TRUTH OR DARE

Nasubukan niyo naba ang magmahal ng taong hindi pa handa magmahal ulit pero kahit anong tanggi niya at gawin niyang pagtaboy sayo e pagmamahal paden ang sinusukli mo.

MIGO's POV

Ilang taon ng wala si bryce pero siya parin ang hinahanap ni mikki pero sabi ko nga hindi ako susuko hanggang magustuhan niya ako.

*RING RING*

"Migo samahan mo nga ako pupunta lang ako sa office kase ilang taon na wala paden akong karoommate."Pagaaya ni chester.

"Osige Bro!mag aayos lang ako"Sagot ko.

Magpapaalam pa sana ako kay mikki ngunit kitang kita ko sakanyang mga mata ang pagod kaya hindi ko nalamang ginawa at dumiretso nalang ako kay chester.

"Tara na Bro samahan mo ako,,,Ang hirap kaya ng mag isa ka sa kwarto!Solo mo lahat pati yung bayarin"Pagrereklamo niya.

"Osige na nga,tara na!"

Pagtungo namin sa office ay sinabi ni chester na ilang taon na at wala pa yung dapat na karoommate niya pero sabi ng head ay may naka kuha nadaw ng room at by next week ay lilipat na siya.

Umakyat na muna kami sa room niya at napansin niya na katulala lang ako.

"Huy!Ano iniisip mo diyan ha"Tanong niya.

"Iniisip mo nanaman ba si mikki?Kung siya man ang gumugulo sa isip mo kausapin mo siya,,,Bigyan mo den siya ng time para makamove on."Ani ni chester.

"Pero Bro may problema kase,,,Natatandaan mo ba yung gabi bago yung graduation?"Tanong ko.

"Ahh oo yung nag bar tayo"sagot niya.

"Diba lasing na lasing tayo noon?Syempre ako diko napigilan na sabihin sakanya yung nararamdaman ko tapos muntik pa na may mangyari saamin"Pagkekwento ko.

"Huh?E parang noong graduation lang e okay pa kayo"Pagtataka niya.

"Kase kinaumagahan non tinanong niya ako kung may naalala daw ba ako na nangyari kagabi,,Syempre ako tinanggi ko alam ko kase na magkakaroon ng hiyaan pag inamin ko sakanya"Sagot ko.

Ilang oras pa ang lumipas ay tumawag na saakin si mikki at tinatanong kung nasaan daw ba ako at sabi ko ay may inasikaso lang kasama si chester.

Isang linggo na ang lumipas ay dumating na ang araw na pinakahihintay namin dahil pupunta kami sa siargao at magstestay kami doon ng 3days.

"Okay guys bilisan niyo na ang pag iimpake at baka hindi na naten maabutan ang sunset"Pagmamadali ni Cherry.

"Wait lang may inaya pa ako na isa pa nating kasama hintayin lang naten siya"Ani ni mikki.

"Hello po!My name is Josh highschool friend ni mikki."pagpapakilala niya.

"Oh ayan na pala siya,,,Inaya ko siya kase tumira siya before sa siargao ng 7years kaya mas okay na may kasama tayong alam talaga ang lugar"Ani ni mikki.

Sumakay na kami sa sasakyan at umalis na,,,Pagdating namin sa siargao ay nagbook na kami ng rooms sa resort

"Im sorry po sir wala po kase kaming rooms for groups ang available lang po is for couple"Ani ng nagbabantay.

"sige po ate 3rooms po"Sagot ni Cherry.

"Oh kampihan nalang tapos kung sino ang mataya siya unang mamimili ng karoom mate niya."Ani ni adrian.

"Okayyyy!Ikaw adrian!sinong bet mo na makasama sa room"Tanong ni Cherry.

"sino paba?Edi si baby ko"pabiro niyang sagot.

"Pasalamat ka wala akong choice"Ani ni chester.

"Okay wala ng next next!ikaw mikki kayong dalawa ni migo sa room tapos kami naman ni Josh sa isa pang room"Banggit ni Cherry.

Hanggang sa nakarating na kami sa mga room namen kaya naman sinimulan na namin ang pag aayos ng gamit.

"Excited nako sa mga mangyayari ngayong araw" Ani ni mikki habang nag aayos ng damit.

"Ako naman excited na sa mangyayari saatin mamayang gabi"Pabiro kong sabi.

Tumawa lamang siya at pinagpatuloy ang pag aayos ng mga damit at ilang oras pa ang lumipas ay nag aya na si Cherry para mag hapunan.

Pagkatapos namin kumain ay nag Aya naman si adrian na mag truth or dare doon sa pampang.

"Okayyyy paikutin na ang bote!"Pagmamadaling sabi ni Cherry.

*Tumapat kay chester*

"Oh chester truth or dare"Tanong ko.

"Truth"Sagot niya.

"Ako magtatanong ha"Ani ni adrian.

"Sino saamin dito ang gusto mo kausapin buong gabi"tanong ni adrian.

"Anobayan!Syempre ikaw,,,Ikaw lang naman kasama ko sa kwarto e"Sagot ni chester.

Nagsigawan sa kilig ang lahat at pinaikot na ulit ang bote.

*Tumapat saakin*

"Truth or dare migo"Tanong ni Cherry.

"Syempre truth"Sagot ko.

"Ikaw na magtanong Josh para maging super close mo sila"Ani ni Cherry.

"Sige sige!Kung may gusto kang sabihin sa isang tao sa grupo na'to anong gusto mong sabihin?"Tanong ni josh.

"Hmm gusto ko lang sabihin sa tao nayun ay sana wag niya isarado ang puso niya saakin at kaya ko namang maghintay e basta bigyan niya lang ako ng chance"Ani ko habang nakatingin kay mikki.

"Parang kilala koyan ha"Pabirong sabi ni chester.

Natapos na ang aming laro at nagsibalikan na sila sa kanilang mga room ngunit pagbalik ko sa room namin ay wala pa si mikki kaya sinilip ko siya sa labas at kita ko na nakaupo siya sa buhangin hawak hawak ang kwintas na binigay ni bryce.

"Ang lalim ng iniisip mo ha"Banggit ko habang tumatabi sakanya.

"Tingnan mo oh ang ganda ng buwan kaso kahit ano pa man ang ganda at liwanag niya dimo paden mapagkakaila na mag isa siya"Ani ni mikki.

"Hindi naman siya mag isa kasama niya yung mga stars,Iniisip lang naten na mag isa siya kase siya lang yung napapansin naten"Sagot ko.

"Ba't ka nga pala nandito e gabing gabi na"dagdag kopa.

"Meron lang akong naalala"Sagot niya.

"Si bryce?"

"Hmm oo,Siguro kung kasama naten siya ngayon mas masaya siguro tayo"Ani niya.

"Baket diba tayo masaya?"Pabiro kong tanong.

"Masaya naman pero....Basta! Yung kanina pala doon sa game naten sino sinasabihan mo non?"Tanong niya.

"Para yon sa pinakaimportanteng tao sa buhay ko siya yung nagpapasaya saken siya din yung nagpapalakas ng loob ko"Sagot ko.

"Ang swerte niya siguro no?"

"Ang swerte mo!"Pabulong kong sabi.

"Ha?"Pagtataka niya.

"Wala,Wala!Mahilig kaden pala sa Ben and Ben"Tanong ko sakanya.

"ahh oo!Nakikinig kaba saakin favorite song ko na ginawa nila"Sagot niya.

"Wao favorite koden yan e!Sana marinig den ng taong gusto ko na mahal na mahal ko siya"Ani ko.

"Ikaw talaga kung ano ano sinasabi mo!Tara na balik na tayo sa room medyo inaantok nako e"Pagaaya niya.

Bumalik na kami sa kwarto at dahil sa pagod ay nakatulog na kami.

CHESTER's POV

Pagkagising ko ng umaga ay ramdam ko na parang may nakayakap saakin.

"AHHHHHHH!"Sigaw ko.

"Ang ingay mo naman baby"pabirong banggit ni adrian.

"Anong baby kadiyan!pinagsamantalahan mo ako no?Napaka hayup mo!"ani ko sakanya.

"Anong pinagsamantalahan?Diko kayang gawin sayo yon baby"Sagot niya.

"Eh baket nakahubad ka at ako den nakahubad tapos,,,,Nakayakap kapa saken"Tanong ko sakanya.

"Anokaba!hindi kapa kase nagpapalit simula kahapon tapos kitang kita ko na pawis na pawis ka kaya hinubaran kita tapos nung naghahanap nako ng damit diko naman alam mga damit na gusto mo kaya Dina muna kita binihisan"Sagot niya.

"Eh ba't pati ikaw nakahubad?"Pagtataka ko.

"Ba't bawal bako mainitan?Atsaka para parehas tayo baby"Pabiro niyang sabi.

Agad na akong nagbihis at dumiretso na sa labas para mag umagahan.

Nagswimming lang kami buong araw at nag picture hanggang sa lumapit saakin si Cherry.

"May sasabihin ako sayo"Pabulong niyang sabi.

"Anoyon?"Tanong ko.

"Tara dito"Banggit niya habang hinihila ako sa isang sulok.

"Alam mo ba nakatanggap ako ng reply galing sa agency na inaaplyan ko at sabi nila next month daw ay pwede na ako pumasok"Ani niya.

"Naks naman! Icelebrate naten yan"Sagot ko.

"Kaso may problema....Sa Europe kase nila ako ipapadala kaya nga diko alam kung pano ko sasabihin kila mikki."Pagaalala ni Cherry.

"Basta habang maaga pa kailangan mo ng sabihin sakanila yon kase hindi pedeng bigla ka nalang aalis"Sagot ko.

Pagkatapos namin mag usap ni Cherry ay pumasok na muna ako sa kwarto para magpahinga hanggang sa ilang oras na ang lumipas ay wala paden si adrian sa kwarto kaya sinubukan kong lumabas para silipin siya at nakita ko siya na nakahiga sa buhangin at lasing na lasing.

"Ba't ka naman nagpakalasing ngayon adrian kita mong bukas na yung uwi naten Oh"Ani ko.

"Nasaan si chester?Gusto ko makita si chester!"Banggit niya habang lasing na lasing.

Napatigil ako sa sinabi niya pero pinagpatuloy ko ulit ang paghatid sakanya sa kwarto.

"Chester nasaan ka?"Ani niya habang lasing na lasing.

"Nandito ako!Maghintay ka lang diyan kukuha ako ng pamunas para sayo."Sagot ko.

Habang pinupunasan ko siya ay hinatak niya ang aking bewang papalapit sakanya at nilapit niya den ang kanyang muka saakin hanggang sa pati ang labi niya ay nilapit niya naden sa labi ko ngunit bago pa man magdikit ang aming mga labi ay bigla nalamang siyang sumuka.

"Anobayan adrian!Napaka babuy mo naman"Ani ko.

Tumango lamang ito at natulog na kaya naman pinunasan ko ang kalat niya at hinubad kona ang damit niya na may suka den pagkatapos ko siya linisan ay naglinis naden ako at natulog na.

Kinaumagahan ay nagiimpake na ang lahat dahil pabalik na kami sa aming dorm at bigla nalamang tumawag saakin ang nag aassist sa dorm at sinabing dadating na daw ang kasama ko sa room

Pagdating namin sa dorm ay nagpaalam na muna kami sa isa't isa at nagpahinga.

Kinagabihan ay tinawagan ko si migo para sabihin na ngayong gabi dadating ang bago kong karoommate.

"Bro may makakasama na ako sa room ko"Ani ko sakanya.

"Buti naman Bro at may kahati kanaden sa bayad"Sagot niya.

Hanggang sa kumatok na si Mrs.Chuvalu na nag mamay ari ng dorm.

"Okay...Chester,Right?"Tanong niya.

"Yes po!opo! Nandiyan na po ba yung bago kong karoommate?"Tanong ko sakanya.

"Ow yes!Okay Mr.Chester Please welcome your new roommate"

"ADRIAN!?!"Pagkagulat ko.