EMOTIONS

MIGO's POV

Pagkagising ko ay nakita ko na nagluluto na ng almusal si mikki kaya bumangon na ako at tinulungan siya at habang kami ay kumakain ay nagring ang cp niya.

"Apo baka naman pede kang dumalaw sa luma nateng bahay sa baguio wala pa kase akong kasama dito"Ani ng Lola ni mikki.

"Ahh Lola tatry kopo"Sagot ni mikki

Tinitigan ko si mikki at sinabing puntahan na niya muna ang Lola niya pero ang sabi niya ay hindi daw siya sanay mag byahe papuntang baguio kaya naman nagprisinta na ako na sumama

"Lola sige po pupunta na ho kami diyan ngayon!"Tuwang tuwa niyang sabi.

Pagkatapos namen kumain ay agad na kaming naglinis at nag ayos para makapunta na sa Baguio,,,Nang makarating na kami sa baguio ay bumungad saamin ang abot tengang ngiti ng kanyang lola.

"Oh mga apo!Buti naman at nakarating kayo na ligtas"Salubong na banggit ng Lola niya saamin.

"Ahh opo Lola,,,Meron napo ba diyang pang hapunan nagutom po kase kami ni migo sa byahe"Pagtatanong ni mikki.

Dahil sa haba ng byahe namen ay pagkatapos naming kumain ay nagayos na kami ng gamit sa kwarto.

"hystt!Tapos naden"Ani ni mikki.

"Pagod na pagod ka no?"Tanong ko sakanya.

"Kaya nga e!Tara higa na tayo"Ani niya.

Humiga na kami at ilang oras pa ang lumipas ay hindi paden ako inaantok.

"Mikki gising kapa?"Tanong ko.

"Oo,,,Di ako makatulog e"Sagot niya.

"Sige eto nalang para makatulog tayo,,,Ano nakikita mong ikaw sa future?"Tanong ko sakanya.

"Hmm nakikita ko na magiging magaling akong designer tapos magagawan ko ng damit yung mga sikat na personalities,E ikaw?"Banggit niya habang nakatingin saakin.

"Ako?Gusto ko lang makasama yung taong mahal ko tapos nakatira kami sa iisang bahay at sobrang saya namin,,Okay lang saken kahit anong trabaho basta para sakanya"Sagot ko kay mikki.

Pagkatapos namin magusap ay nakaramdam na kami ng antok kaya naman natulog na kami.

Kinaumagahan ay ginising kami ng Lola ni mikki dahil mamamalengke na daw muna siya at dinagdag pa niya na nagluto na siya ng almusal kay naman inaya kona si mikki para kumain.

"Ang sarap pala ng luto ng lola mo e"Ani ko sakanya.

"Syempre naman!Dito mo lang matitikman ang pinakamasarap na sinangag sa talambuhay mo"Sagot niya

Natapos na kami kumain at sinabi ni mikki na mauuna nadaw siya maligo kaya naman sinubukan ko siyang asarin at pumasok ako sa cr atsaka sinarado ang pinto.

"Huy anong ginagawa mo?Bat mo sinarado yung pinto"Pagtataka ni mikki.

"Gusto ko lang,,,Ba't bawal ba dalawa sa banyo?"Pilosopong sagot ko sakanya.

"Hinde!Pero sira nayang pinto namen sa labas nayan bubuksan,,,Sige ngayon pano tayo makakalabas ha?Hihintayin pa naten si Lola tapos kung ano pa isipin non."Ani ni mikki.

Hindi ko naman alam na sira pala ang pinto ng cr balak kolang sana ay asarin siya pero parang napapala ata.

Dahil sa sobrang init ay naghubad na ako ng damit.

"Ano ginagawa mo?"Tanong ni mikki.

"Ang init kaya!Kung ikaw gusto mo maghubad kaden"Sagot ko.

Laking gulat ko ng naghubad den si mikki at tumalikod nalang siya bigla dahil sa hiya at dahil hindi pa ako kuntento sa pang iinis ko ay yinakap ko siya.

"Bumitaw kanga!Mamaya may makakita pa saten kung ano isipin"Ani ni mikki.

"Okay lang yon atleast alam nilang akin ka"Sagot ko.

Habang pinapabitaw ako ni mikki ay bigla nalamang bumukas ang pinto at kitang kita ng Lola niya na magkayakap kami sa cr.

"Jusko ginoo mahabagin sa langit!"Pagkagulat na sabi ng Lola niya.

"Lola mali po yung iniisip niyo"Pagtatangkang paliwanag ni mikki.

"Kayo talaga mga apo!Sige magluluto na muna ako pasensya na at naistorbo ko kayo,,,Basta sa susunod sa kwarto niyo na gawin yan"Ani ng Lola ni mikki

"LOLA!"Sagot ni mikki.

Sumapit na ang gabi at natapos na kami kumain kaya napagdesisyunan ko na pumunta muna sa labas para mag muni muni.

"Lola ba't po kayo nandito"Tanong ko kay Lola.

"Ikaw ang dapat kong tanungin niyan,,Baket dimo samahan si mikki sa kwarto"Ani ni Lola.

"Gusto ko lang po muna mag isip isip dito"Banggit ko habang nakatitig sa mga bituwin.

"Ano ba sumasagabal sa isip mo apo?"Tanong saken ni Lola.

"Yung about po saamin ni mikki,,,Natatakot lang po ako na baka husgahan lang po kami ng mga tao at ayoko po na masaktan si mikki dahil saken"Ani ko kay Lola.

"Alam mo apo ang mga mapanghusgang mata ay kahit saang lupalop ka ng mundo makikita mo yung mga tao nayon pero ang dapat mo lang gawin ay magtiwala ka sa partner mo at magmahalan kayo dahil sa paglubog ng araw ang mahalaga ay masaya kayo sa isa't isa"Pagpapayo ni lola.

"Kayo poba Lola meron po ba kayong malaking problema ng Lolo ni mikki?Tanong ko sakanya.

"Haynako apo!Napakadami!Pero alam mo ang pinakamalaking problema?Ayun ay nagkagusto siya sa kapwa niya lalake,,,Sinabi kona kay mikki na naghiwalay kami ng Lolo niya pero diko nasabi ang rason"Banggit ni Lola

"Ha?nagkagusto po yung Lolo ni mikki sa sa lalaki?"Pagkagulat ko.

"Oo,,,Noong una sobrang hirap tanggapin lalo na at may anak na at magkakaapo na nga e pero pag tumibok ang puso ng isang tao sa iba hindi mo yon mapipigilan at noong panahon na yon e dipa tanggap ang ganong kasarian at kayo ay maswerte ngayon dahil marami na ang bukas ang isipin sa panahon ngayon"Pagkekwento ni Lola.

"Pano niyo po yun natanggap at diba po naging kayo ulet?"Tanong ko.

"Naging kami ulet pero yung puso namen hindi na,,,Natanggap ko siya kase naging mabuti siyang ama sa mga anak namin at tinanggap ko siya bilang tao dahil kahit minsan naman ay naging masaya ako sa piling niya,,,Nako apo gabi na samahan mona si mikki sa kwarto at matulog na kayo"Sagot ni Lola.

Nabigla ako sa sinabi ng Lola niya pero ang narealize ko ay kung mahalaga talaga sayo yung tao tatanggapin mo siya kahit ano mangyare,,,Pagpasok ko sa kwarto ay tulog na si mikki kaya naman sumabay na ako sa pagtulog niya.

Kinabukasan ay inaya ako ni mikki na mag bike hanggang sa nakarating kami sa napakagandang lugar,,,Mahangin,madaming puno at nasa taas ng bundok.

"Ang ganda no?Ang tawag dito ay Feel free mountain"Pagpapaliwanag ni mikki.

"Ha?Ba't Feel free mountain?"Tanong ko

"Kase pede mo isigaw dito lahat ng gusto mong sabihin then lahat ng problema mo pede mo den isigaw,,,No judgement kase wala naman ibang makakarinig niyan"Sagot niya.

Nagulat ako na may ganto palang bundok at ngayon lang den naman ako nakaakyat ng bundok napakaganda pala neto sa personal ang daming puno at mga bulaklak.

"Okay,Ako na muna sisigaw then after that ikaw naman"Pagpiprisinta niya.

"BWISIT NA BUHAY TO! BAKIT PORKET DESIGNER KAMI E NAPAKAHIRAP MAGHANAP NG TRABAHO!ANG SAKIT ANG SAKIT!"Sigaw ni mikki.

"Ikaw naman"Dagdag pa niya.

"TANGINA NAMAN BAKIT NIYO MINAMALIIT MGA DESIGNERS NAPAKA JUDGEMENTAL NIYO AT SANA MABAWASAN NA ANG SAKIT NA NARARAMDAMAN NI MIKKI!"Sigaw ko.

"Ang sabi ko Sigaw mo yung nararamdaman mo"Ani niya.

"Eh ayun yung nararamdaman ko e"Sagot ko.

Inaya akong umupo muna ni mikki saglit at tignan ang napakagandang view mula sa bundok,,,,Hanggang sa nagkaroon ako ng lakas ng loob na sabihin kay mikki ang nararamdaman ko sakanya.

"Mikki May gusto sana akong sabihin"Ani ko habang nakatingin sakanya.

"Sige Ano bayon?"Tanong niya.

"Basta Wag kang magagalit at wag kang lalayo saakin ha?"Ani ko sakanya.

"Oo naman!Ano bayon?"Tanong niya.

"Gusto kita!Pede ba na maging tayo na?"Banggit ko habang nakapikit.

Tumahimik saglit ang paligid nang biglang May nag ring na cellphone.

*RING RING*

"Mikki!Kamusta nakayo diyan ha"Pagaalala ni cherry.

"Okay lang naman cherry!Baket kapala napatawag?"Tanong ni mikki.

"A-Ahh A-Ano kase hehe diba nga kailangan na naten maghanap ng trabaho after graduation at diba ayun talaga plano naten?At ang Ano kase ay nakapasok nako sa trabaho"Pagpapaliwanag ni cherry.

"Wao naman cherry!Akala ko sabay tayo pero okay lang yan ang mas okay ay May trabaho kana!San kaba?Makati?Manila?Quezon?Saan?"Tanong ni mikki.

"Eto na nga mikki yung inapplyan ko ay medyo malayo kase sa Europe siya at next week na ang alis ko."Ani ni cherry.

"Ha?Bat naman ngayon mo lang yan sinabi?Diba May promise tayo na hindi tayo mag wowork abroad"Galit na banggit ni mikki.

"Wala na kase akong choice mikki kase maganda na opportunity naden yon para saakin."Sagot ni cherry

"Walang choice?Palagi kang may choice cherry!Tapos lahat ng to ngayon mo lang talaga sinabi saken kung kelan next week na ang alis mo"Banggit niya sabay patay ng cellphone.

Inaya na ako bumalik ni mikki sa bahay nila at pagkadating namen doon ay inaya na kami ng Lola niya magtanghalian at habang kami ay kumakain nag riring ng nagriring ang cp niya at hindi niya naman sinasagot.

"Apo Ano bayan?Bat hindi mo sagutin pano kung importate yan"Ani ng Lola ni mikki.

"Wala lang yan La wag mo na pong pansinin"Sagot ni mikki.

"Nako apo kung meron kang sama ng loob sa ibang tao nako hindi maganda yan dapat marunong tayong magpatawad at tumanggap"Pagpapayo ng Lola niya.

Natahimik lamang si mikki at pinagpatuloy ang pagkain,,,Hanggang sa sumapit na ang gabi ay hindi paden sinasagot ni mikki ang tawag ni cherry.

*RING RING*

"Buti naman at sumagot ka migo!Galit na galit ba saken si mikki?"Tanong saakin ni cherry.

"Bigyan mo na muna naten siya ng time para mag isip baka naguguluhan lang siya"Sagot ko.

"Pede bang kausapin mo den si mikki para naman bago ako umalis ay bati kami"pagmmamakausap ni cherry.

"osige sige ako bahala"Sagot ko.

Sinubukan ko kausapin si mikki pero pag pasok ko ng pinto ay nakita ko na umiiyak ito.

"Kung ipagtatanggol mo lang si cherry dito pwede kana lumabas"Ani ni mikki.

"Diko siya ipagtatanggol pero ang akin lang kausapin mo muna siya ng maigi at alamin yung sides niya para dika nag ooverthink diyan"Sagot ko sakanya.

"Napakinggan kona yung sides niya at malinaw na malinaw saakin lahat!"Ani niya.

"Tawagan mo lang siya kahit isang beses lang"Pagmamakaawa ko.

"Alam mo mabuti pa magsama kayo no!Umalis kanaden tutal parepareho naman kayo!"Sigaw saakin ni mikki.

Nabigla ako sa sinabi niya at lumabas muna para mag isip,,,,Hanggang sa napagdesisyunan ko na mag impake para narin sa ikabubuti ni mikki ngunit pagdating ko sa kwarto ay tulog na siya kaya hindi na ako nakapag paalam,,,Paglabas ko ng kwarto namin sinalubong ako ng Lola ni mikki.

"Oh apo saan ka pupunta?"Tanong ng Lola ni mikki.

"Ahh lola uuwi napo muna ako,,,Sasabay napo ako sa kaibigan ko meron naman po silang van e"Sagot ko.

"Oh sige basta magiingat ha"

Umalis na ako at pumunta na sa bahay ng kaibigan ko para sumabay papauwi sa dorm.

CHESTER's POV

Dahil nga sa pagkabigla ko na si adrian ang bago kong roommate ay nilagyan ko ng harang ang kama namin.

"Grabe talaga no sa dami dami ng tao ikaw magiging roommate ko,,Destiny,Right?"pabirong sabi ni adrian.

"Destiny kapa diyan as if naman na pinlano mo lahat ng 'to"Ani ko sakanya.

"Dimo ba ako wewelcome as your new roommate?"Tanong niya.

"Ay hehe syempre naman,meron!Maghintay ka diyan at ako bibili ng hapunan naten."Ani ko sakanya.

Pumunta ako sa may pinakamaangahang na noodle soup sa lugar namen dahil alam ko na baka hindi niya yon magustuhan,,,Pagbalik ko bago ko pa buksan ang pinto ay narinig ko na may kausap si adrian kaya pinakinggan ko muna ito.

"Anak sumama kana samin ng Tito mo na mag for good na sa states,Alam mo naman yung nagyari kay trisha diba?at ayaw namin na matulad ka sakanya."Ani ng tita niya sa telepono.

"Ma alam niyo naman po na madaming process ang kailangan gawin basta po dadalaw po ako diyan sa states at malay niyo po next week e pumayag po ako"Sagot niya.

"Osige basta pag gusto mo sumama ay tawagan mo lang ako para maasikaso nanamin ng Tito mo yung papers"Banggit ng tita niya

Natapos na ang kanilang usapan at pumasok na ako sa pinto.

"Sino kausap mo?"Kunwari kong tanong.

"Wala,wala yon"Sagot niya.

"Eto bumili na ako ng noodles Tara kumain na tayo"Ani ko sakanya

Pagdating namin sa lamesa ay nilabas kona ang pagkain at kita ko ang ngiti sa muka niya.

"Ano nginingiti ngiti mo diyan?"Tanong ko.

"Alam mo pala favorite ko ha!"Sagot niya

"Ha?Kumakain ka ng maanghang?"Pagkagulat ko.

"Hindi lang kumakain!Kase favorite ko ang spicy foods,Tara kain na tayo"Ani niya.

Fail ang plano ko,,,Pagkatapos namin kumain ay natulog na kami para magpahinga

Kinaumagahan ay Umalis ng maaga si adrian para maghanap ng trabaho,,,Gabi na at dipa den siya umuuwi kaya naman sinubukan ko na intayin siya sa may ilog malapit sa dati naming university.

"Naks naman nag mumuni muni,Ano iniisip mo diyan ha"Tanong niya habang tumatabi saakin.

"Oh bat ngayon ka lang?"Tanong ko.

"Miss moba ako?Wala kase akong masakyan kaya nilakad ko nalang pauwi."Sagot niya.

"Gago!"Sagot ko.

"Hmmm ang ganda ng langit oh tas kitang kita yung buwan ngayon perfect circle"Ani ni adrian.

"Perfect circle naman talaga ang buwan kaso nakikita lang naten siya minsan ng half kase natatakpan ng clouds"Sagot ko.

"Ahh para pala yang tao no?Hindi naten kilala yung tao dapat di naten Sila ijudge kase baka natatakpan lang sila ng emotion nila"Ani ni adrian habang tumitingin sa ulap.

"Alam mo isang araw makakakilala ka ng isang tao na magpaparealize sayo na walang mali sayo"Sagot ko sakanya.

"Gusto kita chester!hindi bukas At hindi sa ibang araw kundi sa mismong moment nato,,, Narealize ko na kailangan ko ng tulad mo sa buhay ko"Banggit niya habang hinahawakan ang kamay ko.

"Pero adrian"Ani ko.

"Walang pero pero chester,,,Gusto na kita matagal na at gusto ko na sana gustuhin mo den ako"Sagot niya.

Inaya ko na siya umuwi na muna sa dorm at pagdating namin doon ay naghubad nalamang siya at niyakap ako at nagtaka ako sa ginawa niya ngunit para bang nanigas ang buong katawan ko at hindi na ako nakapalag sinumulan niya akong halikan mula sa labi tungo sa leeg hanggang napahiga kami sa kama at May nagyari na nga saaming dalawa.

Kinaumagahan ay nagising nalamang ako na pareho kaming nakahubad ni adrian at nakayakap ako sakanya.

"Oh chester okay kalang ba?Walang masakit sayo"Tanong ni adrian.

"A-Ahh ano magbibihis na muna ako"Pagmamadali kong sabi.

Pumasok ako sa cr at saka tinawagan si migo at tinanong ko kung pede muna ako magstay sa dorm nila at sinabi niyang nasa baguio daw siya at nasa byahe siya pauwi dito sa dorm,,,Hanggang sa binuksan ni adrian ang pinto.

"Aalis ka?Baket?Nahihiya ka?"Tanong niya saakin.

"Pagod lang ako kagabi saka nadala lang ako ng libog!"Sagot ko.

"Tangina naman chester wala lang sayo lahat ng nagyari kagabi?"Tanong niya saakin.

"Alam mo naman na hindi ako ready sa gantong set up diba?Atsaka pede ba kalimutan nalang muna naten yung nangyari kagabi!Isipin nalang naten na parehas tayong nadala ng pagod non"Sagot ko.

"Kung ganyan pagiisip mo chester pwes ako hinde!"Sigaw niya saakin.

Lumabas siya ng kwarto at hindi na natulog sa dorm hindi ko alam kung saan siya nakituloy pero sa tingin ko na tama yon dahil ayaw ko na pareho lang kami masaktan sa huli.

Kinaumagahan ay wala paden si adrian sa dorm at nang tanungin ko ay nakitulog pala siya kila cherry kaya naman hinayaan ko muna siya.

*RING RING*

"Chester!Si josh to si migo kase diba sumabay siya saamin,,,Nabangga kase yung sinasakyan namin at nasa front seat siya at sila ni papa ang Malala ang tama,Pede bang puntahan niyo kami dito!Ikaw naden tumawag kay mikki dahil diko pa kayang sabihin sakanya"Ani saken ni josh

Kaya naman agad kong tinawagan si mikki para sabihin ang nangyari kay migo.

*RING RING*

"Mikki wag ka magugulat ah! yung sinasakyan kase nila migo ay nagkaproblema at nabangga sila at ngayon ay nasa hospital siya"Pagpapaliwanag ko kay mikki.

"Ha?Osige sigeee pupunta nako diyan!Sabay na tayong pumunta sa ospital"

Nang makauwi si mikki dito ay agad na kaming pumunta sa ospital para kamustahin sina migo.