RIVAL

CHERRY's POV

Dahil Sabado nanaman ay naisipan kong manood ng sine at ayoko naman na ako lang kaya naman naisipan ko na imbitahin sila mikki kaya naman nagbihis na ako at umakyat na sa room nila

*tok tok*

"Mikki!Mikki!"Sigaw ko.

"Ano bayon Cherry nakakalimutan mo ata wala tayong pasok ngayon"Sagot ni mikki.

"Ayun na nga ang dahilan kung ba't ako napunta dito dahil aayain ko kayo manood ng sineeeee!"Ani ko.

Pinapasok niya muna ako sa room nila at kita ko ang dalawang nakahubad na guwapong mga lalake grabe talaga swerte ni mikki biruin mo meron siyang pogi at may abs pa na si migo tapos meron pa siyang pogi den at maskulado na si bryce like OMG!

"Pagpasensyahan mona Cherry late na kase natulog mga yan kaya hanggang ngayon dipa gising"Nahihiya niyang sabi.

"Ay!Anokaba mas gusto ko nga 'to tingnan kesa sa manila bay,CHAROT!"Pabiro kong sabi.

Tumawa lamang si mikki at dumiretso na sa cr para maligo,Dumaan ang ilang minuto ay nagising na ang dalawa.

"Oh Cherry ginagawa mo dito?Walang pasok ha."Tanong ni bryce.

"Kaya nga!Kaya kayo magbihis nakayo at manonood tayo ng sine palabas na ang favorite kong movie"Sagot ko

Naka pagbihis na silang tatlo kaya naman bumaba na kami kaso bago pa man kami umalis ay dumating ang babaeng garapata.

"Saan kayo pupunta bryce?"Ani ni trisha.

"Manonood lang kami ng sine"Sagot ni bryce.

"ahhh sige sasama naden ako!"Sagot niya.

"Ay excuse me lang po ateng!Ininvite poba kita?"Sagot ko.

"No need for invitation honey!I have my own money naman e"Ani naman niya.

"Kung ako honey ikaw muka kang bubuyog"Sagot ko.

Pinatigil ako ni mikki kaya naman dumiretso na kami sa mall para manood ng sine habang naghihintay kami ay rinig na rinig ko ang nakakairitang boses ni trisha.

"Bryce im so gutom na"

"Kelan ba tayo uuwi bryce"

"Kaya lang naman ako jumoin para makasama ka e"

"Omg nahuhulas na ako kailangan kona mag retouch!"

Kaya naman dumiretso na siya sa cr at sumunod naden ako at iniwan ko muna ang tatlo para makapag usap sila.Naririnig ko na nagsasalita mag isa si trisha.

"Makikita mo bryce makukuha kita,Again"Ani niya.

"As if naman magugustuhan kapa ulit ni bryce"Sagot ko habang naglalakad papasok sa cr.

"Who are you to say that!Ako ang nauna and I will make sure na kami hanggang sa huli."Sagot niya.

"Ang tapang ng hiya mo no?pisteng yawa!"Ani ko.

"Im sorry,What language are you speaking?its sounds like bullshit!"Sagot niya.

"Yes!it sounds bullshit cause I'm describing you!"Sagot ko.

"How dare you to say that!Look at yourself!Ang pangit mo!"Ani niya.

"Excuse me!I am a human not a mirror"Ani ko.

"Wao lang talaga!Tingnan mo nga sarili mo!croptop then skirt?What a shame!"Nandidiri niyang sabi.

"Bitch,I may not be perfect but at least I'm not fake"Sagot ko

Palabas na ako ng pinto nang bigla siyang nasalita.

"Bright red color of lipstick?So cheap!"Ani niya.

"Umm sa tingin ko kailangan mo den kainin yung make up mo para naman pati yang ugali mo gumanda! And friendly reminder lang Karma has no menu.You get served what you deserve.

Tumuloy na ako sa paglabas ng cr at pagbalik ko ng cinema ay nakapasok na ang tatlo at tinext ako ni migo na pumasok na daw ako naghihintay daw siya sa may security.

MIGO's POV

Dahil ang tagal lumabas ng dalawa ay bumili na kami ng tickets pero noong nakapasok na kami ay wala paden sila cherry kaya naman pinauna kona muna sila bryce at mikki sa loob at sabi ko sa guard na May dalawa pa kaming kasama nag cr lang.Dumating na si cherry at sumunod naman si trisha kaya sabay nakami pumasok sa loob.

"Nakakainis yung babaeng garapata na 'yon"Pabulong na sabi ni cherry.

"Si trisha? Wag mong sabihin na nag away kayo sa cr"Tanong ko.

"Hmm mej lang! Kala niya uurungan ko siya"Pabiro niyang sabi

Nanood na kami ng sine at ilang oras pa ang lumipas ay natapos na ang movie na pinapanood namin kaya naman nag aya na muna si mikki na kumain.

"Hmm Ano ba gusto mo kainin mikki?"Tanong ko.

"Gusto moba ng KFC?"Tanong ni bryce.

"Mang inasal diba gusto mo?"Tanong ko.

"Omg!Pati sa pagkain nag aagawan kayo,Haba ng hair mo mikki!"Pabirong sabi ni cherry.

"Duh! Bat fastfood?bryce I want some pasta"Sagot ni trisha

"Pasta daw! Edi sana gumawa ka nalang ng carbonara sa dorm mo!sasama kapa dito!"Ani naman ni cherry

Pero ang ending ay sinabi ni mikki na siya nalamang ang magluluto kaya naman dumiretso na kami pauwi sa dorm.

BRYCE's POV

Nakauwi na kami sa dorm at biglang tumawag saakin si chester.

"Bro!Umalis na yung ka roommate ko!"Ani niya.

"Ahh edi ikaw nalang mag isa diyan?"Tanong ko.

"Oo!naghahanap nga ako ng kasama e,Ikaw ba? Baka gusto mo lumipat muna dito sa dorm ko!"Pag aaya niya.

"Sorry Bro! Kailangan ko pa magpalakas kay mikki para mapatawad niya talaga ako,Ikaw maghanap kana ng karoom mate mo pede mong ipost sa fb mo!"Sagot ko.

Habang nagluluto si mikki ay pinapaabot niya kay migo ung toyo ngunit nasa cr si migo kaya naman ako na ang nag abot sakaniya.

Kinuha niya lamang ito at hindi man lang siya ngumiti.Natapos na ang kanyang pagluluto at naghain na kami

"Ako na diyan mikki maupo kanalang muna"Ani ko.

"Kaya ko"Sagot niya.

Natapos na ang pagkain namin at nagliligpit na kami ng pinagkainan.

"Mikki ako na diyan"Ani ko.

"Okay"Sagot niya

Nakita ni migo na malungkot ako kaya naman kinausap niya ako.

"Bro!Wag ka mawawalan ng pag asa,Mapapatawad kaden ni mikki"Ani niya.

"Thank you"Sagot ko.

"Siguro not now pero palaging May chance wag kang susuko"Dagdag pa niya.

Buong araw kami na ganon ni mikki hanggang sa pagtulog ay hindi niya ako kinausap kaya naman napagdesisyunan ko na matulog nalang den.

Kinabukasan ay pagkagising ko ay wala si mikki at migo kaya siguro umalis sila para mag kasama sila.Kinuha ko ang kwintas na dapat ay ibibigay ko kay mikki at tiningnan ko lang ito at nanghihinayang ako na hindi ko ito nabigay kay mikki

Dumating na ang hapon at dipaden sila bumabalik kaya naman napagdesisyunan ko na matulog muna,Dumaan ang ilang oras ay nagising ako dahil nag ring ang cp ko.

"BRYCE!Nasaan ka?Magkikita si mikki at trisha ngayon!sundan naten sila!"Pagmamadaling sabi ni chester

"Huh?pano mo nalaman?"Tanong ko.

"Sinabi saken ni adrian narinig niya daw na magkausap si trisha at mikki at nakita niya den na May pinasok na baril si trisha sa bag niya"Ani ni chester.

"Osige sige tatawagan ko si migo para pigilan si mikki."Sagot ko

Agad kong tinawagan si migo at sinabi niya na hindi niya kasama si mikki dahil nagising den siya na wala si mikki kaya naman sinabi ko sakanya ang plano ni trisha at agad naman kami nagkita para puntahan siya,Pagbukas ko ng pinto ay nandoon si cherry.

"Ano na bryce?Tara na!Alam ko kung nasaan si mikki!"Ani niya.

"Osige sige!Tara!"

Kaya naman agad na kaming umalis para puntahan si mikki.

MIKKI's POV

Kinabukasan ay napagdesisyunan ko na pumunta sa Sm manila dahil doon ako bibili ng favorite kong ice cream donut,Hindi ko na inaya sa dalawa dahil tulog pa 'to.Habang ako ay nasa bus ay tumawag sakin ang nanay ko.

"Anak?kamusta ka diyan?Sabi kase ng Lola mo dumalaw ka daw sakanya nung nakaraang linggo at umiiyak ka,May problema kaba anak?"Tanong ng nanay ko.

"W-Wala ma! May mga problema lang siguro tayo na hindi naten kaya solusyunan mag isa kaya nanghingi muna ako ng payo kay lola"Sagot ko.

"Tungkol ba 'to doon kay bryce?"Tanong pa niya.

"H-Ha? Ma wala po yun!"Banggit ko na may halong kaba.

"Ano kaba anak!okay na saken yon narealize ko Kase na ikaw na nga lang ang lalake sa buhay ko hindi pa kita hahayaan maging masaya,Atsaka anak gusto ko lang den magsorry!"Ani ng nanay ko.

"Huh? Para saan po?"Tanong ko.

"Sinabi ko kase doon kay bryce na layuan ka,Anak wag ka magagalit!Akala ko kase pag nilayuan ka niya e magkakagusto ka sa babae pero nagkamali ako,Nagkamali ako na magdesisyon sa buhay mo!Kaya naman kung ano man gusto mo,Suportado lang ako!"Sagot niya

Naiyak nalamang ako sa sinabi ng aking ina sa sobrang saya dahil wala na akong dapat Itago sakanya,Hanggang sa nakadating na ako sa Sm at kumain na ako sa resto na favorite ko,Hapon na at doon ko palang Natapos ang pagkain hanggang sa May tumawag saken.

"Hello?Mikki!Gusto sana kitang kausapin about kay bryce"Ani ni trisha

"Pano mo nalaman number ko?Atsaka ayoko makipag talo ha"Sagot ko.

"Hindi!Hindi ako makikipagtalo gusto ko lang linawin sayo ang lahat,Saan kaba ngayon?"Tanong niya.

"Okay,Okay kita nalang tayo sa may forth santiago malapit sa intramuros.

Ginabi na ako sa paglalakad at doon ko palang narating ang forth santiago,Sobrang dilim ng paligid dahil gabi naden nang biglang May nagsalita sa likod ko.

"Sa tingin mo makikipag ayos ako sayo no?No way!"Ani ni trisha.

"Baket may hawak ka na baril trisha?"Tanong ko.

"Papatayin ko siguro sarili ko?Tanga!Malamang gagamitin ko sayo!"Ani niya.

"Ano ba problema mo saken ha!Wala naman akong ginagawa sayo!"Sagot ko.

"Ahhh wala?kawawa ka naman!Inagaw mo lang naman yung boyfriend ko!"Pasigaw niyang sabi.

Dumaan ang limang minuto at dumating si adrian at chester nagtatangka sila na pigilan si trisha.

"Trisha pag usapan naten to!Ibaba mo yang baril mo"Ani ni chester.

"Trisha wag mo yang gawin!huminahon ka"Ani naman ni adrian.

"Kung hindi man mapupunta saken si bryce pwes pati sayo mikki sisiguraduhin ko na hindi kayo magsasama."Sagot ni trisha.

Sumunod naman dumating si migo,bryce at cherry.

"Wao diko alam nag hanap kapa ng backup!"Ani ni trisha.

"Trisha itigil moyan nagmamakaawa ako sayo!Please trisha pakinggan mo'ko huminahon ka!"Pagmamakaawa ni bryce.

"HOY BABAENG GARAPATA WAG KA NGA GUMAGANYAN!EKSENA KADEN E NO?GUSTO MOBA MAKAPASOK SA STAR MAGIC HA!"Ani naman ni cherry

Kinasa na ni trisha ang baril at pinutok niya ito bago pa man ako tamaan ay humarang si bryce saakin at pinaputukan pa ulit ni trisha ng isa pang beses at tumama ito pareho kay bryce.

"Mikki Sorry sa lahat ng ginawa ko.Marami akong atraso sayo,Sana mapatawad mona ako"Ani ni bryce na nakahiga na sa sahig.

"BRYCE! Wag kang pipikit bryce gumising ka!Alam kona yung dahilan bat moko Iniwasan noon sorry,Sorry kase di ako nakinig sa reasons mo!"Ani ko habang umiiyak.

"Okay lang yon mikki,Ang mahalaga ay alam mo na mahal na mahal kita,Eto yung kwintas na regalo ko sana sayo"Ani ni bryce.

"BRYCE!BRYCE!Gumising ka pleaseee!Bryce wag moko iiwan!Diba sabi mo walang iwanan!Diba sabi mo sabay tayong tatanda diba sabay tayo nagplano sa future!Bryce nagmamakaawa ako Wag ka susuko!"Ani ko habang umiiyak

Ngumiti lamang ito at pinikit niya na ang kanyang mata kaya naman agad siyang dinala ni chester at adrian sa ospital at kami nalang ni migo,Cherry at trisha ang naiwan at nilapitan ako ni Cherry.

"Wag niyo akong lalapitan!may isa pang bala 'tong baril ko."Ani ni trisha.

"Ano pa!Sino pa?!?Sino pang papatayin mo trisha ha!"Pasigaw na sabi ni cherry.

"Wala akong pinatay,Wala.Kung wala na si bryce!magsasama kami!!"Sagot niya.

Naluha siya at tinutuk niya ang baril sa ulo niya at binaril ang sarili.

"Trisha!"sigaw ni migo.

"Omg!"Sigaw ni cherry

Dumating na ang mga pulis at sinamahan na kami pumunta sa prisinto,Pagkatapos namin pumunta sa presinto ay pumunta na kami sa ospital para kamustahin si bryce.

"Nurse!nurse!Saan po dito yung room ni Bryce Rodriguez po,Yung nabaril"Tanong ko.

"Ahh doon po sa room na 202"Sagot ng nurse.

Bago pa man kami makapasok ay hinarangan kami ng doctor at naabutan namin si chester at adrian sa labas na umiiyak.

"Nurse ano napo nangyayare sa loob?"Tanong ko.

"Medyo critical ang lagay ng pasyente bumalik nalamang kayo bukas at doon naten malalaman ang resulta"Sabi ng nurse

Kaya bumalik na kami sa dorm at hindi kami mapakali at nadaanan namin nila migo yung River na kung saan makikita ang Shooting star.Umupo kami at hiniling ko sa Shooting star na sana mabuhay pa si bryce.

Matapos ang ilang oras ay bumalik na kami sa mga sarili naming dorm at nagpahinga na para malaman ang resulta bukas.