STAND BY THE TRUTH

MIKKI's POV

Bagong umaga nanaman at nagising ako na nagluluto na ng almusal si migo.

"Oh mikki gising kana pala"Ani niya.

"Ano niluluto mo?"

"Niluluto ko lang 'tong tocino,Ngapala kanina pa nagriring yung phone mo"Sagot niya.

"Huh?baket?"

Kinuha ko yung cellphone ko at nakita ko na andami nga nitong missed calls at text pero number lang naman nakalagay.

"Sino daw bayan?"Tanong ni migo.

"Hindi ko nga den alam e"

Paglakabasa ko ng mga text ay parang galing 'to sa boss ko at sinabi nitong wag ko na daw gawin yung mga pinagawa niya saakin.

Inaya na ako ni migo Para kumain at nang matapos kami ay nagligpit at naghanda na kami para pumasok.

"Hatid na kita"Pagaaya niya.

"Hindi na,Kaya ko naman e"

"Hahatid kita,Saka diko kasabay si josh ngayon"Sagot niya.

Pumayag nalamang ako at tumungo na kami sa work ko.

"Sige na mauna kana at baka malate kapa"

"Ingat ka ha,Text mo nalang ako kapag uuwi kana"Ani niya.

Umalis na si migo at pumasok na ako sa office ko.

"Mikki!Kanina kapa hinahanap ni boss"Salubong saakin ni francis.

"Huh?baket daw?"

"Hindi nga namin alam e pero narinig ko sa mga tao sa labas ay mainit daw ang ulo ni boss"Sagot ni kim.

"Kayo naman masyado niyong tinatakot 'to si mikki"Banggit ni Diana habang papalapit saamin.

"Ayan nanaman siya"Bulong ni Kim.

Naputol ang paguusap namin nang dumating ang secretary ni boss at pinapapunta ako sa office nito.

Pagpasok ko sa office ay nakatitig sakin ng masama si boss.

"Ba't niyo po ako pinapunta dito maam?"

"Nasaan na yung mga paper works na pinapagawa ko sayo?"Tanong niya.

"Huh?Maam nagtext po kayo saakin na wag ko napo gawin yun"

"So ba't ko pa hinihingi sayo?Ano ako nasisiraan ng ulo?"Ani niya.

"Maa~"

"Warning kona sayo 'to at kapag naulit pa na nagdala kapa ulit ng problema sa kompanya ko,sisante kana!Naiintindihan mo?"Ani niya.

"Opo"

Pagkalabas ko ng office ni maam ay bumungad saakin si Diana.

"Ba't ka nandito?pinatawag kaden ni maam?"

"Hinde,A-Ahh pinuntahan lang kita Dahil gusto kita damayan"Sagot niya.

"Salamat"

Bumalik na ulit kami sa office.

"Okay ka lang ba?"Tanong ni francis.

"Uhmm oo"

"Hayaan mo libre nalang kita mamaya sa kinakainan namen"Sagot ni Kim.

"Totoo ba yan Kim?"Pabirong tanong ni francis.

"Syempre si mikki lang no"Sagot niya.

Pagkatapos namin magusap ay pinagpatuloy nanamin ang pag tatrabaho at nagkaroon ako ng malaking problema.

"Oh mikki ano nangyayare sayo?"Tanong ni Kim.

"Nabura lahat ng designs ko"

"Huh?Pano naman nangyare yon?"Tanong ni francis.

Tiningnan ni francis ang computer ko at wala na talaga yung mga ginawa kong designs.

"Mikki tingnan mo 'to may natirang file sa trash mo"Ani ni francis.

Nakita namin na ito ay deleted since yesterday.

"So sinadya talaga siya burahin?"Tanong ni Kim.

"Tumpak!"Sagot ni francis.

Biglang tumayo si diana at magtatangka na sana siya lumabas kaso hinarangan siya ni francis.

"Hoy Diana!Diba naiwan ka dito kahapon?"Tanong nito.

"Oo,Baket?"Sagot niya.

"So May kinalaman ka sa pagbura ng files ni mikki"Tanong naman ni Kim.

"Excuse me?Bat ko naman gagawin 'yon atsaka fyi lang kailangan ng phone number ng May ari ng computer bago mo'to mabubuksan,Right?So pano ko naman malalaman mga number niyo e bawal ang magbigay ng details dito,Kaya pede ba umalis kayo sa dadaanan ko!"Sagot ni Diana.

Lumabas na si diana at dahil nga burado na ang mga files ko ay inulit ko nalamang ang mga designs ko.

Pagkatapos ng duty namin ay tinawagan ko na si migo Para sabayan na kami kumain nila Kim.

Pagdating ni migo ay tumungo na kami sa kakainan namen at napatulala nalang ako dahil napaka malas ng araw ko ngayon.

"Mahal?Ba't ka nakatulala?may problema kaba?"Tanong ni migo.

"Haynako kanina payan namomroblema"Sagot ni francis.

"Huh?Baket?"Tanong pa ni migo.

"Kase napagalitan siya ni boss at ang Malala ay nabura ang mga files niya sa computer"Sagot ni Francis.

Hinawakan ni migo ang kamay ko at ngumiti 'to saakin.

Kumain na kami at nang matapos ang pagkain namin ay biglang May magmessage sa cellphone ko.

"Mikki?Baket?"Tanong ni Kim.

Pinakita ko sakanila na May nagtext saakin ng "BACK OFF"

"Hala sino naman kaya yan?"Tanong ni francis.

"Meron kabang nakaaway sa company mo?"Tanong ni migo.

"Hindi ko nga den alam e"

"Hayaan mo mikki tingnan naten sa registration office kung kaninong number man yan"Sagot ni kim.

"Tama!Buti naman at ginagamit mo yung brain cells mo Kim"Pabirong banggit ni francis

Pagkatapos namin kumain ay nagsi uwian na kami ng bahay.

Kinaumagahan ay nagtext saakin si migo na May emergency daw sa factory nila kaya maaga siya pumasok at meron naden daw akong nakahandang susuotin sa sala at pati almusal,Napangiti nalamang ako dahil kahit nagmamadali siya ay inalala niya paden ako.

Pagpasok ko sa work ay sinalubong ako nina francis at Kim.

"Mikki alam nanamin kung sino yung nagtetext sayo"Ani ni francis.

"Sino?"

"Si Diana!"Sagot nila.

Doon ko palamang naalala na binigay ko nga pala kay diana yung number ko.

Kaya naman pinuntahan namin si diana sa office.

"Oh mikki gusto mo sabay na tayo mag lunch?"Tanong niya.

"Wao grabe naman pala kaplastikan mo diana"Sagot ni kim.

"Diana baket?"

"Anong baket?"Pagtataka niya.

"Maang maangan kapang babae ka?Alam namin na ikaw lahat ang nagbigay ng mga problema kay mikki!"Sagot pa ni kim.

"Mikki?Naniniwala ka sakanila?Baka nga sila yung nagbura ng files mo e,Atsaka diba sinabi ko naman sayo yung past namen at ayoko yun maulit"Ani niya.

"Diana wag na tayong maglokohan dito"

"Totoo yung sinasabi ko mikki!Yang dalawa nayan ang May dahilan lahat ng mga nangyayare sayo"Sagot niya.

"Alam mo pwede mo ng palitan si satanas dahil sobra na Yang kasamaan mo,Imagine kami sisisihin mo sa pagalis ng dati nateng kasama dito?Well in fact matagal mo nang plano na paalisin lahat ng sa tingin mo mas magaling sayo"Sagot ni kim.

"Tama na kim"Pagaawat ni francis.

Naputol ang usapan namin nang pumasok ang secretary ni boss at pinapapunta kami sa office niya.

"Francis ako na ang sasama dito kay mikki"Ani ni kim.

Tumungo na kami sa office.

"Baket kayo nagkakagulo sa sarili kong kompanya ha!?Mga wala kayong konsiderasyon!"Galit na banggit ni maam.

"Maam nanamihik lang po ako sa office tapos bigla nila akong sinugod"Sagot ni Diana.

"Pero maam~"

"Manahimik!"Sigaw niya.

"Ganto po kase yan maam si diana po ang dahilan kung baket hindi napasa ni mikki yung paper works niya at si diana din po ang May dahilan kung baket nawala yung mga designs ni mikki"Sagot ni kim.

"Osige diana magsalita ka"Ani ni maam.

"Wala po akong alam sa lahat ng sinasabi nila,Matagal napo ako sa kompanya na 'to at Hindi ko magagawa kahit kanino man yon"Sagot niya.

"Ikaw mikki binalaan na kita,Ilang beses paba kita dapat sabihan dahil diyan sa kapabayaan mo?!?"Ani ni maam.

"Pero maam hindi naman po si mikki ang May kasalanan"Sagot ni kim.

"Pinapasagot kita?"Tanong niya kay kim.

Nakita ko na nakangiti si diana sa gilid.

"Gusto niyo bang alisin ko kayong dalawa sa designing team ha?"Tanong ni maam.

"Maam sa tingin kopo hindi sapat na alisin lang sila sa designing team lalo napo Yang kim nayan!"Ani ni diana.

"Ano pabang dapat gawin ha?"

"Sa tingin kopo maam bigyan niyo napo sila ng resignation letter para po mapaalis na sila sa kompanya kase mauulit lang po yan kapag nanatili sila dito"Sagot ni Diana.

"Pero maam~"

"Mae!Kumuha ka ng resignation letter!"Sigaw ni maam.

Siguro nga hindi ako Para sa kompanya na 'to pero ang masakit ay nadamay ko pa si kim.

"Maam eto na po oh"Ani ni mae sabay abot ng resignation letter.

"Maam ba't po isa lang yung resignation letter?Dapat po kasama yung isa,Mae kumuha kapa nga~"Pinatigil si diana sa pagsasalita.

"Lumabas kana mae"Ani ni maam.

Nakita ko na naluluha si kim na mas lalong nagpasakit sa damdamin ko.

"Diana kunin mo yung ballpen ko"Ani ni maam.

"Eto napo"

"Pumirma ka!"Sagot niya.

"Ako maam?diba po sila?"Pagtataka ni Diana.

"Kala mo diko alam mga pinag gagawa mo?At isa pa sino ka Para utos utusan ako sa sarili kong kumpanya?Pumirma ka?!"Ani ni maam.

Nagulat kami ni kim sa nangyare.

"Hindi ako tanga Para maniwala kung kani kanino dahil ako mismo ang magiimbestiga,Tandaan niyo yan!Kaya Diana magligpit kana ng gamit mo at umalis ka sa kumpanya ko!"Sigaw ni maam.

Umalis naden kami ni kim sa office at pagbalik namin ay nakita namin na paalis na si diana at tinignan niya lang kami at pinagpatuloy niya na ang paglalakad.

"Wala na si diana?"Tanong ni francis.

"Oo"

"Buti naman,Matagal nakong duda diyan sa babaeng yan e"