahil narinig mona gusto mong marinig"Ani niya.

"Bryce baket?diba sabi mo dimo ako lolokohin!DIBA BRYCE!DIBA?"

"Hindi ko naman alam na seseryosohin mo'yon diko alam na mamahalin moko ng sobra,"Sagot niya.

"Hindi mo alam na mamahalin kita o hindi mo inisip na mahuhuli kita na ginagago mo 'ko?"Ani ko.

"Basta!Pag gising ko isang araw bigla nalang kitang hindi na mahal."Sagot niya

"Okay,Okay sige!Ganyan ang dahilan mo?pinagkatiwala ko sayo lahat bryce! Lahat lahat tapos ganito gagawin mo mas okay nga na maghiwalay nalang tayo!"Ani ko

Habang umiiyak ay agad akong umakyat sa kwarto at nagimpake dahil uuwi na muna ako sa Lola ko dahil isang jeep lang naman papunta sakanila

Pagpunta ko ay naabutan ako ng Lola ko na nasa gate at pinapasok niya ako sa bahay.

"Apo baket ka umiiyak ha?"Tanong ni Lola.

"Wala napo kami ng jowa ko.Diko nga po siya maintindihan yung mga paliwanag niya napaka walang kwenta"

"Alam mo apo minsan hindi talaga maiexpress ng tao ang tunay na dahilan kaya nagiging magulo tinanong moba sakanya ba't niya yon nagawa?"Ani ng Lola ko.

"Opo!sabi niya pag kagising niya isang araw di na daw niya ako mahal,Anong klaseng dahilan yon?Pag kasama kopo siya,Alam kong masaya eh.Kaya hindi ko maintindihan bakit hindi ako!bakit hindi ako!"Pagkagalit kong sabi.

"Alam mo apo kami ng Lolo mo matagal na kaming hiwalay siguro nung pinanganak ka tulad ng dahilan ng kasintahan mo ganon den ang dahilan niya"

"Dipo ba kayo nanghingi ng explanations ?"Tanong ko.

"Hinde,Noong sinabi niya yon hinde ko din maintindihan kase ang pagibig ay hindi naman pedeng mamatay sa isang pagpikit at pagdilat."

"Eh ba't di niyo po yon sinabi sakanya"

"Dalawampu't pitong taon ako hindi humingi ng eksplenasyon,Hindi dahil sa hindi ko siya mahal ha kundi wala naman kase akong hinangad kundi maging masaya siya at kung magiging masaya siya sa pag alis ko,Bakit hindi?"Sagot ni Lola.

"Hindi man lang po kayo nagalit sakanya?" Tanong ko.

"Kailan man hindi ako nagalit sakanya,Binalikan ko siya noon nung nagkasakit siya kase kaya ko na siyang harapin dahil hindi kona siya mahal, ako den naman nagising din naman ako na hindi kona siya mahal kaya lang,Ang masakit,Hindi lang kami nagkasabay"Sagot niya.

"Sakit naman po pala ng naranasan niyo La"

"Hyst! Wala nayun apo matagal na namamahinga ang Lolo mo kaya ikaw hanggang buhay pa ang tao pahalagahan mo at matuto tayong umintindi at magpatawad,Oh!gabi na pala tara na pumasok kana sa kwarto mo at matulog kana.

BRYCE's POV

Bigla nalamang ako hinalikan ni trisha noong sinabi ko sakanya na ieexplain kona kay mikki ba't ako umiiwas sakanya ngunit naabutan kami ni mikki na naghahalikan.

Balak ko sana siya sundan ngunit naalala ko ang sinabi ng kanyang ina kaya naman umakyat ako sa kwarto ni chester.

"Bro!Pabukas!"Sigaw ko.

"Oh ano nangyayari sayo ba't ka umiiyak"Tanong ni chester

"Bro hiwalay na kami ni mikki!"

"Ha?baket?"Tanong niya

"Nakita niya kaseng hinalikan ako ni trisha!"Sagot ko.

"Patay tayo diyan!Sundan mona siya sa room niyo saka ka magpaliwanag!"

Kaya naman agad akong bumaba para puntahan si mikki sa kwarto ngunit pag punta ko ay wala na siya pati mga damit niya sa cabinet ay wala na kaya naman sinubukan ko siyang tawagan nang biglang bumukas ang pinto

"HELLO MADLANG PIPOL!"

"Migo?Bat dimo kami sinabihan na uuwi ka?"Tanong ko.

"Biglaan lang den e sandali ba't magang maga yang mata mo?atsaka nasan si mikki?"

"Wala na kami migo nakipaghiwalay saken si mikki at ngayon umalis siya dito diko alam kung saan siya nagpunta"sagot ko.

"Kilala ko si mikki di basta basta yon makikipag hiwalay unless may ginawa kang kalokohan?Ano sabihin mo!?"

"Aksidente lang naman yon e bigla nalang ako hinalikan ni trisha"

"Ayan na ngaba sinasabi ko e diba binilin ko sayo si mikki at wag mo siya sasaktan!"Ani niya

"Sabi kase ng mama niya na iwasan ko si mikki ginawa ko lang naman yon kase mahal na mahal ko talaga siya!"Sagot ko.

Bigla nalamang tumawag sa aking messenger si Cherry dahil may gusto daw siyang sabihin.

"Ba't ka napatawag Cherry?"tanong ko.

"Bryce!Kasalanan ko talaga ba't nalaman ng mama ni mikki yung sainyo naalala moba yung nasa cafeteria tayo yung pinicturan ko kayo sinend ko kase yun sa gc namen sa sobrang kilig ko at kanina ko lang naalala na kasama pala si trisha sa group nayon"Ani niya.

Binababa kona ang ang telepono at naupo ako sa sofa at kinuha ang kwintas na dapat ay ibibigay ko kay mikki sa kaarawan niya

"Dapat bibigay ko'to kay mikki e ako pumili ng infinity necklace nato kase akala ko hanggang dulo kami na"Ani ko.

"Ba't dimo binigay sakanya"Tanong ni migo.

"Hindi ko den alam nung sinabi saken ng mama niya na hiwalayan ko si mikki dinako nagkaroon ng lakas ng loob na ibigay sakanya 'to"

Napatitig nalamang ako sa kwintas na dapat ay ibibigay ko kay mikki.