HOLD ME TIGHT

MIGO's POV

Pagkatapos namin marinig ang kwento ni lolo ay napaisip ako sa maraming posibilidad na maaaring makapag hiwalay saamin ni mikki.

"Lolo pagkatapos po ng araw nayon nagkita pa ulit kayo ni Lolo Felix?"

"Hinde na apo dahil ang pagkakaalam ko ay kinabukasan non ay umuwi na siya sa baguio"Sagot ni lolo.

"Hinde pa siya umuwi"Ani ni lola lita.

"Huh?Ano po nangyare lola?"Tanong ni mikki.

"Nagstay pa siya ng isang linggo mag isa sa hotel dahil nagaantay siya na magbago ang isip ni bennie"Sagot nito.

"Grabe po talaga pag mamahal ni lolo kay lolo bennie"

"Mahal namin ang isat isa apo pero ayaw talaga samin ng tadhana"Sagot niya.

"Bago pa man kami lumuwas dito noon e palagi kana niyang bukang bibig at halos nga buong pagsasama namin ikaw ang kinekwento niya kaya naman hinayaan ko nalang kung ano talaga ang gusto niyang gawin"Ani ni Lola.

"Teka,Nasaan nga pala si Felix?Ayaw niya ba ako makita?"Tanong ni Lolo Bennie.

"Lo patay napo si Lolo felix"Sagot ni mikki.

Nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Lolo sa binanggit ni mikki.

Tumayo si Lolo Bennie at inayos niya na ang ibang ensaymada na binebake niya.

"Ang sarap po talaga ng ensaymada niyo"Ani ni mikki.

"Ahh oo,nagtitinda kase sila Bennie dati ng mga tinapay apo"Sagot ni Lola.

Pagkatapos namin kumain ay umuwi naden kami dahil nag aya na ang mama ni mikki dahil mag iimpake pa ito.

Pagkadating namin sa apartment ay ginabi na kami pauwi,Papasok na sana kami sa pinto nang bigla akong hinila ni mikki,Tumakbo kami papunta sa dorm.

"Mikki saan ba tayo pupunta?"

"Basta"Sagot niya.

Umakyat kami sa rooftop ng dorm.

"Nakakamiss umupo dito no?Tuwing may problema ako dati palagi mo ako pinupuntahan dito"Ani niya.

"Naalala mo pa yun?"

"Syempre naman!Tara,upo tayo"Banggit niya sabay umupo na kami.

Ang ganda ng mga bituwin at lahat ng ala ala namin dati ay parang bumalik ulet.

"Oh baket ka naka Busangot?"Tanong ni mikki.

"Hmm iniisip ko lang yung kwento ni Lolo Bennie kanina"

"Grabe talaga nagagawa ng pag ibig no?"Tanong niya.

"Kaya nga e,Mikki gusto ko sana hanggang pagtanda tayo paden"

"Syempre naman,Ikaw lang ang pinaka mahal kong lalake sa buong mundo"Banggit niya sabay tawa.

"Promise?"

"Promise!"Sagot niya sabay hawak sa kamay ko.

Habang hawak niya ang kamay ko ay nagkatinginan kami sa isa't isa at unti unting nagdidikit ang aming mga labi.

*RING RING*

"Grabe talagang timing to!"

Napangiti nalamang si mikki"Sagutin mo muna"

"Hello?"

"Migo,migo!"Pagmamadaling sabi ni Josh.

"Bad timing ka naman Josh"

"Sorry na!Pero kase pinapasabi saakin ni boss na pumunta ka daw sa office niya bukas,May nagawa kabang kasalanan?"Tanong ni Josh.

"Huh?Hindi ko alam"

"Basta maghanda kana,Ako kinakabahan sayo e"Ani niya.

"Sige,Sige salamat"

Binaba ko na ang phone at bumaba na kami ni mikki sa rooftop nang bigla naming nakasalubong sina chester at adrian.

"Uy ano ginagawa niyo dito?"

"Diba dapat kami ang magtatanong niyan?"Sagot ni adrian.

"Ayy oo nga pala dito kayo nakatira"

"Ahh namiss lang namin yung dorm saka ang dami den kaya naming memories dito"Sagot ni mikki.

"Eh kayo bat wala pa kayo sa dorm niyo?"

"Ahh eto kase si adrian nagaayang kumain sa labas"Sagot ni chester.

"Sakto!Nagugutom naden ako e"

Sabay na kaming lumabas sa dorm at naghanap ng kakainan at napadpad kami sa kainan malapit sa Office ni mikki.

"Masarap dito at Hindi kayo magsisisi"

Umorder na kami ng mga kakainin namin at habang kumakain ay nagkwentuhan muna kami

"Ay oo nga pala adrian natanggap kana ba sa inaaplyan mo?"Tanong ni mikki.

"Ahh bukas pa yung interview kaya nga medyo kinakabahan ako e"Sagot nito.

Pinagpatuloy na namin ang pagkain at nang matapos na ito ay nag paalam na kami sa kanila.

"Sige na mikki at migo mauna na kami ha"Pagpapaalam ni chester.

"Sige byee ter,bye adrian!"Ani ni mikki.

Naglakad na kami pauwi ni mikki at nang makauwi na kami dahil sa sobrang pagod ay nakatulog na kami agad.

Kinabukasan ay naghanda na kami para pumasok at nagluto na ako ng almusal namin ni mikki.

"Ano niluluto mo?"Tanong niya.

"Gising kana pala!Ang niluluto po ng inyong pinaka poging chef ay tapsilog!"

Ngumiti lamang siya at pinagpatuloy kona ang aking pagluluto,Nang matapos ang aking pagluluto ay kumain na kami ni mikki.

"Ang sarap talaga ng luto mo chef"Pabirong sabi ni mikki.

"Correction,Pinaka poging chef"

"Oo na"*sabay tawa*

Pagkatapos namin kumain ay nagbihis na kami at naghanda na para pumasok sa trabaho.

"Hatid na kaya kita?"

"Hinde na,Marunong naman ako pumasok mag isa atsaka isa pa meron ka pang pasok diba?Sumabay kana kay josh"Sagot nito.

Pagpasok namin ni josh ay pinatawag na ako ng secretary ni sir sa Office niya.

"Ano 'tong nababalitaan ko na ayaw mo daw turuan ang pamangkin ko?"Tanong niya.

"Huh?Sir tapos kona po sakanya ituro lahat kaso po diko po alam kung nakinig siya saakin"

"Sinasabi ng kapatid ko umiiyak daw si althea pag uwi sa bahay nila"Ani niya.

"Ang gusto niya po kaseng gawin ay magdate kami kaso po meron napo akong jowa"

"Ganon ba?"Tanong niya.

"Opo"

Pagkatapos namin magusap ni sir ay lumabas na ako ng pintuan.

"Migo!Okay kalang ba?Natanggal kana ba sa trabaho?Wala nako kasabay pumasok?Wala naden magbabayad ng pamasahe ko?"Banggit ni josh sabay luhod sa harap ko.

*binatukan ko siya*"Baliw!"

"Huh?So dika pa tinanggal?"Tanong niya.

"Hinde pa pero may plano ako"

"Ano yun?"

Binulong ko sakanya ang plano at bumalik na kami sa factory.

Ilang oras pa ay habang mag tatrabaho kami ay lumapit saakin si Althea.

"Migo napagisip isipan mo na ba?"Tanong niya.

"Anong sinasabi mo diyan?"

"Hmm sabi naman kase sayo e pede mo naman na ako ipalit sa boyfriend mo e"Ani niya.

"Pwede ba althea tigil tigilan mona ako,okay?Mahal ko si mikki at walang magbabago don!"

"Migo wala namang masama kung itatry mo e and isa pa sure ako na masasarapan ka"Banggit niya sabay hawak sa braso ko.

*inalis ang kamay niya sa braso ko*"Pwede ba althea Umalis kana?Nagtatrabaho ako"

Nagalit ito at umalis na.

Ilang oras pa ay lumapit ulit saakin ang secretary ni sir at pinapapunta ako ulet sa office nito.

"Althea?"

Ngumiti lamang siya at tinaas ang kanyang kilay.

"Uhm migo pinatawag kita dito para icongratulate"Ani ni sir.

"Tito?"Pagtataka ni althea.

"Huh?baket po sir?"

"Dahil sa tingin ko ay nakuha na ni althea ang lesson na dapat niyang makuha"Dagdag pa nito.

"Anong ibig sabihin nito Tito?"Tanong ni althea.

"This is your last day"Sagot nito.

"Noo!Sasabihin koto kay dad"Ani niya.

"Go ahead,Napagusapan na namin ng daddy mo at pinakita ko naden sakanya ang video"Sagot ni sir.

"Anong video?"Tanong niya pa.

Pinakita ni sir ang video na nilalandi ako ni althea kanina sa factory,Ang plano namin ni josh ay palihim na videohan si althea upang meron kaming proof sa mga sinasabi namin.

"Arghhh!"Sigaw ni althea sabay labas sa Office.

"Salamat nga pala migo ha"Ani ni sir.

"Ay wala po yun sir,Maraming Salamat po"

Lumabas naden ako sa Office at sinalubong ako ni josh.

"Success?"Tanong niya.

Tumango ako at nag apir kaming dalawa.