LOVE OR HATE

BRYCE's POV

Gabi gabi ako naghihintay sa parking lot at umaasa na baka umuwi na si mikki hindi ko iniisip kung gaano katagal basta ang mahalaga ay makita ko ulit siya.

" Oh bryce nandito kapa den?ah alam kona inaantay mo nanaman si mikki no?"Tanong ni adrian.

"Oo e feeling ko kase anytime pede siyang bumalik at gusto ko ako unang makakausap niya pag nangyare yon"Sagot ko

Umupo sa tabi ko si adrian at sinamahan niya ako sa pag hihintay kay mikki at habang nakaupo kami ay binigyan niya ako ng pagkain

"Ano 'to?"Tanong ko.

"Sabi kase saken ni chester di ka pa daw nag hahapunan kaya ayan dalawa kase nabili ko,

Kesa itapon ko,Sayo nalang"Ani niya.

"Ha?Naguusap na kayo ni chester?"

"A-Ano kase....Nakasalubong ko siya hehe"Pautal niyang sabi.

Nagsimula na muna ako kumain hanggang sa naisipan ko tanungin si adrian.

"Adrian baket mo naisipan na hindi na guluhin si mikki?Sabi mo nga diba mahal na mahal mo siya simula pa bata kayo"Tanong ko.

"Hmmm alam mo pag gustong gusto mo yung tao,palayain mo.Kapag bumalik siya sayo para sayo talaga siya pero kapag hinde,Hinde mo na pede pag siksikan yung sarili mo."

Natahimik nalamang sa sinabi ni adrian at napaisip ako kung tama ba talaga ang sinabi niya.

"Eh kayo ni mikki muka namang masaya kayo ah, Para nga kayong perfect sa isa't isa."Ani niya.

"Hmm walang perfect,Palaging may problema,Ang kailangan mo lang ay piliin mo yung tao na makakasama mo sa problema na'yon."Sagot ko.

Ilang minuto ay umuwi naden si migo at inaya niya ako na umakyat na ng kwarto pero hindi muna ako umakyat baka kase umuwi pa si mikki walang sasalubong sakanya.

MIGO's POV

Kitang kita ko ang lungkot sa mga mata ni bryce kaya naman napagdesisyunan ko na puntahan si mikki sa bahay nito.

"Hello mikki?nasa baba niyo ako salubungin moko!"Ani ko.

"Okay wait lang!"Sagot naman niya

"Baket naman dika nagsabi na bibisita ka?"Tanong niya

"Pag sinabi ko sayo hindi ka naman papayag kaya dapat wala kang choice nandito nako"sagot ko.

Inaya niya ako na umupo muna sakanila at kita ko na nagluluto ang lola niya ng para sa hapunan.

"Baket ka nga pala napadalaw dito?"Tanong niya

"Ah ano kase~"

"Si bryce?kung pagtatanggol mo lang siya,Wag na!"Pagalit niyang sabi.

"Hinde,hinde ko naman siya ipagtatanggol e, Ilang linggo na kase nagiintay sayo sa may parking lot umaasa paden siya na umuwi ka"Ani ko.

"Talaga?Ngayon gaganon ganon siya noong nandoon ako hindi ko siya maintindihan kung baket niya ginawa yon tas ngayong wala nako saka siya gaganon."Sagot niya

"Baka naman kase may rason talaga siya,Mahal na mahal ka kaya ni bryce,Kitang kita ko.Alam mo hindi man naging maganda ang simula ng story niyo.Pero hindi lang 'yon ang bubuo ng relasyon niyo,It is the rest of your story.Saka kung sino yung kasama mo sa storya na'yon."Ani ko.

"Feeling ko kase nagkulang ako sakanya kaya niya 'yon ginawa,Feeling ko hindi ako naging perfect boyfriend para sakanya."Naluluhang sabi ni mikki.

"No mikki.This is life not heaven kaya hindi mo kailangan maging perfect."

Sawakas ay napapayag konaden na bumalik sa dorm si mikki pero bago kami bumalik ay inaya muna kami ng Lola niya na maghapunan.

MIKKI's POV

Pumayag na ako na bumalik ng condo hindi dahil gusto ko makipag balikan kay bryce kundi ayaw kona kase na may mabigat akong nararamdaman

Bago pa man kami makapasok ay nakita ko si bryce na mag isang nakaupo sa may parking lot,Naniniwala na talaga ako sa sinabi ni migo ngunit kapag nakikita ko siya ay hindi awa ang nararamdaman ko kundi galit sa lahat ng ginawa niya.Papalapit na kami ay nakita na ako ni bryce magtatangka sana siyang yakapin ako ngunit tinulak ko siya.

"Mikki sorry!Sorry patawarin mona ako pinagsisihan kona lahat ng nagawa ko sayo"Pagmamakaawa ni bryce.

"Alam mo bryce sobrang saket ng ginawa mo saken,Umiwas ka ng wala akong ka alam alam kung baket tapos binalikan mo si trisha habang tayo pa!"Sagot ko

"Hinde ko binalikan si trisha,Mikki naman maniwala ka saken"Ani niya.

"Maniwala?Bryce,Pinagkatiwalaan kita mas pinagkatiwalaan pa nga kita kesa sa sarili ko e pero ang ginawa mo?Niloko mo lang ako"

"Mikki bigyan mo pa ako ng chance please kahit isang isa nalang,Mikki bumalik na tayo sa dati sige na"Pagmamakaawa niya

"Wala ng babalik bryce.Nasaktan nako ng ilang beses kahit okay yung katawan ko yung puso at isip ko never naging okay"Ani ko.

"Hindi ko kayang maisip yung mundo na hindi tayo magkasama...At kung gaano kawalang kwenta yung mundo kung mangyare yon."Sagot niya.

"Tama na Bryce! Nagmamakaawa ako sayo,tumigil kana!"Ani ko.

Naglakad na ako papalayo,Aakyat na sana ako pero narinig ko na kinausap ni migo si bryce.

"Bryce samahan mona kami umakyat gabing gabi na Oh!"Ani ni migo.

"Hinde,Hinde okay lang ako basta malaman ko lang na umuwi na si mikki ayon lang naman yung gusto ko mangyari e"Sagot ni bryce

Dumiretso na kami sa taas ni migo at naiwan si bryce sa parking.

Kinabukasan ay kaming dalawa lang ni migo sa kwarto at Dina ako magtataka dahil sigurado ako na doon kay chester natulog si bryce.

Pagbukas ko ng pinto ay sumalubong saken ang nakangiting muka ni Cherry.

"Mikki baka nakakalimutan mo meron tayong parade sa mga ginawa naten na suits at gowns kaya kailangan naten pumasok ng maaga"Pagmamadaling sabi ni Cherry.

"Eh tulog pa si migo sabi niya sabay kami e"Ani ko.

"Hayaan mona muna yan mamaya pang hapon pasok niyan bigyan mo siya ng time matulog."Sagot ni Cherry

Pag baba namen ay nakita kong nakaabang saamin si bryce sa parking

"Cherry,Pinlano mo 'to no?"Tanong ko sakanya.

"H-Huh? Ako?No kaya!"Sagot niya

"Ahh mikki sabi kase nito ni Cherry may parade daw kayo gusto sana kita ihatid"Ani ni bryce.

"Hinde,kaya ko ang sarili ko.Tara na Cherry baka Malate pa tayo."

Nakapasok na kami ni Cherry at buti nalang ay hindi kami ang pinagsuot ng mga damit ng Prof namen ngunit kami ang inutusan sa pagbibigay ng flyers para sa gagawin na exhibit namen.

Isang oras na kami nakatayo sa tirik na araw at nakita ko na nakatayo sa may puno malapit sa pwesto namin si bryce at binabantayan ako.

"Tingnan mo mikki Oh alalang alala sayo yung tao"Ani ni cherry

Diko nalamang ito pinansin at nagpatuloy ako sa pagpapamigay ng flyers ngunit sa sobrang init ay nahilo ako bago pa man ako bumagsak ay sinalo agad ako ni bryce

"OMG THIS IS IT!Haba ng hair mo mikki"Pabirong sabi ni Cherry.

"Kaya kona pede ba wag mo ako hawakan"Ani ko kay bryce.

Tumayo ako at binigyan niya ako ng tubig ngunit tinanggihan ko ito at ininom ko ang juice na dala ni Cherry.

Sobrang pagod ang araw ko ngayon,Pauwi na kami ni Cherry pero pagdaan namin sa parking ay nandon nanaman si bryce at may dalang taro milktea.

"Eto mikki dimo agad sinabi ayaw mo pala ng tubig lang!Ayan binilhan kita ng favorite mo"Ani ni bryce.

Tinanggihan ko 'ito pero pinipilit paden niya ibigay hanggang sa natapon ito sa uniform ko.

"Ayan kase napaka kulit,Sinabi kona kase na ayoko,AYOKO!"Pagalit kong sabi kay bryce.

"Sorry mikki ako na lang maglalaba niyan,Promise lilinisin ko'yan"Pagmamakaawa niya.

"Wag na!"Sagot ko

Umakyat nalamang ako sa taas para maglinis at naiwan sa baba sina bryce at Cherry.

CHERRY's POV

Nagmadaling umakyat si mikki at kitang kita ko ang lungkot sa mga mata ni bryce kaya naman kinausap ko siya.

"Bryce wag ka mawalan ng pag asa!pagod lang siguro si mikki kaya nagalit siya sayo"Ani ko sakanya.

"Alam ko naman e saka kasalanan ko naman kung baket siya naging ganon"Sagot niya.

"Eh baket hindi mo sinabi yon"

"Hmmm dahil hindi ako masyado nagsasalita,Ang iniisip ng tao ay wala akong gustong sabihin or im stupid.Pero hindi yun totoo,Marami akong gustong sabihin.Natatakot lang ako sabihin sakanila."Ani niya

"Hayst naniniwala ako sayo bryce at naniniwala den ako na balang araw mapapatawad kaden ni mikki."Sagot ko.

Habang naguusap kami ay dumating naman si chester at tinabihan kami pagkaraan ng ilang minuto ay dumating den si adrian ngunit napagdesisyunan na ni bryce na mauna na umakyat at naiwan kaming tatlo.

"Ano babe?Wag tayo tutulad sakanila ah"Pabirong sabi ni adrian.

"Anong babe kadiyan!Babe mo muka mo"Sagot ni chester.

"Teka!teka,Kayo na?OMG My bl heart is shakinggg!"Banggit ko habang kinikilig.

"Hinde no!Feelingero lang yan si adrian,Akyat na nga ako!"Ani ni chester.

"Grabe ka naman babe tinatanggi moko"Pabirong sabi ni adrian.

"GAGO!"Sigaw ni chester

Umakyat na ang dalawa at bumalik naden ako sa dorm ko.